Chapter 4

Chapter 4: Her hand

Humiwalay na sa amin si Dastan ganoon din ang mga itinakdang prinsipe na kasali sa paligsahan. Since Dastan would be the king's representative in the empire of Parsua, he'd be sitting with the kings of the other empires.

Nang sandaling bumaba ang diyosa sa mundong ito nang patigilan niya ang digmaan sa pagitan ng mga lobo, bampira at iba pang nilalang dahil sa pagmamahalan nina Lily at Adam, isang prinsesa at lobo, at mag-anunsyo si Dastan na ang diyosa ang babaeng itinakda sa kanya, naging mahirap sa lahat ng nanunungkulan tanggapin iyon.

Dahil ang pagkakaroon ng diyosa bilang itinakdang babae para sa isang hari ay isang indikasyon na siya'y may malakas na kapangyarihan at nararapat lang umupo sa pinakamataas na trono.

I hadn't heard any formal news about the kings from the other kingdoms of Parsua, aside from Tobias who was supportive, but I assumed that they weren't against us. Lalo na't nagawa rin nila kaming suportahan nang iligtas ng buong Parsua sina Lily at Adam.

Nauna nang naglalakad sina Claret at Caleb na nag-uusap. Caleb had his huge flag, there was something tied on his forehead as if he was a leader of a certain street festival.

"Your brother is really energetic," ani ni Tobias na sinabayan akong maglakad.

"Bakit hindi ka sumali sa mga itinakdang prinsipe?"

He smiled. "I don't think they need my help. I just want to sit and watch."

Umirap ako sa kanya. Minsan iniisip ko kung tamad lang ba itong si Tobias.

Nanatili kaming nakasunod kina Claret at Caleb. Nakikita ko na natatawa na rin si Claret sa mga naririnig niya kay Caleb.

"Alam ba talaga kaya ni Caleb ang posisyon natin?"

"Maybe? He's the most excited in this event."

Sabi ni Caleb sa amin ay siya ang may alam kung saan kami dapat pumuwesto kaya nanatili kami nakasunod sa kanya, ngunit sinadya kong lumaki nang kaunti ang distansya namin mula sa kanila ni Claret.

"But I am intrigued with your proposal, Princess, do you mind if I ask you a reason?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko si Tobias. I looked into his eyes, and I slowly shook my head. "No. So take it or leave it, my king."

He chuckled.

Nauna na akong maglakad sa kanya.

I was about to walk more closely with Claret and Caleb when it was too late for me to realize the approaching group of visitors from the intersection of our way.

It was easy for me to double my speed and prevent the accident, but the woman might be too determined to hit my body. Kaya pinagbigyan ko na siyang banggain ang katawan ko at sinadya kong bumagsak sa lupa.

Who was this woman?

"Harper!" Sigaw ni Tobias.

Mabilis dumalo sa akin si Tobias, natigil sa tawanan sina Claret at Caleb, agad nanlaki ang mga mata ni Caleb at dinaluhan niya rin ako sa lupa, ngunit ang mga mata ko ay naroon sa babae.

The woman looked proud. "Princess Harper Gazellian, I wasn't informed that princesses in Sartorias have poor eyesight."

Eh?

Ngumiti ako nang matamis sa kanya. Sa sulok ng aking mga mata ay nakita kong kumunot ang noo ni Tobias, agad tumayo si Caleb at hinarap ang prinsesa. Nagmadali akong tumayo at hinawakan ang braso ni Caleb.

"It's okay. It was my fault. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Paumanhin . . ." tipid pa akong yumuko.

"But Harper—" Pinisil ko na ang braso ni Caleb.

Tumabi na si Tobias sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. Sa huli ay nauna nang naglakad sina Tobias at Caleb. Si Claret ay naiwan sa tabi ko ngunit nang makita kong ang atensyon niya ay naroon pa rin kay Caleb na pinakakalma ni Tobias, agad kong ibinalik ang mga mata ko sa grupo ng prinsesa at ng mga tagasunod niya.

I gave her a sinister look that she would never imagine from someone who just apologized to her. She should be thankful that my brother was around.

Nang lumingon na sa akin si Claret, ibinalik ko ang kulay ng mga mata ko. Sabay namin tinalikuran ang mga bampira. Hinayaan kong hawakan ni Claret ang kamay ko dahil sa pag-aalala niya. I allowed her to think that I was shaking out of fear— but it was temper that I was holding to keep that woman alive. Because she had the mixture of Kreios's scent

That foolish vampire, so this was his woman, huh?

Hindi ko na naintindihan ang nangyayari dahil sa init ng ulo ko hanggang sa makarating na kami sa upuan. Sa tagal namin nakaupo roon, sa kabila ng ingay ng buong paligid at walang tigil na ingay ni Caleb at ang bandera niya, hindi ko na mapakalma ang sarili ko. Lalo na nang may magpakita pa sa katapat ng aming mga upuan.

Hinawakan muli ni Claret ang kamay ko. "Harper . . ."

