Chapter 1 [Ang Panimula]
Kent Axel's POV.
Tahimik kong tinatahak ang daan kung saan ko matatagpuan ang sunod kong misyon, bahagya kong nilingon ang side mirror ng sasakyan at napansin ko kaagad ang limang sasakyan na sumusunod sa akin.
'Merde, des tonnes de stupides'
(Damn, Tons of stupid.)
Napailing kong Iniliko ang sasakyan at mabilis na dumeretso sa kung saan walang katao tao, Madilim na at tanging ang liwanag nang buwan ang nag-sisilbing ilaw sa lugar na ito kung wala ang sasakyan ko.
Mabilis kong ipinarke sa gilid kung saan may malaking puno at tsaka ko hinango ang sariling liwanag at inayos ang baril ko sa mabilis na paraan.
Nang tumigil ang mga sasakyan ay mabilis ko rin iniroskas ang silencer at mabilis na inasinta ang mga gulong nila, bago pa man kalabitin ang trigger ay ngumisi ako.
Nang mabutasan ang mga gulong nila ay sumakay na ako ng sasakyan at nang masindi ito ay mabilis silang naalerto ngunit mabilis ko ring pinaharurot ang sasakyan papaalis doon.
***
Umagang umaga nang pumasok ako sa school, Deretso ako sa medical building kung saan kailangan ko dahil gusto ko matutunan ang mga simpleng bagay ukol sa medisina.
Ngunit pag-aabogado ang balak kong pasukin, pero bago yun gusto ko muna mag-medisina upang maging maalam.
'Knowledge are better than girls collection.'
Tamad na tamad kong isinabit ang bag sa balikat tapos sinilip ang classroom na papasukin ko. "Good morning Kent!" Masayang bati ng mga kababaihan, hindi ko na lamang sila pinansin.
"Excuse me, Mister?" hindi ko nilingon ang nagsalitang babae na nakatayo sa gilid ko.
"Hey!" nang sigawan niya ako ay Walang gana ko siyang nilingon tapos sinimangutan.
"What?" pikon kong tanong.
"For your information mister! That's my seat!" napangiwi ako nang napakaingay nito, bukod sa mga bubuyog na babae ay dumagdag ang kaingayan niya.
'Queen of bubuyog, I guess?'
Tumayo ako at lumipat sa isang upuan, Nakangiwi hindi nakakatuwa ang babaeng ito siya lang ang gumawa sa akin. "Mabuti naman," pasinghal niyang sagot at naupo sa upuan kanina.
"Grabe, I really hate classes." rinig kong sabi nito pero hindi ko na pinansin.
"Eh ikaw ba mukhang niloko ng girlfriend?" Hindi ko pa rin siya pinansin kahit na alam kong ako ang kinakausap niya, ngunit mabilis kong hinuli ang daliri niya nang dadampi na ito sa pisngi ko.
"I don't have a girlfriend," mariing sagot ko.
"And no one is allowed to touch me, Do you understand?" natigilan siya pero agad na binawi ang daliri.
"Wala akong pakialam kung bawal kang hawakan, Hindi ka naman ginto." mataray na sagot niya dahilan para titigan ko siya ng masama.
"Gwapo ka sana, Pero may sapak ka." ngiwi ang binigay ko sa kaniya at humarap na sa white board na halatang bagong palit.
Last year ko na kasi rito, at mukhang bago ang isang ito. Ngayon nauunawaan ko na si Noona, ang ate ko na isa nang ganap at magaling na doctor ngayon.
Hindi ko inaasahan na ganito kahirap pero ginawa niyang sisiw, pati nga pag turok sa ugat ng tao ay nakakaubos na nang pasensya sarap dutdutin.
'Ngunit baka ako ang tusukin ni noona, kaya minamabuti kong mag ingat.'
Nang sandaling mag simula ang klase ay ginawa ko na lang na mag bigay ng index card ng may pangalan na kahit na ang tunay ay kilala naman ako rito.
Rinding rindi rin ako sa katabi kong babae na kung hindi kakausapin ang sarili ay kakausapin ang mga gamit niya, Baliw na ngang tunay..
