1

                                                                                    Dalawang taon

Nakilala kita sa 'di inaasahang pagkakataon

siguro'y pinagtagpo ng tadhana't panahon

ang tadhanang mapagbiro

sa akin nakipaglaro

pinana ang puso kong

singhina ng apoy t'wing ulan

Di man katanggap-tanggap

ngunit parang ako'y nasa ulap

at napalilibutan ng mga alitatap

kapag ikaw na ang kausap

Di man namamasdan

ayos lang,

nababasa ko naman

mga mensahe mong sa'kin lang nakalaan

Ngunit biglang nagbago

sa isang iglap, ang panahon

matapos ang dalawang buwan

wala na, ibang iba na

hindi mo na ako kilala

Yung t'wing umagang batian

at kamustahan kinagabihan

agad-agad, nawala sa iyong isipan

'di ko maintindihan ang nararamdaman

Ngayon dalawang taon na ang nagdaan

pilit kong kinalilimutan

ngumingiti, ngunit ayokong lokohin

aking sarili dahil alam kong

sa likod nitong ngiti

ay pait at pighati

sa lahat ng usapang

sa wala lang nauwi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top