Kabanata VIII: Si Ivon
Kabanata VIII: Si Ivon
--
Nakangiting bitbit ni Ginoong Azul ang isang kahon habang papasok nang kanyang opisina. Nasasabik na siyang umuwi ng kanyang bahay upang makita ang magiging reaksyon ni Ah-rem dahil sa kanyang dalang munting regalo.
Bigla naman na may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.
"Come in."
"Ah, sir remind ko lang po kayo na may meeting po kayo with Ms. Ivon Magnifico," wika ng kanyang sekretarya.
Sh*t! Nakalimutan ko, may meeting pa pala 'ko.
"Ah okay sige, anong oras?"
"8:30pm po, sa fortellios Hotel."
I was literally disappointed when I heard the time of the meeting. Goodness! Hindi ako nakikipag-meeting ng ganyang oras!
Mukhang napansin ng kanyang sekretarya ang kanyang pagkadismaya, dahil mismong siya ay alam niya na hindi nakikipag business meeting ang kanyang amo ng ganoong oras.
"I'm sorry sir, pero hindi ko po nagawan na ng paraan na gawing mas maaga ang meeting, 'yon lang daw po kasi ang free time niya para makipag meeting sa inyo," saad ng sekretarya.
"Sige, ayos lang. Andiyan na 'yan. Hays! Gagabihin na naman ako ng uwi nito."
Napabaling siya sa kahon, atsaka bumuntong hininga.
--
Si Ah-rem naman na nasa bahay ni Azul, na nanonood ng action movie ay ginagaya ang bawat galaw ng bidang babae na animo'y may mga kalaban sa kanyang paligid at nakikipaglaban siya rito. Waring napakadali niyang natutunan iyon.
"Tama! Ganoon nga iyon! Nakukuha ko na ang kanyang galaw, ang kulang nga lang ay ang gun na iyon, hay! Kailan kaya ako magkakaroon niyon?"
Nagpatuloy siya sa panonood, at ginaya muli ang bidang babae ngunit aksidente niyang natamaan ang isang malaking plorera dahilan upang ito ay mabasag, ngunit pinagsawalang bahala ito ng dalaga at nagpatuloy sa kanyang paggalaw.
Samantala sa panahon na naiwan ni Ah-rem, ay hindi tumitigil ang Rajah na hanapin ang dalagang sandig sampu ng mga mandirigma nito.
"Huwag kayong titigil hanggat hindi natin nahahanap ang taksil na anak ni A-li!"
"Ngunit Kapunuan, pang-apat na pulo na itong ating napuntahan ngunit hindi pa rin natin natatagpuan si Ah-rem, at malabo na siya'y makarating pa rito sapagkat siya'y sugatan," wika ng kanyang Atubang.
"Sa aking sapantaha Kapunuan, ay tama si Atubang malabo na siyang makarating pa rito—"
"Magsitigil kayo! Hahanapin natin ang taksil na iyon kahit saang pulo pa tayo makarating!"
Isang lalaki naman ang tumatakbo patungo sa kanila, at mabilis itong yumukod sa harap ng Rajah.
"Kapunuan—"
"Mandirigma, ano ang iyong ginagawa rito? Hindi ba't pinaiwan ko kayo kasama ng iba upang bantayan ang inyong Hara at aking mga anak?" Bungad na tanong ng Rajah.
"Kapunuan, ako ay isinugo ng Hara upang ipaabot sa inyo na wala sa ating puod ang Ginoong A-lon," saad ng mandirigmang isinugo.
"Anong ibig mong sabihin? Na nawawala ang aking anak? At siya'y umalis ng ating puod?!" Singhal ng Rajah.
"Ganoon na nga Kapunuan," tugon nito.
"Hindi kaya'y hinanap niya ang taksil niyang kalaguyo?" Wika ng Rajah. "Maghanda kayo, tayo'y babalik sa ating puod!" Aniya, sa kanyang mga mandirigma habang nagngi-ngitngit ito sa galit.
--
Si Ah-rem, ay kasalukuyan na kumakain habang nanonood kung kanina ay makalat dahil sa nabasag na plorera ngayon ay animo'y walang nangyari sa balay ng kanyang panginoon, ngunit may kaunting kulang lamang.
"Mabuti na lamang at tinuruan ako ng Ginoo kung paano initin itong pagkain, nagagawa ko na ito ng mahusay— nakatutuwa naman!" Aniya, at sumubo muli gamit ng kutsara na tila bata kung kamain.
