Chapter 18 [Vented Anger]

Kent Axel's Point of View.



Lumapit si Hyung Zai sa akin. "Matigas yung Libog na 'yon ah." Nangunot ang noo ko tapos tinignan si Hyung Zai.

"Libog?" Tanong ko.

"Pangalan ng kausap ni Lauren." Sagot niya kaya naman mahina akong natawa.

"Levi." Pagtatama ko pa.

"Libog nga gusto kong pangalan niya, yabang ampota." Gitil ni Hyung Zai.

"Isa rin yang si Lauren, parang tanga." Ngumiwi na lang ako tapos tinanggap ang inaabot ni Saji na maiinom.

"Salamat."

"Bakit ano namang ginawa sa'yo po?" Tanong ni Saji.

"Sabi ko paalisin na usap pa amp, akala naman may pag-uusapan." Nguwing sabi ni Hyung Zai kaya ngumiwi na lang ako at tsaka tahimik na ininom ang malamig na choco na gatas ata o gatas na choco.

"Sama kayo sa akin?" Tanong ko sa kanila.

"Saan?" Tanong ni Hyung Zai.

"Kakain sa labas.." Sagot ko nanlaki ang mata nilang dalawa.

"Libre mo?" Tinanguan ko na lang si Hyung Zai na atat basta libre.

"Mauna na kayo ni Saji sa labas, sunod ako bibihis lang tapos kuha pera." Sagot ni Hyng Zai kaya naman sinenyasan ko si Saji nakangiwi itong sumunod sa akin kaya naman ng mapadaan kila Lauren ay ngumiwi na lang ako.

Nang malagpasan sila ay natigilan ako ng may humawak sa kamay ko kaya natigilan ako at nilingon ito. Nang mapagtanto na si Lauren ay blangko ko siyang tinignan.

"Saan na naman kayo pupunta?" Malamlam ang mata niya kaya naman hinarap ko siya.

"Kakain." Sagot ko.

"Again? parati na lang kayong magkasama." Hindi ako umimik sa sinabi niya.

"Madali naman ako kausap Lauren, simpleng pakiusap na paalisin mo na siya dahil pinaiinit niya ang dugo ko hindi mo magawa. May hindi pa tayo napag-uusapan alam mo ba 'yon?" Sagot ko.

"But do you have to go?" Ngumiwi ako tapos inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"We're siblings right? Then stop, stopping me." Sarkastiko kong sabi at iniwan siya doon pero halos mapalingon ako agad ng marinig ang daing ni Saji.

"Lauren!" Mabilis kong sita at umawat lalo na ng ayaw niyang bitiwan ang buhok ni Saji.

"Ano ba Lauren! wala naman akong ginagawa sa'yo!" Reklamo ni Saji at inaalis ang pagkakasabunot sa kaniya ni Lauren.

"Lauren bitaw!" Malakas kong sabi.

"Kasalanan mo!" Sigaw ni Lauren.

"Kasalanan mo lahat!" Umawang ang labi ko tapos mabilis na inalis ang pagkakasabunot niya kay Saji.

"Enough!" Sigaw ko ng hindi siya maawat ngunit ganon na lang ang gulat ko ng mabilis na may malakas na kamay ang pumalo sa pulsuhan ni Lauren at dahil doon ay nabitawan ni Lauren si Saji.

"What the hell is wrong with you?" Nakita ko ang talim ng tingin ni Hyung Zai kay Lauren.

"Grabbing someone's hair to fucking vent your anger!?" Natigilan si Lauren at masamang tinitigan si Saji.

"Mas matanda ka pero utak langgam ka, isip bata--" Natigilan si Hyung Zai ng malakas siyang sampalin at dahil doon ay nakaramdam ako ng inis.

"'Wag kang makialam rito!" Sigaw ni Lauren kay Zai.

"At sa tingin mo hahayaan kitang saktan lang siya!?" Sigaw ni Hyung Zai.

