Kabanata IV: Callista
Kabanata IV: Callista
----
Lumalakad ang Ginoo at ang sandig na si Ahrem patungo sa loob ng isang prestihiyosong restaurant sa bansa, tanging may sinasabi lamang sa buhay ang nakakatapak sa magandang lugar na ito. Ang bawat kubyertos ay tinitiyak na malinis at may kalidad, pagkat ang ihahain sa iyo ay hindi basta lamang pagkain ito ay nanamnamin ng iyong dila base sa iyong babayaran. Kung gaano ito kasarap ay ganoon din ito kamahal.
Bago pa tuluyang makapasok ng restaurant ang Ginoo ay sandali itong huminto at saglit na pinasadahan ng tingin ang sandig. Maayos ang hitsura nito, nakapuyod ang mahaba nitong buhok at sukat sa kanya ang suot niyang amerikana.
"Okay, maayos ka naman," ani ng Ginoo, at bahagyang pinagpagan ang balikat ng dalaga. "Ganito, tumayo ka malapit sa mesa kung saan ako uupo at huwag kang aalis, sa akin ka lang titingin dahil ako ang iyong Ginoo, pero ano dapat ang itawag mo sa'kin?"
"Sir," tugon ni Ahrem.
"Okay, maliwanag na tayo."
"Malinaw na sa akin, Gino-- Sir." Nakangiting ani ng sandig.
Bago pa sila magtungo ng restaurant ay sinabihan niya ito na "sir" ang itawag sa kanya at hindi Ginoo.
"Ngayon, pupunta na 'ko sa mesa," binalewala ni Azul ang kaunting pagkakamali ni Ahrem. Nagtungo na ito sa mesa na pinareserba mismo ng kanyang makaka date ngayong gabi.
Ilang minuto pa ay dumating na ang kanyang hinihintay, isang magandang babae na may magandang mukha, morena ang balat at may magandang tindig. Naupo agad ito sa kaharap na upuan ng Ginoo.
"Hi! Azul, sorry I'm late,"
"No, it's okay." Ani ng Ginoo.
"Okay, let's order-- Waiter!"
Samantala, si Ahrem na nagbabantay sa Ginoo ay lumipat ng kanyang pwesto na mas malapit sa kanyang panginoon. At napansin niya ang kaharap ni Azul sa mesa ay may kawangis.
"Dayang Mayumi..."
Aba, ano at kaharap ng aking Ginoo ngayon si Dayang Mayumi? Bakit naririto siya sa panahong ito na aking kinasasadlakan?
Sana ay hindi niya ako makilala, marahil ay marapat lamang na ako'y lumisan na baka ako'y kanya pang isuplong sa Rajah.
Lalakad na sana si Ahrem, ngunit may nagpabago sa kanyang isipan.
Kung hindi ako nakikilala ng Ginoong A-lon sa panahong ito, baka ang Dayang Mayumi ay ganoon rin. At kahit anong maganap ay hindi magbabago ang aking isip upang samahan ang aking Ginoo.
Bumalik si Ahrem, sa kanyang kinatatayuan at pinagmasdan si Azul habang kausap nito ang Dayang Mayumi na kinikilala ng sandig.
Masaya naman na kumakain sina Azul at Callista sa mesa habang nagpapalitan ng masasaya nilang karanasan, nang mag-iba ang kanilang paksa.
"I expect you to be there."
"Callista, that was your father's party and many guests--"
"Please..."
Tumingin si Azul sa mga mata ni Callista, ngunit wala talaga siyang nararamdaman ni katiting para sa dalaga. Napipilitan lamang siya na lumabas kasama ito sa kagustuhan ng kanyang amang senador, na lubos na malapit sa pangulo ng bansa.
"All right, I'm going to the party." Tugon ni Azul na bahagyang ngumiti.
"Yes! I assure you, you will have fun there and I will introduce you to my friends and our relatives--"
"Yeah, I think that's fun."
Kailan ba 'ko naging masaya sa party ng mga pulitiko? Sa lahat ng party na napuntahan ko, party ng pulitiko ang boring. That's why I don't want to attend Callista's father's birthday party, because I already know what will happen. Introduce yourself here, introduce yourself there, tch! And of course whoever is uplifting and known is, there they are. That's how politicians play, they're ready to give you up for money.
Habang kumakain ang dalawa ay nabaling ang paningin ni Azul sa pwesto ni Ahrem kung saan ay una niya itong nakita kanina, ngunit wala na roon ang kanyang sandig.
Nasaan ang babaeng 'yon? Sabi ko sa malapit lang siya--
Natigilan siya sa kanyang iniisip nang makita sa bandang kanan niya ang sandig, bahagya itong ngumiti sa kanya nang magkasalubong ang kanilang mga paningin. Waring kiniliti nito ang kanyang puso nang makita ang maliit na ngiting iyon.
Ang weird, bakit para akong kinikilig, sh*t. Bakit ba kasi bagay sa kanya ang suot niyang amerikana.
