Kabanata VII: Dalamhati ni Ahrem











Kabanata VII: Dalamhati ni Ahrem




--



Nagkagulo ang lahat. Nakita ni Ahrem ang lalaking kanina niya pa pinagdududahan ang kilos tila paalis na ito ng lugar, ngunit si Ahrem ay mabilis na kinuha ang baril sa katabi niyang kapwa bodyguard at hinabol ang lalaki. Waring eksperto ang dalaga sa paghawak ng baril kahit na ngayon lamang siya nakahawak nito.


Nakita ni Azul na may hinahabol ang kanyang sandig, may hawak itong baril na lalo pang ipinag-alala ng binata. Hindi niya alam kung ano ang uunahin kung ang kaligtasan ni Callista o si Ahrem.


"Ahrem!" Hiyaw ng binata nang makita na bumabaril ang hinahabol ng dalaga.


Tila ekspertong dumapa at tumindig agad ang dalagang sandig pagkuwan ay waring batikan na ikinasa niya ang baril atsaka pinihit ang gatilyo, at hinabol muli ang lalaki. Nariyang tumakbo ito sa ibabaw ng mga mesa, at ginawa rin pansalag ang mga maliliit nito upang hindi matamaan ng bala. Dahilan upang lalo pang mag-alala ang Ginoo ngunit ang pag-aalalang iyon ay may paghanga.


Mula sa ibaba ay nakarating sila sa ikalawang palapag ng venue, at doon ay nagpatuloy sa pakikipagbuno ang dalaga sa lalaki. Nakipaglaban siya rito ng mano-mano at nang macorner niya ito ay tinutukan niya ito ng baril.


"Sino ka?" Tanong ng dalaga.


Hindi umimik ang lalaki.


"Sino ang iyong pakay?" Tanong niya muli.


Hindi pa rin nagsalita ang lalaki sa halip ay tumalon ito sa balkonahe ngunit nabaril siya ni Ahrem. At tiniyak ng dalaga na natamaan niya ito upang hindi makatakas. Samantala, pagkatalon nga ng lalaki ay agad rin tumalon si Ahrem mula sa balkonahe at ang bawat galaw nito ay nasaksihan ni Ginoong Azul.


Pagkatalon ni Ahrem ay mahusay itong bumagsak sa mababaw na parte ng swimming pool, at agad na lumakad upang makalapit sa lalaking nakasalampak na may sugat sa binti.


"Sino ka?" Tanong ni Ahrem, habang nakatutok ang kanyang baril dito. Ngunit bago pa man magsalita ang lalaki ay naglapitan na ang mga gwardiya sa venue at agad na pinosasan ang misteryosong lalaki.


Hindi na nagkaroon si Ahrem ng pagkakataon upang kilalanin pa ang lalaki. Agad naman na lumapit si Ginoong Azul sa kanya.


"Ayos ka lang ba Ahrem?" Tanong ng Ginoo.


"Ayos lamang ako," malamig na tugon ng dalaga, na hindi man lang binalingan ang Ginoo at umalis na ito.


Laking pagtataka naman ng Ginoo kung bakit tila tumabang ang kanyang sandig. Sa kabilang dako naman ay panay ang paghingi ng tawad ng punong-abala sa mga panauhin ng gobernador. Ang iba naman ay laking papuri nila kay Ahrem dahil sa katapangan nito, ang gobernador na ama ni Callista naman ay walang ideya kung sino ang maaaring gumawa ng bagay na iyon o kung sino ang nag-utos sa lalaki.


Nagpaalam na si Ginoong Azul kay Callista, palaisipan sa kanya kung ano ang nangyayari sa kanyang sandig kung kaya't nais niya nang lisanin ang lugar upang makausap si Ahrem.


Samantala, si Ahrem ay naghihintay sa labas ng sasakyan walang ngiting mababakas sa dalaga. Nang makita ang Ginoo ay walang imik na pinagbuksan niya ito ng pinto at pumasok naman ito at naupo sa driver's seat, ganoon rin ang ginawa ng dalaga naupo na rin ito sa passenger seat.


Nais niyang kausapin ang dalaga, ngunit siya'y natitigilan. Buong biyahe ay walang salitang nag-ugnay sa kanila. Nang makauwi ay agad na lumabas ang dalaga sa sasakyan walang paalam sa kanyang Ginoo.


Pinagmasdan na lamang ni Azul ito na nauna nang maglakad patungo sa loob ng gusali.


Ano bang nangyayari sa'yo Ahrem? Bakit parang apektado ako sa hindi mo pagpansin sa'kin? May nagawa ba 'kong mali? May sinabi ba 'ko kanina na hindi mo gusto? Pero kanina sa opisina okay naman tayo. Ang saya saya mo pa nga.



Ahrem, I miss your smiles.



--



Makalipas ang dalawang araw...



Buong araw na magkasama ang Ginoo at ang sandig ngunit ilang beses na inuutusan ni Azul ang kanyang mandirigma, ay hindi pa rin siya nito pinapansin tinatanggap lamang nito ang utos ngunit ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ng dalaga.


