Chapter 16 [Warning]
Kent Axel's Point of View.
Sa buong klase ay nanatili akong tahimik batid kong napapansin ng lahat yon dahil kahit teacher ko ay hindi ko sinasagot.
Lumipas ang ilan pang klase ay hindi ako lumabas ng classroom kahit na Lunch time or break time ngunit si Saji ay dinadalhan ako pero tubig lang ang tinatanggap ko.
"Anong problema?" Tanong niya.
"Ikaw ang may problema tapos tatanungin mo pa ako, I'm okay." sagot ko at uminom ng tubig.
"Hindi ka kasi kumain Kent." Tukoy niya.
"Hindi ka rin lumalabas, hindi mo sinasagot o kinikibo ang teacher's natin." Tipid na lang akong ngumiti.
"Wala ayos lang." Sagot ko at yumuko sa mismong mesa ko kanina ko pa narerecieve ang tawag at text ni Lauren ngunit kahit isa sa mga 'yon hindi ko binasa.
Hanggang sa naramdaman kong kailangan kong bumanyo ay tumayo na ako at tsaka lumabas habang papunta sa banyo ay nanatili lamang akong tahimik.
Matapos ay ngumiwi ako lalo na ng mamataan si Lauren na naghihintay sa akin. "Why aren't you reply—"
"I know what you did." Bulong ko.
"I know everything." Umawang ang labi niya.
"Don't lie to me. I heard your conversation with Mila, bakit si Saji?" Masama ang loob kong tanong.
"Ipit na ipit na ako Lauren, Ipit na ako over you and my noona next is over you and my best friend." Hindi niya ako sinagot at nag-iwas tingin lang.
"Ano bang nakukuha mo sa ganito? You're just making me more closer to that woman because you're harming her." Nang sabihin ko 'yan ay sumama ang tingin niya sa akin.
"I still have my class." Matipid kong sabi at iniwan siya doon, magdadahilan siya para siya ang unawain ko.
'It's wrong tolerating bad doings.'
Nang makabalik sa classroom ay yumuko lang ako sa mismong mesa ng kinauupuan ko at bumuntong hininga.
Makalipas ang ilang oras ay tinignan ko si Saji. "Hatid na kita." Mahinang sabi ko at hindi na siya hinintay magsalita.
Nang makalabas ay sumunod naman si Saji. "Ayos ka lang? Sure ka?" Tanong niya kaya tumango lang ako.
"Tara na." Senyas ko at tahimik lang na naglakad.
Nang makasakay kaming dalawa sa sasakyan ko ay huminga ako ng malalim at tsaka nagdrive na papunta sa condominium building ni Saji.
Nang marating ay nagpasalamat siya. "Ingat ka pauwi." Mahinang sabi niya.
"Mm salamat." tugon ko ng isara niya ang pinto ay nanatili ako sandali ng mahigit tatlong minuto at tsaka huminga ng malalim at bumalik sa school dahil kahit na hindi ayos ang ginawa niya ay susunduin ko pa rin siya.
Sumandal ako sa rest ng kinauupuan at hinintay siyang makitang lumabas mula sa exit, makikita naman niya ang sasakyan ko. Ngunit lumipas ang panibagong trenta minuto ay wala pa rin siya.
Baka maya-maya lalabas na rin 'yon.
Ngunit natapos na ang isa pang oras ay inabot ako ng dilim dito sa university wala pa rin siya kaya naman huminga ako ng malalim ng wala rin siyang reply sa message ko ay pinili ko na lang umuwi.
Pagkarating sa bahay ay sinalubong ako ni Noona kaya naman nangunot ang noo ko. "I thought you left already noona?" Tanong ko at humalik sa pisngi nito.
"We came back for a reason." Sagot ni noona kaya ngumiti ako tapos ng matanaw sila mom at dad ay mabilis ko silang binati.
"Si Lauren hindi mo ba kasabay?" Tanong ni mom kaya mas nangunot ang noo ko.
"She's not yet home?" Tanong ko.
"Yeah hindi rin siya nag-text." sagot ni mom kaya tumango ako.
"Baka nasa friend niya mom." Sagot ko na lang tapos nilingon si Laze na dala dala si Min-min.
"Hi there two cuties." bati ko sa kanila pero tinignan lang ako ni Laze habang parang baby niyang hawak si Min-min na ang laki laki na.
"Buti sinama niyo noona?" Tanong ko.
"Si Laze?" Mabilis akong umiling.
"Yung pusa." Sagot ko.
"Gusto isama ni Laze eh halos sumuka suka sa byahe iyang pusa buti na lang marunong mag-alaga ang daddy niyan." Tukoy ni noona at nilingon si Hyung Luke na nagbabasa ng libro.
