Chapter 38

Dedicated to: Prinzel (Thank you so much for attending our TOS meet and greet event! )

Chapter 38: The Duel

"The Holy Land will never be found because it is the one that will find you."

Ito ang siyang paulit-ulit na tumakbo sa isipan ko nang sandaling magising ako sa panaginip na iyon dalawang araw na ang nakalilipas— kung matatawag nga ba iyong panaginip.

I wasn't new to riddles. I had been exposed to it since I was young, because most of the ancient readings, not just from the blue fire—were often in riddles. When listening to whispers of fate from different rituals, most of the messages were not received straight to the point; rather, they came in riddles that would make anyone think and decipher.

I grew up with my father's riddles. Even if he was already gone when I was young, he made sure that I was exposed enough to the wonders of weaving words that he knew would play with me once I had my own adventure.

And I wasn't wrong about it since I was facing this kind of riddle right now.

I couldn't help but remember how Evan, Caleb, and Finn would leave a room after they practiced ancient readings with father. Mas mukha pang pagod sina Caleb at Finn sa paglabas sa silid na iyon kumpara nang lumalabas sila sa kagubatan dahil sa pisikal na ensayo ni ama. They hated riddles. Caleb and Finn were lucky to have brilliant mates— Kalla and Anna could save them from this headache.

Napabuntonghininga na ako. Dapat ay sabihin ko na rin kay Kreios ang siyang nakita ko.

I put the white feather back in my pocket before I held the tray with the beer bottle and a few glasses and proceeded to the nearest table where customers were waiting. I tried to be as obedient as possible as I continued my façade of serving drinks, plastering a sweet smile, and being as accommodating as possible—way better than receiving visitors in the castle.

In my few days here, I have grown accustomed to the way these creatures live in this place—the reek of alcohol, the clatter of glasses, the harsh shouting, the voices of whispers, the smell of smoke, and the endless noise from different music originating from other houses of pleasure. As someone sensitive to music, I couldn't help but get frustrated with these noises. That's why as much as I wanted to avoid using my power, I didn't have a choice but to use it to myself— toning down the noise.

"My Lord, we ran out of liquor, allow me to get another bottle for you," sabi ko sa katabi kong lalaki na dikit na dikit na sa akin.

Halos nakasubsob na siya sa lamesa dahil sa dami ng nainom niya. He looked really drunk, and even with his thick beard that covered almost half of his face, I could see the flush on his cheeks.

Sinubukan niya pa akong hawakan ngunit agad kong naiwasan ang kamay niya at mabilis akong nakatayo para kunin ang bote ng alak sa lamesa. I knew that the man could have complained or even created a scene if he was in his right strength, but before I started assisting him, I purposely poured a powder from one of those servants to his liquor.

Tuluyan na sana akong makalalayo at makalalapit na ako sa may-ari na siya na ang bahalang sumingil sa lalaking iyon, nang bigla na lang may sumagi sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko man lang napansin iyon at nawalan ako ng panimbang. Ang siyang huli ko na lang natandaan ay ang kasuotang itim, ang mahaba nitong buhok bago niya tuluyang itinaas sa kanyang ulo ang talukbong upang takpan ang kanyang kaanyuan.

I knew that it was a woman as she looked over her shoulder and the only thing, I saw was the shadow of her face. "Shit!"

Hindi pa man ako nakatatayo nang maayos ay may marahas nang humawak sa braso ko. At nang pilit ako nitong ipinaharap sa kanya ay tuluyan nang lumantad sa akin ang isa pang lalaki.

He was one of the regulars of this house of pleasure. Ilang beses niya nang sinabi sa may-ari na nais niya akong maglingkod sa kanya ngunit sa tuwing dumadating siya'y may iba na akong katabing panauhin.

"M-My Lord..."

Mas napamura ako sa aking isipan nang mapansin na iyong natirang alak sa baso at maging sa bote na hawak ko ay ngayon ay mansta na sa kanyang kasuotan.

"H-Humihingi po ako ng tawad!" agad akong yumuko sa harapan niya sa kabila ng madiing hawak ng kanyang kamay sa akin.

"Hindi mo ba alam kung magkano ang halaga nito, alipin?"

Hinayaan ko ang sarili kong mangatal sa galit ngunit sa kanyang mga mata'y takot habang patuloy akong yumuyuko sa kanya.

"Isang malaking kapangahasan ang ginawa kong pagkakamali! Humihingi po ako ng tawad."

Sa halip na bitawan niya ang braso ko ay mas mariin niya akong hinawakan at pilit na hinila papalapit sa kanya.

"Dito ka lamang! Sa tingin mo ba'y hindi ko napapansin na dumidistansya ka sa akin?! Bayaran mo ang kasuotan ko! Higit pa ito sa buhay mo!"

