Kapitulo XXX - Last Chapter

As far as I can remember, the Galaxias palace has four floors. Mayroong dalawang palapag sa ilalim ng lupa at ang pinakailalim no'n ay ang palapag ng control center. Bago makapasok sa mismong entrance ng palasyo ay mayroon pang madadaanang malaking garden. Sa magkabilang gilid naman ng palasyo ay mayroong kagubatan at sa likod na bahagi naman ay ang mga kuwadra. Napapalibutan ang buong kapitolyo ng matatayog na pader at binabantayan ng mga kawal.

Bago makarating sa main gate ay may aakyatan pang malaking hagdan dahil nakaangat sa lupa at nakapatong sa ibabaw ng mga ulap ang buong kapitolyo. It was almost impossible for us to enter the capitol without taking the usual entrance but they have an idea.

"We are the victors from last year's Choque de la Magia," rinig kong malamig na sinabi ni Eshtelle.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa earpiece na nakakabit sa aking kaliwang tainga at ibinalik ang focus sa minamanmanang mga kawal na nakabantay sa kaliwang bahagi ng pader na nakapalibot sa kapitolyo. 

Magkahiwalay kaming dalawa ni Linus na papasok sa kapitolyo samantala si Angelina at Louisse ay nauna na sa loob dahil nagpanggap silang bagong hardinera upang makapasok. Mayroon kaming kanya-kanyang earpiece upang magsilbing komunikasyon kahit na magkakalayo.

Kasama sa plano namin ang pagpasok ni Eshtelle at Kuya Asher sa kapitolyo bilang mga huling nagwagi sa nakaraang tournament. Sinuhestiyon nila na sila ang magsisilbing representatives ng Lunaticus at ang magpapasa ng kampeonato sa mga bagong magwawagi. Pumayag ako sa kanilang suhestiyon kaya nagkaroon kami ng maliit na tiyansang makahanap ng paraan upang maisagawa ang plano nang matiwasay.

"Amaia, this is Linus... Ako na ang bahalang mag-distract sa mga kawal dito. Sigurado akong hindi nila ako huhulihin 'pag nakilala nila ako kaya papasok ako sa main entrance. Habang inililihis ko ang atensyon nila, gumawa ka na ng paraan upang makapasok diyan sa pader."

Huminga ako nang malalim at tahimik na nag-abang sa pag-alis ng dalawang kawal na nagbabantay rito. 

"Woah! Woah, wait up! Chill lang kayo, mga bossing! Ako lang 'to?!" rinig kong sinabi ni Linus mula sa aking earpiece. Sa tingin ko ay nilapitan na siya ng mga kawal.

Napanguso ako at napailing. Ano ba naman 'to si Linus! Hindi mo alam kung mapapagkatiwalaan o hindi dahil puro kalokohan!

"Hindi niyo ba nakikilala ang gwapong mukhang ito? Hays!" kunwaring nasasaktang aniya. "Hindi ba kayo nanood ng nakaraang Choque de la Magia? Ang angas ko kaya roon!"

Napaayos ako ng pagkakatayo nang makita kong gumalaw ang mga kawal na naririto sa bahagi namin habang nakahawak sa kanilang mga earpiece. Nagmamadali silang umalis sa kanilang puwesto upang pumunta siguro sa kabilang bahagi kung nasaan si Linus.

"Amaia, nandito lang kami sa garden ni Angelina," rinig kong sinabi ni Louisse kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Papasok na ako," mahinang sabi ko.

Lumingon muna ako sa magkabilang gilid upang tingnan kung may nakakakita ba sa akin bago ako lumapit sa pader at lumuhod sa lupa. Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng pader sa aking harapan at ipinikit ang aking mga mata. Nang maramdaman ko ang pagdaloy ng aking enerhiya mula sa kamay ay iminulat ko itong muli at pinanood ang unti-unting paggalaw nito. Dahan-dahang gumalaw ang mga bato nito at unti-unting bumukas na tila isang maliit na lagusan.

Huminga muna ako nang malalim bago gumapang papasok sa maliit na lagusang nagawa. Pagkapasok ay namilog agad ang mga mata ko nang makitang may kawal din palang nagbabantay hindi kalayuan sa aking ginawang lagusan. Mabilis kong ipinitik ang aking daliri at hinintay na magsara ang ginawang lagusan bago nagtago sa halamanan.

Dahan-dahang naglakad patungo sa aking kinaroroonan ang isang kawal nang marinig ang mahinang kaluskos na nagawa ko. Bago pa siya makalapit ay kinontrol ko ang lupang dadaanan niya at inangat ito nang kaunti kaya natalisod siya.

