Chapter 13 [Heat]
Kent Axel's Point of View.
Makalipas ang ilang oras ay naisipan ko ring lumabas ng kwarto ngunit hindi para bumaba kundi para tumambay sa terrace at makahinga ng maluwag.
Dumeretso ako sa rails at ipinatong doon ang bandang siko ko, napabuntong hininga ako hindi pa rin alam ang gagawin ko. "Kent Axel." Mabilis kong nalingon si noona at umayos ng tayo.
"Noona."
"Still stuck in between?" Natigilan ako sa tanong niya.
"Huh?"
"You know that Lauren did something terrible right? And the other one is innocent." Bumuntong hininga ako.
Dahil tingin ko alam niya na. "I can clearly read you right now dongsaeng, you're still stuck on her. Why don't you do everything to make her right?" Napaiwas tingin ako.
"Can't I just stay quiet?" Mahinang tanong ko.
"Nooma, I'm so sorry." Paumanhin ko.
"Because I'm still in love with the person you said I can't be with." Ngayon ay si noona ang napaiwas tingin at tumingala sa madilim na kalangitan.
"Because you keep on sticking, you're closer to pain and you're staying away with your pain reliever." Sa sinabi ni noona ay nangunot ang noo ko.
"Huh?"
"I don't get it noona."
"You'll remember my words soon, when pain is hugging you." kinakabahan ako sa sinasabi ni noona.
"Make me think I'm wrong Kent Axel, I wanted to be wrong with my guts. Kasi ayaw kong masaktan ka ng sobra." Bumunong hininga ako.
"Noona.." Mahinang pagtawag ko.
"Look at that bright moon." itinuro ko pa ito gamit ang daliri ko.
"Soon, that moon will resemble someone." Napalingon ako kay noona.
"Noona ang weird mo." Inis kong sabi.
"Look at that star closer to the moon," itinuro ni noona ang pinakamaliwanag na star malapit sa moon.
"Why?"
"That's—"
"Baby, umiiyak na si Laze hinahanap ka." Mariin akong napapikit ng mabitin na naman ang sasabihin ni noona.
"Okay, Next time dongsaeng." Paalam ni noona at nagmamadaling pumunta kung nasaan si Hyung Luke.
Sa huli ay naiwan na naman akong mag-isa habang nakatingala sa sinasabi ni noona na star, mas maliwanag naman ang buwan pero bakit agaw pansin ang maliit na bituin na ito?
Bumuntong hininga ako at piniling bumalik sa kwarto ko ngunit ng makita kong nakasilip si Lauren mula sa kwarto niya habang pinanonood ako at huminga ako ng malalim at binitiwan ang door knob ng kwarto ko at dumeretso sa kaniya.
"How do you feel?" Tanong ko pero napalunok ako ng hilain niya ako papasok sa kwarto niya at halos magitla ako ng sandaling itulak niya ako sa pinto at sa tangkad kong ito ay kinaya niyang tumiklay mapantayan lamang ng bahagya ang mukha ko.
"L-Lauren.." Kinakabahan kong sabi.
"I feel terrible, how about you?" Deretso niyang tanong kaya naman mahina kong nakagat ang ibabang labi lalo na ng mapansin kong basa ang labi niya.
'Tempted..'
"I-I am okay." Mabilis kong sagot at nag-iwas tingin.
"I know you are, I'm asking the other round." Naitikom ko ang bibig ko ng mapansin na nahihirapan na siyang tumiklay ay mabilis kong hinapit siya sa bewang na ikinagulat niya.
"Don't yeet, we'll get caught." Bulong ko napansin ko ang pag lunok niya kaya ngumiti ako.
"Why don't you risk for me hmm? So we can be together." Mahina kong sabi.
"I feel like I'm being played.." Lumabi ako at bumuntong hininga ng sandali.
