Chapter 19 [Awareness]

Kent Axel's Point of View.



Habang kumakain ay tutok na tutok si Saji sa sarili niyang pagkain kaya napangisi na lang ako at kumain na lang rin. "Grabe ang sarap naman dito." Masayang sabi ni Saji kaya tumango tango ako bilang pag sangayon.

Kumain lang kami ng iba't ibang putahe but mostly is yung pinainitan lang or steam lobsters. Matapos namin kumain ay nabayaran na pala ni Zai ang mga kinain namin kaya umalis na lang kami but before that luminga ako sandali sa buong paligid.

"Saan tayo dederetso?" Tanong ni Saji kaya naman napaisip ako.

"Kahit saan." Sagot ko.

"Ihahatid na lang muna kita sa hotel room mo gusto mo ba?" Tanong ko.

"Pwede rin pero--"

"Kami na bahala sa susuotin mo." Sagot ko at inakbayan na siya tapos ay tinangay sa kung saan.

"Makahablot naman! parang bag lang ako ah." Reklamo niya pero hindi ko siya pinakinggan.

"Tara na." Nang maihatid ko siya sa kwarto niya ay tumawag ako ng staffs namin rito sa hotel. "Yes sir?" Tanong niya sa magalang na paraan na sinabayan pa niya ng pagyuko.

"Buy her some clothes to wear, A decent one and buy her some swim suits that is also decent." Nangunot ang noo niya at alanganing tumawa.

"P-Papaano pong decent sir?"

"Simple lang yung hindi makikita ang mga dapat hindi makikita." Napalunok ito at bahagyang yumuko na lang kaya umalis na ako at tsaka ako dumeretso sa pad ko dito sa taas.

"Sir magkano po ang budget natin?"

"Just buy her some I don't care about the budget. Use this." Dinukot ko ang wallet ko tapos ay inabot sa kaniya ang ATM card ko.

"Yes sir." Yumuko ito muli kaya pumasok na ako sa elevator at pumunta sa solong floor ko.

"Nang makapasok ay sinenyasan kong lumabas ang mga staff na nasa loob kalaunan ay mabilis naman silang sumunod sa akin dumeretso ako sa kama at pumikit.

Makalipas ang ilang oras ay bumuntong hininga ako at tumayo upang magbihis dahil balak kong magtambay sa beach. Nabasa ko rin kasi ang text ni Hyung Zai na lalangoy sila.

Nang sandaling matanaw ko sila sa dalampasigan ay nakita ko rin sila mom at dad na kasama si Laze kaya tumikim ako ng makalapit sa kanila. "Kagigising mo lang?" Tanong ni Hyung Zai.

"Mm pagod ako." Mahinang sagot ko at tsaka ako naupo sa mismong pinong pino na buhangin.

Nakita ko naman si Saji na nakasuot ng rush guard nakatampisaw ang mga paa at nilalaro ang mga tubig sa bawat alon. "Laze don't catch them all.. Papakawalan mo rin 'yan ah." Napalingon ako kay Laze at nakangiti siyang nilapitan.

"Are you catching baby crabs?" nakangiting tanong ko kay Laze.

"N-Ne.." Sa pagsagot niya ay inilahad niya ang kamay sa akin at doon ay nakita ko ang tatlong maliliit na crabs sa kamay niya na nakukuha niya sa bawat sand.

"Sasakay daw ba tayo?" nalingon ko si Saji na nakaturo sa yate kaya naman nilingon ko si Hyung Zai na patango tango kaya naman nilingon ko sila mom at dad.

"Let's go mom, dad." Nakangiting sabi ko at dahil katabi ko na si Laze ay binuhat ko na siya dinala niya naman ang bucket na may buhangin at tubig tapos nilagay niya doon ang mga mahigit apat o tatlong maliliit na crab.

Nang makasakay ay dumeretso ako sa mauupuan ay ibinaba si Laze kasama si mom. Habang naglalayag ay napalayo na kami at sa kalagitnaan ng byahe ay mas bumilis ang yate.

"Ingat kayo sa parteng iyan madulas diyan." Paalala ni dad kay Saji at Hyung Zai na kumukuha ng litrato.

"Ang ganda naman dito." Nakangiting sabi ni Saji.

"Syempre, Palawan ata ito." Nakangisi kong sabi.

"Laze come to lola." Mahinang sabi ko at tsaka inagapan ng kamay ko ang braso niya.

Habang tahimik na nanonood sa katahimikan ng dagat ay tumayo ako ngunit halos pabalik ako sa kinauupuan ko ng biglang parang tumama kami sa kung ano ngunit ganun na lang nanlaki ang mata ko ng makita kong mawalan ng balanse si Saji na nasa railings na hanggang bewang niya ang taas.

