Wakas: Epilogue
"Papa, why are we always watching her from afar?" I asked, a bit curious about the little girl playing in the middle of the woods. "Is she my sister?" nagdududang dagdag ko.
Gulat na bumaba ang tingin sa akin ng aking ama bago humalakhak. Lumuhod siya sa aking harapan upang maglebel ang aming paningin. "No, she's not. And you don't have a step-mother, Santhe," natatawang aniya.
Nagtaas ako ng isang kilay bago ibinalik ang tingin sa batang pinapanood namin. Siguro ay isang taong gulang lang ang tanda ko sa kanya at sa pagkakatanda ko ay kaklase ko siya sa Class A.
"Is she my future wife, then?" mariing tanong ko, bahagya nang nagdududa sa plano ng ama para sa akin.
Am I involved in some kind of arranged marriage? Uso pa ba 'yon? Ano ba ang ability ng batang ito? Related ba ito sa kapangyarihan ko kaya itinalaga na kami para sa isa't isa?
His piercing brown to hazel eyes reflected mine. "No, of course not! Anak siya ng namayapa kong kaibigan," aniya bago ipinatong ang isang kamay niya sa balikat ko. "What are you talking about? You're just 10, Santhe! You're too young to talk about marriage!"
Napanguso ako dahil sa sinabi ni Papa bago muling ibinalik ang tingin sa batang babae. Ang kanyang mahaba at bahagyang kulot na buhok ay umaalon sa tuwing siya ay tumatakbo. Nakikipaghabulan siya ngayon sa mga kambing.
"But why not? She looks pretty, though," matipid kong sambit.
Napabalik ang tingin ko kay Papa nang bigla niyang guluhin ang buhok ko. "Ikaw talagang bata ka!" natatawang aniya bago bahagyang sumeryoso. "Beauty captivates the eyes, but personality captures the heart. I know that this will only make sense when you are older, Santhe, but please remember that."
Hindi man masyadong naintindihan ay pinilit kong tumango at ngumiti sa aking Papa. Kalaunan ay unti-unti ko ngang napagtanto ang sinabi niya sa akin.
"Bakit ba ang sungit mo sa akin?" I licked my lower lip to hide my smile.
Pinagtaasan niya lang ako ng isang kilay ngunit hindi sinagot ang tanong ko. Nakagat ko ang ibabang labi nang hindi na mapigilan ang pagngiti.
She is very hot-headed and stubborn. She always want to do it her own way. She is very competitive, especially towards me. Hindi siya mahilig magpatalo at hindi rin siya marunong sumuko and that's what separates her from the rest of the girls I know. And the way her cold, beautiful eyes bore into me every time I tease her makes me wanna tease her for the rest of my life.
"Kailan mo ba kasi ako sasagutin?" Napatigil siya sa paglalakad at bakas ang pagkalito sa mukha.
You can take it both ways... pwedeng sagutin mo na ang tanong ko o sagutin mo na rin ako. I prefer the second one, though.
Iritado siyang lumingon sa akin. I chuckled in amusement. That's it, baby. Stare at me like you wanna kill me and resurrect me with your beautiful and angelic voice.
"When will you ever shut up, Austria?" kalmadong aniya taliwas sa nanlilisik niyang mga mata.
Tumaas ang isang gilid ng labi ko. "Kapag napasa'kin ka na..." makahulugang sabi ko bago nagkibit-balikat at iniwan siyang mag-isa roon.
I have seen many good-looking women in Sunne, but it is so rare for me that my eyes get intrigued enough so that its tough for me to look away.
"Try to discipline your fangirls and tell them to stop annoying me like I am your girlfriend. It's not funny anymore, Chrysanthe," mariing sabi niya.
Bago pa ako makapagreact ay umalis na siya kaagad sa harapan ko. I kept questioning myself... How could someone defy all odds and actually look so stunningly magnificent? I mean... how can someone literally look so beautiful while being so serious and cold at the same time?
"For our first duel today... Amaia versus Louisse," anunsyo ni Sir Gatchalian.
My lips protruded. Bakit hindi na lang ako ulit? Palagi naman ako ang itinatapat sa kanya, ah? But just like an answered prayer...