Ngunit sandali lamang— nasaan na kaya ang Ginoo? Ika-anim na ng gabi, nakapagtataka na siya'y wala pa rin.
"Hindi kaya siya'y maraming gawain ngayon? Kaawa-awa naman ang Ginoo," aniya, habang kausap ang sarili.
--
Pumasok ang Ginoo sa Hotel, at lumakad papunta sa receptionist.
"Good evening sir, how can I help you?"
"Good evening, reservation with Ms. Ivon Magnifico."
"Okay sir, 6th floor at VIP room."
"Thank you."
At siya'y lumakad na at pumasok sa isang elevator. At habang nasa elevator nga ay may nakasabay siyang isang lalaki at aksidenteng nalaglag ang isang lighter nito. Mabilis naman itong pinulot ni Azul at Iniabot sa lalaki.
"Thanks bro!" Ani ng lalaki.
"Welcome." Nakangiting tugon ni Azul.
Bumukas ang elevator at bumaba ang lalaki sa third floor. Tumunog ang elevator at siya'y nasa ika-anim na palapag na at lumakad na patungong VIP room. Siya'y kumatok sa pinto, ngunit napansin niyang bukas ito kung kaya't siya'y tumuloy na.
Pagkapasok niya ng pinto ay may narinig siyang boses.
"Andiyan ka na pala, Mr. Zeapelago," bungad na pagbati nito, habang nagsasalin ng isang mamahaling alak sa glass wine nito. May katamtaman itong kulay ng balat, mapula ang mga labi dulot ng isang mamahaling kolorete. Matangos ang ilong, may kataasang babae, makikita mo na siya'y may lahing banyaga. At suot nito ay isang kulay itim na blusa na tila na hindi naaayon sa kanilang okasyon ngayong gabi.
Bahagyang ngumiti lamang ang Ginoo sa kanya.
"Maupo ka Mr. Zeapelago," paanyaya nito.
Naupo naman si Azul, at bahagyang inayos ang suot niyang coat.
Laking pagtataka ng binata sapagkat napakamahal ng silid na kanyang kinaroroonan ngayon. Maaari naman sa isang restaurant lamang sila mag-meeting ngunit bakit sa isa pang kwarto na pagkalaki-laki, na samantalang dadalawa lamang sila.
Bahagyang umiwas ng paningin si Azul nang maupo ito, at hindi sinasadyang dumako ang kanyang paningin sa dibdib nito.
Bahagya itong tumikhim atsaka nagsalita.
"So let's start this meeting Ms. Magnifico," aniya.
"Okay," sabi ng babae na bahagyang nginitian si Azul.
Habang sila'y nag-uusap patungkol sa negosyo ay waring nanunukso ang dalaga.
"Maganda ang mga product ng company niyo Mr. Zeapelago, and because of that I will sign this contract," ani ng babae na may mapang-akit na ngiti. Pinirmahan niya ang mga papel atsaka bumaling sa binata na tila may ibig ipakahulugan.
Hindi ito napansin ni Azul. At mabilis na nagpasalamat sa dalaga na kanyang kaharap ngayon.
"Thank you, Ms. Magnifico—" at nakipagkamay sa dalaga. Bibitiwan na sana niya ang kamay ni Ivon nang bigla nitong inilapit ang kanyang mga labi kay Azul, na ikinabigla ng binata.
" You have a great sense of style, Mr. Zeapelago..."
Ilang saglit pa ay mabilis itong lumayo sa babae. Ngunit mabilis muli lumapit si Ivon at bahagyang pinasadahan ang kurbata nito.
"What's wrong Mr. Zeapelago?" Ani ng babae habang inaakit ang binata.
"Ms. Magnifico, what are you doing?" Tanong ni Azul, na tila hindi komportable sa ginagawa ng babae sa kanya.
"What do you think, Sir? I know you like it," ani ng babae na pabulong. Napalunok ang binata sa sinabi nito at waring hindi malaman ang kanyang gagawin upang tanggihan ang magandang babaeng na nasa kanyang harapan, na ngayo'y unti-unting yumayapos sa kanya.
Sinimulan siyang halikan ng babae sa kanyang kaliwang pisngi ng ilang ulit, at pagkuwan ay dumako ito sa labi ni Azul. Hindi niya maunawaan ang kanyang gagawin at waring naistatwa sa siya kinatatayuan.