Halos dumugo ang tainga ko sa galit dahil sa narinig sa kanya. Wala kasuotan ang katumbas ay buhay ng isang nilalang.

Anong klaseng pag-iisip mayroon ang lalaking ito? I could kill him in a snap.

Dahil sa malakas na boses ng lalaki ay agad na kaming nakaagaw ng atensyon. Dalawa sa mga kababaihan ang siyang agad na lumapit sa akin at kapwa rin yumuko sa lalaking pinagsisilbihan ko.

Mas mariin pa ang paghawak niya sa braso ko. Kagat ko ang pang-ibabang labi ko habang hindi nag-aangat ng ulo. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko.

Kung hindi kami nakaagaw ng atensyon ay madali ko lang magagamit ang kapangyarihan ko ngunit nasa amin na ang atensyon ng lahat. "Lumayo kayo! Hayaan ninyo ang babaeng ito ang magsilbi sa akin! Hindi ninyo baa ko nakikilala?!"

Sa galit ng lalaki ay sinadya niyang tinabig ang isa sa mga bote sa lamesa dahilan kung bakit nabasag, ang ilang piraso ng nabasag na bote ay tumalsik sa pisngi ko dahilan kung bakit nakaramdam ako ng kirot.

"Fuck!"

Ramdam ko ang paglandas ng sarili kong dugo na alam kong halimuyak sa pang-amoy ni Kreios. Ilang beses akong napamura habang iniisip na anumang oras ay maaabala siya sa sarili niyang misyon.

Who could be that woman? She did it on purpose!

"N-Nais ko muling humingi ng tawad..." I tried to sound apologetic.

Kahit ang dalawang kababaihan ay hindi natinag at kapwa yumuko sa tabi ko. Tanging ang nabasag na bote at ang maduming sapatos ng lalaki ang nakikita ko. Binitawan niya ang braso ko ngunit marahas niyang sinapo ng isa niyang kamay ang mukha ko upang sapilitan akong paharapin sa kanya. Kapwa napasigaw ang dalawang babae sa tabi ko.

They tried to help me, but the man was powerful enough to push them. "Huwag kayong makialam! Nasaan ang may-ari ng bahay ng aliw na ito?! I will buy this arrogant slave!"

Habang tumatagal ay mas dumadami na ang mga nanunuod sa amin na tila gumagawa na sila ng malaking bilog sa isang pagtatanghal.

Dumating ang nangangatal na matanda sa gilid ng lalaki at siya'y nakayuko rin. "M-My Lord, the woman is inexperienced. She is a new hire. We apologize for her incompetence—"

"How about a duel?"

One portion of the audience parted as two women in their obviously aristocrat dresses caught everyone's attention— Elena and Catalina.

Napahinga ako nang maluwag nang makita sila.

At first, their faces were hiding behind their lace fans, but when they snapped and folded it together— their faces were revealed— two confident female aristocrats who knew what they wanted. They tilted their face up as they eyed the man who was cupping my face.

Elena and Catalina walked gracefully like how female nobles would walk with the acknowledgement of the king. For a moment, I doubted if they were the same women I had talked with when we were inside the forest. They looked exactly like the visitors of our kingdom who just came from the villas and rode off in their expensive carriages.

Even with the tight hand on my face, and my stinging cut, with the attention of everyone to Elena and Catalina, I couldn't help but grin. These are my women.

They were so good at acting— that they didn't even try to look me in the eyes as if they weren't in one team.  

"Wala akong panahon—"

Sa isang iglap ay nawala ang dalawang babae sa likuran, sa halip ay nasa gilid na sila ng lalaki. Catalina and Elena's arms were extended with their fan opened— with edges as sharp as the dagger pointing at the man's neck.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ng lalaking nakahawak sa mukha ko at sa isang iglap ay binitawan niya ako.

I dramatically fell to the floor, both of my legs slumped and folded. My palms pressed on the floor, my messy hair almost covering my whole face. Yet through the strips glimpsing through my hair, I watched how Elena and Catalina covered for me.

"Let. Her. Go." Madiing banta ni Elena. Kaiba sa babaeng palaging nakangiti nang magkakasama kami. Her eyes were sharp, her arm extended as if no one could ever bend, and her voice so firm as if she wasn't the same woman who could talk more about sweets and love.

Si Catalina ay hindi nagsalita at mas inilapit ang kanyang pamaymay sa leeg ng lalaki.

"S-Someone stop these foolish women!" sigaw ng lalaki.

Ngunit walang gumalaw sa paligid niya, sa halip ay mas humakbang paatras ang napakaraming nilalang na ngayon ay nanunuod sa amin.

Halos hindi makagalaw ang ulo ng lalaki at ang tanging nagawa niya lang ay sumilip sa babaeng nasa sahig.