"Sir, absent po si Louisse ngayon, may emergency raw po," si Angelina.
Nakita ko ang makahulugang tingin sa akin ni Sir Gatchalian. "Santhe, take over," aniya.
I watched how she immediately rolled her eyes and sighed. Disappointment and irritation was very evident in her magnificent eyes and I can't help but smile. Hindi ko alam kung bakit isa sa paborito kong gawin ay ang inisin o galitin siya.
"Weapon of choice," simpleng sabi ko ngunit hindi niya ako pinansin o kahit tiningnan man lang.
My brow shot up when she picked up the usual revolver. I pursed my lips and calmly picked my usual sword, too. Shall I go easy on her today so that I could make it up to her?
Halos mapatalon ako sa gulat nang padabog niyang ibinaba ang revolver sa lamesa at kinuha ang isang excalibur sa tabi nito. Damn, my baby is really mad at me, huh?
Her brow shot up and immediately turned her back at me. Nang magsimula na ang ilusyon ni Sir Gatchalian ay pinagalitan ko siya. "Do you even know how to use that, Amaia Maxine?"
Her dark and cold eyes bore at me like I'm a prey and she's my predator. "Do you think I'll choose this as my weapon kung hindi naman ako marunong gumamit nito?" mataray na sabi niya.
The whole time I was battling with her, I was in awe. She made me firmly believe in the possibility of perfection... the possibility of how good someone can look even from a distance, and even if she's concentrating and being aggressive to defeat me.
Kung alam mo lang, Amaia Maxine... matagal na akong talo sa'yo.
The one thing that made her so unimaginably attractive, was by far her eyes. Those deep-set of expressive eyes are like mirrors to her beautiful soul. This woman in front of me made me believe in the possibilities of true beauty with all her flaws and imperfection.
"You're right, Santhe. Hindi talaga tayo nararapat na magtagal dito," seryosong sabi niya.
Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. I know I'm being selfish but... if being here on Earth will keep her safe from any danger, I will gladly do it.
But this story is not about us. It is not about my undying love and admiration for her. It is not about how I wanted her to be with me for the rest of my life. This story is about Amaia Maxine Miranda and her unwavering desire to protect our sanctuary... her home.
"Maybe..." napapaos kong sinabi.
"You still think that we should go back to Galaxias... right?" naguguluhang tanong niya sa akin.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya at muling naglaho ang lahat ng aking pinagpaplanuhang sabihin kanina pa. "Wanted ka dito," pag-iiba ko sa usapan.
"I'm not talking about that," she impatiently said.
Napabuntong-hininga ako at natahimik dahil sa sinabi niya. Ilang beses kong pinag-isipan ang sasabihin ngunit wala akong ibang nasabi kun'di ang kaya ko siyang protektahan dito.
Napakunot ang kanyang noo at nakitaan ko ng iritasyon ang kanyang mata. "Sinasabi mo ba sa aking manatili na lang tayo dito? Why are you suddenly chickening out, huh?" inis na tanong niya.
Na-distract ako saglit dahil sa kanyang nakakaakit na labi ngunit agad ko itong iniwas at ibinalik sa kanyang mata. I licked my bottom lip before answering. "Naisip ko lang na puwede naman sigurong dito na lang muna tayo—"
Naputol ang sinasabi ko nang bigla siyang tumayo. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Chrysanthe? You really think that we could stay here? Hindi tayo nababagay dito! Hindi ligtas ang mga normal na tao habang nananatili tayo sa mundong ito! Nakita mo naman ang nangyari sa akin, hindi ba?"
I tried to reach for her hand and pull her back to her seat. "I know, I'm sorry... Naisip ko lang na baka pwedeng manatili na lang muna tayo dito dahil mas delikado ngayon sa Galaxias dahil sa mga nangyayari—"
Her sharp gaze made me shut up. Nagtiim ako ng bagang at tumayo na mula sa pagkakaupo upang subukang pakalmahin siya.