What the hell!? What will I do? What am I doing?
Habang abala si Ivon sa kanyang pagroromansa sa binata, ay biglang tumunog ang cellphone ni Azul dahilan upang maudlot ang pag-aalab ng init ng silid.
"I'm sorry —" aniya sa babae, at mabilis na kinuha ang cellphone na nasa kanyang bulsa at sinagot ang tawag. Dumistansya ito kay Ivon.
"Hello! Buti na lang napatawag ka— what? Andito kayo ni Ah-rem ngayon? Sandali— teka! Pa'no—"
Sh*t! Bakit nandito sila? Pa'no nalaman ni Arthur na nandito ako? Pa'no na lang kung makita ako ni Ah-rem na kasama ko si Ivon? Sh*t! F*ck you Azul! Bakit ka ba nagtatanong?
"Is there something wrong?" Tanong ng kasama niya.
"I need to go now, I have an emergency," aniya, at dali-daling kinuha ang kanyang gamit.
"Okay, may ibang araw pa naman Mr. Zeapelago."
Ngumiti lamang ang binata atsaka tumuloy na. Nagmadali naman itong bumaba.
Sina Art at Ah-rem naman ay naghihintay sa lobby, waring pinagkatuwaan na naman niya ang dalaga dahil sa bihis nito. Tila ba tagarito sa panahong ito si Ah-rem, naka dress ito na kulay rosas, may patong rin itong manipis na blazer upang hindi makita ang mga tattoo o mga batók nito.
"Art, ang ginaw naman dito," ani Ah-rem.
"Nasa Hotel kasi tayo, kaya malamig talaga rito," tugon ni Art. "Huwag ka mag-alala pababa na rin naman ang Ginoo," aniya sa dalaga.
Tumayo na lamang si Ah-rem, upang maglakad-lakad palihim niyang pinagmamasdan ang magandang paligid.
Kakaiba talaga ang mga bagay sa panahong ito. Malayong-malayo sa aking nagisnan.
Nilapitan naman siya ng kaibigan ng Ginoo.
"Ah-rem, siguro sa parking area na lang tayo maghintay para hindi ka na rin ginawin, tayo na!" Paanyaya ni Art.
"Parking area?" Tanong ni Ah-rem.
"Halika na—" hinila na siya nito patungo sa parking area. Sapagkat kung sasagutin pa niya ang katanungan ng dalaga'ng sandig, ay may kasunod pa itong tanong muli.
Samantala, nang makaalis si Azul sa silid ay napangiti na lamang si Ivon sa kanyang sarili.
Nagmamadaling lumabas ng elevator si Azul at hinanap sa lobby ang dalawa ngunit wala na sila roon, sila'y nasa parking area na kasalukuyan na naghihintay sa kanya.
Lumapit naman ang binata sa receptionist upang magtanong.
"Excuse me Miss, may nakita ka ba na babae, mistisa mga 5'1 ang taas, tsaka isang lalaki?"
Sandaling natulala ang receptionist kay Azul dahil sa wangis nito. Hindi iyon napansin ng Ginoo.
"Ah— baka 'yon po 'yong naghihintay sa inyo kanina, kayo po ba si sir Zeapelago?"
"Yes!"
"Nasa parking area po sila sir, naghihintay."
"Thank you." At mabilis itong nagtungo roon.
Habang naglalakad, ay naaninag na niya ang kaibigan at dali-daling nilapitan ito.
"Si Ah-rem?" Bungad niya sa kaibigan. Lihim naman na natawa ito dahil sa ikinikilos ng binata, dahil hinihingal pa ito nang magtanong.
"Pfft! Nasa loob ng sasakyan. Pfft! Hahahaha!" Hindi na nito napigilan ang matawa dahil sa hitsura ng kaibigan.
"Anong nakakatawa Art?"
"Pfft! Pa'no— pa'no ko di matatawa? Hitsura mo dude! Putang*na, may lipstick pa 'yang bibig mo at pisngi mo! Sh*t, man! Sabi ko na nga ba eh!— Hahahahaha!"
"Tarantado! Marinig ka ni Ah-rem!" Pagbabanta nito sa kaibigan, at kinuha ang panyo sa bulsa niya para punasan ang pulang mantsa sa labi niya at pisngi.
"Oh! Are you worried that Ah-rem might see that?" Nanunuksong wika ng kaibigan nito.
