Chapter 17 [Aim]

Kent Axel's Point of View.



Batid kong nagtataka si Saji kung saan ko siya dinala dahil kahit ako nagtataka kung bakit nandito kami sa kung saan makikita ko ang buong city lights and city views.

"Woah ngayon lang ako nakapunta rito." Sambit ni Saji mabuti na lang at naka pajama pair siya.

"Maganda ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman, sino ba namang hindi magagandahan sa ganitong lugar?" Sagot ni Saji kaya naman mapait akong napangiti.

"Meron." Mahina kong sagot.

"At sinong bano 'yan?" Gulat na tanong niya kaya naman bumuntong hininga ako at naupo sa damuhan gayun rin siya tapos tinignan ako hinihintay ang sagot ko.

"Si Lauren." Ngumiti pa ako ng mapait.

"A-Ah k-kaya pala." Alanganin niyang sagot at tumikhim pa.

Naririnig namin ngayon ang malakas na simoy ng hangin kaya naman napapikit ako ng malakas na humangin. "Sa tingin mo sapat ba na dahilan ang lasing ka para humalik ka ng ibang lalake basta basta?" Mahina kong tanong.

"Ah.."

"K-Kasi ano 'yan d-depende pwede namang inakala niya yung tao na 'yon na yung gusto niya talagang halikan. Pero i-ibang tao pala." Mahinang sagot niya.

"P-P--"

"Tell me the truth kahit masakit, kasi kahit lasing ako alam ko ang ginagawa ko. Pero baka iba kasi lalake ako baka ako ang mali." Natahimik siya at napansin ko naman na pinaghawak niya ang parehas na kamay.

"Nakilala ka ba niya?" Tanong niya.

"Yup." Sagot ko kaagad.

"Naka pag-sorry pa nga." Sarkastiko kong sagot.

"A-Alam mo na ang sagot." Mahina niyang sabi kaya bumuntong hininga ako.

"Saji umamin ka ng--"

"Wala akong aaminin 'no. W-Wala akong nakita, h-hindi ko nakita yung mga ginawa nila." Kinakabahan at natataranta niyang tanong kaya naman natahimik ako at tumitig sa kawalan.

"You're not a good liar." Mahina kong sabi halos bulungan lang ang pag-uusap namin.

"W-Wala.." Iniiwas niya ang tingin kaya ngumiwi ako.

"May nakita ka bang mas ikakasakit ko pa?" Tanong ko.

"W-Wala, wala. W-Wala akong alam." Mahina niyang sabi kaya naman mabilis kong inabot ang mukha niya gamit ang pointy finger ko tapos ay ihinarap yon at kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya.

"You're lying." Sagot ko.

"H-Hindi ano ba.." Sagot niya at inilihis ang mukha pero kinuha ko ulit 'yon but this time I cupped it using my palms.

"Tell me," wika ko.

"S-Siya ang tanungin mo Kent Axel." Mabilis niyang sagot.

"So meron pa nga?" Tanong ko.

"H-Hindi ko alam." Mabilis niyang sagot.

"Saji stop lying, kaibigan kita 'di ba? saktan mo ako sa katotohanan." Iniiwas niya ang tingin.

"Kung meron man sa tingin mo dapat bang makialam ako? sa tingin mo ba dapat ako ang magsabi sa'yo?" Natigilan ako sa sinumbat niya.

"W-Wala ako sa posisyon, kaibigan mo ako pero pagbibigyan ko siyang magpaliwanag sa'yo tsaka ka pumunta sa akin kung hindi ka naniniwala sa kaniya." Bumuntong hininga ako at binitiwan ang mukha niya.

"Shit, hindi ko pa nalalaman nasasaktan na ako." Natatawa kong sabi at kinapa ang dibdib ko.

"Hindi mo naman kailangan malaman ang bawat detalye kung bibigyan ka non ng sakit." Bulong niya kaya pumikit akong muli.

"Lahat naman masakit, iyon ngang wala pa akong nalalaman masakit na ano pa kaya yung-- aissibal!" gigil kong bulyaw at tsaka ako huminga ng malalim para kumalma.

"Kaya mo ba sila sinundan kasi natatakot kang may maganap sa pagitan nila?" Tanong ko kay Saji.

"H-Hindi."

"W-Wala akong pakialam sa kanila." Sagot niya kaya nangunot ang noo ko.

"Kung ganoon ano?" Tanong ko punong puno ng pagtataka.

"K-Kasi baka hindi lang alam ni Lauren ang ginagawa niya at baka may mangyari na hindi niya rin gustuhin kasi mahal ka niya." Pabulong niyang sagot kaya nakagat ko ang ibabang labi.

