1
yaerin's POV
nasa dance practice room kaming lahat para i-praktis ang collaboration namin with wanna one.
lumipas ang dalawang oras at nagpahinga kami saglit. konting polished na lang sa mga dance movements namin sa isa't isa, makakauwi at makakapagpahinga na kami ng matiwasay mamaya.
tumabi ako kay daehwi at naki-share ako ng tubig sa kaniya. sinandal ko rin ang ulo ko sa balikat at pumikit.
"yah, noona. alam na ba ni jihoon hyung?" biglaang tanong niya. napadilat ako saglit pero pumikit din kaagad ako ng makita ko nakatingin sa'kin si woojin.
"hindi pa."
"kailan mo balak sabihibin sa kaniya? kung kailan huli na, ha?" bakas sa tono ng boses niya ang pagkainis.
"sasabihin ko naman sa kaniya kaagad pag nasabi na nila mommy kung kailan ba."
napabuntong hininga siya, "noona, wala na bang ibang paraan sa inyo?"
"wala na. sinubukan na namin." saad ko habang nakapikit pa rin ang mata ko.
"nag-aalala kasi ako sa inyo. hindi niyo kilala ng lubusan ang isa't isa. hindi rin kayo nag-uusap unless pag related na sa mga pamilya niyo, nag-uusap naman kayo pero as a friend, wala man lang."
"kailangan niyong kilalanin ang isa't isa, noona. matagal din na magsasama kayo sa iisang bubong. Pero ito ang tatandaan mo noona, wag mo silang sasaktan sa huli." dugtong niya.
napadilat ako at tumingin sa kaniya saglit.
"okay guys! balik na tayo sa practice! 40 minutes na lang natitira sa'tin at kailangan natin ma-impress bukas ang mga high staffs sa'tin!" sabi ni jisung.
bumalik kami sa mga pwesto namin at sinimulan ulit magpraktis.
lumipas ang 40 minutes at nagpack-up na kami.
sinukbit ko na ang strap ng backpack ko sa balikat ko at nagulat ako ng may yumapos sa bewang ko.
lumingon ako at nakita ko ang matamis niyang ngiti, nahawa na rin ako sa ngiti niya.
"sabay ka na sa'min umuwi, rin-ssi. miss na miss na kasi kita." pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at nag pout.
napatawa ako sa inaasta niya. parang baby lang 'e. ang cute cute!
"palagi naman tayo magkasama 'saka gabi na, hoonie. mahirapan pa manager niyo pag ihahatid niyo pa 'ko sa dorm namin. sasabay na 'ko sa grupo ko."
"pero napagpaalam na kita kay honju noona na sa'min ka sasabay at doon ka muna matutulog."
nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "yah! nakapag paalam ka na pala ba't mo pa 'ko tinanong! sa inyo ako matutulog!?"
pinalo ko ang braso niya ng malakas, "hoy park jihoon! kung ano man 'yang iniisip mo-"
"wag ka nga marumi ang iniisip, rin-ssi! wala naman ako gagawin sa'yo unless kung gusto mo may gawin ako." he smirked.
hahampasin ko sana siya ulit sa braso pero nakatakbo na kaagad kaya hinabol ko.
mahahagip ko na siya pero may nakabangga ako at nauntog kami sa parehas sa noo namin.
"shit. ang sakit, puta." bulong ko.
ang tigas naman ng ulo nito. medyo nahilo ako roon.
may humawak sa kamay ko at inalis ang pagkakahawak sa noo ko, napalitan ng palad niya.
napaangat ako ng tingin at nagulat ako na siya ang nasa harapan ko.
"sorry, yaerin. hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko. masakit pa ba?" may pagka husky yung boses niya.
"yaerin?"
nakatitig lang ako sa kaniya. ngayon ko lang napansin, blonde na pala buhok niya ngayon.
mas lalo siyang gumwapo.
"ahn yaerin." ang sarap pakinggan ng boses niya.
ba't ngayon ko lang naappreciate?
nagulat ako nung nilapit niya ang mukha niya sa'kin, "hindi ka pa ba tapos na titigan ako?" may halong pang-aasar ang boses niya.
doon lang ako nagising sa kagagahan ko. lumayo ako ng konti sa kaniya, "ako? nakatitig sa'yo?" tinuro ko ang sarili ko. tumango siya.
"as you wish, park woojin." inirapan ko siya at tinalikuran siya.
"hindi ko na kailangan mag-wish, natupad na." he chuckled.
naparolyo ako ng mata at lumabas na ng building.
nasa parking lot na sila at sumalubong sa'kin ang naka pout na si hoonie.
"ba't 'di mo 'ko hinabol?" tanong niya at naka cross arm pa siya.
baby na baby talaga kahit kailan.
i pinched his both cheeks, "hinabol kaya kita, bilis mo kasi tumakbo." tumango na lang siya habang naka pout pa rin.
tangina, jihoon. alam mo talaga kahinaan ko.
"yung dalawang mag jowa diyan sa labas, pumasok na kayo dito! sa dorm na lang kayo maglandian, magkasakit pa kayo diyan sa labas." rinig kong sabi ni jaehwan.
uminit naman kaagad pisngi ko sa sinabi niya at pumasok na rin kami sa loob ng van.
sinamaan ko siya kaagad ng tingin,"inggit ka lang, wala ka kasing jowa." asar ko sa kaniya.
nagsi-oh ang mga members at inasar si jaehwan.
magkatabi kami umupo ni jihoon sa likuran. naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko at inintertwined ang mga daliri namin sa isa't isa.
napangiti ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"ang tagal naman ni woojin hyung." reklamo ni jinyoung.