"Of course, kung hindi ako doctor for sure veterinary ang kinuha kong kurso." Sagot ni Hyung Luke tapos sinuri ang kabuuan ko.
"Doctor ka pa rin non." Sagot ko na ikinangiwi nila ni noona.
"Akyat muna ako para magbihis." Nakangiti kong paalam sa kanila at dala dala ang bag ko ay umakyat na ako sa kwarto ko at wala pa ngang talaga si Lauren.
'Nasaan naman kaya 'yon?'
Matapos kong magshower ay muli kong tinignan ang cellphone ko at sinubukan siyang tawagan ngunit walang sumasagot kaya hinayaan ko na lang at tsaka ako bumaba habang nasa bulsa ang cellphone.
"Problema mo?" Tanong ni noona mabilis naman akong umiling tapos sinulyapan si hyung na nagbabasa pa rin ng libro ang tahimik niya naman? hindi ba sila nag-away ni noona.
"Kumusta naman ang isla noona?" Tanong ko.
"Bisitahin mo." Ngumiwi ako sa sagot nito.
"Sige sakto baka isama ko si Saji next time, mahilig rin pala sa lobster ang isang 'yon noona." Kwento ko pa.
"Mag best friend nga kayo, kamukha niyo yung lobster." Umawang ang labi ko at mabilis na inabot ang pisngi ni noona para pisilin.
"Si Hyung Zai nasaan?" Tanong ko sa kanila.
"Umalis baka bibisita sa mga kaibigan niya." Sagot ni Hyung Luke kaya tumango ako at naupo muna sa single sofa.
Muli ay chineck ko ang cellphone ko pero wala pa ring reply ni Lauren kaya naman dumaan ang oras ng gabihan ay wala pa rin siya.
Tahimik lang ako at batid kong nagmamasid sila sa akin, maaga kasi silang nagpapahinga lalo na si mom at dad.
Lumipas muli ang oras at wala pa rin si Lauren sabi naman nila mom baka nag sleep over sa kaibigan kaya napabuntong hininga ako at dumeretso sa kwarto ko upang magpahinga.
Pumikit ako sandali..
Nagising ako sa pagtunog at pagvibrate ng cellphone ko kaya naman ng mapansin ang oras ay napagtanto kong isang oras rin pala akong nakaidlip.
Kinuha ko ang cellphone ko at ganoon na lang ang pagtataka ko ng makitang si Saji ito kaya sinagot ko na.
"Napatawag ka? Alas diyes na ah." tanong ko sa kaniya.
"I know, I know nandito ako sa Ice cream parlor malapit sa bar kung saan tayo uminom last time."
"Oh don't you dare tell me your drunk?" tanong ko.
"I am not but Lauren is, she's with a random guy then tinatanong ko galit pa sa akin. Same goes with the guy hindi naman ganoon kaweird yung guy."
"He's decent ata.."
"Si Lauren? Lasing?" pag-uulit ko bakit naman maglalasing yon?
"Oo nga! Bingi naman 'to andami ko ng nasabi—"
"Naiintindihan kita, nilinaw ko lang." Sagot ko.
"Fine stay there, I'll update you ako na ang susunod sa kanila mukhang ihahatid rin naman niya si Lauren sa inyo." Napalunok ako.
'Sinong lalake?'
"I'll wait outside the house then.."
"Pag ito tumurong sa hindi mismong bahay niyo ano gagawin ko? Magdadala ba ako panghampas?"
"Panghampas, hindi na kailangan. Tawagan mo lang ako." Bilin ko sa kaniya.
"Nakasakay na ako sa Taxi sinusundan sila, sayang yung ice cream ko libre pa man din yon ng friend ko." ngumiwi na lang ako.
"Triplehin ko bukas."
"Hindi na charot lang, patayin mo na antayin mo na lang."
"Ingat salamat."
Hindi na siya sumagot ibinaba na lang ang tawag kaya naman bumaba na ako at naghintay.
Lumipas ang sampung minuto ay natatanaw ko na rin ang isang Mercedes-Benz na papunta sa gawi namin kaya naman ng tumigil ito sa harap ay seryoso ko lang na tinitigan ang sasakyan na para bang nakikita ko siya sa loob.
Nang bumaba ito ay mas nagsalubong ang kilay ko. "Ikaw pala yung brother niya." Hindi ko siya sinagot at inantay na buksan niya ang pinto ng sinasakyan ni Lauren.
Nang mabuksan niya ay sandali akong nagulat ng mapanood kong hinila mismo ni Lauren ang batok ng lalakeng iyon at mabilis na halikan.
Kumuyom ang kamao ko mabilis kong iniiwas ang tingin tsaka ako bumuntong hininga. "Get lost." Mariin kong sabi at hiniklat sa balikat ang lalakeng hinalikan rin si Lauren pabalik.