"Nasa taas ako, nakita ko. Susunod lang siya kay Kent pero ikaw na walang magawa hinablot ang buhok niya tapos tingin mo maawa ako sa'yo? Alam ko lahat ng ginawa mo gusto mo ba ako magsabi kay Kent?" Natigilan ako at tsaka nalilito silang tinignan.

"May alam si Saji na kabaliwan mo, pero kahit isa doon hindi niya sinabi kay Kent kasi pinagbibigyan ka niyang ikaw ang magsabi kay Kent." Naitikom ko ang bibig tapos gulong gulo silang tinignan.

"A-Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong.

"Anong alam mo hyung?" Tanong ko.

"Bibigyan kita ng sampung segundo para sabihin ang dapat niyang malaman or else ako mismo magsasabi." Banta ni hyung kaya tinignan ko si Lauren na kinakabahan kaya naman nilingon ko ang kasama niya sa likod.

"Both of you followed me that night?" Tanong ni Lauren.

"That's not the point here, magkasama kami ni Saji that night because we ate ice cream." Sagot ni Hyung Zai.

"Tagal niyo nga bumaba sa sasakyan non hindi niyo ba alam nakatingin lang ako sa inyo?" Nanlamig ang kamay ko sa naririnig.

"Lasing ako nun!" Sigaw ni Lauren kaya  pinaglaro ko ang dila sa pisngi mula sa loob ng bibig ko.

"That's not enough to be a reason, nakakadiri ka." Mariing sabi ni Hyung Zai kaya bumuntong hininga ako.

"Kent Axel walang nangyari sa amin I swear." Tumango ako sa sinabi ni Lauren.

"That's enough for me to know." Mapait akong ngumiti at tinalikuran sila kasabay non ay naramdaman ko ang masakit na pagkirot sa dibdib ko ngunit nanatili akong matatag.

Hindi ko hinayaan ang luha kong magpakita sa lahat. "Kent Axel!" Napatigil ako sa paghakbang ng maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko.

"I know I have a lot to explain, you're not leaving me right?" Nag-igting ang panga ko sa narinig.

"No, but  I want you out of my sight for a moment." Pabulong kong sagot tapos inalis ang kamay niya at dumeretso na sa sasakyan ni Hyung Zai.

Hinintay ko sila ngunit sumunod na kaagad si Saji at naupo sa backseat kaya naman nilingon ko siya. "May masakit ba?" Tanong ko.

"W-Wala, ikaw ba?" Tanong niya kaya ngumiwi ako at tinapik ang dibdib ko.

"Sorry.. Ako ata talaga ang may kasalanan kung bakit kayo magulo ngayon." Ngumiwi ako.

"Baliw, hindi."

"Kailan mo pa naging kasalanan ang karumihan ng isip ng isang tao? Hindi mo naman ako inaakit, hindi mo naman ako inaagaw like why the hell is she mad at you for no fucking reason at ako walang karapatan magalit sa nakahalikan niya?" Natawa ako at ngumiwi.

"Halikan nga lang ba?" Tanong ko sa sarili.

"Kingina pikon na ako sa libog na 'yon." Inis na sabi ni Hyung Zai ng makasakay.

"Pucha may pasok kayo bukas?" Tanong ni Hyung Zai.

"It's Saturday tomorrow kaya wala." Sagot ni Saji.

"All goods, tara na." Sagot ni Hyung Zai kaya nagseatbelt ako.

"Alam mo Kent Axel normal lang masaktan pero abangan mo baka ikaw na lang nasasaktan." Sa sinabi ni Hyung Zai ay mahina akong natawa.

Habang tinatahak ang daan ay hindi ko alam kung saang kainan niya ako dadalhin pero hinayaan ko na lang siya. "Op-- Ops wait lang papuntang airport ito ah?" Tanong ni Saji kaya nangunot ang noo ko at sinuri ang daan.