"That's not the point here! May pamilya tayong kailangang balikan sa Galaxias! Kailangan kong balikan si Inang, Santhe! May mga alaala akong nawawala at gusto kong balikan! We need to go back to Galaxias and protect our home! It is our duty to protect our sanctuary—"
"You are my sanctuary, Amaia! You are my home! I cannot afford to lose you, either... I cannot lose you again," napapaos kong sinabi. Napapikit ako nang mariin at napasinghap dahil hindi na napigilang kumawala ang mga salitang hindi ko pa dapat sabihin ngayon.
I have loved her from the first time I laid my eyes on her. Alam kong medyo malabo iyon dahil bata pa ako noong una ko siyang makita, pero simula noong araw na iyon ay itinatak ko na sa isipan ko na magiging malakas at matatag ako para ma-protektahan siya araw-araw. From that moment, I vowed to protect her with all my life and if going back to Galaxias means losing her one more time, I can't risk it.
Sinubukan kong abutin ang kanyang pisngi ngunit natigilan agad ako nang umiwas siya at pumikit nang mariin. "I didn't know you were selfish, Chrysanthe... Choosing me over everything, huh?" malamig na sinabi niya bago sarkastikong tumawa.
I clenched my jaw as I felt the physical pain in my chest. I never knew that the feeling of being heartbroken was this painful.
She looked at me with pure disappointment mixed with disgust. "Ipinangako mo sa akin na ibabalik mo ako sa Galaxias kahit anong mangyari pero dahil lang dito... dahil lang d'yan sa pansamantala mong nararamdaman ay nagbago agad ang isip mo? You're unbelievable."
Pansamatala kong nararamdaman? Napalunok ako nang sunud-sunod dahil naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha.
My childhood years were spent in training for wielding of weapons and strengthening my ability. I wanted to be strong really fast kahit na ang bagal ng aking paglaki at pagtanda. Gusto kong maging malakas hanggang sa wala nang makitang kahinaan ang ibang tao sa akin.
I grew up strong just like how I wanted myself to be, thinking that I don't have any weaknesses but I was wrong. I do have a weakness. Amaia Maxine Miranda is my weakness.
"If I were you, I will not let those temporary feelings take over me. I am a guardian of peace and a protector of my sanctuary. Falling in love is not my priority... Let's just pretend that this did not happen, Santhe," pinal na sabi niya.
Napalunok ako nang sunud-sunod at napabuntong-hininga. "Yeah, let's do that," walang emosyong sabi ko bago naglakad papalayo sa kanya.
Habang naglalakad sa kadiliman ng kagubatan ay wala akong ibang maramdaman. Para bang namanhid na ako sa lahat at hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba itong dinadaanan.
Napatigil ako sa paglalakad nang makitang malayo na ako sa kinaroroonan niya. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at natagpuan ang sarili sa tapat ng isang kuweba. Aalis na sana ako ngunit may narinig akong kaluskos mula sa loob no'n.
Naging alerto ako at bahagyang umakyat ang kaba sa aking sistema nang maalalang nag-iisa lang si Amaia sa kanyang kinaroroonan. "Sinong nand'yan?" mariing tanong ko.
Nakarinig ako ng isang mahinang halakhak kaya napakunot ang noo ko. Lumabas mula sa kadiliman ng kuweba ang isang anino ng babae. Nang mailawan ng liwanag ng buwan ay nakilala ko agad kung sino iyon.
"What are you doing here?" mariing tanong ko.
"Easy, Chrysanthe... I'm here to fetch you," natatawang aniya.
Iritado ko siyang tiningnan. "I'm not leaving this place without Amaia," mariing sabi ko.
She chuckled in amusement. "Para saan pa? Hindi ka naman niya gustong makasama," aniya.
Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso dahil sa sinabi niya ngunit nanatiling mariin ang titig ko sa kanya. "That's not true. I won't believe you."
Napailing ako at napasinghap. Bakit nga ba hindi ko naisip ito? Her ability is Memory Manipulation. I should not go easy on her.
"Ipinagtabuyan ka niya, hindi ba? Ayaw ka niyang makasama. Sumama lang siya sa'yo dahil akala niya ay parehas kayo ng gustong gawin," seryosong sabi niya.
