Chapter 10 [Accusations]

(@/n: Lobster scrambled eggs on the multimedia.)

Kent Axel's Point of View.


Pagkagising na pagkagising ay binilisan ko ang pagligo dahil maaga aga pa naman at alas nuebe pa ang klase namin may quiz and recitation kami ngayon kaya panigurado magre-review kami kaya kailangan ko bilisan.

Nagsuot lamang ako ng itim na slacks at simpleng white shirt na mas maluwag sa akin, lumabi ako sandali sa salamin at tsaka ko hinablot ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Pagkalabas ko ay mukhang nasa ibaba na ang iba kung kaya't dumeretso ako doon at iniwan sa sala ang bag ko.

"Good morning Kent Axel." Bati ni mommy kaya ngumiti ako.

"Good morning mom."

"Good morning wala ka bang hangover?" Tanong ni dad kaya nakangiti akong umiling.

"I don't know what's hangover." Mayabang kong sabi na ikinatawa ni dad.

"Mayabang," wika niya kaya ngumisi ako at sakto namang bumaba na si Lauren kaya sinulyapan ko lang siya at pinanood na si mom na nagluluto ganito na ata ako parati. 

"Mom everyday ata may cooking show ka pag nandiyan si Kent Axel." Matunog na lang akong ngumisi at nanood na.

"Hindi ka pa ba nasanay sa kapatid mo Lauren," natatawang tugon ni mom kaya nanood na ako sa kaniya.

"What is that mom?" Tanong ko.

"Lobster Scrambled Eggs anak," wika ni mommy kaya napatango ako at naamoy ang cheese na nalulusaw sa itlog.

"Good morning Saji, How's your sleep?" Nang marinig ang sinabi ni dad ay alam kong nandiyan na rin siya kaya nanatili lang akong nanonood.

"Good morning po, maayos naman po." Ang pagiging bahagyang boses lalaki niya ay nawala.

"Bagay sa'yo yung suot mo hija." Puri ni dad sa kaniya ano naman kayang suot niya ngayon.

'Jogging pants?'

"Oo nga naging babae ka kahit papaano," nangunot ang noo ko at nilingon sila.

Sinuri ko ang kabuuan niya tapos ay napatango tango na lang ako. "What do you think Kent?" Tanong sa akin ni dad.

'She's just wearing a simple skinny jeans and fitted white cotton shirt, I mean yeah she's a lady.'

"It looks good," matipid kong sagot at pinanood na lang si mommy.

Nang matapos magluto ay naupo kaagad ako sa dining dahil gutom na rin ako. "I remember Mia told me a story about Kent who wants a lobster because he want a pet." Halos napaubo ako nang ipaalala 'yon ni mommy.

"Mom I was 17 years old that time. I'm already in my twenties now." Mahinang reklamo ko at kumain na.

"And then Zai told me that you told him to buy you a lobster because you want it so bad like a pregnant lady in exchange, you'll buy him a set of gaming PC." Nakagat ko ang ibabang labi ng matawa ang mga kasama kaya naman tahimik na lang akong kumain.

"And also I remember when your toot-toot got tuli--"

"Mom it's embarassing." Mahina kong sabi  at uminom ng Juice.

"Well.." 


***


Sabay sabay kaming bumaba ni Saji at Lauren sa sasakyan ko at sa hindi inaasahan ay may ibang high school student na pumunta sa harapan namin kaya naman mahina kong nakagat ang ibabang labi. "It's letters na po not chocolates or fancy things." A high school student mention that made me stare at her.

'Am I that bad? they look so scared.'

"Thank you, you can put it on my locker box above my locker." Nakangiti kong sabi bago sila iwasan lalo na ng marinig ko ang kinikilig nilang tilian.

"Mauuna na ako sa class ko, have a nice day." Bati ni Lauren kaya naman nang magtama ang paningin namin ay mabilis ko siyang kinindatan na ikinaawang nang labi niya at natawa.

"I'll go ahead."

"Good luck professor," wika ko at kinawayan siya kaya naman sabay kaming dalawa ni Saji ang naglakad papunta sa hallway sa library.

"You have a lot of admirers, sana all." Natawa ako sa sinabi ni Saji dahilan para mahina ko siyang sagiin na agad niyang ikinasama.