At naalala niya kung paano niya ito pinaliguan kanina.
*Pagbabalik-tanaw*
"Ginoo, napakaraming bula, ganito ba talaga sa inyong mundo? Ang mga bagay na ito ay bumubula?" Tanong ni Ahrem, habang nakaupo sa isang bangkó at pinaglalaruan ang bula sa kanyang mga palad. Siya'y nilagyan ng shampoo ni Azul sa kanyang buhok.
"Oo. Huwag ka malikot baka mamaya malagyan ang mga mata mo ng bula, masakit sa mata pag nalagyan 'yan." Wika ng Ginoo. Atsaka ngumuso ang sandig.
"Ginoo, bakit kailangan ko pang maligo? Ako'y isang mandirigma, at ang tulad ko ay minsan lamang maligo,"
Yumuko si Azul upang magpantay ang kanilang mga paningin.
"Ahrem, sa pupuntahan natin lugar kailangan malinis kang tingnan at mabango, dahil hindi ka makakapasok doon ng madusing ka--"
"Kung gayon, ay kailangan mo na rin maligo Ginoo--" aniya, at nilagyan ng bula ang buhok ni Azul.
"Bakit mo 'ko nilagyan ng sabon sa ulo?" Tanong ng Ginoo.
Bakit pa 'ko magrereklamo na may sabon ang ulo ko? Kung lahat ng suot ko ngayon ay basang-basa dahil sa kalikutan ng babaeng 'to.
Pilyang nakangiti lamang ang kanyang sandig, hindi siya natatakot na gumawa ng kahit anuman kalokohan sa Ginoo.
"Maligo ka na rin Ginoo--"
"Hindi maaari, Ahrem. Ang babae at lalaki ay hindi maaaring sabay maligo."
Humalukipkip na lamang ang sandig na animo'y yakap ang tapis na nagkukubli sa kanyang katawan.
Napangiti na lamang ang Ginoo, at nagpatuloy sa pagbanlaw sa dalaga.
*Pagtatapos ng balik-tanaw*
"Hey, why are you smiling at me?"
"N-nothing." Tugon ni Azul. Pagkuwan ay napasulyap ito sa kanyang sandig, at hindi naman siya bigo na bigyan siya muli nito ng maliit na ngiti.
--
"Good night. Azul, I enjoyed our date tonight." Wika ni Callista, at hinalikan niya si Azul sa pisngi nito. Nasaksihan ito ni Ahrem, nag-iwas siya ng paningin. Ngunit ang kanyang puso tila nadurog nang makita na bahagyang nakangiti ang Ginoo sa dalagang kaharap nito ngayon.
Gusto niya ba ang Dayang? Bakit hanggang dito sa mundong ito ay ako pa rin ay sandig na nakatapak sa lupa? At ang aking Ginoo ay nanatiling matayog at si Dayang Mayumi sa kanyang wangis ay labis na siya'y iba ang kariktan.
At ako? Ako'y mananatiling sandig. Isang timawa, nananalaytay sa akin ang dugo ng isang mandirigma, ang dugo ng pagiging maisog. Ngunit isang duwag pagdating sa aking puso.
"What's wrong?"
"Nothing, Callista. Maybe I'm just tired."
Hindi naibigan ni Azul, nang siya'y halikan nito sa pisngi pagkat ayaw ng Ginoo na bigyan ito ng kulay ni Callista nang hayaan niya itong gawin iyon.
"Goodnight, Azul."
"Goodnight."
Pumasok na ng sasakyan si Azul, at nabaling ang kaniyang paningin kay Ahrem dahil tahimik ito at nakatingin lamang sa bintana ng sasakyan.
"Ayos ka lang ba Ahrem?"
Lumingon ang sandig sa kanya.
"Oo, Ginoo ayos lamang ako! Kumusta kayo ng Bai!?" Masiglang tanong ni Ahrem, na waring sabik sa itutugon ng Ginoo.
Bahagyang natawa si Azul, dahil ang akala niya ay kung ano na ang nangyari kay Ahrem.
"Anong sinasabi mong Bai?"
--
"Paratawag, batid mo ba na nakita ko si Dayang Mayumi kagabi at napakaganda niya!"
"Sino 'yon?" Tanong ni Arthur.
Napaisip naman si Arthur, na baka ang sinasabi ni Ahrem ay si Callista.
"Si Callista ba ang iyong tinutukoy?"
"Oo, Paratawag. Nakamamangha pa rin siya maging sa mundong ito, tiyak ay may mataas na tungkulin ang kanyang ama--"
"Tama ka, Ahrem. Dahil governor ang ama ni Callista ng isang probinsya."
"Ano ang kahulugan niyon?"
"Mamaya ko sayo ipapaliwanag, tsaka Art ang itawag mo sa'kin. Tayo na!"
Pumasok sila sa isang pamilihan ng mga damit, nasa mall sila at kanina pa ay maraming tanong ang sandig sa kanyang nakikita sa paligid, ngunit mabuti na lamang at pasensyoso si Art pagdating kay Ahrem. Dahil batid niya na bago pa lamang siya sa mundong ito.