"Kent! Kent! Pwede ba kitang maging date sa Opening Ball mamaya?" tinitigan ko ang isang babae na hindi ko naman kilala.
"I don't do datings." Sagot ko tapos tinalikuran na sila, Magagaling nang panahong nag-hihirap ako dahil itinago ang tunay na pangalan ay kinadidirian ako.
'Minsan pa akong pinagbintangan na nag-nakaw ng sampung libo.'
"Hoy, Lalakeng masungit." naglakad na lang ako nang prente at hinayaang sundan ako nang babaeng Maingay.
"Hoy, sino ka ba at bingi ka ha!?" hindi ko na lang siya pinansin, sa sobrang sanay na ako sa maingay ay hindi na ako tinatablan.
'Noona at mommy ko pa lang..'
"Aba hindi mo ako papansinin ah!" habang naglalakad ay narinig ko ang sigaw na yon dahilan para makiramdam ako sa Hangin.
'Ganito ako natrain ni Noona. Namimiss ko na siya.'
Nang maramdaman kong may papalapit ay mabilis kong sinalo yon gamit ang kamay, hindi naman na magbabago ang turong nitong kung ano man.
Nang masalo yon ay napangiwi ako nang malaman na black shoes yon. "Seriously?" gitil ko sa babaeng yon.
"Psh, Ang snobber mo kasi! Porket bago ako ayaw mo kong i-tour!" ngumiwi ako tapos inis na inilapag sa harapan niya ang sapatos nang makalapit.
"Tour? Nasaan ka ba sa tingin mo?" aniya ko.
"Bagong school." sagot niya.
"Wala ka sa Japan o Korea o saang bansa pa man, hindi uso ang Tour sa akin." seryosong sabi ko at tinalikuran na siya.
'Nakakapikon, kababaeng tao ang ingay ingay'
"Huy, sige na kasi.." nakangusong sabi pa nito at naunang naglakad pero tinalukuran ang nilalakaran para makaharap ako.
"Sa lahat nang mga babaeng nakilala ko, Ikaw ang walang kahiya hiya." dismayadong tugon ko.
"Grabe ka naman! Nahihiya sila kase gusto ka nila eh ako hindi noh!" gitil nito, hindi ko nga siya kilala.
"Break time ngayon, Huwag mong sayangin ang oras ko." walang gana kong sabi, habang naglalakad ay napansin ko ang isang babae na nakatingin saakin.
'Lauren, Ang kapatid ko sana pero hindi naman.. Hindi pala kasi talaga niya parents ang mga magulang ko, in short ampon lang siya at ngayon ay binawi na siya ng tunay niyang ama.'
"Uy, Siguro nobya mo yun noh?" asar ng babaeng katabi ko kaya mabilis ko siyang hindi pinansin at naglakad na lang.
Teacher si Lauren rito, Mahigit tatlong taon ang agwat namin at sobrang komplikado ng sitwasyon.
Dahil nagka-gusto ako sa kaniya, alam yun nang tunay kong kapatid na si Noona Mia Jasmin..
Nagkagusto ako sa kaniya at siya ay walang nararamdaman sa akin kaya nakakapanlumong kahit hindi kami magkapatid ay kapatid ang tingin nito sa akin. "LQ kayo?" tanong nang babaeng nasa gilid ko lang.
"Ano ba, Lumayo layo ka nga sa akin." Inis kong sabi at naglakad na pero hindi niya ako tinantanan.
"Ikaw si Kent diba? Narinig ko kasi sa mga Kaklase natin kanina." nilingon ko ang babaeng tanong nang tanong.
"Bakit ba interisadong interisado ka?"
"Mm mga gusto ko kasing kaibigan yung mga masungit tulad mo, Kase hindi nila ako sasaktan." nakangiting sabi niya napatitig ako sa kaniya.
'Parehas kami..'
"Huwag mo kong sisihin kung masaktan ang nobyo mo sa oras na madamay ako sa Kalokohan mo." pikon na sabi ko.
"Mabait naman ang Nobyo ko, At isa pa nasa malayo naman siya. Kilala mo ba si—"
"Hindi ako interisado." sagot ko, agad niyang hinampas ang mesa sa harapan ko.