Nanatili akong nakapikit nang mariin upang hindi mapatingin sa kanyang mga matang mapanlinlang. I gritted my teeth. "You can't manipulate me, Elise. Just shut the fuck up."
Humalakhak siya. "Gusto mo siyang ma-protektahan kaya ka pumunta dito, hindi ba? Keeping her safe is your number one priority, pero naisip mo ba na kaya ka niya itinulak palayo ay dahil hindi ikaw ang priority niya?"
Nangilid ang aking mga luha at unti-unti kong ikinuyom ang aking kamao.
"She will never love you back, Chrysanthe. She will never look at you the same way. She will never choose you... and you will never be her top priority." Her words stung like daggers in my heart.
Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin at hinaplos ang aking mukha. The next thing I knew, I committed the best mistake in my life for letting myself get fooled and manipulated by Elise Athena.
I know I can never compete with Sunne. Protecting this kingdom will always be Amaia's top priority. Lalo na ngayon...
"Tikas pahinga!" Agad naming sinunod ang command ng aming pinuno sa hukbong sandatahan ng Sunne. "Paluwag!"
She has the flames of passion emanating from deep within her soul. Katulad nga ng sinabi nila, the finest steel has to go through the hottest fire. Her priorities shaped her choices, and her choices determined her actions. And her actions led her to the top... to where she is right now.
Humakbang ako papunta sa harap niya at nagpugay-kamay. "Ma'am, permission to leave the platoon, Ma'am!" seryosong sabi ko habang nakatingin nang diretso sa kanya.
I saw a ghost of a smile on her lips before raising her hands and dismissing me. "Tiwalag!"
Alam ko noong una pa lang na hindi ako ang first love niya. Her first love was being a hogosha, a guardian... a protector of the kingdom. Pero ayos lang, tanggap ko naman iyon dahil alam kong sa huli...
"Mahal, nakauwi na ako... Nakapagluto ka na ba?"
"Sa akin ka pa rin uuwi..." bulong-bulong ko sa sarili bago ngumisi sa maganda kong asawa.
Sinalubong ko siya ng yakap at hinagkan sa noo. "I love you..." walang pag-aalinlangan kong bulong sa kanya habang pinagmamasdan ang bawat detalye ng kanyang mukha.
Her beauty for me lies in the unspoken, in the unknown, and in the mysterious expressiveness of her deep, cold, and beautiful eyes. She is the ember to my flame when it gets dark. She made me realize that life is a pure flame because we live by an invisible sun within us.
Napakunot ang kanyang noo ngunit hindi na rin naitago ang ngiti. She slowly tiptoed and gave me a soft peck on my lips. "I love you more..."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kahit na kasama ko na siya sa aming munting palasyo. I smiled at my thoughts. Any home can be a castle when the king and queen are in love.
I wonder if I did not choose to fight for her? Will we still end up with each other? I think not... but I'm glad we did.
Sabi nga nila, if it doesn't set your soul on fire, then it's not worth the burn. In our case, she already set my heart ablaze and I didn't mind being burnt because she's worth every burn.
Napatigil kami sa aming paglalambingan nang biglang may kumatok nang malakas sa aming pinto. Magkahawak-kamay naming dinaluhan ito at pagbukas ay nakita namin si Louisse. Nakasuot pa siya ng kanyang armor at bakas ang takot at kaba sa kanyang mukha.
"General..." pormal na panimula niya bago sumaludo sa aking asawa.
"Anong nangyari, Louisse?" tanong ni Amaia.
"King Sherbet was found dead in his throne this evening. Ang sabi nila ay si Prinsipe Neraios daw ang huling nakausap nito kaya siya ang pinaghihinalaang suspect."
Nagkatinginan kami ni Amaia. Pareho kaming gulat na napatingin muli kay Louisse. Sa huli ay huminga siya nang malalim at saglit na nag-isip ng gagawin.
"Order the soldiers of Sunne to close our borders from every region. We will postpone the coronation of Prince Neraios," mariing utos niya kay Louisse. Hinawakan ko ang kanyang kamay habang pinapanood umalis sa harapan namin si Louisse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top