"Art! Tandaan mo ako ang iyong Ginoo— teka nga! Paano niyo nalaman na nandito ako?"
"Pfft! Dahil sa mahiwagang cellphone na iniwan mo kay Ah-rem, tinawagan ako ni Ah-rem dahil hindi ka pa raw umuuwi! Tapos pinuntahan ko ang napakaganda mong sandig sa condo mo, at syempre! Na locate ko agad ang location mo dahil din sa cp na iniwan mo kay Ah-rem," saad niya.
"Akala ko hindi niya nakuha kung pa'no gamitin ang cellphone..."
Hindi pinansin ni Art ang sinabi ng kaibigan atsaka siya nagsalita.
"At ngayon nadatnan ka namin na nagtataksil," ani Art na nagbibiro.
"It's not like that!"
"Hahahaha! Biro lang dude! Wait! Sino ba 'yong babae huh?"
"Client." Maikling tugon ni Azul.
"Oh! Iba ka na pala ngayon tumanggap ng kliyente," nanunuksong wika ni Art.
"Tumigil ka nga diyan, si Ah-rem? Uuwi na kami—"
"Easy, dude! Ito na nga eh!" Aniya, at binuksan ang pinto ng kotse.
"Ginoo!" Masiglang pagbati ni Ah-rem, sa kanyang panginoon pagkabukas ng pinto ng sasakyan. Na ikigalak ng binata, at awtomatikong siya'y napangiti sa pagbati pa lamang nito.
"Tayo na, uwi na tayo," ani Azul na nakangiti.
Bumaba si Ah-rem ng sasakyan atsaka nagtungo sa tabi ng kanyang Ginoo.
"Ginoo, paumanhin ngunit bakit tila inabot ka nang gabi?" Tanong niya.
"Nakipagkita lang ako sa isang kaibigan, Ah-rem," tugon niyang nakangiti.
"Business meeting with benefits—" wika ni Art sa hangin.
"Ano iyon Paratawag?" Tanong ng sandig.
Binalingan naman siya ni Azul na waring nagbabanta dahilan upang tumikhim ito.
"Ehem! Wala, Ah-rem— Sige na, mauna na 'ko sa inyo, paalam Ah-rem, bye dude!" Paalam nito.
"Sige pare, salamat ah!"
"Wala 'yon, Mr. Client—"
Pinandilatan naman ito ni Azul, at sumakay na ito sa kanyang sasakyan na natatawa.
"Tayo na, Ah-rem."
Sumakay na rin sila sa sasakyan ni Azul, at habang nasa biyahe ay kakatwa na tila may sumusunod sa kanila.
"Ah-rem, kumusta ka? Naghapunan ka na ba?" Tanong nito habang nasa side mirror ang kanyang paningin.
"Oo, Ginoo. Ginawa ko ang iyong itinuro kung paano initin ang pagkain," saad ng dalaga.
"Ganoon ba, mabuti naman— mahusay."
"Ikaw, Ginoo? Naghapunan ka na ba?"
"Hindi pa nga eh, gusto mo ba kumain ngayon sa labas? Nagugutom ako eh," aniya sa dalaga, habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa salamin kung saan nakikita niyang nakasunod sa kanila ang isang sasakyan.
Kanina pa 'to nakasunod ah! Kailangan makapag U-turn ako kapag ito nakasunod pa, confirm na kami ang sinusundan ng sasakyang 'to.
Nag U-turn ang Ginoo, at nakita niyang nakasunod pa rin ang sasakyan— napansin niyang naglabas ng baril ang nagmamaneho sa sasakyan.
"Ah-rem! Yuko!"
Sunud-sunod na bala ang nagsiliparan sa kanilang sasakyan.
"Ginoo, anong nangyayari?"
"Basta! Yumuko ka lang!"
Habang naririnig ni Ah-rem ang putok ng mga baril, ay naghahanap siya ng isang bagay na ipangtatapat doon. At nakita niya sa back seat ang isang kahon. Dali-dali niya itong kinuha at binuksan, walang anu-ano na kinuha ang nilalaman niyon pagkuwan ay mabilis niya itong nilagyan ng bala at ito'y ikinasa.
Nabigla naman si Azul dahil may hawak na baril ang kanyang sandig.
"Yumuko ka lamang, Ginoo— ako na ang bahala—"
"Ah-rem!"
-------
Itutuloy...
Sorry po, natagalan ng super duper ang update.🤦
-Papel😎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top