Kabanata VI: Baba A-li
Kabanata VI: Baba A-li
--
Katatapos lamang ng isang conference meeting ng Ginoo nang magkita sina Azul at Art sa mismong building ng kanilang kumpanya.
"Nagtataka lang ako sayo dude, anong meron at nagpapahanap ka sa'kin ng baril?"
Binuksan ni Azul ang pinto ng opisina niya at nagtungo sa mesa habang si Ahrem ay nasa kabilang dako at nag-aayos ng mga aklat. Waring wala itong nakita nang dumating ang kanyang amo at kaibigan nito.
"Because of her," tugon ng Ginoo.
"Wait-- what? Hindi ko maintindihan."
"Dude, ilang araw na niya 'kong kinukulit tungkol sa baril na 'yan. Hindi ko rin alam kung saan niya napulot ang salitang 'gun'," saad ng Ginoo.
"Baka naman may ipinakita ka sa kanya?"
Sandaling napaisip ang Ginoo.
"Tama ka! Sa movie! No'ng mga nakaraang gabi nanood kami ng isang action movie, baka doon niya nakita 'yon," saad ng Ginoo.
"Alam mo pare, feeling ko matalino talaga si Ahrem."
"Sa palagay ko nga, dahil mabilis niyang naunawaan ang salitang gun," sang-ayon ng Ginoo.
"Ah, Ginoo! Kasama ba ang mga ito?" Tukoy ni Ahrem sa mga diyaryong kanyang hawak.
"Hindi na Ahrem, itatapon ko na ang mga 'yan," tugon ni Azul. Lalakad na sana ang dalaga nang may pahabol pa ang Ginoo, "Ah-- Ahrem, pagkatapos mo diyan magpahinga ka na may lakad pa tayo mamaya."
"Masusunod, Ginoo."
"So, pupunta kayo sa birthday party ng dad ni Calista?" Tanong ni Art.
"Yeah."
Pagkatapos ilagay ni Ahrem ang mga diyaryo sa gilid ng maliit na trashcan ay nagpahinga ito sandali, at naisip niya ang pupuntahan nila mamaya ng Ginoo ang kaarawan ng ama ni Callista.
Ano kayang magaganap mamaya? Masaya kaya roon? Ngunit kahit masaya pa roon ay hindi ko naman magagawa ang makipagsaya o makibagay roon, dahil isa lamang akong sandig. Si Baba A-li kaya kumusta na?
--
Habang nasa kasalukuyang panahon si Ahrem, ang kanyang naiwang panahon naman at ang kinikilala niyang ama ay nilulusob ngayon ng Rajah sampu ng mga mandirigma nito.
"Mahal na Rajah!" Magbibigay pugay sana ito ngunit agad siyang tinutukan ng kampilan ng sandig ng Kapunuan.
"Ano ang ibig ipakahulugan nito Kapunuan?"
Marahas siyang hinawakan ng mga mandirigma sa kanyang magkabilang braso, at iniharap sa Rajah.
"Halughugin ang buong balay ng dating mandirigmang si A-li, hanapin ang kanyang anak na taksil!" Wika ng Rajah.
Pinasok ng mga mandirigma ang balay ng ama ni Ah-rem, hinalughog ito ngunit wala silang natagpuan na dalagang sandig.
"Mahal na Rajah, wala rito si Ahrem," saad ng isa sa mga sandig nito.
Bumaling ang Kapunuan kay A-li at tinutukan niya ito ng kampilan.
"Nasaan ang iyong anak? Saan mo siya itinatago A-li?" Tiimbagang na tanong ng Rajah.
"Kapunuan, hindi ko itinatago ang aking anak-- buhat nang mabalita ko na siya'y pinaghahanap niyo pagkat siya'y pinagbintangan na siya ay taksil-- hinanap ko rin siya kahit sa gubat ng diwata ay hindi ko siya natagpuan roon," salaysay niya.
"Sinungaling! Isa ka pa naman noon sa mga pinakamahusay na mandirigma-- ngunit nasira lamang ito ngayon dahil sa iyong pinakamamahal na anak!" Wika ng Rajah.
Pilit na tumingin ang dating mandirigma sa kanya noon na panginoon. Batid niya kung ano ang maaari niyang kahinatnan.