"Oo nga."

"Hayaan mo sila, akala nila ah. Magpapalawan tayo." Nanlaki ang mata ko at napangisi na lang.

"Huh? May ticket na ba tayo for pl--"

"We don't use ticket, we use power." Nakangising sabi ni Hyung Zai kaya dumungaw na lang ako sa daan.

"Hindi ako ready ang daya," wika ni Saji.

"Lobstersssss!" Napangiti ako ng matuwa ang nasa likod namin, sana magawa kong kumalma sa maikseng panahon para maayos na namin ni Lauren ang lahat.

Nang makarating sa Airport ay tahimik lang akong naglakad at normal wallet at cellphone lang dala ko at simpleng maong short na hanggang taas ng tuhod ang pang-ibaba ko at simpleng black shirt.

While Saji is wearing a black shirt and a navy jagger pants and a black rubber shoes.

Si Zai? 'wag niyo na akong tanungin siya ang pinaka-elegante. "Let's go the chopper is waiting." Sagot niya at tsaka deretsong naglakad.

"First time in palawan?" Tanong ko.

"2nd time." Nakangiting sagot ni Saji tapos palinga linga kaya naman napangiti ako.

'Great then,'

Nang makasakay sa chopper ay naupo si Saji sa gitna kaya naman tinulungan namin siyang ikabit ang mga dapat niyang isuot. "First time ko makasakay sa ganito." Nakangiti niyang sagot.

"Then have fun," wika ko sa mahinang paraan.

Ngumisi lang si Hyung Zai kaya naman nang umangat na ang sinasakyan namin ay  dumungaw na lang ako sa labasan upang maikalma ang sarili mula sa mainit na usapan kanina.

Nakasuot naman kami ng device na para siyang headphones I don't know what exactly this called but as I described it that's it. "Ang ganda.." Rinig kong sabi ni Saji.

"Syempre." Sagot ko pa.

"Rinig na rinig pa rin pala akala ko hindi." Natatawang sagot niya kaya matipid akong ngumiti.

"That's the purpose of this." Nilingon ko siya at itinuro ang nasa tenga namin napatango tango siya at dumungaw.

Nang makarating sa palawan ay lumapag kami sa mismong tuktok ng hotel kaya naman napangiti ako dahil matagal tagal rin mula ng huli akong makaapak rito. "Woah ang ganda." Bilib na bilib na sabi ni Saji.

"Tara na sa ibaba, puntahan muna natin ang magaling mong kapatid KA at ang magaling kong pinsan." Ngising sabi ni Hyung Zai kaya tumango ako bilang sagot.

Nag-elevator kami pababa sa mismong lobby dahil lalabas kami ng hotel hindi naman nagkakalayo ang ospital at ang hotel halos magkatabi lang sila pero mas hamak na mas mataas ang hotel ng mahigit 15-20 floors I guess.

"Grabe it takes a lot of time bago makarating sa lobby, siguro naman yung ospital hindi na 'di ba?" Ngumisi na lang ako sa tanong ni Saji at nakapamulsang naglakad papalabas ng elevator ngunit mainit na pagbati kaagad nila ang sumalubong.

"Good day sir Kent." Hindi ko na sila tinugon dahil kilala naman ako bilang masungit, hindi palaimik, at panay mikmik 'de biro lang..

"Ang sungit naman nito." Bulong na sabi ni Saji kaya nginiwian ko siya ng makalabas ay napangiti ako ng makita ang purong buhangin ng palawan.

"Nakakarelax shit.." Bulong ni Hyung Zai.

"Ganda ba?" Tanong niya kay Saji.

"Sobra."

Nang makarating sa hospital ay binati kami ng lahat pero dumeretso kami sa office nila Hyung Luke at noona dahil batid kong sa ngayon ay nasa bahay sila mom at dad with Laze or they're eating outside with Laze.

