Chapter 15 [Jealousy Works]
Kent Axel's Point of View.
Matapos kumain ng Ice cream ay batid kong lasing pa rin ang kasama ko kaya naman naisipan kong ihatid na siya sa mismong condo niya. Nang makarating sa condo niya ay inalalayan ko na siya dahil nakapikit na siyang naglalakad baka mahagip pa.
"Gising ka pa woi?" Tawag ko rito.
"Mmm gising," wika niya kaya napailing na lang ako at dumeretso sa elevator upang pumunta sa floor niya nang makarating ay hinanap at inalala ko ang condominium number niya kaya naman ng makita yon ay siya ang pinagtype ko ngunit hindi niya mailagay yon ng tama.
"Ano ba ikaw na nga!" reklamo ni Saji at binigay sa akin kaya naman nilagay ko na ng mabuksan yon ay halos mapailing ako ng nakasubsob ang pisngi niya sa mismong pader kaya naman kinuha ko siya at pinapasok sa loob.
"Yabang mag-aya eh." Parinig ko sa kaniya.
"Hakdog 'wag ka na mang-asar diyan." Natawa na lang ako at tsaka binuksan ang kwarto niya at binalikan siya sa sofa.
"Umayos ka Sajing," wika ko at ng deretso siyang tumayo ay bumagsak siya sa kama kaya natawa ako.
"Tapang mo ah," singhal ko.
"Layas na." Utos niya.
"Ingat." Paalam niya at niyakap na ang unan matapos alisin ang sandals na suot niya.
"Alissssss! salamat!" Natawa ako tapos ay nilapitan siya ng magmulat siya ay nagtataka siya base sa pagkunot ng noo niya.
At ayon pinitik ko siya sa noo. "Ang dungis mo." Sita ko tapos kukuha sana ng towel pero wala kaya naman kinuha ko na ang towel ko at lumabas para banlawan ng maligamgam ang towel ko.
Nang matapos ay bumalik ako doon. "Hindi ako nagpapapunas, akin na yan." Nakanguso niyang sabi at inabot 'yon tapos sinabing, "Salamat."
"Pwede ka ng umalis, bye bye." Kumaway pa siya habang nakapikit kaya ngumiwi ako at tsaka ko siya pinitik uli sa noo.
"ARAY KO!" Sigaw niya.
"Ampanget mo alis!" Natawa ako lalo ng pumadyak padyak pa siya.
"Aalis na, multuhin ka sana diyan." Asar ko na ikinalaki ng mata niya.
"Kent Axel." Tawag niya kaya tinitigan ko siya.
"Wae?"
"May multo sa likod m--"
"Kingina, uuwi na ako." Mabilis kong sabi at tsaka siya tinalikuran at sinarado na kaagad ang kwarto.
Nang makauwi ay nakapatay na ang ilaw sa bahay dahil inabot ako ng alas nuebe mahigit, dumeretso ako sa kwarto ngunit bago yon ay natigilan ako ng makita si Lauren na magkakrus ang mga braso at nakatingin sa akin.
"Lauren." Tawag ko sa kaniya tapos ay sa kwarto niya ako dumeretso at nang makapasok ay mabilis akong lumapit upang humalik sana sa pisngi niya pero tinulak niya ako kaya naman natigilan ako.
"Did you enjoy it?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Minsan talaga naiisip ko kung sino ang priority mo." Napamaang ako at tsaka ako sumandal sa pader.
"Amoy na amoy ang alak sa'yo, tignan mo kung anong oras ang uwi mo. Ganon katagal? ano pa bang ginawa niyo ng BEST FRIEND mo?" Diniinan niya 'yon kaya naman binasa ko ang labi at huminga ng malalim.
"Sinamahan ko lang siyang magwind up." Mahinang sagot ko.
"Kumain kami ng Ice cream after drinking, trust me hindi kami gagawa ng kung ano man." Explain ko.
"Bakit hindi ka na lang kaya sa kaniya Kent Axel? Tutal mukhang mas gusto mo naman siya kasama." Hindi na ako sumagot.
"Lauren--"
"Tapos anong ginawa niyo sa condo niya? Ano?" Nangunot ang noo ko.
"Are you spying on us?" Tanong ko kaagad.
"No but someone send this to me while both of you are having fun hinihintay kitang makauwi." Tinitigan ko siya sa sinabi tapos ng makita ang picture ay ngumisi na lang ako.
"Then you lack of evidences, what are you thinking?" Tanong ko sa kaniya.