"Makasagi ka ah! ang laki laki ng katawan mo hoy." Reklamo niya kaya natawa na lang ako at ngumisi.

"Oh." Nilingon ko siya kaagad nang marinig 'yon kaya naman nangunot ang noo ko nang makita ang inaabot niyang naka tumbler takang taka ko iyong tinanggap.

"What's this?" I questioned staring at it clueless.

"Yogurt, just take it. It would help for our brain to process more." Natatawa niyang sabi kaya tumango ako.

"Thanks," saad ko at nang marating namin ang library ay humanap kami ng maaring maupuan upang mas makapag-aral.

"Naniniwala ka bang mag-bestfriends lang talaga sila?"

"Hindi ko rin alam pero 'di ba si Lauren ang gusto ni Kent Axel?

"Oo nga pero 'di ba hindi sila magkapatid kaya pwede sila."

"Pero si Argelia yung parating kasama hindi ba weird 'yon?"


Tumikhim ako, sana kung magbubulungan sila yung hindi namin rinig. "Don't mind them." Sabi ko na lang at binuksan na ang libro.

"Hindi mo ba sinusulat yung mga keywords?" Tanong ni Saji sa akin kaya naman tinignan ko ang notebook na hawak niya kasama ng libro.

"Bakit ko pa isusulat? Kaya nga inilagay na sa libro." Matipid kong sagot.

"Well sabi nila mas mame-memorize mo ang isang word kung isusulat mo ito." Tipid ko siyang nginitian.

"I'll prove you that it doesn't need do so much effort in reviewing," saad ko na nagpatango sa kaniya na para bang natatawa pa.

"Ay oo nga pala nakalimutan ko tara dali Kent." Mahinang sabi ni Saji at tumayo tapos ay inilahad pa ang kamay niya sa akin.

"Bakit?"

"Tara na sumama ka na." Pamimilit niya kaya naman tinignan ko ang gamit namin.

"Pa'no ito?"

"Hindi naman nila nanakawin ang libro ano ka ba, bilis na kent." Huminga ako ng malalim at tumayo na kaya naman ng mabilis kaming maglakad ay nagtaka ako.

'Saan niya naman kaya ako dadalhin?'

Natigilan ako ng mapansin na papunta sa cafeteria ang tinatahak naming daan, lumabi na lang ako at ganun na lang ang pagtataka ko ng makita ang mahabang pila ng esudyante.

May kumpulan rin. "Ano ba 'yan, sayang Kent Axel!" Sobrang panghihinayang ni Saji kaya naman mas nagtaka ako.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Ang yayaman naman kasi ng estudyante rito kaya afford na afford bumili ng lobster fresh galing sa palawan!" Reklamo ni Saji at nakababa ang balikat na hihilain na sana ako papaalis.

"Teka.."

"Bakit?" Tanong niya at tiningala ako sinenyasan ko siyang sumunod kaya naman nang maglakad papunta doon ay kinakabahan ang lahat na tinignan ako.

"Is everything reserved for them?" I questioned the cashier.

"H-Hala Sir Kent.." Gulat na sabi ng cashier.

"G-Gusto niyo po ba? Pwede naman po naming bawiin ang isa sa mga stude—"

"Ah please don't, ayos lang. Ngayon ko lang nalaman na available na ang lobster dito sa cafeteria?" Patanong kong sabi na ang gusto kong sagot ay i-kwento niya kung papaano.

"This week lang namin nasabi sir eh, sa totoo lang two hundread stocks lang po kaya halos apat na daang students lang ang kaya naming bentahan dahil sa bawat isa ho ay hinahati namin sa gitna." Explain nito kaya napatango ako.

"Kailan naman ho ang sunod?" Tanong ko sa babae, nilingon pa niya ang mga kasama tapos nang tanguan siya ay tinignan niya ako.

"Sa susunod na buwan pa ho." Bumuntong hininga ako at tumango bilang sagot.

"Salamat ho." Sagot ko na lang tapos umalis na doon mahaba ang nguso ni Saji.

"Isang buo 'yon ang tagal ko ng hindi nakakakain ng ganun huhu.." Mahina akong natawa sa sinabi ni Saji parang bata kasi.