"Kakaiba ka rin ano?"  Nalingon niya ako sa sinabi.

"B-Bakit?"

"Kasi masama siya sa'yo, pero iniisip mo pa rin siya." Nanlaki ang mata niya tapos umiling iling.

"Hindi ko siya iniisip."

"Sige deny pa Sajing." Natatawa kong sabi pero inirapan niya ako.

"Hindi ko siya iniisip." Tanggi pa niya kaya natawa na lang ako.

"Gusto ko ng sabihin sa family namin yung nararamdaman ko. Kahit subok lang," wika ko.

"Baka mag-iba ang ihip ng hangin at hayaan kami." Mapait akong napangiti.

"Pero parang ako lang ang may gusto, parang ako lang ang sasabak sa laban na dapat dalawa kami." Kwento ko pa.

"'Yon bang malaya kaming lalabas, magkasama na parang magnobyo at magnobya hindi bilang magkapatid." Mahina akong natawa ng maalala ang sinabi ng Levi.

"Alam mo ba ang masakit? Pinakilala ako ni Lauren as her younger brother like what the hell.." Muli ay tumawa ako at tinignan ang bituin na hindi nalalayo sa buwan tapos tinignan ang kasama ko.

"Ikaw 'yon 'di ba?" Tanong ko at tinuro ang bituin.

"Mm yeah.." Sagot niya.

"Ano ulit yung sinabi mo noon?" Tanong ko.

"Hindi ko na maalala, pag naalala ko sasabihin ko sa'yo." Sagot niya kaya awtomatiko akong napangiwi.

"Lakas, bata bata pa ulyanin na." Umawang ang labi niya tapos ay hinampas ako at masakit 'yon kingina.

"Masakit ka siguro manapak ano?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, try natin minsan." Sagot niya.

"Kanino naman?" Tanong ko ulit.

"Ang dami mong tanong alam mo 'yon? Kahit kay Mila na ng matahimik ka." Natatawang sagot niya kaya ngumisi na lang ako.

"Doctora Sajing." 

"Ambaho naman niyan Kent." Reklamo niya.

"Doc Saji or Doc Argelia  pwede naman. Kung ayaw nila Doctor Collins na lang." Ngumisi ako sa suggestions niya.

"Ang galing mo sa larangang ito kaya pagbutihin mo." Nakangiting sabi ko.

"Sus ikaw nga mag-aabogado pero kayang kaya akong ligpitin." Sagot niya pa.

"Hindi kita matatalo, kaya sa'yong sa'yo ang titulo at hindi ako papayag kung hindi ikaw ang makakakuha non." Natawa niya.

"Matatanggap na ba ako ng lolo ko kung nangyari yan?" Natigilan ako sa tanong niya sa sarili.

"B-Bakit?"

"All I want is to impress him, I want him to congratulate me. I want him to say I'm so proud of you apo just like what he did to my other cousins." Bigla ay naawa ako sa kaniya.

"I am not allowed to be a doctor because I'm a lady Kent Axel but I want to be one." Nakagat ko ang ibabang labi dahil gusto ko talaga siyang magkwento.

"Basta bawal maraming rason, pero pangarap ko ito eh hahayaan ko bang hindi ko magawa ang pangarap ko masunod lang sila?" Umiling ako ng lingunin niya.

"Ayos lang naman sa akin kung hindi ako magiging pinakamagaling, ang gusto ko lang talaga makatulong sa tao. Makahawak ng scapel, magligtas." Ngumiti ako.

"Alam kong kaya mo." Sagot ko.

"Kayang kaya mo kaya huwag kang papapigil." Pagchicheer ko sa kaniya.

"Parehas kayo ng kuya ko, kayo kayo na lang ang naniniwala sa akin. Isang beses kong nakausap si Doctor Mia sabi niya bawal rin daw siya magdoctor pero gusto niya kaya ginawa niya edi natuwa ako sabi ko sa sarili ko," sandali siyang tumigil.

"Sabi ko sa sarili ko, someday I will be just like her. 'Yon bang hindi kailangan ng tao na susuporta sa kaniya para lang magawa ang gusto." Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Pero wala eh, sabik ako sa atensyon ng mga mahal ko sa buhay. Gusto ko maranasan ang masayang pamilya tulad ng pamilyang meron ka. Suportado, kahit simpleng achievements proud na proud na sila." Napansin ko ang malungkot niyang mata kaya huminga ako ng malalim.