"Tell me, do you think we did something malicious?" Napatitig siya sa akin.
"Just because we both drink alcohol does that mean we did such a thing?" Sumama ang tingin niya sa akin.
"Tingin mo ba tulad siya ng ibang babae? na hahablutin ako para halikan? Lauren hindi nga niya ako pinapalapit sa kaniya dahil iniisip ka niya." Natigilan ako ng sobrang sama ng tingin sa akin ni Lauren.
"So you want to be closer? I mean gusto mong lapitan siya ng higit pa?" Umawang ang labi ko.
"No what I mean is kahit alalayan siya kasi halos tumumba na siya sa pagkalasing pero hindi kinaya niya 'wag ka lang mag-isip ng masama." Umirap si Lauren.
"Dapat lang." Matabil niyang sagot kaya bumuntong hininga ako.
"Next time ayokong umuuwi ka ng late lalo na ng siya ang kasama. After class gusto ko nandito ka kaagad sa bahay--"
"Lauren I'm not a fucking teenager." Tutol ko agad.
"Ayoko ring hinahatid mo--"
"Lauren?" Kwestyon ko.
"Ako nga hindi mo maisabay pauwi tapos siya hinahatid mo pa?" Sumbat niya kaya napatingala ako at mariing pumikit.
"Dahil mas nauuna kaming mag-out. Ikaw depende pa," pabulong kong sabi.
"Ang dami mo ring rason eh 'no? 'wag na lang bahala ka sa buhay mo." Nang talikuran niya ako ay mabilis ko siyang niyakap.
"Sorry.." Bulong ko.
"Fine, ihahatid ko siya at babalikan kita sa school. I'll wait for you." Mahina kong sabi at ipinatong ang baba ko sa balikat niya.
"Stop being jealous because she's my best friend. At alam mong gusto siya ni Hyung Zai." Dagdag ko pa.
"Fine." Nauubusang pasensya niyang sagot.
"Lasing ka, pumunta ka na sa kwarto mo." Utos niya kaya naman dahan dahan akong bumitaw at tsaka siya hinarap sa akin.
"Si noona nasaan?" Tanong ko.
"Bumalik na sila sa hospital, naiwan rito si Zai dahil gusto niya ng pahinga." Tumango tango ako sa narinig.
"Good night.." Matamis kong sabi at ngumiti.
"Good night.." Mahina niyang sabi at bago pa man ngumiti ay yumuko ako at tsaka pinantayan ang mukha niya ang dapat na sa pisngi lang ay marahan kong dinampihan ang gilid ng labi niya tapos ngumisi at umalis na.
"Kent Axel.." Natigilan ako ng marinig ang tinig ni Dad.
"It's already late, kauuwi mo lang ba?" Tanong ni Dad tapos sinilip ang kwarto ni Lauren.
Napalunok ako ng katukin niya ang kwarto ni Lauren, ng bumukas 'yon ay halatang pati si Lauren nagulat. "Dad.." Mahinang sabi ni Lauren.
"It's already late, anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ni Lauren?" Tanong ni Dad kaya huminga ako ng malalim.
"KA.." Tinignan ko si Dad.
"I talked to her." Mahina kong sagot.
"You're drunk." Dad seriously said and stared at me.
"Ginugulo ka ba ni Kent Axel, Lauren?" Tanong ni Dad kaya naman ng magtama ang mata namin ni Lauren ay sinenyasan ko siyang tumango.
"Yes dad." Sagot ni Lauren.
"I just want to talk.." Bulong ko.
"Sorry Lauren, Bumalik ka na at matulog." Aniya ni Dad kaya naman bumalik na si Lauren at ng tignan ako ni dad ay bumuntong hininga na lang ako.
"Kent Axel, sana irespeto mo na lang ang lahat. Pakiusap," wika ni dad kaya bumuntong hininga ako.
"Buti na lang ako ang lumabas para kuhanan ang mommy mo ng gatas, dahil pag siya ang nakahuli sa'yo anong sasabihin mo?" Tanong ni dad kaya napailing na lang ako.
"Stop that feeling, okay? hindi makakabuti sa pamilya natin 'yan." Paalala ni dad kaya bumuntong hininga ako ulit.
"I'll go to bed dad.." Mahinang sabi ko at tsaka lumihis sa daan hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil nawawalan ako ng gana.
***
Kinaumagahan ay nagtataka ako ng sa pagpasok ko ang daming tao sa harap ng bulletin board dalawa ang bulletin board rito at lahat 'yon ay puno.
