Chapter 12 [Confrontation]
Kent Axel's Point of View.
Hinayaan kong sumakay si Saji sa sasakyan ko dahil ihahatid ko siya katatapos lang ng last subject namin yung quiz and recitation. "Mainit ang mata ng mga tao sa'yo dahil sa incidents sa school so for your safety hatid kita hanggang sa pinto." Mahinang sabi ko ngunit ang totoo ay gusto kong malaman kung anong ginawa ni Lauren.
"Kahit hindi na."
"I insist." Mahinang sabi ko na lang at nagdrive na papunta sa condominium pad ni Saji.
While driving napapansin kong tahimik si Saji siya yung kaibigan ko na pag nakasakay ng sasakyan ay nagsisisimula na agad magdaldal but today is different.
as soon as we reach her place tahimik lang rin siyang bumaba holding her bag and one book on her hand. Bumaba rin ako dahil tulad ng sinabi ko ay may gusto akong malaman at makita.
"Kent, I'm okay. Please 'wag na." Mahinang pakiusap niya kaya bumuntong hininga ako at tumigil tapos ay tumango.
"Alright, Take care." Halos mahina lang ang pag-uusap namin upang para bang pabulong siya ngunit hindi naman ganon.
"Ingat ka pauwi,' wika niya lang.
"Salamat." Nang tumalikod na siya at naglakad ay huminga ako ng malalim at bumalik sa sasakyan ko at nagmaneho na lang papauwi.
Nang makauwi ay alam kong nandito na si Lauren dumeretso lang ako sa kwarto dahil hindi ko naman nadaanan si mom at dad baka nagpapahinga sila sa kwarto nila.
Pagkarating matapos ko mag alcohol ay nahiga ako sa kama upang umidlip. Makalipas ang kinse minutos ay basta basta na lang akong napamulat ng maalala na kailangan kong kausapin si Lauren.
Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at dahil empty ang floor na ito alam kong nasa ibaba sila ngunit habang pababa ako sa hagdan ay nagulat ako ng makita kong pumasok si Saji mula sa front door.
"Oh hija nandito ka pala." Napatitig ako kay Saji na sobrang sama ng tingin kay Lauren.
"Sorry for interrupting and sorry tita if I have to do this." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya tapos ay lumapit siya kay Lauren at halos mapalunok ako ng malakas niyang sampalin si Lauren na ikinagulat naming lahat.
"H-Hija." Sambit ni mom.
"What the hell!" bulyaw ni Lauren.
Hawak niya ang mga pisnging mabilis na mula. "You're a teacher yourself but you're too much! Hindi mo ba alam ang privacy!?" Galit na sigaw ni Saji.
"What happened?" Napatingin ako kay dad.
"What now?" Inis na sambit ni Lauren at akmang sasampalin niya si Saji pero mabilis na pinigilan ni Saji ang mga kamay na 'yon.
"Yung ginawa mo sa akin sa school matatanggap ko pa, pero yung ginawa mo sa condo ko? Alam mo ba kung gaano ka-importante sa akin ang mga libro ng doctor na sinunog mo! Bigay yon ng kuya ko! pinasok mo na ang pad ko nanira ka pa!" Mabilis na pumagitna si mom.
"Girls let's talk about this okay?"
"Mom bakit mo siya kinakampihan! sinampal niya ako!" malakas na sabi ni Lauren.
"Lauren wala akong kinakampihan, whatever the problem is we can always talk about it." Mahinahon ngunit maawtoridad na sabi ni mom kaya huminga ako ng malalim tapos mabilis na lumapit sa kanila ngunit para hilahin lamang si Saji papunta sa garden.
"A-Ano ba!" Halatang mainit ang ulo niya dahil nagtataas siya ng boses.
"Magagalit ka dahil sinampal ko si Lauren? Sige lang! hindi ko naman kailangan ng kakampi as long as I'm right!" Huminga ako ng malalim at hindi muna umimik.
"But that woman is too much!" Tumango akong muli.
"If you're not gonna believe me, still I don't need your opinion with this case." Tumango akong muli.
"What did she do Sajing?" Umawang ang labi niya sa pagtawag ko sa kaniya.
"She invades my privacy, Sinunog lahat ng nasa book shelves ko and worst that book was given by my kuya. It's freaking expensive and hard to find like it came from other countries." Iritable niyang sabi at napahilot sa sariling sintido.