"SAJI!"

"OH MY GOD!"

Nanlaki ang mata ko at mabilis na walang alangan na tumalon mula sa pinakataas ng yate at hinanap siya, Sobra sobra ang kaba ko ng matanaw ko siya na paibaba sa tubig dahilan para mas bilisan ko ang paglangoy.

Ngunit nang malapitan ay napagtanto ko na wala siyang malay ay hinila ko siya pabalik sa kung saan may hangin. Nang mai-angat ay nakita kong nasa tubig na rin si Hyung Zai.

"Take her!" Malakas at humahangos kong sigaw pilit na nilalabanan ang malakas na alon nang makuha siya ay sunod akong umangat.

"Did she bump her head? Why is she unconscious?" Nag-aalalang tanong ni mom kaya bumuntong hininga ako.

"Compression." Mahina kong sabi sa hindi inaasahan ay mabilis na sumunod si Hyung Zai tapos ay tinignan ko naman kung kumusta ang tibok ng pulso niya.

"Saji.." Pag gising ko rito sa next compression ay umubo ubo siya dahilan para makahinga ako ng maluwag.

"How do you feel?" Tanong ni Hyung Zai at tinapik tapik ang likod ni Saji na umuubo pa rin.

"Ayos ka lang? Nauntog ka ba?" Tanong ko pero ng makita niya ako at bigla akong nagtaka sa pagtingin niya sa akin tapos ay tinignan niya si Hyung Zai.

"What the hell?" Gulat niyang sabi.

"Napano ka?" tanong ko.

"T-Teka." Nagtaka ako ng iiwas niya ang mukha ng pipisilin ko na sana ang ilong niya tapos tinitigan niya lang ako.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

Nagkatinginan kami ni Hyung Zai lalo na ng bigla ay mappaikit si Saji hawak ang sariling sentido.

"Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ko.

"Saji." Pagtawag ni Hyung Zai.

"Bumalik na tayo sabihan mo ang captain." Utos ni mom kay dad kaya naman nag-aalala kong tinignan si Saji.

"Ang sak— sakit." Hirap niyang sabi.

"Bakit? Anong nangyayari Hyung?" nag-aalala kong tanong.

"I-It's normal because I think she's having it already. Let her." Sagot niya kaya nangunot ang noo ko, Having it? Having what?


***


Week past..

Bumuntong hininga ako ng mapadaan sa kwarto ni Lauren, wala na naman siya sa kwarto niya hindi siya rito umuwi.

Hindi ko rin maintindihan, hindi kami maayos. Hindi ko maayos gusto kong ayusin pero parang kahit anong subok ko wala pa rin.

Nagtataka rin ako kay Saji, after that incident hindi niya ako masyado kinikibo. Naninibago ako dahil madalas siyang tumatawa, ngumingiti pero ngayon wala.

Ang tahimik, parang ang lalim ng iniisip. Napakagulo nga naman. "Kent Axel gabi na't ano pang inaantay mo diyan?" Nalingon ko kaagad si mom kaya naman matipid akong ngumiti.

"Nagpapahangin lang mom." Nakangiti kong sagot.

"Si Zai ba eh hindi umuwi ngayon?" Nagtaka naman ako at nilingon ang parking lot ngunit hindi ko namataan ang sasakyan niya.

"Maraming kaibigan si Hyung Zai, kaya po baka bukas na ang uwi non." Sagot ko.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang dalhan kita ng gatas upang makatulog ka na?" Tanong ni mom kaya ngumiti ako at inakbayan siya.

"Sabay na lang tayong mag gatas sa ibaba mom." Sagot ko.

"Asus." Natatawa niyang sabi.

Nang makarating sa kusina ay sinusulyap sulyapan ako ni mom, nakaupo kasi ako sa stall habang siya nasa ref.

"Bakit mom?" Tanong ko.

"May problema ka ba?" Biglang tanong niya kaya naman matipid akong ngumiti.

"Broken Hearted ka ba anak?" Napamaang ako sa tanong ni mom.

"Bakit niyo naman natanong mom?" Tanong ko.

"Ramdam ko ang anak ko kung may problema sila, nasasaktan o 'di kaya bigo sa pag-ibig." Lumabi ako sa sinabi ni mom lalo na ng maupo rin siya.

"Pansin rin kita nang nakaraan pa, kayo ba ni Saji ay may relasyon?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mom.

"Mom we're best friends, ayon ang relasyon naming dalawa." Natatawa kong sagot.

"Hmm parang parehas kayong bigo sa pag-ibig, nang nakaraan ay halos hindi kumibo ang batang iyon. Ikaw naman ay ng nakaraan pansin kong parang ang bigat bigat ng dala dala mo." Mahaba habang sabi ni mom.