Nagtataka akong dumungaw doon. "Kent Axel nabalitaan mo na ba?" Nalingon ko ang hindi naman kilalang estudyante.
"Hindi."
"May naglabas ng mainit na sikreto ni Argelia." Nangunot ang noo ko at lumapit doon mabilis namang gumilid ang lahat ngunit natigilan ako ng makita rin si Jared sa gitna.
"Kalat ng girlfriend mo ah?" Tanong niya kaya ngumiwi ako at tinignan ang nasa bulletin.
Nangunot ang noo ko ng maya maya ay dumating si Saji at sakto ring dumating si Mila. "Did you love the show?" Tanong ni Mila kaya naman naglapat ang labi ko lalo na ng mabasa ang nasa bulletin.
"Lakas ng tama mo 'no?" Kwestyon ni Saji at tinignan ang nasa bulletin.
"Sa sobrang inggit mo umaabot sa personal na buhay ko ang kinakalat mo." Mariing sabi ni Saji.
"Hindi na ako natutuwa sa'yo." Bumuntong hininga ako at tsaka ko inalis ang nasa bulletin board.
"Paki-alis sa lahat ng bulletin board ang article na dinikit niyo." Utos ko ngunit walang gumalaw.
"Aalisin niyo o lahat ng nakakaalam aalisan ko ng karapatang umapak sa eskelahang ito?" Nang sabihin ko 'yon ay mabilis silang nagsunudan.
"That's useless, hanggang sa site ng school nakakalat na 'yan." Mayabang na sabi ni Mila.
"Sino ba namang hindi matotrauma kung ipinahiya ka mismo ng lolo mo sa buong school natin noon, 'di ba?" deretso lang siyang tinignan ni Saji.
"Kaya pala walang family na kilala dahil sila mismo tinatakwil ka sa anong dahilan kaya?" Tanong ni Mila.
"'Di ba sinabihan kitang huwag pakialaman ang buhay ko?" Sumbat ni Saji.
"Unless gusto mong madamay sa gulo ng buhay ko," wika nito at ngumisi.
"Eh ano naman kung itinakwil nga ako ng lolo ko?"
"Anong epekto non sa'yo? Tumalino ka ba? O mas nagmukha kang tanga?" Gumilid ako at tsaka huminga ng malalim.
"Masaya bang makita na ang isang estudyante na tulad mo pinahihiya?" Tanong ni Saji.
"Masaya ako dahil ikaw 'yon. Alam mo 'di ba haliparot ka rin? Dikit ka ng dikit kay Kent eh kay Lauren na 'yan?" Naglapat ang labi ko ng magbulungan ang lahat.
"Hindi ka lang pala tanga, Ma-issue ka rin." Aniya ni Saji at inayos ang bag niya.
"May napapala ba kayo sa akin? May nakukuha ba kayo sa paninira niyo sa akin? Binabalik niyo pa ako sa nakaraan e may alam ba kayo?" Sumbat ni Saji.
"MAYABANG KA KASI."
"MAPAGMALAKI KA."
"BUTI SA'YO ITINAKWIL."
"KINAHIHIYA KA NG PAMILYA MO."
"BA'T KA PA NAGDOCTOR DAPAT NAMASURA KA NA LANG."
"Enough." Sita ko.
"GINAGAMIT KA LANG NIYAN KENT AXEL!"
"MANIWALA KA SA AMIN SISIRAIN NIYAN ANG MERON KAYO NI LAUREN!"
"I said enough!" Malakas na sabi ko dahilan para matahimik ang lahat.
"Sa oras na marinig ko ang issue na ito, ayaw na ayaw ko ng makita ka sa loob ng eskwelahan na ito." Malakas kong sabi.
"Don't mind them, let's go." Anyaya ko kay Saji pero hindi niya ako pinakinggan.
"Sa tingin mo ba sa oras na sabihin ko kay Harold na balikan ako sa tingin mo hindi ka niya iiwan?" Nagngitngit sa galit si Mila sa narinig.
"Hindi niya ako iiwan!"
"At hindi tulad mo manang ka magbihis! Brusko! Kaya siguro tinakwil ka ng pamilya mo!" Sigaw ni Mila.
"Personalan ba gusto mo?" Hamon ni Saji.
"At least hindi ako ginawang girlfriend para pampainit lang ng kama, kaya nga ako iniwan kasi ikaw kaya mong sabayan ang init habang ako pinapatay ko ang init." Namula sa galit ang mukha ni Mila at sa pagsugod niya ay humarang ako.