Nang makabawi ay napalingon siya sa paligid at napakunot ang noo. Sinubukan niyang maghalughog ng mga halaman malapit sa akin kaya tinutop ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Nakahawak na rin ako sa punyal na nakatago sa aking sapatos at umambang susugurin na siya ngunit biglang tumunog ang kanyang earpiece.

"Oo... sige, papunta na ako d'yan," sagot niya bago umayos ng pagkakatayo at bumuntong-hininga. Naglakad na siya papalayo at hindi na lumingon pa kaya nakahinga na ako nang maluwag.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang paligid bago nagpasyang tumayo at umalis sa aking pinagtataguan. Hinawakan ko ang aking earpiece at pinakinggan ang kaganapan sa labas.

"Linus Michelli," simpleng sagot niya sa kausap na kawal. "One of the representatives from Lunaticus."

Ilang sandaling katahimikan ang namutawi sa kabilang linya bago ko narinig ang utos na papasukin siya. Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng isang ngiti sa aking labi dahil sa tuwa. We all made it inside smoothly!

"Nakapasok na rin ako," pabulong na sabi ni Linus. "Papasok na ako ngayon sa palasyo. Magkita na lang tayo sa may basement."

Itinago ko ang punyal sa bulsa ng aking jacket at inayos ang suot na mask sa bibig. Dahan-dahan kong hinila ang dalawang espada mula sa kani-kanilang lalagyanan na magkakrus na nakasabit sa aking likod. Hinigpitan ko ang hawak sa grip nito at nagpatuloy sa paglalakad. Dito ako sa kagubatan dumaan dahil maraming nakabantay sa labas nito.

Inalala ko ang sinabi ni Eshtelle noong gumagawa kami ng plano kung paano makakapasok sa basement. Sabi niya ay mayroon daw lagusan patungo sa basement at matatagpuan ito sa kuwadrang makikita sa likod na bahagi ng palasyo. 

"Iyon ang pagkakaalala ko dahil sigurado akong hindi kami sa mismong entrance ng palasyo ipinasok noon..." seryosong aniya habang itinuturo sa amin ang kinaroroonan ng kuwadra sa mapa ng palasyo.

My brow shot up in disbelief. Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Asher kaya nagkibit-balikat na lamang ako. Noong una ay hindi ko ito pinaniwalaan ngunit nalaman ko na ang ability niya pala ay Enhanced Senses kaya anila'y matalas ang kanyang pakiramdam. 

I can definetly see that she is really observant in terms of her surroundings and the people around her kaya hindi na rin kataka-takang pinili siya bilang isang manlalaro noon para sa kanilang paaralan. Kung ako nga naman ang papipiliin ng manlalaro ay pipiliin ko ang marunong mag-isip kaysa marunong magkontrol ng isip ng ibang tao.

"Sa pagkakatanda ko, sa unang basement kami nanatili noon dahil sa taas ang unang palapag ng palasyo. Doon mapapanood ang mismong laban kaya sigurado akong doon manonood ang mga opisyal ng kaharian," paliwanag muli ni Eshtelle.

I nodded and pursed my lips to hide my amusement. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ibinalik ang tingin sa mapa. 

I wonder how Kuya Asher got her heart? She's way too out of his league! I mean... her courage is already attractive enough but personally, I think her intelligence is sexier! Hindi naman sa hindi matalino ang pinsan ko, pero... parang medyo ganoon na nga. Ah, basta mabait siya.

Napailing ako at napakagat sa ibabang labi upang pigilan ang pagtawa. "Are you really listening, Amaia?" mariing tanong ni Asher sa akin.

Ngumisi ako sa kanya at mapang-uyam na ngumiti. "Of course, Kuya..." confident na sabi ko. His angry eyes made me shut up, though.

Sabi ni Eshtelle ay doon daw sa tinutuluyan ng mga manlalaro ay mayroon silang kanya-kanyang capsule. Ang capsule na iyon ang siyang magdadala sa kanila papasok sa laro.

Nang makarating sa tapat ng tinutukoy niyang kuwadra ay tahimik akong pumasok doon. Inisa-isa ko ito at hinanap ang tinutukoy ni Eshtelle na lagusan. Napatigil ako sa paglalakad nang tumunog ang aking sapatos pagkaapak sa isang bahagi ng sahig. Ibinaba ko ang aking mga espada at lumuhod. Marahan kong kinatok ang sahig upang makumpirma ito.

Namamangha akong umatras nang kaunti upang iangat ang malaking basahan na nakataklob sa kahoy na pinto. Inangat ko ito at nakita nga ang hagdan na mukhang patungo sa ilalim na palapag. 

Pagkapasok ay muli kong nilingon ang mga kabayong nakatingin sa akin at isa-isa silang sinamaan ng tingin kahit wala naman silang ginawang masama sa akin. I chuckled softly and closed the door quietly.