"I don't know, Claret. I am trying to calm down. But I don't like her stares, ang init ng titig niya sa akin na hindi ko maipaliwanag . . ." I said softly. Kabaliktaran ng nasa isip ko.

Hinaplos niya ang braso ko. "Just don't mind her."

Kung si Claret ay nag-aalala sa akin, si Caleb ay abalang-abala sa unahan at ang bandera niya, habang si Tobias ay nakamasid lang sa paligid.

"Can't you sit down, Caleb? You're annoying." Iritableng sabi ko.

Lumingon sa akin si Caleb. He stopped waving his flag, but when he was about to touch my hair, I moved away. 

"Suplada. Don't mind that princess, Harper. You're prettier than her," he said before he continued waving the flag.

Of course, brother. I am prettier than her.

Sumabat na rin si Tobias sa usapan namin. "I'll agree. Mas magaganda ang prinsesa sa Parsua."

Tumaas ang kilay ko sa narinig mula kay Tobias, at nang gumalaw ang isa niyang kamay at hawakan ang dulo ng buhok ko at dalhin iyon sa mga labi niya, kusang gumuhit ang ngisi sa mga labi ko. Ngunit bago pa man iyon makita ni Claret ay nagkunwari akong nagulat sa ginawang iyon ni Tobias.

"Do you like me, Tobias?"

Ngumiti si Tobias sa tanong ko. Ngunit agad lumingon sa amin si Caleb at irritable niyang tinanggal ang kamay ni Tobias sa buhok ko. 

"Don't make a move on my sister, Tobias. She's still young."

Young, huh, Caleb?

Tobias gave me that knowing look. He shook his head and focused his eyes in front of the arena. "I am mated with someone else. Don't worry."

Sa huli ay hindi na lang ako ang nakapansin nang kanina ko pang nakikita. Natulala na si Claret nang makita ang kapatid niya. Dahil sa gilid ng bulwagan ay nakayakap ang mga braso ng prinsesa kanina sa leeg ni Kreios.

I couldn't see if they were literally kissing, but what more were they doing with the position? Whispering?

"Kreios . . ." usal ni Claret na nag-aalangan pa na tumingin sa akin. 

"Oh, baka isa iyon sa rason kung bakit ayaw ng kapatid mo sa Parsua, Claret? He preferred someone bold? Women in Parsua won't try to look like that in public. Women in Parsua are demure, timid, and reserved."

Napangiwi ako sa nakatalikod na kapatid ko. Saan iyon nakuha ni Caleb? Ganoon ba talaga ang tingin niya sa amin?

"Demure, timid, and reserved, huh?" Natatawang sabi ni Tobias.

"She's dressed differently right now," sabi ni Claret.

"I think every empire should have a tribute dance. Do we have one?" Tanong ni Tobias.

"What? Yes, shit! We forgot!" Naalarmang sabi ni Caleb.

Kapwa na nakatitig sa amin sina Tobias at Caleb. Magagawa kong umawit ngunit hindi ko magagawang sumayaw. Pero mauuwi ang usapan ito sa turuan kaya kailangan ko nang gumawa ng paraan.

Claret with her innocent loving heart would give me an escape on this seat and allow me to roam the details of this arena freely.

"I'll dance then," I said with my eyes veering on Kreios's position.

Just you wait, Doyle.

"Don't mind it, Harper," Tobias playfully said.

Hindi rin nagtagal ay umalis na nga kami sa upuan ni Claret, at dinala na kami sa silid kung saan doon maghahanda ang mga prinsesang mananayaw.

Of course, I didn't have any plans to dance in this arena. I just needed to look helpless and broken in front of Claret. Isa pa, alam ko naman na mas bihasa siya sa akin pagdating sa bagay na ito.

"A-alam ni Tobias. Sinadya niyang halikan ang buhok ko . . ." nangangatal na sabi ko.

"Yes. Siguro ay nasabi sa kanya ni Rosh? We can't lie about our mates with it comes to Rosh. Alam niya. Nalalaman niya sa sandaling nakagat ka na." Sabi ni Claret.

Hindi na rin naman ako nagulat. I already had a conversation with Rosh. Kung hindi man niya sinabi kay Tobias, alam kong matalas ang pakiramdam ng haring iyon. Alam kong nakikipaglaro lang siya sa akin nang sandaling tanungin niya ang dahilan ng inaalok ko sa kanya.

The Le'Vamueivos brothers were wicked, but I think I like to play with the long-haired Le'Vamueivos this time. 

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad ni Claret at hinayaan ko na ang sarili kong lumuha para makumbinsi siya.

"Sana kasing buti mo na lang ang kapatid mo, Claret. I prayed and asked for a nice mate. Iyong hindi ako sasaktan. Hindi ako mahihirapan. Ayokong mapagaya sa kapatid ko. Their life is so complicated with their mates, from Zen, Dastan and Lily."

Nakatitig lang sa akin si Claret at mukhang awang-awa na siya sa akin.

"Why, Claret? Why Gazellians are always chained with tragic love?"

Kinabig na ako ni Claret at niyakap nang mahigpit. "I am so sorry, Harper."