"Napakasungit mo ha! Hindi ka nakakatuwang kaibigan." hindi ko na lang siya sinagot at inantay ang kakainin na dumating.
"By the way, ako nga pala—"
"Hindi nga ako Interisado, Magiging kaibigan mo na nga ako daldal ka pa ng daldal." napamaang siya sa sinagot ko at halos gusto niya akong gulpihin pero maraming tao.
"Pasalamat ka psh, magpapakilala lang e." reklamo niya.
"Sa Ball na lang." boring na sagot ko.
"Sa daming may gusto nang pangalan ko sayo ko na binibigay ayaw mo pa." ngiwing reklamo niya kaya naman umiling nalang ako.
'Daldal nang daldal, kung lalake lang 'to isinalpak ko na sa kaniya ang buong tinapay.'
"Oh, Mukhang may chic tayong dala pare ah." tahimik akong tumikhim nang marinig si Jared, Ang dating kaibigan ko na ngayon ay karibal na.
'Nagkagusto ba naman sa akin ang nobya niya at ako ang sinisi hindi ang malandi niyang girlfriend.'
"Magkaibigan ba kayo ni Kent?" tanong nitong babaeng kaharap ko, sobrang inosente.
"Oo, sa sobrang close namin inakit niya ang girlfriend ko at nagkagusto sa kaniya hindi rin naman pala sasaluhin." sagot ni Jared, Pero kumain lang ako not until hampasin nito ang mesa.
"Hindi niya yon magagawa noh, Hindi mo siya kaibigan e. Pekeng kaibigan ka." agad kong tinignan ang babaeng ito na mukhang makikipag-away kay Jared.
"Ako pa? Eh siya nga ang nang-akit." tukoy ni Jared.
"Sa Sungit niyang yan magagawa niya yon? Nako hindi ko pa nga nakitang ngumiti yan e." tukoy nito tapos nag-aalangan na tignan ako.
"Anong connect no'n?" tanong ni Jared sa babaeng kaharap ko.
"Ang Connect no'n, Umalis ka na sa harapan namin bago pa ko mang-gigil sayo at ibuhos ko sayo ang Mainit na sabaw naiintindihan mo?!" nang tumayo siya at hinampas rin ang mesa ay nangunot ang noo ko.
'Hindi niya kinikilala ang kalaban niya..'
"Tsh, Sa tingin mo matatakot ako?" hamon ni Jared at agad na hinawakan ang damit nitong babae na 'to na nagulat man ay prente pa rin.
"Hindi, not unless you experienced it." mabilis kong pinigilan ang kamay ng babae na 'to nang hablutin niya ang mangkok, tumayo ako at tsaka ko inalis ang pagkakahawak ni Jared sa babaeng kasama ko.
"Enough." angil ko tapos ay seryoso ko siyang tinignan.
"Pasalamat ka ngayong araw babae." turo pa niya sa kasama ko at tumalikod na.
"Mukha mo thank you." hindi ko alam ang ire-react ng sabihin yun nang kasama kong babae at rason para tumigil si Jared.
"What? Hinahamon mo ba talaga ako?" inis na sabi nito galit na galit.
"I said enough Jared." banta ko.
"Isa ka rin, Magsama kayo nang bastos na babae—"
"Hoy! Para sabihin ko sayo mas bastos ka! Sinong matinong lalake ang manghahablot nang damit ng babae?!" galit na galit na sigaw ng kasama ko kaya huminga ako nang malalim.
"Babae ka pa ba?! Tignan mo nga ang suot mo! Maganda ka lang pero brusko ka!" galit rin na sigaw ni Jared.
"Ah brusko?! Pero pag nakakita nang malaking suso! sexy?!" hindi ko maiwasang kabahan sa sinasabi nang babaeng ito.
"What?!" gulat na sigaw ni Jared.
"Pag nakakita nang malaking dibdib, Babaeng babae?! Hoy para sabihin ko sayo brusko man ako manamit! babae ako!" galit na galit na sigaw nito dahilan para mapunta sa amin ang Buong atensyon ng cafeteria at agad na kinabiliban ang Babaeng ito.