Pinagmamasdan ng Ginoo ang kanyang sandig habang ito ay nag-aayos ng aklat, na maayos naman sapagkat kaaayos lamang nito ni Ahrem noong nakaraang araw lamang-- ngunit pinagawa niya pa rin ito upang mabaling sa kanya ang atensyon ng dalaga.


Please, Ahrem look back at me.


Nababaliw na yata ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa babaeng 'to, pakiramdam ko may nagawa akong mali kahit wala naman. I had to make way for her to notice me.


Tumayo ang binata sa kanyang inuupuan at lumakad patungo sa dalaga.


"Ahrem, tayo na-- kakain tayo," aniya sa dalaga.


Binitiwan ng dalaga ang kanyang ginagawa at sumunod sa Ginoo. Nagtungo sila sa isang restaurant at kumain ngunit tila bigo pa rin si Azul hindi pa rin siya nito iniimik o balingan.


"Marunong ka na pala gumamit ng kutsara tinidor," wika ng Ginoo.


"Oo," maikling tugon ng dalaga, ngunit hindi pa rin siya binalingan nito.


"Ahrem, may problema ba? Kung may problema ka maaari mong sabihin sa akin," wika niya.


Hindi umimik ang dalaga hanggang sa matapos silang kumain.


Kinagabihan, ay hindi makatulog ang Ginoo sa kaiisip sa dalaga hindi siya sanay na malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Gusto niya makita ang magagandang ngiti nito, hindi siya mapapanatag kung hanggang bukas ay ganoon pa rin ang Ahrem na makakasama niya.


Mula sa higaan ay tumayo ito at lumabas ng kanyang silid. Agad hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga at nakita niya itong nakaupo sa sahig at narinig niya ang mahihinang hikbi nito.


Is she crying?


Lumapit ang Ginoo ngunit nang mapansin ng dalaga na palapit ang Ginoo sa kanya ay mabilis niyang hinawi ang mga luha at umiwas sa Ginoo.


"Ahrem, ayos ka lang ba?"


Tatayo sana si Ahrem nang hawakan ng Ginoo ang kanyang pulsuhan, natigilan ito pinilit niyang makaalis sa pagkakahawak sa kanya ni Azul ngunit hindi niya nagawa sadyang malakas ang binata.


"Ahrem, ano ba!? Ano bang nangyayari sa'yo? Magmula nang magpunta tayo ng party nagkaganyan ka na," wika ng Ginoo, na may kaunting pagtaas ng boses niya.


Natigilan si Ahrem at bumaling sa Ginoo, ang mga luha niya'y dahan-dahang pumatak muli sa kanyang pisngi.


"Nais mong malaman kung bakit ako nagkakaganito Ginoo?"


"Oo, gusto kong malaman--"


"Dahil sa iyong Baba! Pinaslang ng iyong amang Rajah ang aking Baba!"


Naguluhan ang Ginoo sa sinabi ni Ahrem. 


Teka! Ama kong Rajah? Pinaslang ang Baba niya? Anong ibigsabihin ng sinasabi ni Ahrem?


"Baba?" Bulalas na tanong ng Ginoo.


Hindi kaya kasintahan niya ang tinutukoy niya na Baba?


"Oo, ang aking ama! Pinaslang ng Rajah ang aking ama!" Aniya.


Mabilis tumakbo sa isipan ng Ginoo ang sinasabi ni Ahrem na noon na Rajah Pulo Daragat na kanya raw ama sa panahon ni Ahrem. Bumaling siya sa dalaga na lumuluha at mabilis niya itong niyakap ngunit nagpumiglas ito, sa halip na pakawalan ang kanyang sandig ay niyakap niya ito ng mahigpit.


"Ahrem, paumanhin-- patawad! Humihingi ako ng tawad kahit na hindi ko kilala ang Rajah na sinasabi mo ngunit-- gusto kong malaman mo na nakikiramay ako sa pagkawala ng iyong ama-- paumanhin, dahil hindi ko alam na may mabigat ka pala na pinagdadaanan," wika ng Ginoo, atsaka unti-unting kumalma ang dalaga.


Nanatiling yakap ni Azul si Ahrem, patuloy pa rin ito sa pagluha at pagbanggit sa kanyang ama. Nang mahimasmasan ito ay tsaka siya kinausap ng Ginoo.


"Sinasabi mo na ang ama ko sa panahon mo ang kumitil sa iyong ama?"


"Oo, tama ka Ginoo-- ang Baba na kinalakhan ko, ang amang kinikilala ko kahit na hindi niya ako kadugo,"


"Anong ibig mong sabihin Ahrem na hindi mo tunay na ama si A-li?"


"Oo. Si Baba A-li ay isa sa mga mandirigma noon ni Rajah Daragat ng iyong ama, unang gabi pa lamang noon nang ako'y isilang ay may kumuha sa akin mula sa aking silid-- kinuha ako ng isa sa mga mandirigma ng Rajah at tinangka akong paslangin ngunit hindi ito naganap, sapagkat iniligtas ako ng mandirigmang si A-li, banggit niya sa kapwa niya tagapaglingkod sa Rajah na siya na lamang ang gagawa ng pagpaslang--" sandaling huminto si Ahrem at binalingan ang Ginoo.