He should have expected that I'd look wounded—a rat—like how he'd treat every servant in this House of Pleasure. Yet, the satisfaction inside me felt so overwhelming when my eyes laid on him—with his reaction of horror as the woman he expected to be defeated grinned sinisterly behind the strips of her curtained hair, with her crimson eyes and fangs.

Higit siyang napahakbang paatras.

Lumapit na ang dalawang babae mula sa bahay ng aliw at inalalayan nila akong tumayo.

Doon ko lang napansin na naroon na rin si Kreios kasama si Livius. Kreios tried to move, but it was Livius surprisingly pulled him and stopped him. If these creatures failed to recognize me as I am still unknown to most of them, it was hard not to recognize Kreios, even with Luna's enchantment.

"Tell me your duel!" malakas na sigaw ng lalaki.

Inilabas ni Catalina mula sa kasuotan niya ang mga baraha. Umiling ang lalaki sa nakita niya.

"B-bakit ordinaryong duwelo ang siyang nais ninyo? Bakit hindi natin laruin ang sikat na duwelo sa lugar na ito?"

Tumingin sa paligid ang lalaki dahilan kung bakit higit na nag-ingay ang mga nilalang na naroon— paraan niya upang maghanap ng mga kakampi.

Saglit kong sinalubong ang mga mata ni Kreios dahil wala akong ideya sa duwelong sinasabi ng lalaki.

As much as I wanted to use our mind link and communicate with him, I couldn't be distracted. I knew that he would try to scold me for taking this mission separately from him. 

Hinayaan ko nang magpatuloy ang lalaki sa nais nito.

Napapaisip na ako kung bakit narito agad sina Kreios, Catalina at Elena. Agad ba nilang nalaman ang sitwasyon ko o sila'y narito dahil may nalalaman na sila sa hinahanap namin?

"Anong klaseng duwelo?" tanong ni Catalina.

The man widened his eyes, he even looked scandalously confused as he took a step back as if he wasn't expecting that a woman in the House of Pleasure wasn't aware of this duel.

"Ikaw ba'y bago sa Mudelior?"

Catalina rolled her eyes. "New or not, I am asking you for a duel. Tell me what it is, and we'll take this woman as our new servant." Tipid lang ako tinapunan ng tingin ni Catalina gaya nang kung paano tumingin ang mga maharlika sa kanilang mga alipin.

Pumagitna ang siyang may-ari ng bahay ng aliw. "My Lord... My Lady, this woman has no—" he was cut off when Catalina and Elena sharply looked at him.

Sa huli ang tanging nagawa lang ng matandang may-ari ay yumuko. "Ang sinuman ang mananalo sa mangyayaring duwelo'y maaaring bilhin ang babae."

"Ano ang duwelo?" ulit ni Elena.

"Orasan ng tubig at buhangin."

Sa malayo ay agad kong napansin ang parehong buka ng bibig nina Kreios at Livius. May ibinulong ang matandang lalaki sa isa sa tagasunod na babae.

She looked at me, hesitant, yet she nodded at the old owner.

"Bago ang lahat, kailangan ng pangmalakihang anunsyo sapagkat ang lahat ng bahay ng aliw ay magiging saksi," sabi ng lalaking may-ari.

Magsasalita pa sana si Elena nang biglang dumagundong ang malakas na tambol sa kabuuan ng bahay ng aliw— una'y nagsimula iyon sa bahay ng aliw kung saan kami naroon hanggang sa nasundan iyon nang bawat bahay ng aliw na nakahilera doon.

The man, Elena, and Catalina were assisted by the other servants while I was led by the owner. Pansin ko na nagsisimula nang maglabasan ang lahat ng nilalang sa bahay ng aliw, at maging sa katapat namin.

"W-What's going on?"

Marahas na ang paghila sa akin ng may-ari ngunit kapwa kami natigil sa paglalakad patungo sa isang malaking pinto ng humarang sina Kreios at Livius. They still had that disguise.

"M-My Lord... this isn't the exit."

Hindi siya pinansin ni Kreios at hantaran itong lumapit sa akin. He gently touched my cheeks. "Seems like my once favorite is now the subject of this place's biggest event, huh?"

"Servant," he looked over his shoulder for a command.

Nang inangat ni Kreios ang isa niyang kamay ay agad nakalapit si Livius at tinampal nito ang kamay ng matandang lalaki na nakahawak sa akin.

Kreios cupped and tilted my face as he whispered. "If Elena and Catalina fail... I will reveal myself in front of these creatures."

"They will kill you! You will blow our cover—"

"I don't care. Let's say their king and queen paid a visit."

"Kreios—" he closed our mind link.

Hantaran akong hinalikan ni Kreios sa harapan ni Livius at ng matandang may-ari sa kabila ng manipis na telang maskara na nakapagitan sa aming labi.

He pushed me like he was tired of me before he pulled Livius' chain and walked away like an arrogant bastard who had a taste of his last toy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top