"Pero nakakatawa sa buhay ko ng may awarding, selos na selos ako kasi sila may guardian na pumunta ako? wala nga-nga." Nakaramdam ako ng awa but at the same time ay bilib sa kaniya.

"Pagkauwi ko sa bahay tuwang tuwa akong binahagi sa kanila yung nakuha ko pero Kuya ko lang ang nagsabi na proud siya sa akin, at the same time nagsorry siya kasi hindi siya nakapunta." Nakagat ko ang ibabang labi lalo na ng makita ko ang pagkislap ng mata niya.

"Ang sarap magkwento sa kaibigan, wala kasi akong ganun. Kung meron man siguro dahil may kailangan sila sa akin, ewan ko ba bakit ikaw una kong nilapitan para kulitin." Natatawang sabi niya at nilingon pa ako.

"Sa isip ko ng mga panahon na 'yon. Ayoko sa kaibigan mabait gusto ko yung susungitan ako, susungitan ko. Masakit magsalita at hindi magsisinungaling." Ngumisi na lang ako at mahina ko siyang pinitik sa ilong.

"Baka crush mo ako kaya mo ako unang napansin." Asar ko pa.

Hindi siya sumagot kaya kinabahan ako.

"Hoy hindi mo itatanggi?" Tanong ko ngunit nilingon niya ako.

Mas kinabahan ako sa tingin niya. "H-Hoy." Sita ko at tinuro pa siya.

"Hoy gagi ka wala namang takutan!" Sigaw niya kaya nanlaki ang mata ko lalo na ng tignan niya ang likod.

"Hindi kita tinatakot, sabi ko baka crush mo ako tapos hindi mo tinanggi." Napatango tango siya tapos lumabi.

"Parang hindi naman," wika niya kaya  nanlaki ang mata ko.

"Anong parang? 'di mo sure?" Tanong ko.

"Crush amp, tingin mo sa akin bata?" Tanong niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ang tagal na rin nating magkakilala ano?" Tanong ko pa tapos tumikhim.

"Oo rin," mahina niyang sagot at lumabi.

Tahimik lang kaming tumambay habang nakaupo sa pwesto namin kanina hanggang sa mapansin ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Ng tignan ko ay tumatawag si Lauren at napansin ko rin na inabot na pala kami ng alas tres ng ganito lang katahimik.

"Hindi ka pa inaantok?" Tanong ko.

"Hindi pa naman." Sagot niya tapos tinignan ang cellphone ko.

"Hindi mo sasagutin?" Tanong niya kaya bumuntong hininga ako nagising na siguro ang diwa niya.

"Sasagutin ko ito sandali." Mahina kong sabi at sinagot na ito habang nasa pwesto pa rin.

Sa pagsagot ko ay hindi muna ako nagsalita. "Where are you?" panimula niya kaya naman huminga ako ng malalim.

"Let's talk?" she added.

"Malayo ako sa bahay ngayon." mahina kong sagot at napatitig sa kawalan.

"Where are you? A-About earlier I'm sorry." mapait akong ngumiti at hindi sumagot.

"Kent Axel are you mad?"

"Why? Do you expect me to be happy after all?" Masama ang loob kong sabi.

"I'm really sorry."

"I was drunk.."

"I was drunk before Lauren, Trust me I didn't pull and kiss." Sarkastiko kong sabi.

"Mag-usap tayo in person, It's already late bakit nasa labas ka pa? Who are you with?" Ngumiwi na lang ako.

"Saji." matipid kong sagot na nagpatahimik sa kaniya.

"Again?"

"She's my best friend, why not?" tanong ko pabalik.

"I mean both of you are always together."

"Hindi na ako natutuwa."

"What do you want me to do? Unfriend her? If you're not happy with it then adjust. You kissed other man and I'm not happy about it, could you do anything?" Tanong ko ng hindi makatanggap ng sagot ay mapait akong ngumiti at pinatay ang tawag.

"I don't want to go home." Mahina kong sabi.

"I can't face her." Bulong kong sabi.

"Alam mo sagot diyan?" Tanong sa akin ni Saji kasabay ng paglingon niya.

"A-Ano?"

"Pagkain." Natawa ako sa sinabi niya kaya naman tumayo ako.

"Tara." Yaya ko tapos inabot ang kamay ko sa kaniya pero tumayo siya mag-isa.

"Aabutin ko na lang yang kamay mo, pag kailangan ko na ng tulong mo." Nakangiting sagot niya tapos nauna sa sasakyan kaya naman sumakay na rin ako.