"Wala akong hawak—"

"Huwag mo akong pilosopohin, ikaw ba'y may nobya?" Lumabi ako, napaisip sa tanong ni mom.

"Walang kami mom, pero parehas kami ng nararamdaman." Pabulong kong sabi.

"Walang label? Grabe uso pa pala yan ngayon." Mahina akong natawa sa sinabi ni mom.

"Uso ba yan noon mom?" Tanong ko.

"Fake relationship ang uso noon." Ngisi ngising sabi ni mom kaya lumabi ako.

"Ano't nalulungkot ka? Hindi ka ba sinasagot?" Tanong niya kaya natahimik ako.

"Mom, pag ba lasing ka manghihila ka ng basta basta para manghalik?" Nagbabakasakali kong tanong.

"Oo naman, ganoon ako sa daddy mo noon at ganoon rin siya. But if that girl pull other guys leave her, that's not enough reason to kiss other man." napatitig ako kay mommy sa sinabi niya.

Kinabahan rin ako.

"Drunk is just an excuse to satisfy their needs and body heat." Dagdag ni mom kaya napainom ako ng gatas at tumikhim.

"Nanghalik ba ng iba ang babaeng napupusuan mo?" Tanong ni mom kaya naman napatikhim ako at hindi sumagot.

"Sabi ko sa'yo anak si Saji na lang." Natawa na lang ako.

"Magkaibigan kami mom, nakakasuya naman kung ganon." Natatawang sabi ko pa.

"Why not? She's nice, masyadong totoo sa sarili. Madalas sa babae nako mahinhin pero siya naalala ko sa kaniya ang Tita Bea mo." Ngumisi na lang ako.

"Maingay?"

"Well, Kinda." Natatawang sabi ni mommy.

"Kung ganoon sino ang nobyo ng batang iyon?" Tanong ni mom kaya naman napakibit balikat na lang ako.

"Wala rin akong Idea mom."

"Mom kung ipapakilala ko ba yung babae na nagugustuhan ko susuportahan mo ako?" Tanong ko kinakabahan nangunot naman ang noo ni mom.

"May dahilan ba para hindi kita suportahan sa nararamdaman mo?" Unang tanong pa lang ni mom ay pakiramdam ko alam niya na ang dahilan.

"Meron mom.." Kinakabahan kong sagot, napatitig siya sa akin ng may pagtataka.

"Ano naman?" Tanong ni mommy kaya huminga ako ng malalim.

"I like Lauren mom." Kinakabahan kong sabi at dahil doon ay napatitig sa akin si mom ng matagal.

"No, I love her.." Bulong ko.

"Matagal na mom, Matagal na akong nagtitiis dahil nga kahit hindi kami magkadugo sa mga mata niyo magkapatid kami." Pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga dahil sa titig ni mom.

"Natatakot akong sabihin sa inyo dahil baka maapektuhan ang kalusugan niyo." Bumuntong hininga si mom.

"Magpapahinga na ako." Ayon lang ang sagot niya.

"Mom.."

"Hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ang sagot ng hindi ka nasasaktan anak." Mahina niyang sabi tapos ay huminga ng malalim at tsaka nauna ng umalis sa harapan ko kaya napapikit ako at tsaka ko inubos ang gatas.

'Mukhang tama si noona..'


***


Habang naglalakad papasok sa school ay huminga ako ng malalim at tsaka deretso lang ang tingin, parang iniiwasan rin ako ni Saji kaya naman aasarin ko na lang siya baka sakaling makasagap ako ng impormasyon.

Inilinga ko ang mata upang mahanap siya pero napangiwi ako ng hindi ko makita ang isang 'to. Nang makita ko siyang may hawak na chuckie ay napangisi ako at mabilis na lumapit ng makalapit ay inakbayan ko siya kaagad.

"Kumusta?" Panimula ko pero nilingon niya ako at mabilis na inalis ang pagkaka-akbay ko sa kaniya kaya nagtaka ako.

"Problema mo?" Tanong ko at inakbayan siya ulit.

"Kent Axel ano ba." Mahina niyang sabi at tsaka huminga ng malalim.

"Wae?" Kwestyon ko.

"Siguro tama si mom 'no?" Nangunot ang noo niya tapos tinignan ako.

"Bakit?" 

"Na broken hearted ka daw siguro, ano ba ginawa sa'yo ni Aries?" Tanong ko.

"W-Wala, wala naman siyang ginawang kung ano." Mahina niyang sagot.

"May problema ka?" Tanong ko.

"Marami, kung iisa-isahin ko baka wala kang maintindihan." Mahina niyang sagot, hindi ako sanay sa pagiging mahinahon niya mas sanay ako sa ingay niya.

"Bumagsak ka ba?" Tanong ko.