Wala rin naman siyang nagawa nang pinabantayan sa kanya ni Azul si Ahrem dahil may mahalaga itong meeting, walang titingin sa dalaga kung maiiwan ito mag-isa sa bahay ng Ginoo.
"Miss, pwede bang pakitulungan siya sa pagsusukat ng dress?" Tanong nitong nakangiti sa saleslady.
"Ah o-opo sir."
"Salamat." Tugon ni Art sa saleslady at kinindatan niya pa ito.
Dali-dali naman na hinila ng babae si Ahrem patungong fitting room.
"Sandali lamang-- Art--"
"Sumama ka sa kanya, dito lang ako." Wikang nakangiti ni Art.
Tingnan natin, kung hindi ka mahumaling Azul Zeapelago kay Ahrem. Alam kong meron kayong nakaraan, dahil kung wala anong ginagawa rito ng Paragahin mo sa kasalukuyang panahon?
You're crazy Paratawag! Haha.
Mayamaya lamang ay lumabas na ang saleslady at si Ahrem sa fitting room, suot nito ang isang kulay maroon na spaghetti strap dress.
Napa ismid si Art nang makita ang dalaga.
"Bagay sayo."
"Pakiramdam ko-- ako ay wala akong saplot."
"Masasanay ka rin, Ahrem."
"Ah sir, excuse me po-- kukunin niyo po ba itong iba pang pinasukat sa kanya?" Tanong ng saleslady.
"Yes! Miss."
Matapos mabayaran ang mga damit ay nagtungo naman sila sa isang fast food at nag take out ng pagkain. At pagkatapos niyon ay nagpunta na sila sa bahay ni Arthur.
"Paratawag, napakasarap naman nitong pagkain na ito. Ano ang tawag dito?"
"Burger. Haha ang dusing mo kumain. "
"B-bur--"
"Basta 'yon na 'yon. Burger."
"Paratawag, kung minsan hindi ko maunawaan ang Ginoo, siya'y nagsasalita ng ibang wika at kapag gayon ay hindi ko siya maunawaan,"
"Nagsasalita siya ng wikang Ingles."
"Ing-- les?"
"Oo. Halimbawa iyang hawak mo ay pagkain, sa ingles ay food,"
"P-pud?"
"Food."
"Ah-- pud..."
"Isa pa, iyang mahaba mong buhok sa wikang ingles ay hair,"
"H-her..."
"Hair."
"Heyr..."
Habang binabantayan ni Arthur si Ahrem, ay patungo na sana si Azul sa parking lot upang tumulak sa bahay ng kaibigan para sunduin ang kanyang sandig. Nang mayroong lumapit sa kanya.
"Hello! Azul!" Mabilis nitong ikinawit ang kanyang kamay sa braso ng binata.
"Hello, Callista"
"Are you going home now?"
"Uh yeah! How about you?"
"Pauwi na rin, wala ka na ba ibang gagawin?"
"Oo. Wala," pagsisinungaling ni Azul.
"Let's go? Let's have dinner."
"Dinner?"
"Yeah! Let's go Azul."
Napabuntong-hininga ang Ginoo, dahil sa halip na masusundo na niya si Ahrem ay mukhang matatagalan pa dahil kakain pa sila sa labas ni Callista. Nais man niyang tanggihan ito ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang mapahiya ang dalaga.
Ka d-date lang namin kagabi tapos siya na naman ang kasama ko. Tsk!
"Come on!" Ani ng dalaga, na binuksan na ang pinto ng kotse ni Azul sa passenger seat.
"Okay." Nagtungo na ito sa kanyang kotse, at agad ay pumasok dito at naupo sa driver's seat.
I'm sorry, Ahrem. Pero hindi kita masusundo agad.
Naramdaman na lamang ng Ginoo na may humawak sa kanyang braso at humilig sa kanyang balikat.
"I really like you, Azul."
Napasinghap na lamang si Azul, atsaka nagpatuloy sa pagmamaneho. Sandali itong napasulyap sa dalagang nakahilig sa kanyang balikat atsaka binalingan ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. Tila ang nakikita niya sa katabi niyang upuan ay ang kanyang sandig.
"Ginoo... Buksan mo muli ang radyo..." Ani ng sandig na nakangiti.
"Maaari ba Ginoo? Sapagkat masaya iyon,"
Hindi tama 'to! Bakit naiisip ko si Ahrem?
Samantala, si Ahrem ay nakatanaw sa bintanang salamin pinagmamasdan ang mga sasakyan at bawat taong dumadaan sa ibaba. Tinitingnan kung parating na ang Ginoong kanyang hinihintay.
Ginoo, nasaan ka na?
Kasama mo ba ngayon si Callista? Ang Dayang Mayumi?
------
Itutuloy...
-Pasensya na po kung ngayon lang nakapag ud, dami lang po gawain. Bawi na lang po ako next ud:)
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top