"At least we're feeling the same thing right? without label hangga't commited ka sa akin I'll do the same." Mahina niyang explain kaya napatango ako at tsaka ko siya matipid na nginitian at inilapit ko ang mukha sa kaniya ngunit sa pisngi ko lang siya hinalikan.
"Mahuhuli pa tayo rito, c'mon let's be normal." Mahinang sabi ko at inayos ang kaniyang buhok.
"Thank you for understanding me Kent." Nginitian ko siya tapos ay mabilis na kinindatan bago ko pa buksan ang pinto upang iwan siya sa loob nakita kong naglalakad si Laze habang hawak ang isang malambot na laruan.
Nginitian ko siya at binuhat. "Sa kwarto kita ngayon gwapo kong pamangkin." Nakangiti kong sabi at pinasok na siya sa kwarto ko.
"Bahala muna sila mommy at daddy mo na maghanap." Tinitigan lang ako ni Laze kaya naman ng maipasok ko siya sa loob ng kwarto ko ay nilakasan ko ang aircon at tsaka ko sinindi ang malaking TV upang makanood siya ng mga pangbata.
"Nood ka lang diyan sa bed ko okay? dadamputin ko lahat ng laruan mo dito ka na titira sa akin." Kumurap lang siya habang nakatitig sa akin kaya napangiti ako, matalino siyang bata at natutuwa ako doon.
Lumabas ako sandali ng kwarto at pumasok sa kwarto ni Laze upang kunin ang ibang laruan niya ng makuha ay bumalik na ako at binigay yon sa kaniya. "Do you like a sister or a brother?" Tanong ko.
"A sibling.." Marahan at mabagal niyang pagsagot kaya napangiti ako.
"Do you want a gun or a sword?" Napaisip siya sa sinabi ko.
"A shotgun." Lumunok ako at alanganing tumawa.
"Kakaiba."
***
Makalipas ang ilang araw ay napatunayan na hindi si Saji ang may gawa non at nanatili lamang akong tahimik kahit na may nalalaman kaya naman luminga linga ako ngayon sa batibot ng school at pinanood ang mga paru-parong lumilipad sa bawat bulaklak at puno na madadapuan nito.
"Kent Axel!" Mabilis kong nilingon ang hindi kilalang babae na humahangos halatang katatapos sa pagtakbo.
"Si Argelia at Lauren nagtatalo na naman sa parking lot!" Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na sumunod sa kaniya, lakad takbo ang ginawa namin.
Nang makarating ay bumagal ang paglapit ko sa kanila upang marinig ang kanilang pinagtatalunan. May mga estudyanteng nanonood at para sa akin reputasyon ni Lauren ang masisira rito.
Isa siyang professor.
"You're crazy! Stop making up stories just to ruin me Lauren!" Tinig iyon ni Saji bahagya pang nanginginig ang boses nito.
"I am not! You pushed me I almost died because of you!" Napalunok ako bumuntong hininga dahil hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan.
"What?! Inaatake ka ng papuntang sasakyan sa direksyon mo at kaya ka may sugat dahil tinalon kita para hindi ka mabangga! Tanga ka ba?!" Sigaw ni Saji halatang mainit ang ulo.
"Kingina sana pala hinayaan na lang kitang mamatay!" Pikon na pikon na sigaw ni Saji at ng aalis na siya ay natigilan siya ng ako ang makaharap niya.
Ang titig niya sa akin ay matalim. "Step aside." Mariin yon at hindi ko alam pero gumilid ako para lang makadaan siya.
"Lauren, follow me." Mahina kong sabi tapos naglakad na papaalis doon inilabas ko ang susi ng sasakyan ko tapos ay pinindot yon para hindi na ako mahirapan pang hanapin ang sasakyan ko.
Nang makita ay pinagbuksan ko siya tapos sumakay na rin ako sa loob. Pagkaupo ay nilingon ko siya tapos sinindi ang makina upang hindi rin mainit.
Pagkabukas kasi ng makina pati aircon bubukas. "What happened again?" Tanong ko.