"Bakit napakakomplikado ng lahat sa pamilya namin? Wala ba kaming karapatang magmahal na hindi nahihirapan ng ganito? I tried to talk to him . . ." mas yumakap ako sa kanya.

"Harper, hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip ng kapatid ko. Pero nangangako akong bibigyan ng solusyon ang problemang ito habang nananatili ako sa lugar na ito." Hinaplos niya ang buhok ko.

"Nasasaktan ako sa ginagawa niya, Claret. Why is he like that?"

"Ako na lang ang sasayaw, Harper. Hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mo."

Here we go.

Hindi ko napigilan ang sarili kong ngumiti sa narinig sa kanya, ngunit muli kong ibinalik ang ekspresyong kong lumuluha nang humiwalay ako ng yakap sa kanya.

"B-but what about Zen?"

"I'll talk to him." Marahan kong pinunasan ang mga luha niya.

Nang sandaling makarating na kami sa silid ay naroon na ang mga itinakdang prinsipe. Of course, my brother Zen disapproved the idea that his beloved mate would be dancing in front of everyone.

Hindi na ako nagulat sa pagtatalo nila, sa huli ay lumabas na rin kami sa silid kung saan naroon ang mga prinsipe.

"Ako na lang, Claret. Mag-aaway pa kayo ni Zen . . ." I dramatically said.

"Hindi. Ako ang sasayaw, Harper. Kung gusto mong bumawi sa kapatid ko. Do it with your voice. Do it with your power. Hayaan mong ako ang mag-alay ng sayaw para sa ating emperyo."

I smiled softly at her. Muli ko siyang niyakap. "Salamat, Claret . . ."

Nang makapagpasya na talaga si Claret na siyang sasayaw ay hindi ko na siya sinamahan pa sa pag-aayos niya dahil may mga tagasunod na ang mga taga Mudelior na mag-aasikaso sa kanya.

All I did was smile at her as the door slowly closed. Nang sandaling tanging pintuan na lang ang siyang nakikita ko, agad nawala ang ngiti sa mga labi ko.

Wala akong planong bumalik sa upuan ko agad. I knew that it would take more time for Claret to prepare before her traditional dance, and that's why I took advantage of it.

***

Hindi naging mahirap sa akin hanapin ang prinsesa na sinadya akong itulak kanina. She looked practically happy in front of the mirror of her room as she prepared herself.

Agad nanlaki ang mga mata niya at tatawag na siya ng mga tagasunod nang ibuka ko ang mga labi ko. Sumipol lang ako nang saglit dahilan kung bakit na-estatwa na lang ang kanyang buong katawan habang titig na titig sa akin.

I pushed away all her filthy things onto her table, I sat on it, crossed my legs, and played with the dagger I stole from one of the knights. Since she was not looking at me, I pulled her hair to face me.

I smirked at her. "Forgive my poor eyesight, Princess? I can't recall your name . . ."

Pinaglaruan ko sa isang kamay ko ang punyal. "Would it be better for me to have new eyes? How about I pluck your eyes?"

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya at pilit siyang gumagalaw, ngunit tila puputok na ugat lang ang nagagalaw niya sa mga oras na ito.

I cupped her face and whispered to her. "You should be thankful that I wasn't alone when you pushed me a while ago, but how about now? You're surprised, right? Haven't you heard any news about the Gazellians' youngest princess's list of murders, or should I say I was effective in hiding it?"

Marahas kong binitawan ang pisngi niya. "Hindi na sana kita papansinin, pero nauna ka. That's your mistake. I can even ignore you and Kreios making out—"

Hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang nabuksan ang pinto. Kreios quickly closed and locked the door.

"What the hell, Harper!"

Hindi ako gumalaw sa posisyon ko at hinintay ko siyang makalapit sa akin. "Aren't we going to play this game, Harper? Hindi ba't ikaw ang nagsimula? Sino ang pikon ngayon?"

I smirked. "Then inform your woman to just pleasure you. You should warn her that I claw back if she tried to provoke me."

"W-what?"

"She should be thankful that I stopped Caleb, or let's say she should be thankful that I still cared for my soft image . . ."

Tumayo na ako at sumipol na ako sa harapan ng babae, sa isang iglap ay nakagalaw siya, mabilis niyang inagaw ang punyal na hawak ko at handa na niya iyong isasaksak sa mukha ko nang maramdaman ko si Kreios sa likuran ko.

I was in front of the woman with the stolen dagger, her hands tied above our heads with Kreios's hand stopping her. Kreios was behind my back. I raised my brows as I leaned on his chest.

"Y-you bitch!"

"H-hey stop it. Harper . . ."

Tumingala ako kay Kreios habang nakatuon pa rin ang ulo ko sa dibdib niya. I purposely moved my hand between his legs and his mouth hung open.

I smirked at him, walked away, and went straight to the door. "I don't think it will react like that with other hands other than mine."

Bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko ang sigaw ni Kreios. "Tigilan mo na ang mahabang buhok na iyon, Harper!"

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa iniwan kong bulwagan.

Sino ang pikon ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top