Inayos ko muna ang buhok ko bago pinaandar ang sasakyan. "Mainit o malamig?" Tanong ko tinutukoy ang kakainin namin.

"Both, basta pagkain." Sagot niya pa kaya natawa na lang ako at maingat na nagdrive syempre baka may trauma pa ang kasama ko sa sasakyan.

At dahil trip namin kumain upang magpalipas umorder kami ng bulalo kaya naman amoy na amoy ito wala pa man sa mesa namin.

"Ang ganda naman sa bulaluhan na 'to, yung ambiance niya ang ganda." Wika niya habang tinititigan ang bawat sulok ng store.

Ngumisi na lang ako at tsaka naghintay ng order namin.


•••


Makalipas ang tatlong linggo ay hindi ko nagawang harapin at kausapin ng maayos si Lauren kaya ngayon ko gagawin.

Ngunit bago pa man tumawag si Hyung Zai kaya sinagot ko iyon. "Ya, wae?"

"Saan ka?"

"Flower shop, bakit hyung?" tanong ko pa.

"Gagawin mo diyan?"

"Kakain siguro ng fries and spaghetti, flower shop 'to eh." sarkastiko kong sabi.

"Kingina 'di ka talaga makausap ng matino, ingat ka diyan. Bangag."

"Luh ako na naman, ikaw itong nagtatanong anong gagawin sa flower shop syempre bibili bulaklak." narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.

"Si Saji nasaan? Sabihin mo nga kitain ako."

"Bahala ka diyan." sagot ko.

"H-Hoy minsan lang kita pakiusapan ah." Ngumiwi ako at ibinaba ang tawag tapos bumili na ako ng bulaklak nang inaayos na 'yon ay tinignan ko ang cellphone ko bumuntong hininga ako at ibinaba na lang ang cellphone ko binalik sa bulsa.

Balak ko na ring sabihin kay mom at dad ang nararamdaman ko kay Lauren but I want noona to be there too pero hahanap ako ng magandang timing. "Sir this is your flower.." Nginitian ko ang seller tapos ay kinuha ang bulaklak at umalis na.

Nang Makabalik sa sasakyan ay nilagay ko iyon sa backseat tapos nagdrive na papunta sa bahay, mabuti na lang nasa palawan si mom at dad ngayon kaya kami kami lang sa bahay.

Nang makauwi ay nakita ko ang dalawang sasakyan na nasa harap ng bahay isa kay Hyung Zai at yung isa sa hindi ko kilala nagtataka akong pumasok sa bahay pero pagkapasok ay halos nangunot ang noo ko ng makita si Levi.

Pati si Saji nandidito nasa sofa sila at magkalayo. "What are you doing here?" Tanong ko kay Levi.

"I visited Lauren, para kanino 'yan?" Tanong ni Levi tinuturo ang hawak ko.

"For Lauren." Sagot ko tapos seryoso kong tinignan si Saji na nakanguso.

"Saji." Bati ko sa kaniya at hindi pinansin ang nagtatakang mukha ni Levi dahil sa sagot ko.

"Who are you with?" Tanong ko.

"Siya.." Napatingin ako sa tinuro niya it was Hyung Zai who's smiling at me teasingly.

"Alright, can you leave us for a sec?" Tanong ko sa kanila tinutukoy ko si Levi.

"Huy Kent Axel ha maghinay hinay ka." Bulong ni Saji at siniko ako kaya naman inabot ko ang ilong niya at mahinang pinisil.

"Dali na." Ngumiwi siya tapos inabot ang doctor book na tingin ko pag-aari ni Zai tapos sinenyasan niya si Zai na lumayo sandali.

"Based on what I know she's not sick to be visited." Panimula ko at ibinaba ang bulaklak.

"Well wala namang masama kung bibisitahin ko siya hindi ba?" Tanong nito pabalik at inayos ang relos niyang batid kong mamahalin.

"At bakit mo naman bibigyan ng bulaklak ang ate mo?" Ngumisi ako sa tanong niya.

"She's not my sister, aren't you aware?" Tanong ko.

"And I guess it's not your business anymore so you can leave." Seryosong sabi ko.

"Why can't I stay? She allowed me to visit her." He answered with a smirk on his lips kaya naman tumango tango ako tapos ng mapansin si Lauren na pababa sa hagdan ay nginitian ko siya kaagad pero seryoso niya akong tinignan.

Tumayo ako at kinuha ko ang bulaklak para iabot sa kaniya. "I'm so sorry for the past few weeks.." Mahina kong sabi nag-alangan siyang kunin ang bulaklak.

"Thank you." Sagot niya.