"Does that professor know privacy? Hindi naman siya teacher ng preparatory or even kinder at kahit oo dapat alam niya 'yon!"
"Kumalma ka, tara sabihin mo 'yan doon." Mahinahon kong sabi at sinenyasan siya na agad rin namang sumunod ngayon ay nakaupo na sila sa sala while dad is holding a cup while standing beside the single sofa where mom is..
"Sit down." They calmly announced.
Naupo si Saji sa harap ni Lauren ngunit hindi magkatabi habang ako naman ay nasa isang single sofa. "What did my daughter do this time?" Tanong ni mom kay Saji.
"Sinunog niya po ang lahat ng libro ko na hindi lang simpleng libro dahil galing sa kuya ko at about doctors po iyon." Mahinang sabi ni Saji habang masama ang tingin kay Lauren.
"Sorry po for causing a scene, but she invades my privacy." Bumuntong hininga ako dahil nasisigurado ko na nagtataka ang parents ko kung bakit.
"Why did she do that?" Takang sabi ni mom.
"Lauren?"
"Wala siyang proofs na ako ang gumawa mom." Bumuntong hininga ako sa narinig at ang lahat ay napatingin sa akin.
"Do you have proof that she did it?" Tanong ni dad kay Saji.
"She warned me po ng nasa school." Nahihiyang sabi ni Saji.
"You warned her?" Tanong ni dad kay Lauren.
"Wala siyang proof dad." Sagot ulit ni Lauren.
'She's playing safe but I already heard everything from her, tell me how should I believe her? bakit siya ganito?'
"Do we need that? Lauren alam mo sa sarili mo yung ginawa mo mula kanina pang tanghali. Hindi ko naman po kailangan ng paniniwala ng lahat sa akin pero ang akin lang hindi ba sobra ang ginawa mo?" Mahabang sabi ni Saji.
"Wala kang karapatan magbintang ng wala kang proof Saji." Mariin na sabi ni Lauren kaya huminga ako ng malalim at napahilamos sa sariling mukha.
"Saji, I have question." Napatingin sila sa akin lalo na si Saji na napatitig pa ng may pagtataka.
"Are you innocent?" Sa tanong ko ay walang alinlangan siyang tumango.
"I am innocent that I am not in to something." Mabilis niyang sabi kaya tumango ako.
'I can say if the person is telling the truth..'
"Lauren." nang lingunin ko siya ay nakatingin na siya sa akin.
"Are you innocent?" Tanong ko.
"Are you doubting me?" Sa sinagot niya ay napayuko ako at huminga ng malalim.
"You don't have to answer it." mahina kong sabi at tsaka ko nakagat ang ibabang labi.
"I'll go upstairs, you know what mom and dad. We can't fix this today." Mahinang sabi ko at tumayo ngunit pagkatayo ko biglang bumukas ang pinto sa front door dahilan para ituon ko doon ang atensyon ko.
Ngunit agad na nawala ang pagkunot ng noo ko ng makita kong pumasok ang pamangkin ko. "Noona.." Sambit ko at mabilis na ngumiti tapos ay lumapit at sinalubong ang pamangkin kong walang kaemo-emosyon.
"Hi young man." Bati ko ngunit tumitig lamang ito sa akin kaya binuhat ko siya.
"Pogi ng pormahan natin ah." Bati ko pero wala man siyang reaksyon.
"Oh Hi Saji Argelia." Bati ni noona sa kanila ng makita ko si Hyung Luke ay ngumiti siya sa akin.
"Kamukha ko ba?" Tanong niya kaya ngumisi na lang ako ngunit agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita si Hyung Zai na nasa likod ni hyung.
"Don't tell me wala ka pa ring girlfriend?" Ngumiti siya at kinindatan ako tapos ay pumasok na kaya naman sumunod ako sa kusina ngunit nag-uusap usap sila with noona.
"Oh pota.." Napatingin agad ako kay Hyung Zai ng malutong siyang magmura ng nasa sala.
"May bisita pala, hello miss." Bati ni Hyung Zai kay Saji na ngumiwi halatang mainit ang ulo.
"Hoy sungit, ba't namumula pisngi mo?" Natatawang sabi ni Zai kay Lauren na mabilis siyang inirapan.
"Get lost retard." Ngumisi na lang ako ng mag walk-out si Lauren at pumunta sa kusina.