"saglit, tawagan ko." sabi ni daehwi.
bago pa tawagan ni daehwi si woojin, bumukas ang pinto ng van at pumasok si woojin.
"yah, hyung! bakit ang tagal mo?" tanong ni daehwi.
"may inayos lang ako sa loob. may nakabangga kasi ako tapos hindi man lang ako tinulungan ayusin yung gamit natamaan namin." tumingin siya sa'kin saglit, ako naman napaiwas ng tingin.
"ganun ba, sige hyung, umupo ka na sa tabi ni noona. 'yon na lang vacant." sabi ni daehwi.
nakita ko naman siya tumango at tumabi sa'kin. hindi ko naiwasan na mapalunok.
masyado siyang madikit sa'kin, ang luwang ng space dito sa likuran, hindi yata inform ang lolo niyo.
inangat ko ang ulo ko at tiningnan si jihoon, tulog na tulog na ang baby.
sinandal ko ang ulo niya sa balikat para hindi siya mangalay.
"naks, sweet mo naman pala." rinig kong sabi niya pero may halong pang-aasar.
sinamaan ko siya ng tingin, "inggit ka? maghanap ka ng jowa mo." inis kong sabi niya.
first time namin mag-usap ng ganito. kung mag-uusap man kami, seryosong usapan tungkol sa pamilya namin. pero pag hindi na involve pamilya namin, hindi na rin kami nag-uusap kahit nagkikita kami. ngayon na lang ulit kami nag-usap dahil sa nangyari kanina.
"hindi ko na kailangan maghanap, marami naman lalapit sa'kin." mahangin niyang sabi.
napatawa ako in sarcastic way, "ang kapal din pala ng pagmumukha mo 'no? akala ko si jaehwan na yung pinaka makapal ang mukha sa inyo, mas malala ka pa pala sa kaniya."
nagkibit balikat siya, "nagsasabi lang naman ako ng totoo." sumandal siya at pinikit ang mata niya.
umiwas na 'ko ng tingin sa kaniya at sinandal ko ang ulo ko sa ulo ni jihoon.
nakakapagod ang buong araw na 'to, mas lalo na bukas.
lord, sana hindi na 'ko kulitin ni woojin bukas.
---
naalimpungatan ako dahil sa ingay. dinilat ko ang mata ko at naka piggy back ride ako sa likuran ni jihoon.
"hoonie, baba mo na 'ko." bulong ko sa kaniya.
"ayan! nagising tuloy si yaerin! ingay mo kasi seungwoo." sabi ni daniel.
"ikaw rin naman maingay, parehas lang tayo." sagot naman ni seungwoo.
paano ako makakatulog nito mamaya kung ganito sila.
napabuntong hininga ako, pumasok na kami sa loob ng dorm nila, yung iba sumalampak kaagad sa sofa at yung iba diretsong kwarto nila.
"rin-ssi, maliligo lang ako. kung gusto mo kumain, kain ka lang diyan sa kitchen." sabi ni jihoon at tumango ako.
dumiretso naman kaagad sa kusina nila at naghanap ng makakain. namangha ako sa laman ng ref nila, ang daming pagkain.
kinuha ko naman kaagad yung mga gusto kong kainin. midnight snacks is the best.
sa kitchen na 'ko kumain, kasi alam 'kong manghihingi yung mga tao roon sa sala.
"sarap ng kain, pwede pahingi?" nagitla ako sa nagtanong at tumingin sa kaniya.
"hindi. maraming pagkain diyan sa ref niyo, kumuha ka kung gusto mo." mataray kong sabi at kinain ko ng mabilisan ang pagkain ko.
i heard him chuckled at tumungo naman siya sa ref nila para kumuha ng pagkain.
"wala akong gustong kainin dito kasi kinain mo na." sabi niya at lumapit sa'kin.
bigla naman ako kinabahan kasi tangina, nakaupo lang ako sa counter.
napasinghap ako ng nasa harapan ko na siya, "meron pa pala ako pwedeng kainin."
he trapped me and he moves closer to me.
gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa.
"at nasa harapan ko na siya." he whispered at the same time, his husky voice makes me shiver.
his face moves closer to mine, i don't know what to do anymore. his scent makes me crazy.
now i get why he said na hindi na niya kailangan maghanap. he's just stating the fact.
all women and men will go crazy for him.
"woojin.." 'yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
kumakabog ang dibdib ko sa sobrang lapit niya sa'kin.
"fuck, yaerin, don't use that tone to me." he whispered. "i might forget that you're jihoon's girlfriend."
and that word snapped me.
hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko pero natulak ko siya.
i saw him smirked, "thanks for this." pinakita niya sa'kin ang yogurt at umalis na.
napahampas ako sa noo 'ko, nasa likuran ko nga pala 'yung yogurt na 'yon, pero bakit kailangan ganun pa kunin?!
tangina mo talaga, park woojin. humanda ka sa'kin.
A/N: Heto nanaman ako, gumagawa ulit ng storya. Kaya wala ako natatapos 'e.
But I hope, matapos ko 'to kasi planado ko na ito.
Sana suportahan niyo ko rito. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top