"Nahanap ko na 'yong hidden entrance," pabulong na sinabi ko habang nakahawak sa earpiece.

"Amaia, nakita namin si Elise Athena dito!" Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita sa kabilang linya si Louisse. "Papasok na siya ngayon sa palasyo at hindi siya hinaharang ng mga kawal!"

Sigurado akong narinig na iyon nila Kuya Asher kaya hindi ko na sila pinaalalahanan pa. Binilisan ko na lang ang pagkilos upang makarating sa pinakababa. Nanginig ang aking mga kamay dahil sa kaba at galit kaya hinigpitan ko lalo ang kapit sa aking espada.

Bahagya na rin akong naliliyo dahil sa paikot na hagdang ito. Nang makarating sa pinakailalim na palapag ay maingat akong naglakad dahil sigurado akong marami ritong nagbabantay. Ang nagsisilbi lamang na liwanag sa buong palapag ay ang mga sulo na nakasabit sa bawat pader.

Nagulat ako nang pagkaliko ko ay may nakita akong mga kawal na nagbabantay. Agad akong napaatras at nagtago. Narinig ko ang kanilang mga bulungan at ang mga yabag papalapit sa aking pinagtataguan.

Pagkaliko nila ay agad ko silang sinugod. Hindi sila nakapag-react dahil sa gulat kaya naman walang kahirap-hirap ko silang napatay. Napasinghap ako dahil sa ginawa. Pinalis ko ang kaunting dugong tumalsik sa aking mukha bago muling sumilip sa hallway.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at paghahanap sa malaking silid ng control center. Bago pa ako makaliko ay halos mapatili ako sa gulat nang may humablot sa akin mula sa isang gilid. Agad niyang tinakpan ang aking bibig kaya sinubukan kong magpumiglas.

"Ako 'to, Amaia..." bulong niya. Dahan-dahan akong tumigil sa pagkawala nang makilala si Linus.

"Sinong nand'yan?!" Lumukso ang aking puso dahil sa gulat nang marinig ang malakas na sigaw ng isa sa mga kawal.

Hinila ako ni Linus patungo sa kanyang likuran at hinanda ang kanyang hawak na balaraw. Nang dumaan sa aming harapan ang kawal ay agad niya itong sinugod at inatake. Namilog ang aking mga mata nang makitang mayroon na ring tumatakbong ibang kawal papunta sa amin kaya tinulungan ko na si Linus.

I firmly held my swords while continually changing my guard and stance. May isang kawal na sumugod sa akin kaya agad kong sinalo ang kanyang atake. I roared angrily and slashed down his head. I countered another attack by raising one of my swords high and striking horizontally. The tip of my sword sliced cleanly across the soldier's chest and he screamed in pain.

Tumama ang likod ko kay Linus kaya nagkatinginan kami ngunit agad kaming tumingin sa aming mga harapan nang sumugod ang lima pang kawal sa amin. One of the knights swung first so I received the blow with the flat of my blade. Sa pagkakataong iyon, nakahanap ako ng tiyempo upang gamitin ang isa ko pang espada upang itusok sa kanyang armor at ibaon sa kanyang sikmura. I quickly pushed my other blade to regain my stance.

For a split second, I saw how Linus' grip on his dagger allowed him more leverage and more precise thrusts even with a lower reach. Mabilis kong hinaklit mula sa bulsa ng aking jacket ang punyal at inabot ito sa kanya. Umangat ang isang gilid ng kanyang labi nang makita iyon at tumango sa akin bilang pasasalamat.

We bound our blades together again as we both tried to defeat all the knights blocking our way. Nang siguradong malinis na ang dadaanan ay napasandal ako sa isang pader dahil sa pagod. Habol-habol namin ang aming paghinga nang makarating sa tapat ng isang malaking pinto.

"The game will begin in three fucking minutes, Amaia! Where the hell are you? Nandito na kami sa loob ng control center," pabulong na sermon ni Kuya Asher mula sa kabilang linya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Linus at tumango sa isa't isa. Umatras ako nang bahagya at buong puwersang tinadyakan ang pinto upang bumukas. Lumikha ito ng malakas na tunog at kaunting alikabok matapos bumagsak sa sahig ang nasira kong pinto.

Pinadausdos ko ang talim ng mga espadang hawak habang naglalakad papasok ng malaking silid. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng mga taong nandoon sa loob. Lahat sila ay nakatayo at gulat na gulat sa nangyari. Nakatayo na rin si Kuya Asher at Eshtelle habang nakatingin sa amin at nakangisi.