"Nawala sa isip ko ang sarap kasi ng luto ni Tita Miyu." Sa sinabi ni Saji ay mas natawa ako.

"Favorite mo ba ang lobster?" Kwestyon ko, ako kasi oo paborito ko talaga ang lobster.

"Oo sobra." Nakanguso niyang sagot.

Ngumisi na lang ako tapos ay tahimik naming tinahak ang daan papunta sa library at nang makabalik ay nangunot ang noo ko ng mapansin ang kaunting pagbabago ng table.

Mabilis kong napapansin ang kaunting pagbabago ng lahat, kaya ko ngang sabihin kung nagalaw ba ang kwarto ko o hindi. Kung napakialaman ba ang bag ko o hindi.

"Don't touch it." Sambit ko kay Saji na ikinataka niya.

"Ha? Eh libro ko naman 'to." Nagtataka niyang sabi.

"Use my book, ikaw lang ba humahawak nito?" Kwestyon ko sa kaniya.

"Oo, bakit?" Bumuntong hininga ako at umiling na lang tapos ay naupo na.

"Study." Mahinang sabi ko at nagbasa na lang rin upang may maisagot ako sa kung anong tanong mamaya.

Hindi na rin siya tumugon pa at makalipas ang ilang minuto ay malapit na ang klase kung kaya't naghanda na kami at tumayo para makapasok na sa room.

Nang malapit na sa classroom ay naririnig ko ang kaguluhan sa loob kaya nagtataka kaming pumasok at doon ay natigil sila lalo na ng makita ako. "What?" I questioned.

"What's happening?" Kwestyon ko.

"Professor is so mad because of the questionnaire for our quiz and recitations are missing.." Mahinang sagot ng class president.

"Then why are you all freaking out?" I added.

"D-Dahil pag hindi daw namin nahanap sa isa't isa ang questionnaire babagsak daw tayong lahat, at ang sinabi ni prof ninakaw daw ang buong sheet." Kinakabahan nitong sagot.

"Nahanap niyo na ba?" Tanong ko pa.

"That's why we're doing an inspection, sa lahat ng students sa buong room natin." Sagot niya.

"Pati kami?" Tanong ko.

"Oo sana, pero kung bawal ayos lang K-Kent Axel.." Huminga ako ng malalim at tsaka ko binuksan ang bag ko sa harapan ng lahat at lahat sila ay nanood.

Kahit mga libro ko ay binuklat ko at inilabas ko rin lahat ng gamit ko nang makita nilang wala ay tinignan nila si Saji. "Ikaw na tumingin sa bag ko." Sambit ni Saji at inabot ang bag niya sa akin na para bang wala lang.

Inabot ko ang bag niya at ginawa rin ang ginawa ko ngunit pagkabuklat ko sa pinakahuling libro yung hindi niya ginalaw kanina ay may nakita akong sheet. Napalunok ako at tsaka ko hinawakan sa dulo ang sheet.

"What's that?" Nagtatakang tanong ni Saji at nilapitan ako pero ganun na lang ang gulat at pagtataka sa kaniyang mukha.

"Sa akin niyo nahanap?" Tanong niya kaya naman napalunok ako at mahinang kinagat ang ibabang labi.

"Argelia, Grabe ka ipapahamak mo pa talaga kami 'no?"

"How could you do this? Cheater."

"You're not being fair."

"I thought you're different."

"Sabi na eh nasa loob ang kulo mong babae ka."

"Siguro kaya ka lumipat rito dahil gawain mo na ito noon pa man?"

"Hindi ko magagawa ang bagay na 'yan." Mahinang sabi ni Saji.

"Alam mo Kent Axel ginagamit ka lang rin ni Argelia."

"I didn't do that, I swear." Sambit ni Saji tapos ay kinuha ang book na hawak ko.

"Dito mo ba nakita?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako bilang sagot.

"I can't believe you Argelia, I thought you're matalino." Umawang ang labi ni Saji sa narinig.

"Pero hindi ko nga magagawa 'yan. Hindi ko nga alam kung saan nakalagay ang questionnaires, hindi ako ang kumuha niyan." Mariing sabi ni Saji.

"I swear!"

"Huwag niyo akong tignan ng ganiyan." Sagot niya.