"Miss ayos ka lang? Napano 'yan?" Tanong ni Hyung Zai at napalunok ako ng makita kong lapitan niya si Saji at hawakan kaagad.
"Ito oh dapat ginagamot mo 'yan, 'di ba bro?" Habang buhat ko si Laze ay nanonood lang ito sa mga matatandang nakikita niya.
"Bakasyon kayo rito noona? bakit dawit pa 'yan?" Tanong ko tinutukoy si Hyung Zai.
"Alam mo Kent Axel sana magaya ka sa akin na nasa thirties na wala pa ring girlfriend bwisit ka." Natawa ako tapos ay nginisian siya.
"Baka kumulubot na 'yan wala ka pa ring anak." Nanlaki ang mata niya tapos ay palihim akong pinakyu sa pamamaraan ng pagkamot ng mata dahil may bata.
"Luh noona oh nakikita ni Laz--"
"Zai enough." Singhal ni noona tapos ay naupo sa gitna nila mom at dad na nasa mahabang sofa na.
"You'll be staying here?" tanong ni dad.
"Anak please yung library 'wag mo ng sirain." Pakiusap ni dad kaya natawa ako lalo na ng umirap si noona ng pasimple.
"How's Laze?" tanong ni mom dahilan para ibaba ko si Laze at ng makalapit sa kanila.
"Habang mas tumatagal mas nagiging mailap siya sa ibang tao and worst mom sobrang tahimik na bata." Kwento ni noona.
"Baka gusto na ng kapatid 'di ba bro?" Singit ni Zai.
"Shut up Zai, humanap ka na nga ng para sa'yo." Inis na singhal ni noona.
"Hoy naka move on na ako sa'yo 'wag kang makapal!" Ngumiwi na lang ako kaya walang girlfriend eh hindi naghahanap sa dami ng dumidikit walang gusto.
"How about Dr.Shane?" Tanong ko.
"Shut up, ayoko nga gusto ko sa sweet hindi sa isa pang brutal ren. Ang sakit rin manapak no'n!" Napailing na lang ako.
"Don ka sa aso mo." Singhal ni Hyung Luke.
"Well better." Asik ni Hyung Zai.
"Bakit ka pala nandito? Mom napadalaw siya?" Tanong ni Noona kaya nawala ang ngisi sa labi ko.
"Hindi ko nga maunawaan, kwento ni Saji na sinunog ni Lauren ang buong shelf ni Saji na ang mga libro ay galing pa sa kuya nito." Turo ni mom kay Saji.
"She did that?" Nanlalaki ang mata ni noona na sabi.
"Ewan," wika ni mom kaya naman ng tignan ko si Laze ay talaga ngang seryoso siyang bata, apat na taon pa lang naman siya pero pakiramdam ko mas seryoso pa siya sa akin.
"May kiliti siya?" Tanong ko.
"I tried pero iniiwas niya kahit anong pilit." Sagot ni noona.
"On his medical he's normal." Dagdag niyang wika at sumandal sa sofa sa balikat ni dad.
"Luke umamin ka na ganiyan ka ba ng bata ka?" Tanong ni noona na ikinangisi lang ni hyung.
"Ihahatid ko na muna siguro si Saji sa kanila dad." Paalam ko.
"Hindi na kailangan," wika ni Saji.
"Ah Luke nakalimutan kasi natin yung ibang needs ni Laze pwede ka bang bumili? tapos ihatid niyo na rin ni Zai si Saji." Napatingin ako kay noona.
"Sure." Sagot ni Hyung Luke tapos ay siniko si Hyung Zai at mabilis naman silang nagturuan kung sino ang magdadrive.
"Kingina ako na! arte nito!" Singhal ni Hyung Zai at inabot ang susi kaya naman pinanood ko silang umalis.
"I'll see you tomorrow." Paalam ko kay Saji.
"Take care Sajing." Tipid lang siyang ngumiti at kumaway tapos sumunod na sa kanila.
"We'll rest." Paalam ni noona at kinuha na si Laze na mabilis namang sumunod kay noona.
Kaya naman umakyat na rin ako dahil madilim na rin sa labas habang papunta sa kwarto ay Napansin ko sa terrace si Lauren nakatalikod siya sa gawi ko kaya naman ibinulsa ko ang cellphone at lumapit sa kaniya.
"Why did you do it hmm?" Mahinang sabi ko dahilan para lingunin niya ako.