"Naniniwala akong hindi taksil o nagtaksil ang aking anak sa inyo Kapunuan, lubos kayong iginagalang ni Ahrem," anito.
"Taksil siya, sapagkat iniibig niya ang kanyang Ginoo na si A-lon! Sinaktan niya si Dayang Mayumi!"
"Nakatitiyak ako Kapunuan, hindi ninais ni Ahrem ang makasakit ng damdamin ninuman-- at batid ko na hindi niya iibigin magkaroon ng relasyon sa inyong anak na Ginoo!" Pagsusumamo ng dating mandirigmang may edad. Ang damdamin nito ay nag-aalab para sa kanyang nag-iisang anak na babae.
"Tumigil ka A-li, ang nararapat sayo na ama ng isang taksil ay kamatayan!"
"Tigil!" Sigaw ng isang tinig mula sa isang binata.
"U-li! Ang anak na bunsong lalaki ni A-li, saksihan mo ang pagpaslang ko sa iyong ama!" Ani ng Rajah, sa binatang kararating pa lamang.
Walang anu-ano ay sinaksak ng Rajah ang dating mandirigma gamit ang kampilan.
"Babaaa!!!" Hiyaw ng binata, dali-dali itong nagtungo sa kanyang ama na binitiwan na ng mga mandirigma.
"Baba! Baba! Baba!" Palahaw ng binata. Nang makalapit ay agad niya itong hinagkan, hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Nais niyang gumanti ngunit bago pa man niya hugutin ang kanyang kampilan ay pinigilan siya ng kanyang ama.
"Wala kang ibang sisisihin U-li kundi ang iyong kapatid," wika ng Rajah, at pagkuwan ay umalis na ang mga ito.
"Baba, Baba! Kumapit ka lamang at dadalhin kita sa Punong Babaylan--"
"Si Ahrem..."
Tila nagising ang binata nang marinig na magsalita ang kanyang ama.
"U-Uli... M-makinig ka, s-si Ahrem ay pakaiingatan n-ninyo-- m-magtungo kayo sa banwa n-ni Datu Ah-gorem at ip-pakita mo sa kanya ito--" ibinigay niya ang isang tela sa kanyang anak, "at isalaysay mo s-sa k-kanya a-ang n-naganap sa akin, at sa kanyang anak na s-si Ahrem--" atsaka nalagutan ng hininga ang ama ni Ahrem.
"Baba... Oo, pakaiingatan namin ang aming kapatid--" atsaka nito isinara ang mga mata ng kanyang ama.
Ngunit naaninag niya ang mga mandirigma ng Rajah, na tila nagmamadali at waring patungo sa kanilang dako.
"Baba, paumanhin kung hindi kita mabibigyan ng isang mapayapa at pang mandirigmang libing, kailangan ko ng magtanan pagkat nagbalik ang mga mandirigma ng Rajah." Bulong nito sa kanyang ama, atsaka umanyo na.
"Hanggang sa muli, Baba..." Malungkot na tumakbo palayo ang binata at iniwan ang kanyang ama, hindi niya ito gusto ngunit kailangan niyang gawin dahil kung hindi ay tiyak dadakpin siya ng mga mandirigma ng Rajah. At may kailangan pa siyang gawin ang magtungo sa banwa ni Datu Ah-gorem.
"Umbo Ahrem, kung naririnig mo ako pakiusap! Pakiusap magbalik ka, ang ating Baba ay pinaslang--" wika niya sa kanyang isipan habang tumatakbo pigil-pigil ang mga luha.
Hindi ito naririnig ni Ahrem, ngunit narinig ito ng isang diwata.
--
Habang abala si Ahrem, sa pag-aayos para sa pupuntahan nila ng Ginoo ay nagpakita sa kanya ang isang diwata.
"Ah-rem, may dala akong malungkot na balita..."
"Diwatang Ap-way, ano at bigla ka na lamang sumulpot ngunit tamang-tama ay marami akong katanungan sa iyo--"
"Ah-rem, makinig ka muna sa akin tiyak ay ikalulungkot mo ito," wika ng Diwata.
"Ano ang iyong ibabalita sa akin?" Tanong ni Ahrem.
"Ang iyong amang si A-li!"