"Kailan ito nawala?" Tanong ko sa kanila.

"So nahanap niyo na ba ang questionnaire?!" Nilingon ko ang professor na kapapasok lang nakita niyang hawak ko ito.

"Mr.Sandoval." Sambit niya.

"Kailan ito nawala prof?" Tanong ko sa kaniya.

"Kaninang umaga lang. Kasama ko yan nang pumasok ako sa opisina at nang kumain sa cafeteria hindi ko na makita sa table ko." He explained.

"Nakita namin sa libro ni Ms.Collins but it's quite unbelievable prof." I cleared my throat after saying that sentence.

"Ms.Collins?" Kwestyon ni prof.

"Yes sir?"

"Bakit nakita sa libro mo 'yan?" Tanong ni prof sa kaniya.

"Prof hindi po ba obvious? Siya ang kumuha."

"Gusto niya kasi sigurong lamangan si Kent kaya kinaibigan ni—"

"That's not it! Hindi ko nga kinuha 'yan! Hindi ako nakikipag-compete kay Kent okay?!" Inis na sambit ni Saji at pabagsak na ibinaba ang libro.

"I will never betray a friend, pagbintangan niyo na akong cheater but don't you dare spit nonsense. I didn't do anything." Saad ni Saji halatang nasaktan na inakusa sa kaniya.

"Kung ganun bakit nakita sa libro mo?" Sumbat ng class president.

"It's really unbelievable that you lost it in the morning sir then makikita natin sa libro ni Saji." I speak up.

"And why is that Mr.Sandoval?" The professor questioned me.

"Because she's with me since last night, nagkalayo nga lang ata kami ng maligo na." Sambit ko na ikinagulat at ikinalakas ng bulungan ng lahat.

"Does that mean they both sleep together!?" Malakas na bulungan ng buong klase at ng nakikichismis sa labas.

"Oh my god! I knew it!"

"They both sleep together!"

"Kanina she's with me also we both left the library and our books are there. I already notice that someone touched our things that's why I didn't let her use that book." Mahinang sabi ko.

"Believe me or not, I don't care what's all in your mind. Evidences and proofs are better so why don't we check the security CCTV footage outside your office prof?" Hamon ko.

"'Cause I'm not convinced that she did it."

"Mas mabuti nga siguro ang suhestyon mo Mr.Sandoval." Prof said and sighed.

"Kung si Ms.Collins nga then she's going to face the consequence." Sambit ni prof tapos kinuha ang sheets sa kamay ko.

"Let's re-schedule the quiz and recitation mamayang hapon na lang. Babaguhin ko rin ang questionnaires." Sambit nito at lumabas na.

"I really hate issues, Sino naman kaya naglagay no'n sa libro ko." Naiinis na sabi ni Saji kaya naupo ako sa seat ko at tumikhim na lang.

"'Di ba magkasama kayo sa party kahapon? Siguro nilasing mo si Kent para pagsamantalahan mo siya 'no!?" Umawang ang labi ko sa bintang ng isang babae kay Saji.

"Duh? Tingin mo sa akin may gusto sa kaniya? Hindi ba malinaw na best friends kami mga tangang chismosa." Inis na sabi ni Saji at padabog na ibinaba ang bag niya sa likod niya.

 "You want to eat?" Tanong ko sa kaniya.

"Mabuti pa nga baka makapanakit pa 'ko ng marurumi utak, linis linis psh." Tumayo si Saji at hinablot ang bag niya kaya tumayo na rin ako at sinuot ang bag ko.

Habang naglalakad ay nakita kong wala talaga sa mood ang kasama ko dahil sa bintang na natatanggap niya at alam kong mabilis na kakalat 'yon dahil maraming mga bubuyog sa paligid. "Kalma lang Sajing, kasama mo 'ko." Sambit ko sa kaniya.

"Wala ka bang tiwala sa best frie--"

"Argelia." Natigilan ako sa biglaang pagsingit ni Aries, napalingon rin si Saji sa kaniya at nangunot ang noo.

"Hey." Mahinang sabi na lang ni Saji sa kaniya.

"Are you free tonight?" Tanong ni Aries kaya inilabas ko muna ang cellphone ko para kumustahin si Lauren gusto kong i-bring up yung topic.