"Parehas tayong first, mangarap ka." Sagot niya kaya natawa ako.

"Ilang araw mo akong iniiwasan, ilang linggo pala." Pag-lilinaw ko pero hindi niya ako inimik.

"Mauna ka na sa classroom."

"Hindi mo na ba ako best friend?" Tanong ko.

"Mauna ka na sa classroom may kakausapin pa ako." Seryoso niyang sabi kaya naman tumango tango ako at tsaka ngumiti na lang at mahinang binigyan siya ng pat sa ulo dahil mas matangkad naman ako kahit matangkad siya.

"I'll see you later." mahinang sabi ko tumango lang siya at lumihis na ng daan.


Third Person's Point of View.


Nang makarating sa locker si Saji ay mabilis niyang isinara ang pinto doon at nilock, sakto rin na nagpakita si Lauren mula sa tapat ng locker ni Kent Axel.

"I don't know why are you like that, Lauren." Mahinang sabi ni Saji.

"There's a different vibe and aura right now." Ngumisi si Saji sa sinabi ni Lauren.

"You're a flirt, you know that?" Inis na sabi ni Lauren ngunit halos magulat siya ng mabilis na lumapit sa kaniya si Saji at tinulak siya sa locker malakas na tumama ang likod ni Lauren doon na ikinagulat niya.

"Ako pa talaga? Ang tagal kong nagtiis, ang tagal kong nanahimik. Ngayong alam mo ng gusto ko siya sa tingin mo ba may magagawa ka kung sasabihin mo sa kaniya ang nararamdaman ko?" Mahabang sabi ni Saji.

"I knew it." Ngising sabi ni Lauren.

"I know it already, since last week." Sagot ni Saji.

"Hindi ka niya gugustuhin dahil kaibigan lang ang tingin niya sa'yo." Mayabang na sabi ni Lauren habang si Saji nanatiling tahimik at blangko.

"At sa tingin mo mamahalin ka pa niya pag sinabi ko na ang nalalaman ko?" Nagbabanta ngunit nang-aasar na sabi ni Saji.

"S-Sinabi niya sa'yo?" Gulat na sabi ni Lauren.

"At bakit hindi?" Kwestyon ko.

"You two just met!" Malakas na sigaw ni Lauren.

"You think so? We just met? Crazy." Nakangising sabi ni Saji na ikinataka ni Lauren.

"Did you two plan this?!" Malakas na sigaw ni Lauren at itinulak si Saji.

"Tanga ka ba?" Kwestyon ni Saji.

"Ano tanga ka ba?!" Sigaw ni Saji at akmang sasaktan niya na si Lauren ngunit mabilis na pumikit si Lauren.

"Buntis ako!" Malakas na sigaw ni Lauren.

"W-What?" Gulat na tanong ni Saji at umayos ng tayo.

"Kaya wala na kayong pag-asa ni Kent Axel kahit pa may nagawa ako." Dagdag ni Lauren na ikinatahimik ni Saji sa loob loob niya ay nasaktan siya.

"Where are your proofs?" Tanong ni Saji mabilis naman na kinuha ni Lauren ang isang envelope at inabot ito kay Saji, nanginginig ang kamay ni Saji na binuksan ang envelope.

Nang makita ang laman ay tila namanhid siya at tsaka tumango tango tapos ay basta basta na lang binitiwan ang envelope at umalis na doon sa locker room. Nang makalabas ay tumulo ang mga luha niya sa mata at mabilis na inilabas ang cellphone upang tawagan ang kuya niya.

"O-Oppa.."

"S-Saji, why are you crying?" Sabi sa kabilang linya, bahid ang pag-aalala doon.

"Lauren is pregnant with him. With Kent." Matapos sabihin yon ay nasapo ni Saji ang bibig dahil sa sakit na nararamdaman.

"W-What?!" Gulat na sabi ng kuya ni Saji sa kabilang linya.

"I saw proofs."

"Sinabihan na kita una pa lang Saji. Sinabihan na kita na masasaktan ka lang sa kaniya! noon pa man nasaan ka ngayon?" Galit na sabi ng kuya ni Saji.

"On the way to parking, I'm going home."

"Don't you dare do shits on your condo, pupuntahan kita." Hindi na nagawang sumagot ni Saji dahil nag-uunahan ang mga luha niya.

"Saji answer me--"

"Sana hindi ko na lang siya nilapitan una pa lang oppa, hindi ko naman alam. Hindi ko pa alam." Mahinang sabi ni Saji habang umiiyak walang nasabi ang kuya niya sa kabilang linya at tangin buntong hininga lang ang nasabi nito.



///

@/n: Enjoy reading, abang sa next update hihi keep safe lalo na sa mga naapektuhan ng bagyo lovelots!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top