At dahil si Hyung Zai ang kasama namin siya ang nauna at sa pagbukas niya ng pinto ay halos takpan ko ang mata ni Saji using my one hand. "Don't you know how to knock?" Iritableng tanong ni Hyung Luke.

"Don't you know how to lock?" Balik tanong ni Hyung Zai kaya mahina akong tumawa.

"Well it's just a kiss with a little bit hotter." Siniko ko si Hyung Zai dahil masama na ang tingin sa kaniya ni noona na inaayos na ang sariling buhok.

"Okay na." Natatawa kong sabi at inalis ang pagkakatakip ko sa mata ni Saji.

"Grabe, Wala po talaga akong nakita." Paglilinaw ni Saji kaya napangisi ako.

"Mabuti." Sagot ni noona at pinapasok kami.

"Don't tell me iniwan mo si Lauren alone?" Tanong ni noona.

"Well.. kinda?" Ngumiwi ako sa sagot ni Hyung Zai.

"Siraulong bata 'yon aba hindi na ako ginalang." Inis na sabi ni Hyung Zai.

"Pero pag si Luke kingina ang bait, pag ako daig ko pa siyang inaaway parati." Reklamo ni Hyung Zai kaya naupo na lang ako.

"I almost grew with them, what do you expect." Natatawang sagot ni Hyung Luke kaya naman inilabas ko ang cellphone ko at tinext si Lauren.



To Lauren:

    We're not going home, I want you to sleep in your father's house. If I saw you again with Levi, expect a war.


Matapos kong isend yon ay itinago ko ng muli ang cellphone ko.

"Who's that Levi?" Natatawang tanong ni noona at tinignan ako kaya ngumiwi ako at sinenyasan si Hyung Zai tutal siya nagkwento siya na rin magpaliwanag.

"Batch mate daw eh." Sagot ni Hyung Zai.

"Yon ba yung dahilan nung nakaraan?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni noona at ang pananahimik ko ang sumagot doon.

"Agapan mo Kent Axel, sinabihan na kita." Paalala ni noona.

"I'll try noona." Bulong ko.

"Kent Axel?" Tanong ni noona nagbabanta ang mga tawag na yon.

"Dad already caught us once, and I'm willing to risk." Pagmamatigas ko.

"Sasabihin mo kay mom?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Alam mong nagsuffer siya sa mental health do you really want it to--"

"Noona? Hindi naman makakaapekto 'yon sa kalusugan ni mom." Inis kong sabi.

"Anong hindi? I'm a doctor myself. Kahit hindi ako psychologist inaral ko yan." Inis na sabi niya.

"Ipapaalam ko na lang, sasabihn ko ang nararamdaman ko."

"Kent Axel?"

"Ang kulit mo naman." Inis niyang sabi sa akin kaya ngumiwi ako.

"Iwan niyo muna kami." Mariing sabi ni noona kaya naman ng tumayo sila at iwan kami ay hindi ko tinignan si noona.

"Hindi mo ba napapansin? hindi sa sinisiraan ko si Lauren pero hindi ako manhid. She's just infatuated just like you." Ngumisi ako.

"So you think I'm just infatuated noona? Halos ilang linggo akong nagtiis na nasasaktan sa tingin mo infatuated lang?" Inis kong sabi.

"That's what I'm telling you, that kind of pain will ruin you!"

"'Yon pa nga lang mahirap ng tanggapin 'di ba? 'wag mo ng idamay si mom sa kahibangan niyo!" Nag-iwas tingin ako at tumayo sa pagkakaupo.

"I'm the one who can only control my will noona." Inis kong sabi.

"Kailan ka pa naging ganiyan ka-selfish!?" Hindi ko siya tinignan sa mata.

"Kailan ka rin ba naging ganiyan noona? sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?" Kwestyon ko.

"I just want to try." Mariin kong sabi.

"I want to try it noona, kahit subok lang at pag wala talaga susuko na ako. Why don't you let me?" Tanong ko masama ang loob.