"Uh sorry." Tinitigan ko si Lauren na nakasandal sa mismong kinauupuan niya kaya malamya ko siyang tinitigan.
"Let's go." Malamig kong sabi at tsaka sandaling napatingala sa sama ng loob.
"Who are you?" Kwestyon ko sa lalake na nagdala kay Lauren rito.
"She's my classmate before high school day—"
"I'm asking for a name." Sagot ko.
"Levi.." Sagot niya.
"Okay, Bye." Sagot ko at kinuha na si Lauren tapos pumasok kami sa loob.
Akay akay ko siya hanggang sa hagdan kaya naman bumuntong hininga ako ng maalala ang napanood kanina.
'She's mine but why does she kiss other man?'
Nang mabuksan ang kwarto niya ay dinala ko muna siya sa banyo. "Maghilamos ka, magbrush ka." Bilin ko pero tinitigan lang ako nito.
"K-Kent Axel." Pagtawag niya sa akin ngunit naiiwas ko ang tingin.
'Alam ko naman na wala kaming label, pero bakit niya ako pinakilala bilang kapatid niya? Kadiri kingina.'
Matapos ang limang minuto ay inalalayan ko siya papunta sa kama ngunit halos manlamig ang kamay ko ng abutin niya ang kwelyuhan ng damit ko at halikan ako sa labi.
Kumuyom ang kamao ko dahil nasa kama siya habang ako ay nakayuko sa kaniya, napasinghap ako ng siilin niya ang ibabang labi ko kasabay ng pagpikit ko.
Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya at sa amoy ng alak ay alam kong matapang ang ininom nila. Halos mapasinghap ako ng hilain niya ako sa mismong kama at halikan pa rin.
Sa pagtugon ko ay siya ang napasinghap, ang kamay niya ay pumunta sa dibdib ko kinabahan ako ng sobra.
Kinukuha niya ang katinuan ko kung kaya't mabilis akong umiwas. Lalo na ng maisip kong hinalikan niya rin tulad ng paghalik niya sa Levi na yon.
"Enough." Sita ko.
"Kent Axel.." Pagtawag niya sa pangalan ko habang nakapikit.
"I'm sorry.." Nag-iwas tingin ako at masamang tumingin sa kung saang gamit.
'Sorry for what? For kissing another man? Lol.'
Sa sobrang sama ng loob ko ay mabilis kong pinawi ang luha na tumulo sa mata ko dahil wala akong magawa.
Parang wala akong karapatan. Na para bang hanggang tiis lang ako sa sakit na nararamdaman ko.
"Go to bed." Mariin kong kinagat ang labi ko ng mas maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata.
"Kent Axel sorry.." Nang bumangon siya ay bumuntong hininga ako lalo na ng yumakap siya sa akin.
"Sleep." Mahina kong tugon.
"For sure you're tired." Dagdag ko at dahan dahan na kinalas ang pagkakayakap niya sa akin.
"I'm sorry Kent Axel." Mahinang sabi niya at mas yumakap.
"Okay."
"Go to bed."
"I love you.." Napapikit ako ng marinig yon mula sa kaniya, pero hinalikan mo ang ibang lalake sa harapan ko.
Muli ay sumama ang loob ko, nakita ko mismo na siya ang humila sa lalake sinong sisisihin ko?
Papaano kung hindi lang yon ang unang beses? Papaano kung may higit pa?
'Nakakainis, sige mag-isip ka pa saktan mo pa yung sarili mo.'
"Mm sleep well." Sagot ko.
Ngunit pagkaharap ko sa mismong pinto ay natigilan ako ng makita ko ang blangkong tingin ni Noona nakabukas pala ang pinto kingina.
"N-Noona." Gulat kong sabi.
"How's the kiss?" Kinabahan ako dahil panigurado kanina pa siya nandiyan.
"Mag-uusap tayo." Mariing sabi niya at sinenyasan ako kaya sumunod ako sa kaniya.
Dumeretso kami sa terrace kaya bumuntong hininga ako. "How's the kiss?" Pumikit ako at huminga ng malalim.
"It should be good n-noona. Pero nanlumo ako dahil bago ako may ibang labi pa siyang hinalikan." Sandali akong napayuko ng maramdaman ang sakit sa dibdib.
"What?" Gulat na sabi ni noona.
"Someone named Levi, batch mate niya. My mind was like what if they did more than that deep kiss?" Sa tanong ko ay hindi ko namalayan ang luhang tumulo sa mata ko.
"Baka hindi naman? Baka aksident—"
"Aksidente bang nahila ang batok ng lalake at naglapat ang labi nila tapos nagtagal ng ilang segundo?" Natatawa kong tanong, bahid ang sarkasmo.
"Gusto kong magalit sa lalake, pero hindi naman siya ang humalik eh. Hindi naman siya ang humila. Tangina." Mariin kong sabi at nasapo ang sarili kong mukha ng maramdaman ang matinding sakit.