"You're unbelievable." inis na Giit ni Jared.
"And you are a Jerk!" nang susugod na sana si Jared ay mabilis kong hinila ang tinapay na kinakain ko at hiniklat ang babaeng ito.
'Ako malalagot sa mommy ko nito e..'
"Ano ba! Hindi pa ako tapos!" sigaw nito kaya naman ng makaalis sa cafeteria ay pinaningkitan ko ang babaeng ito.
"Nahihibang ka na ba?" tanong ko.
"Nakakapikon, maka-brusko! Akala mo naman ang laki-laki nang katawan mukha namang tingting! Gwapo lang!" galit na galit na sigaw pa rin nito.
"Stupid, Lalake yon. Anong laban mo don." nang sabihin ko yon ay sinamaan niya ako nang tingin.
"Stupid?! Did you ju—"
"Shh.." natigilan siya nang pigilan ko ang labi niya gamit ang daliri.
"Nakakainis ka—"
"Shh.." halos padabog niyang sinuot ang Bag tapos ngumuso na lang at inalis ang daliri ko don at maglakad na.
"Inakit mo ba talaga yung girlfriend non?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Sa tingin mo?" tanong ko sa kaniya.
"Parang ang labo eh, Mukhang mas matino ka pa kasi sa kaniya." sagot niya pa kaya naman tumikhim ako at tsaka naglakad na lang rin.
Halos malingon ko siya nang Basta-basta niyang dekwatin ang Pagkain ko at basta-basta na lang nguyain yon.
'Wala nga siyang hiya, kumpirmado.'
"Yung kuya ko kasi doctor rin, Sa totoo lang ang tagal na naming hindi nagkikita." kwento niya kaya naman naglakad ako at nagpanggap na hindi interisado.
"May mga kaibigan ako pero ibang course eh, Magaling na doctor ang Kuya ko kaya idol ko siya at eto ako ngayon." nakangiting sabi niya pa pero iniiwas ko na lang ang tingin sa kaniya.
"Psh hindi ka naman nakikinig eh!" reklamo niya.
"Sabi naman sayo, Hindi ako interisado." sagot ko.
'Ngunit ang totoo ay nakikinig naman ako, mukha lang hindi.'
"Ngayon ay masasabi kong single ka, At nagugustuhan mo lang ang babae na yon. Ang sungit mo eh It means broken ka ngayon." ngumiwi na lang ako sa Pinaniniwalaan niya.
'Manghuhula ba siya?'
"Binasted ka ba niya?" tanong nito.
"Ewan." sagot ko.
"Ayon lang HAHAHA! kawawa ka naman, masaya maging single tignan mo 'ko oh free na free." nakangising sagot niya pa.
"Free na free?" kwestyon ko.
"Walang naglilimita sa akin, Wala akong susundin, Mga lalake kasi Mm possessive, protective, at higit sa lahat andaming bawal!" ngumiwi ako sa sinabi niya.
'Ano namang alam ko gayung hindi pa ako nagkaroon ng girlfriend?'
"Kung ganun nagka-nobyo ka na?" tanong ko.
"Oo, Isang taon rin ang itinagal namin. Pero pinagpalit ako sa kaklase e HAHAHAHA!" napalunok ako dahil masaya pa siya.
"Kaklase?"
"Oo, Sa kaklase niya. Kasi siguro ay mas malapit kaya nga ako lumipat dito bukod sa maganda, bukod sa mahal ang tuition, malayo sa kanila." sagot nito.
"Edi ikaw ang broken hindi ako." sagot ko, Tumawa naman siya nang may pag-aalangan.
"Ganun na nga." sagot niya.
Tumamlay siya bigla, Halatang apektado pa rin. Hindi pa man ako nagkaroon ng girlfriend ay ilang taon na akong nasasaktan dahil hindi makalimot.
'Pero hindi ko pa naman nasusubukan? Bakit hindi ko subukan? Tsaka ako hihinto pag wala na talaga'
√√√
@/n: Ano namang masasabi niyo Luxians? HAHAHAHA wait for my next update no exact date mga babies ako nga walang date ih 😂
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top