Dali-daling hinawakan ni Diwatang Ap-way ang kamay ni Ahrem at sa isang kumpas niya sila'y naglaho na tila majika, at pagkuwan sa isang iglap sila'y nasa panahon na ng dalagang sandig. Sa eksaktong lokasyon kung nasaan si Baba A-li.
Nang makita niyang nakahandusay ang kanyang ama sa labas ng kanilang balay ay halos manlambot ang mga tuhod niya at dali-dali itong nilapitan. At walang anu-anong hinagkan.
"Baba! Baba! Baba! Anong nangyari? Sinong gumawa nito sa inyo ha Baba? Baba! Baba? Baba!" Tiningnan niya kung may pulso pa ito, ngunit wala siyang naramdamang tibok sa pulsuhan ng kanyang ama. At dito na siya waring nalugmok.
"Aking Baba A-li-- Baba ko! Baba! Babaaa!" Ang pagtangis ng dalagang sandig ang namayani, ang mga luha niya'y tuloy-tuloy sa pag-agos. Hindi niya alam na ganito ang kahahantungan ng kanyang napakabuting ama na nagpalaki sa kanya. "Babaaa! Babaaa... Patawarin mo 'ko, patawarin mo ko kung inilagay kita sa kapahamakan, patawad... Babaaa..."
Kinuha niya ang kampilan ng kanyang ama na nasa baywang nito, at kanyang pinutol ang buhok nito at kinuha ang putong ng kanyang ama.
"Tiyak ako na ang Rajah ang may gawa nito sa kanya," wika ni Ah-rem na napupoot.
"Oo, tama ka Ahrem-- ngunit hindi ito ang tamang panahon upang maghiganti ka," wika ng Diwata.
Inilibing ni Ahrem ang kanyang ama sa bakuran ng kanilang balay at nag alay siya ng mataimtim at maikling panalangin. Hinawakan niya ang lupa, nag-aalab ang galit sa kanyang puso, nais niyang pagbayarin ang may gawa nito sa kanyang amang mandirigma.
"Umasa kang magbabalik ako Baba at makakamtan ang katarungan para sa iyo, magbabalik ako pangako iyan!"
--
Bumalik si Ahrem, sa panahon ng kasalukuyan, ngayon nga'y tulala ito habang nasa kasiyahan ang kanyang panginoon na Ginoo. Kung nasasaktan siya na makita ang Ginoo na kasama si Calista ay tila wala nang mas sasakit pa sa kanyang nadarama ngayon. Ang pait na sinapit ng kanyang kinikilalang ama sa kamay ng amang Rajah ni A-lon.
Tila nag ngingitngit siya sa tuwing makikita si Ginoong Azul na nakangiti.
Nakangingiti ka pa ngayon? Batid mo ba na pinaslang ng iyong Baba ang aking Baba? Pagkatapos ay nakukuha mo pang ngumiti ng ganyan? Nasaan ang iyong pagiging patas ha Ginoo?
Batid niya na may nagawa nga silang kasalanan ni Ginoong A-lon ngunit maituturing na ba iyon na kasalanan? Kung ang totoo naman, ay hindi naman talaga siya nagkaroon ng espesyal na kaugnayan sa Ginoo? Na nahuli lamang sila ng gabing yaon pagkat sinundan sila ni Mayumi at ang nais nito ay mawala sa kanilang landas si Ahrem.
At para kay Ah-rem ay hindi makatarungan na idamay ng Rajah ang kanyang ama. Hindi ito katanggap-tanggap.
Hinawi ni Ahrem, ang butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata at nakita ito ni Azul.
Is she okay? Ever since we left the house earlier there was something strange about her, she seemed to come from crying.
"Azul, let's go! Ipapakilala kita sa mga friends ko," wika ng dalaga na kanyang katabi. Wala itong magawa kundi ang magpahila sa dalaga.
Habang nagsasaya ang lahat sa kasiyahan ay may isang tao na kanina pa napapansin ni Ahrem, wala naman espesyal sa taong ito ngunit nakaramdam si Ahrem na may hindi tama sa kanyang paligid, at sa taong kanina pa niya napapansin.
Nagdadalamhati man ang puso niya ngayon ngunit ang kanyang trabaho ay hindi niya maaaring pabayaan.
Mayamaya lamang ay nakarinig ng ilang putok ng baril ang mga tao...
-------
Itutuloy...
-Sorry po sa matagal na update.😅
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top