2

Panibago

Uumpisahan ko ang tulang ito

sa kung ano talaga ang totoo

kung paanong ang isang ako

ay binago ng kagaya mo

Kaibigan kita,

hindi mula pagkabata

pero sa isip at puso

sa'yo'y walang makakatalo

Ngunit paano mo nga ba ako binago?

paanong ang puso kong ito

ay tumibok nang dahil sa'yo?

Sa bawat ngiti, bawat tawa

sa lahat ng iyong ginagawa

may alam ako,

dahil pinapaalam mo

Pati mga bagay na ayaw mo,

bawal sa'yo,

o di kaya nama'y di mo gusto

may alam din ako,

dahil pinapaalam mo

Sa mga ngiting totoo at hindi

sa mga tawang hindi mabali

Sa mga gawaing ako ang iyong katabi

nadala ko, sa bawat segundo ng buhay ko

Kaya nga siguro nahulog ako,

sa'yo na kaibigan ko

sa bawat paglapit mo

kusa na kasing ngumingiti aking puso

Hanggang sa maramdaman kong

hindi na nga ako yung dating ako

yung dating kaibigan lang ang turing sa'yo

Kaya ngayon, ako'y lalayo

kikilalanin kong muli ang sarili ko

At aasang sa aking pagbabalik

ikaw parin ang kaibigan kong matalik

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top