"Umalis ka diyan!" Sigaw ni Mila.
"I told you, hindi ka matutuwang ako ang kalaban mo." Sagot ko.
"Nako Mila, kung ako sa'yo 'wag ka diyan hindi ka magtatagumpay." Sa sinabi ni Jared ay nginisian ko na lang siya.
"At ikaw panigurado virgin ka pa! Kasi mahina ka sa babae!" Sigaw ni Mila kaya natawa ako.
"I can make you fall in love with me in just a second Mila, Try me." Hamon ko.
Nanlaki ang mata niya sa sagot ko. "Gusto mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ako natatako—"
"Hindi ako ganito manakot." Nakangisi kong sabi tapos ay nilaro ko ang dila sa gilid ng pisngi ko.
Nanlaki ang mata niya lalo na ng iangat ko ang kamay upang abutin ang kwelyuhan ko at isa isang alisin ang butones.
And boom. "You blushed." Turo ko sa mukha niya partida isang butones pa lang inayos ko na muli ang suot tapos ay nakangisi siyang tinitigan.
"Effortless, sa tingin mo Jared ginawa ko man lang ba 'to sa nobya mo? Hindi." Sagot ko tapos tinapik siya sa balikat.
"Gwapo mo, huwag ka sa bobong malandi." Singhal ko tapos ay tinignan si Saji at mabilis na inakbayan dahil hindi na nakapagsalita si Mila doon.
"Napano 'yon?" Tanong ni Saji.
"Sabi naman sa kaniya, kaya ko siyang kunin ng walang kahirap hirap." Sagot ko.
"Ang yabang mo ah!" Singhal ni Saji.
"Chill nagsasabi lang ng katotohanan." Sagot ko.
"Hindi mo ba ako tatanungin about sa nasa bulletin?" Tanong ni Saji.
"Ikaw lang ang hindi nagtatanong eh." Taka niyang sabi.
"Tingin mo sa akin chismoso?" Tanong ko.
"Sus palusot tinignan mo nga yung nasa bulletin." Natahimik ako sa sinabi niya.
"Pinakita sa akin." Sagot ko.
"Tinignan mo pa rin." Sumbat niya kaya ngumiwi ako.
"Buti nga walang picture, hindi lahat maniniwala." Sagot ko na lang.
"Tagal na kasi non, isang taon na rin bwisit talagang mukhang hipon." Natawa ako.
"Alam mo ba ginawa mo kagabi?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, takot ka sa multo—"
"Hibang, hindi." Sagot ko.
"Bakit umalis ka kaagad?" Sumbat niya.
"Kasi— para makatulog ka na." Sagot ko na lang at tumikhim.
"Sus duwag!" Nginiwian ko siya at inalis na ang pagkaka-akbay ko sa kaniya.
"Alam mo kaibigan, ganito lang yan e—"
"Duwag ka talaga." Inis ko siyang sininghalan sa pang-aasar.
"Bahala ka diyan." Bulong ko.
Nang matanaw ko sa 'di kalayuan si Lauren ay nagtaka ako kaya naman.. "Saji mauna ka na susunod ako." Mabilis kong sabi tumango lang siya at umalis na kaya naman sinundan ko si Lauren.
Wala ba itong klase? Manghaharot muna ako, gagawin nito sa music room? Nang sumunod na ako sa kaniya ay doon ako natigilan at nagkaroon ng kutob.
"Nagawa mo ba?" Nakagat ko ang ibabang labi.
"Nasiraan ko na siya sa lahat ano pa bang gusto mong malaman kay Argelia?" Nang marinig ang boses ni Mila ay sobra akong nanlumo.
'I'm so sorry Saji..'
"Lahat ng maari niyang ikasira."
"Bakit siya pinahiya noon? Saan yan?" Tanong ni Lauren.
"She's the most genius in the med section, med department. Hindi niya nareach ang average na 99 that's why.." Lumabi ako sa narinig.
"At balita ko wala na siyang koneksyon sa pamilya niya, kahit sa school na ito walang registered family sa files niya." Sagot ni Mila.
"Kawawa siya dahil matalino man siya nawawala naman ang lahat sa kaniya but natutuwa ako 'cause she no deserve it." Ngumiwi ako sa ingles nito.
"Huh?" Takang sabi ni Lauren kaya bago pa man mabilis na akong umalis doon at umaktong walang nangyari.
'I don't understand you Lauren, I really can't..'
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top