"Noona matulog ka na." Mariin kong sabi.
"Bukas mo na ako pagalitan kasi hindi ko na kaya." Mahina kong sabi.
"Sinabihan kita Kent Axel." Mahinang sabi ni noona.
"Masasaktan ka lang."
"Noona, Goodnight." Mahina kong sabi at tsaka ko pumasok sa kwarto ko upang kunin ang susi ng sasakyan ko at cellphone kasama na ang wallet.
"Kent Axel." Pagtawag ni noona.
"Ya dongsaeng! Saan ka pupunta?" Tanong niya at hinawakan pa ako sa pulsuhan.
"Somewhere?"
"Ya, it's already late." Bilin ni noona.
"Pupunta ako sa kung saan ako pwedeng magwala, manakit, magalit." Mariing sagot ko.
"Kent Axel." Nagbabantang sabi ni noona.
"Noona please, I want out of this house. It's making me hard to breathe. I feel suffocated." Nang sabihin ko yon ay tumango tango si noona.
"Call me if you need me, send me your location and I'll be with you okay?" Tumango ako sa sinabi ni noona tapos umalis na.
Nang makalabas ng bahay ay natigilan ako ng makitang nakaupo si Saji sa malaking bato. "Hindi ka pa umuwi?" Gulat na tanong ko.
"Ay anak ka ng nanay mo!" Gualt niyang sabi at nanlalaki ang mga matang nakahawak sa dibdib niya.
"Natural." Sagot ko.
"Bwisit na taxi yon, kabadtrip hindi na daw siya babalik sa main kasi daw malapit na ang bahay niya kaya hindi niya na ako maihahatid." Reklamo ni Saji.
"Don't tell me ganiyan ka kumain ng Ice cream?" Tanong ko.
"Anong masama sa suot ko?" Tanong niya.
"Pair of pajamas ampo—"
"Alam mo papansin ka." Inis na sabi niya tapos ay ngumiwi.
"Oh saan ka naman pupunta?" Tanong niya ng mapansin na hawak ko ang susi ko.
"Bakit sasama ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Eh?! Gabi na." Turo pa niya sa langit kaya tumingin ako doon pero nakita ko ang Bituin na noon ay tinutukoy niya at ang buwan.
"That's you right?" Tanong ko tapos itinuro ang pinakamaliwanag na bituin.
Mahina siyang natawa. "Naalala mo pa pala." Sagot niya tapos ng tignan ko siya ay nakalabi siyang tinitignan ang suot niya.
"Kailangan mo ba ng maingay na kasama?" Tanong niya kaya natawa ako at tsaka ko siya inakbayan at dinala sa sasakyan.
"Sakto, kailangan ko ng bubuyog ngayon." Sagot ko at pinasakay na siya.
"Anong bubuyog hoy!"
Sumakay na ako sa drivers seat. "Sinong bubuyog ha?! Ako?! Hindi naman ako kukay black o di kaya dilaw!" Reklamo niya kaya ngumisi na lang ako.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Kahit saan." Sagot ko.
"Luh kidnapping." Sagot niya kaya ngumiwi ako.
"Kidnapping? Baka itapon pa kita sa ilog." Asar ko sa kaniya.
"Okay ng sa ilog kesa sa bangin." Natawa ako sa sinabi niya tapos nagdrive na.
"Kent Axel." Mahinang tawag niya sa akin.
"Oh?"
"Your mother never let a mosquito bite you when you were a child. So don't let anyone broke you in just a minute because it will be more painful for your mom." Mahina niyang sabi, seryoso.
Kaya naman matipid akong ngumiti. "Alam kong sa pagmamahal normal ang magkasakitan, pero observe kasi minsan baka mali na yung sakit." Bulong niya.
"I know you're secretly hiding that pain she gave, always choose to make her right because if you let her do it again it's not good anymore." Hindi ko alam kung paalala ba o warning ang binibigay niya.
"Sorry Kent Axel," wika niya.
"What for?" Mahina kong tanong habang nakafocus sa daan.
"Because you're too nice to be in that pain." Mahina akong natawa sa sinabi niya.
"Bakit ikaw ang nagsosorry?" natatawa talaga ako ngayon.
"Para kahit hindi mo matanggap ang sorry niya, at least baka mapagaan ng sorry ko yung nararamdaman mo para hindi mo isipin na pagkukulang mo kaya niya nagawa yon." Natigilan ako sa narinig..
'Nakita niya?'
√√√
@/n: Keep safe and good luck sa modules niyo. Libre maglapag theory kaya sige lang HAHAHA
Facebook: Maecel Gandia Dela Cruz
Facebook Page: Maecel_DC
Instagram: luxmei143/ lux.delacruz
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top