"Pinaalis niya ang taong iyon, at nang matiyak na wala na ito ay tatangkain niya sana akong paslangin ngunit-- nang ngumiti sa kanya ang sanggol ay siya'y natigilan at nabitiwan ang kanyang sandata, hinagkan niya ang sanggol na yaon at pagkuwan ay lihim na nagtungo sa tunay na ama ko, at ibinilin ako nito sa mandirigmang si A-li sapagkat hindi ako magiging ligtas kung ako ay mananatili sa banwa ng aking tunay na Baba," unti-unti muli tumulo ang mga luha ng dalaga.


"Bago umalis ay ibinalot ako ng aking ama sa telang aking tunay na mapagkakakilanlan, at nang gabing iyon ay nabalitaan sa puod na nagsilang ng anak na babae ang butihing asawa ni A-li-- na ang totoo ay namatay ang ikatlo nilang anak na lalaki pagkapanganak nito bago ako dumating sa puod ng Rajah, kung kaya't nanatili akong buhay sa piling ni Baba A-li," salaysay ni Ahrem.


"Nabanggit mo na tinangka kang paslangin ng mandirigma ng Rajah, sa anong dahilan?"


"Hindi sa akin binanggit ng aking ama, Ginoo," tugon ni Ahrem, kahit na alam niya ang dahilan.


"Alam kong masakit ang mawalan ng minamahal sa buhay Ahrem, at nakikiramay ako sa'yo pero gusto kong malaman mo na magiging maayos rin ang lahat," wika ng Ginoo.


Tumango na lamang si Ahrem.


Umaasa kong magiging maayos din ang lahat Ginoo.


"Ahrem, matanong ko lang paano mo nalaman na pinaslang ang iyong ama na hindi ko naman napansin na umalis ka noong nakaraan?" Tanong ng Ginoo.


"Dahil sa isang kaibigan, ako'y naglakbay sa aking panahon na hindi man lang nagbabago ang oras dito sa kasalukuyan."


"Sino ang kaibigan na sinasabi mo?"


"Isang diwata."



--




"Ginoo! Tingnan mo ang laki ng telebisyon na iyon! Mas malaki pa sa telebisyong aking nasira sa iyong balay!" Wika ng dalagang sandig.


Nasa isang mall ang Ginoo at si Ahrem,  dahil balak bumili ni Azul ng bagong telebisyon pamalit sa nasira ng dalaga.


"Gusto mo ba no'n?" Tanong ng Ginoo.


"Malaki nga iyon, ngunit iyong kasinglaki na lamang ng telesbisyon na nasira ko Ginoo," wika ni Ah-rem.


"Oh sige, tayo na! Bilhin na natin ang gusto mong telebisyon."


"Talaga Ginoo? Bibilhin mo ang nais kong telebisyon?"


"Oo, naman!"


Matapos ang isang oras.



"Ginoo, ang ganda ng telebisyon na ito! Ang laki ng mga tao kaysa sa telebisyon na aking nasira!"


Tuwang-tuwa si Ahrem sa bago at mas malaking telebisyon na binili ni Azul, natatawa naman ang Ginoo sa akto ng kanyang sandig dahil tila bata ito na may bagong laruan.


Pinindot niya ang remote at nalipat ito sa ibang tsanel na may cartoons.


"Kakaiba ang mga ito! Ano ito Ginoo? Tila papel sila na gumagalaw ngunit waring hindi nga sila papel, pagkat napakaganda ngunit kakaiba!"


"Cartoons 'yan," tugon ng Ginoo habang patungo sa kusina upang kumuha ng tubig.


Pagkalabas ng Ginoo mula sa kusina ay nakita niyang nasa harap na nang telebisyon ang dalaga malapit na malapit siya rito, titingin sa kanyang sarili at babaling muli sa pinanonood. Waring ikinukumpara ang sarili sa kanyang pinanonood ngayon.


Pfft! Hindi ko alam kung matatawa ko sa babaeng 'to o ano eh, para kong may kasamang inosenteng bata.


"Ginoo, maaari rin ba 'ko maging kartuns?" Masiglang tanong ng dalaga kay Azul na ikinabuga ng tawa ng binata.


"Hahahahahaha!"


"Bakit ka natawa Ginoo?"


"Hahahahahaha"


"Ginoo, maaari ba ko maging kartuns? Maaari ba?"


Tumikhim ang Ginoo atsaka sinikap na hindi matawa dahil ayaw niyang isipin ni Ahrem na pinagtatawanan niya ito.


"Hindi Ahrem, dahil tao tayo, at ang napapanood mong iyan ay gawa lamang ng tao," wika ni Azul.


"Ngunit Ginoo--"


-------



Itutuloy...









Papel📝❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top