"Ngayon ay pinaniniwalaan mo pa siya kay sa'kin." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
"Lauren.." Mahina kong sabi at bahagyang tumawa.
"I know you did it." Panimula ko.
"I know, please stop lying to me okay? Don't make me overthink why do you have to lie." Napatitig siya sa akin habang kumikibot kibot ang labi.
"Papaano mo nasabing ginawa ko?"
"Hindi nga ako ang may gawa non." Mariin niyang sabi.
"Pinagbibintangan mo rin ba ako? 'di ba sabi ko sa'yo bibilugin niya kayo!" hinayaan ko siyang magtaas ng boses.
"Mas pinaniniwalaan niyo siya eh. Nakakainis!" tumango ako at kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko na may kakaunting laman at tsaka ako pumunta sa voice recorder.
Pumunta ako sa recent save at mabilis kong pinindot ang play button. Nagsimulang tumunog ang usapan nila kanina.
Nanlaki ang mga mata ni Lauren habang nakatitig sa cellphone ko. "Did Saji recorded it?"
"And send it to you?" Tanong niya.
"I was in the locker room, Lauren." Mahina kong sabi.
"I heard everything." Nakagat niya ang ibabang labi.
"Why are you jealous of her?" Kwestyon ko.
"Because I hate her!" Sigaw niya at napapikit pa.
"I hate her presence! Naiinis ako dahil mas napapatawa ka niya kesa sa akin. Mas napapangiti ka niya, mas gusto mo siya kasama dahil hindi siya maarte!" pakiramdam ko ng mga sandaling ito ay dapat natutuwa ako.
But all I can see is toxicity.
I'm disappointed.
"I want her out of our world. Inaagaw ka niya sa akin!" Napatitig ako sa kaniya.
"Don't tell me ikaw rin ang mastermind ng questionnaire?" Hindi siya nakaimik sa sinabi ko dahilan para mapamaang ako.
"Tangina." Bulong ko.
"Ikaw pa ba 'yan Lauren? This is nonsense tell me it's not your doing." Mariing sabi ko at tinitigan lang siya habang nakakuyom ang mga kamao ko.
"Tell me."
"I'm sorry." Napapikit ako, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman because right now naiipit ako.
Naiipit ako over my bestfriend and the one I like. "Lauren." Naninita kong sabi.
"Her locker?"
Nang mapayuko siya ay nakagat ko ang ibabang labi at napahilamos sa mukha. "I-I don't think I can defend you this time. I'm sorry." Mabilis kong sabi at naglakad na papaalis don ngunit narinig ko ang pagtawag niya sa akin.
Narinig ko rin ang mga hakbang niya pagkapasok ko ng kwarto ay pabalibag ko iyong sinara but I immediately looked back ng marinig ang daing niya.
"L-Lauren.." Mabilis ko siyang nilapitan.
Nag-aalala.
"S-Sorry.." Hinawakan ko ang siko niya at pinapasok na lang siya sa kwarto ko.
"Sorry." Pero nang marinig ko ang mahina niyang pag-iyak ay parang hinaplos ang puso ko dahilan para mabilis ko siyang yakapin.
"No, Sorry.." Pumikit ako at niyakap lang siya.
"Sorry. Sorry.."
"I didn't mean to forcefully close the door, Sorry Lauren." Niyakap ko siya hanggang sa tumahan siya.
"Why am I like this Kent?" Kwestyon niya.
"Please don't be narrow minded if you hate her you can just hate her don't hurt others. Don't invade privacy." Pakiusap ko.
"Sorry."
"Sorry Kent." Pumikit ako at hindi nakatugon.
"You should rest. Bumalik ka na sa kwarto mo bago pa iba ang isipin nila, hmm?" Hindi na siya sumagot at basta bastang lumabas.
'Ipit na naman ako.'
Ako na naman?
√√√
@/n: Luh ako na naman? Chour last update siguro ngayon dahil exam week na naman namin sa lunes at sana ay huwag kayong sumuko sa modules niyo kaya niyo yan! Keep safe!
Masasabi ko lang na always do what is right okay? Always stand for truth kahit nag-iisa ka basta tama ka may laban ka huwag tayong kakampi sa mali kahit na kadugo pa natin ang tao na yan, kahit pa karelasyon natin yan pag mali siya kailangan niyang itama, Godbless!
Facebook: Maecel Gandia Dela Cruz
Facebook Page: Maecel_DC
Instagram: luxmei143/ lux.delacruz
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top