"Dahil alam kong hindi mo kakayanin yung sakit." Singhal ni noona.

"Alam kong hindi mo kaya dahil sobrang sakit, papaano pag nagkataong bumalik pa ang sakit ni mom? Kaya mo bang maatim yon habang nasasaktan ka?" Hindi ako nakasagot at padabog na lumabas sa opisina niya.

"Kent Axel." Mabilis na sumunod si Saji pero hindi ko siya pinansin ngunit binagalan ko ang lakad.

"HIndi ko siya maintindihan." Inis kong sabi.

"Bawal, bawal, bawal. Ayon na lang parati ang naririnig ko." Bulong ko at tsaka pumasok sa elevator.

Nang makapasok kami ay nakita kong tumatawag si Zai kay Saji kaya sandali akong tumahimik. "K-Kami lang?" napalingon ako kay Saji.

"P-Pero-- hoy hala hoy.." Nangunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko ng mukhang binabaan siya ng tawag.

"Nakakainis, may urgent operation daw kaya hindi siya makakasama sa atin." Pabulong na sabi ni Saji.

"And?" Tanong ko.

"Yung restaurant na kinuha niya ay sobrang romantic, 'wag na tayo kumain?" Tanong niya kaya napangiwi ako at kahit badtrip ay mahinang natawa.

"Ayos lang, Papalampasin mo ba ang lobster?" Tanong ko at dahil doon ay nanlaki ang mata niyang napatitig sa sariling repleksyon sa mismong elevator door.

"Hindi, pero baka kasi magalit si--"

"Kakain lang and also Zai can explain." Nakangiwi kong sagot.

"Then Game!" Ngumisi ako at nakapamulsang naglakad pero bigla ay nagring ang cellphone ko.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag kaya ng mapagtantong si Lauren yon ay sinagot ko na lang habang naglalakad kami papunta sa restaurant na sobrang lapit lang.

"Mm?" Panimula ko.

"Why? why aren't you going home?" Ang mahinahon niyang boses ay naging dahilan upang mapabuntong hininga ako.

"Because we can't," pabulong kong wika sa kabilang linya.

"Don't you love me anymore?" Nakaramdam ko ng panlulumo sa tanong niya.

"I do." Bulong ko.

"I swear I do.." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya.

"But do you?" Dagdag ko.

"Of course, I love you." Nakagat ko ang ibabang labi ng marinig niyang sabihin iyon ng direkta.

"Alright, let's talk next time we meet." Kalmado kong sabi.

"Take care.."

Siya na mismo ang pumatay ng tawag kaya naman huminga ako ng malalim at tinago na ang cellphone ko tapos kasabay non ay ang pagpasok namin ni Saji sa restaurant.

"Zai's reservation." Mahinang sabi ni Saji.

"Follow me ma'am." Sumunod kami tapos ay pinanood ang mga nasa aquarium pa na lobster sobrang lalaki at may may maliliit.

Nang makarating sa seat namin ay kaharap ko si Saji. "Alam mo ba na sea cockroaches ang tawag sa hipon?" tanong ko kay Saji.

"Oo." Sagot niya.

"Edi anong tawag sa lobsters?" Tanong ko, nanlaki ang mata niya.

"Sira kung ano anong sinasabi mo." Sita niya.

"Ibig ba sabihin non giant sea cockroaches ang losbter?" Dagdag ko pa.

"Edi wow Kent Axel." Inis niyang sagot.

"Ang cute kaya nila." Sagot niya pa.

"Sus cute daw, baka cute kainin?" Sa sinabi ko ay natawa siya tapos umirap kaya ngumisi na lang ako.




√√√

@/n: Next update will be next week, enjoy! Keep safe!

Facebook: Maecel Gandia Dela Cruz
Facebook Page: Maecel_DC
Instagram: luxmei143/ lux.delacruz
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top