"Tell me the truth."
"Totoo ang sinasabi ko, tinulak niya ako muntik na akong mahagip ng sasakyan na yon at itong mga sugat na ito? Kagagawan niya ito tinulak niya ako kasi nainis siya." Galit na sabi ni Lauren kaya bumuntong hininga ako.
"Alright.." Matipid kong tugon.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko.
"Hindi pa." Sagot niya kaya naman tumango tango ako.
"Let's eat." Pinatay ko na ang makina kaya naman pinagbuksan ko siya.
"Mauna ka na, mag-aayos pa ako." Sabi niya kaya tumango na lang ako at muling sinara ang sasakyan para makapag-ayos siya tapos nauna na ako.
Habang naglalakad ay kinapa ko ang bulsa ngunit wala doon ang wallet ko kaya naman kinuha ko ang card upang kunin sa locker ang pera ko.
Sa paglalakad ay natigilan ako ng makita kong nakatalikod si Saji habang nakaupo sa bandang harap ng locker niya.
'May kausap?'
"I'm so tired of this oppa." mahina kong nakagat ang ibabang labi ng marinig ang oppa, kuya niya ang kausap niya batid ko.
"Nag-aaral lang naman ako bakit hindi ako kayang lubayan ng delubyo? Sumusobra na sila." Napalunok ako ng marinig ko ang mahihinang hikbi niya.
'Bakit na kay Saji ang paniniwala ko?'
"You said she's nice that I only need to cope with her but no, she's always framing me and she's always the freaking victim oppa." Sa pagsusumbong niya pakiramdam ko ay para siyang bata na nakakawawa.
"I'm always the suspect. Wala naman akong pakialam kung mali ako lalo na kung mali talaga ako pero hindi eh. Tama naman ako pero mali sa lahat," bumuntong hininga ako tapos ay umaktong kapapasok lang.
"Saji, nandito ka pala." Sambit ko napalingon siya kaagad tapos tinignan niya lang ako at tumango.
"Kausap ko lang kuya ko, may kukunin ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Ah oo wallet ko." Sagot ko ngunit tumango lang siya at inayos ang sarili.
"I'll call you later." Sabi niya sa kausap.
Binuksan ko na ang locker ko at binagalan ang pagkuha ng wallet ko. "She's okay right?" Napalunok ako at nilingon si Saji.
"Huh?"
"Hakdog." Sa sagot niya ay mahina akong natawa.
"Crazy." Tugon ko.
"Check her wounds, baka ma-infect marumi ang daan ng parking lot." Paalala niya tapos ngumiti na lang at halos sundan ko siya ng tingin ng tapikin niya ako sa likod at umalis na.
'Eh?'
Bumuntong hininga na lang ako at lumabas na ngunit wala pa rin si Lauren kaya bumalik ako sa labas sa parking lot pero nakita ko si Hyung Zai na hawak ang pulsuhan ni Lauren at halatang sinasabihan siya.
Kaya naman lumapit ako sa gawi nila. "Stop acting like a kid will you?" Rinig kong sabi ni Hyung Zai.
"Ano bang pakialam mo? Pwede ba bitiwan mo nga ako Zai!" Reklamo naman ni Lauren.
"Stop fooling around Lauren, nasisigurado kong mas matanda ka sa batang kinakanti mo. Professor ka pa man din—"
"Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan!" Sigaw ni Lauren.
"Wala ka ring karapatang magbintang sa hindi naman niya ginawa." Mariin at seryosong sabi ni Zai.
"Do you like that girl? That Saji kaya ka nagagalit sa aki—"
"What if I told you yes?" Napalunok ako alam ko naman na nagkakilala na si Saji at si Hyung Zai pero hindi ba sobrang bata ni Saji?
"Edi sabihin mo sa kaniya para hindi na siya umaaligid kay Kent!" Sigaw ni Lauren.