"Let's go.." Sambit ko at hinayaan silang mag-usap habang kasabay ako ng sagutin ni Lauren ay napangisi akong kaagad.

"Sup miss professor." Unang bati ko.

"You called because you're in trouble or because you miss me?" Sa sinabi niya pabalik ay nakagat ko ang ibabang labi.

"I am not in trouble so maybe because of the second option?"

"Hahahahaha ikaw talaga, sorry for causing trouble at the bar. Ang naalala ko lang kasi ay yung sa kwarto.." Pahina ng pahina niyang sabi kaya napangisi ako.

"Well hahahaha that's the best part I guess?" Narinig ko sa kabilang linya ang mahihina niyang tawa kaya naman napangiti ako at nakagat ang ibabang labi.

"Uhm yes.." She replied kaya mas napangiti ako.

"Did you eat already?" Tanong ko.

"Later, ikaw ba?" Tanong ni Lauren narinig ko pa ang student niyang nagpaalam sa kaniya sa kung ano anong bagay.

"On the way sa cafeteria, do you want to join us?" Nilingon ko pa ang mga kasama.

"Sige susunod ako Kent, Orderan mo na ako ha. I'm on diet," wika niya kaya natawa ako.

"Sige sige, ingat." Nang ibaba niya ang tawag ay deretso lang akong naglakad.

Nang makarating kami sa cafeteria ay bulungan kaagad ang narinig namin, pinagtitinginan si Saji pero bumuntong hininga lang siya at humanap na ng mauupuan. Nang makahanap ay tumikhim ako. "My treat, what do you guys want?" 

"Wow thanks, kung ano yung sa kaniya 'yon na rin." Sagot ni Aries kaya napatango ako.

"What do you want Saji?" 

"Kung ano yung sa'yo 'yon na rin tinatamad ako." Nakalabi nitong sabi at naupo na lang, kakaiba nga naman magbulungan ang lahat ngayon dito.

'Rinig na rinig parang mga langaw.'

"Alright then," wika ko at naglakad na papunta sa counter to order some food maraming student kaya next time na ang VIP serving.

Matapos kong umorder ay sinabi nilang ihahatid na nila kaya naman naglakad na ako pabalik not until marinig ko ang usap usapan ng grupo ng lalake at tatlong babae.

"You think she's being Kent's bed warmer?"

"Yes she is, she's a user."

"Kent is known famous and that Argelia girl is nothing but a suspicious cheater."

"Para sa akin pinaiikot tayong lahat ni Argelia dahil ayaw niyang magpalamang."

"Gusto niyang talunin si Kent 'yon na 'yon."

"She's a whore, balita ko kay Mila na Ex yan ni Harold at ngayon ay inaakit na naman ni Argelia si Harold."

"Nakita pa nga daw sila sa comfort room sa party last night."

"She's a disgrace--"

Mabilis kong pinalo ang mesa sa harap ng babae na 'yon na gumawa ng eksena sa buong cafeteria. "Watch your mouth lady." Mariing sabi ko at tinitigan siya.

Takot na takot itong nakatingin sa akin. "You better close your mouth, lalo ka na. Baka salpakan ko ng dinamita ang bibig mo." Banta ko sa isang lalake at tsaka ko hinablot ang kaniyang kwelyuhan.

"Yung kwento mo walang katotohanan, ako ang kasama niya mula kagabi at walang gano'n na nangyari. Be a good student stupid athlete," saad ko at pinagpag ang kwelyuhan niya tapos bumalik na ako sa table namin at doon ko napansin na nandoon na rin si Lauren.

"Kent Axel.." Ang tinig niya ay nagdulot ng kakaibang kaba sa dibdib ko lalo na ang tingin niyang hindi ko mawari kung nalulungkot, nagdududa o nagseselos..


√√√

@/n: No spoilers alert pa naman for Luke Garcia kaya safe tayo 😉 okay ba? Hahahaha enjoy reading Luxians! Stay safe and study well alam nating mahirap but we will all survive this pandemic love lots 💕

Facebook: Maecel Gandia Dela Cruz
Facebook Page: Maecel_DC
Instagram: luxmei143/ lux.delacruz
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top