"You look beautiful." Nakangiti kong sabi ngumiti lang siya kaya mahina kong nakagat ang ibabang labi.

Naupo naman siya sa sofa at ibinaba ang bulaklak na binigay ko sa kaniya, pinanood ko siyang kausapin si Levi kaya pinaglaro ko ang dila sa mga pisngi. Iniiwas ko ang tingin tapos sa pag-iwas ko ay nagtama ang paningin namin ni Saji.

"Hindi naman kami magkapatid ni Kent pero magkapatid ang turi--"

Natigilan si Lauren sa pag-eexplain ng malakas kong hampasin ang mesa sa harap nila. "Ya.." 

"Kent Axel." Sita ni Lauren.

"Magkapatid ang turingan?" Tanong ko, unti unti ay kumuyom ang kamao ko.

"That's disrespectful, may kausap ang ate mo na nakakatanda sa'yo para gawin mo y--"

"Do you want to die?" Mariing tanong ko kay Levi.

"Kent Axel ano ba.." Nakagat ko ang ibabang labi sa sama ng loob.

"Tell me anong meron sa inyo?" Tanong ko.

"Hinalikan mo siya, nagsorry ka then what now?" Gigil kong tanong.

"Ang tagal nga bago ko makalimutan 'yon tapos ngayon magkasama kayo?" Sumbat ko.

"Kent Axel enough." Mahinang pakiusap ni Lauren tumayo siya upang hawakan ang kamay ko pero iniiwas ko yon.

"Gumaganti ka ba?" Kwestyon ko at tinitigan siya sa mata.

"N-No.."

"Nagagalit ka ba kasi kasama ko si Saji? Bakit napagaan mo ba kahit isang beses yung nararamdaman ko? Bakit kaya mo bang pakinggan ang hinanakit ko? kaya mo bang pakinggan man lang ako?" Sa mga sumbat ko ay halatang nagulat siya.

"Hindi ko na nga hiniling sa'yo yun eh, nanahimik na lang ako tapos ito pa gagawin mo? Magkapatid? Tangina may magkapatid bang naghahalikan?" Nakagat ko ang ibabang labi lalo na ng pumagitna si Levi.

"Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mo ng gulo." Banta ko.

"Chill--"

"Umalis ka na sa harapan ko habang maayos akong nakikiusap." Mariing sabi ko.

"Levi please stay there." Iniiwas ko ang tingin.

"No Lauren, kung ganung hindi kayo magkapatid mas wala siyang karapata--" Mabilis kong hinablot ang kwelyuhan nitong si Levi gamit ang isang kamay ko.

"At ikaw sa tingin mo meron?"

"Kent Axel ano ba!" Sita ni Lauren at inaalis ang kamay ko sa kwelyuhan ni Levi.

"Chill Kent Axel." Binitiwan ko lang si Levi ng si Hyung Zai na ang pumagitna.

"Bro you better leave." Pakiusap ni Hyung Zai kay Levi.

"I just got here." Umawang ang labi ko at tsaka ngumiwi.

"Wala namang masama kung aalis ka na kahit kadarating mo lang, sabihin na nating dumaan ka sa drive-thru." Sagot ni Hyung Zai.

"Kakausapin ko muna si Levi." Gulat kong tinignan si Lauren sa sinabi.

"Huwag mong antaying bala ang magpaalis diyan Lauren, kilala mo siya." Banta ni Hyung Zai kaya ngumisi na lang ako lalo na ng magtama ang paningin namin ni Lauren.

"Let her." Mariin kong sabi.

"Let her enjoy that man of hers." Masama ang loob kong sabi tapos dumeretso sa kung nasaan si Saji.

"Hindi naman masakit." Peke kong sabi habang tumatawa tapos naupo ako sa kitchen stall hindi naman nakapagsalita si Saji.

"A-Ano.."

"Ano?" Tanong ko sa kaniya.

"M-May gusto kang gawin?" Tanong ni Saji.

"Gusto kong gawin? I want to punch that man." Sagot ko tapos tinuro si Levi kahit na hindi ko siya nakikita o nililingon.

"Ano.."

"Ano?" Tanong ko ulit tapos natawa.

"Gusto mo Ice cream?" Tanong niya kaya mapait akong ngumisi.

"Hayaan mo siyang durugin ako, baka mamanhid rin." Bulong ko.

"Hayaan mo siyang ganituhin ako." Bulong ko.

"Hindi naman ako susuko." Binasa ko ang labi at tsaka tinitigan ang kamay kong nasa ibabaw ng stall..

√√√


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top