"Tanga ka ba?" halatang napipikon si Hyung Zai.
"What?!"
"Tanga ka talaga. Magkaibigan yung dalawang tao gumagawa ka ng ikakasira nila." ngayon ko lang narinig maging mean si Hyung Luke.
"You're so mean!" Inis na sabi ni Lauren.
"Matagal na, sa'yo pa una." Sagot ni Hyung Zai kaya natatawa akong lumabas doon.
"Awat na." Sita ko pa.
"Kent." biglang sabi ni Hyung Zai.
"Kent Axel." Binitiwan naman ni Hyung Zai si Lauren kaya ngumiti ako.
"Don't tell me nagtatalo na naman kayong dalawa?" tanong ko.
"Walang bago doon Kent Axel, kailan pa ba kami hindi nagtalo?" Kwestyon ni Hyung Zai kaya ngumisi ako.
"Kumain na kayo?" Tanong ko.
"'Di pa, libre mo?" Tanong ni Hyung Zai kaya sumenyas ako.
Sumunod sila sa akin kaya naman sa gitna ng paglalakad ay nakita namin si Saji na naglalakad dala dala ang bag niya.
"Hey.." Ngumiwi ako kaagad ng malambing iyon na sabihin ni Hyung Zai tapos mabilis na kinuha ang bag ni Saji.
"Huh? B-Bakit?" Gulat na tanong ni Saji at tiningala si Hyung Zai tumikhim na lang ako.
"Sasama ka sa amin kumain." Sagot ni Hyung Zai.
Hindi nakasagot si Saji dahil sa gulat kaya naman takang taka ang lahat na tinitignan silang dalawa. Nang nasa cafeteria na ay kaharap ko si Saji dahil baka mag-away na naman sila ni Lauren.
"Dr.Zai pwede po papicture?" Natigilan si Hyung Zai tapos tumikhim.
"Sure." Ngumisi na lang ako at pinanood sila pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan ni Saji at Lauren.
"Saji, Zai likes you do you know that?" mabilis kong nilingon si Lauren sa sinabi.
Mabilis naman na napaubo si Saji sa narinig. "What?" Gulat niyang tanong.
"Lauren?" Kwestyon ni Zai.
"Sinasabi ko lang naman yung sinabi mo sa akin, Gusto mo siya 'di ba?" Naglapat ang labi ni Hyung Zai sa pagkapikon.
"Huwag mong antaying baliktarin ko ang sitwasyon Lauren, Huwag mong antayin na ako gumawa ng kinakatakot mong mangyari." Seryosong banta ni Hyung Zai.
"As if you can." Mayabang na sabi ni Lauren.
"So what if I like Saji? Natutuwa ka kasi nga nagseselos ka tuwing magkasama sila ni Kent Axel?" Hindi ako nakapagsalita sa sumbatan nila.
"Ya.." Sita ni Saji, halatang naiilang sa naririnig.
"Inaya niyo ba ako para pagtripan? Because it's not funny." Inis na sabi ni Saji at tatayo na sana pero mabilis siyang pinigilan ni Zai at pinaupo.
"Sa susunod na taluhin ka nito? Tell me." Naglapat ang labi ko sa bilin ni Zai kay Saji.
"Huh? B-Bakit?" Takang taka si Saji at kahit ako nagtataka na rin.
"Because I won't let her, hurt you." Zai said and glared at Lauren who's fiercely staring.
Tinitigan ko si Saji tapos ay ng tignan niya ako pinaglapat ko ang mga labi ko at tsaka tinignan na lamang ang mesa.
"That's nonsense." Natatawang sabi ni Lauren.
"Then I'll make it sense." Sumbat ni Zai kaya lumunok na lang ako at hindi na umimik.
'Panay away, gusto ko na bumalik sa tahimik kong mundo.'
√√√
@/n: Enjoy reading, stay tuned. Feel free to comment anything 💕 stay safe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top