Lumipat ang tingin ko sa isang capsule na nakatayo sa isang kanto ng silid at namilog ang mga mata nang makita si Sir Gatchalian, ang propesor namin sa Defense class, na nakapikit at walang malay sa loob nito. Mayroong mga tubong nakakonekta sa ibabaw ng kanyang capsule at nang sundan ko ito ng tingin ay nakakonekta ito sa malaking three-dimensional world map ng venue ng Choque de la Magia.

"S-Sino ka?!" Dahan-dahang bumalik ang aking paningin sa nagsalita. Nanginig ang aking mga labi dahil sa magkahalong gulat at pagkadismaya nang makita kung sino iyon. Mabuti na lamang at may mask akong nakataklob sa aking bibig kaya hindi nila nakita iyon.

"Princess Aliscel, ikaw pala ang namumuno sa Choque de la Magia ngayong taon..." kunwaring namamanghang sabi ko habang dahan-dahang tinatanggal ang mask na suot. Dumapo ang tingin ko kay Elise Athena na naroon sa sulok at tila nakakita ng multo habang nakatingin sa akin.

Akalain mo nga naman... ang prinsesang tinitingala ko ay kasabwat pala sa masamang plano. All these years, I have admired her for being a generous and trustworthy leader of our region just like Prince Neraios. And to think that my mother trusted her with all her heart when she was alive, too... I can't believe this.

I mockingly smiled as I saw the horror in the faces of everyone in this room, except for my cousin and his girlfriend looking at me with amusement in their eyes. Natigil ang aking paningin sa gulat na mukha ni Tita Caroline Miranda habang nakatingin nang diretso sa akin gamit ang mga nangungusap na mata. Kasama rin nila sa silid ang ilan pang mga propesor sa bawat rehiyon.

"N-Nasaan ang mga kawal?! Hulihin niyo ang babaeng 'yan!" utos ni Princess Aliscel.

I chuckled without humor. "Hindi pa nga naipapasa ang korona sa'yo, kung makaasta ka ay ikaw na ang reyna ng kahariang ito," mariing sabi ko bago dahan-dahang naglakad papalapit sa kinatatayuan niya.

Iilan lang ang mga kawal na naririto sa loob kaya sigurado akong kaya namin itong labanan lalo na't magkakasama kaming apat ngayon.

"I said call the fucking guards now!" nanggagalaiting sigaw niya sa mga kawal na agad namang kumilos ngunit pagkalabas pa lang nila ay napaatras na sila nang makita ang kalagayan sa labas.

"M-Ma'am, patay na po lahat ng nagbabantay sa l-labas..." natatakot na aniya.

Her piercing eyes darted at me with a hint of horror. "Stop the game," mariing sabi ko nang makapunta sa harapan niya bago ngumisi.

Sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko nang ako mismo ang gumawa noon dahil malakas ang kutob ko na may kinalaman ang pagkakakulong ni Sir Gatchalian sa capsule sa magiging kahihinatnan ng laro.

Ang sabi ni Eshtelle noong nagpaplano kami ay hindi raw ginamitan ng illusion ang kanilang laban noong nakaraang tournament upang tunay na magkasakitan at magpatayan ang mga manlalaro sa loob nang hindi nila nalalaman na totoo na pala ito.

Kung nakakulong ngayon si Sir Gatchalian na mamumuno sa paglalagay ng seguridad sa tournament sa pamamagitan ng ilusyon, ibig sabihin ay gagawin ulit nila ang manipulasyon nila noong nakaraang laban!

"No!" sigaw niya kaya naglabasan ng mga armas si Kuya Asher at Eshtelle. Nagtaasan ng mga kamay ang ibang nandoon sa loob ng silid.

Itinutok ko sa kanyang leeg ang talim ng isa sa mga espadang hawak ko. "I said stop the fucking game now!"

Nakita ko ang malaking timer sa gitna na nagsasabing sampung segundo na lang ay magsisimula na ang palaro at naroon na sa loob ang mga manlalaro. Mas diniin ko sa kanyang leeg ang patalim kaya bahagya itong dumugo. Napahiyaw siya sa sakit at nanginginig ang mga kamay na inabot ang pulang emergency button sa kanyang tabi.

Isang segundo na lang sana ay magsisimula na ito ngunit agad nagshut down ang buong sistema kaya namatay ilaw ng malaking three-dimensional world map sa gitna ng silid.

Bumalik ang tingin ko sa kanya nang bigla siyang ngumisi. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang bigla siyang magsalita. "If you think you've already stopped my plans by doing this, then you thought wrong, Amaia..." malamig na aniya bago iniwas ang sarili sa aking patalim at pinitik ang daliri kaya namatay ang mga ilaw.

Napaatras ako sa takot at gulat ngunit napawi ang aking takot nang magsindi ng apoy si Kuya Asher gamit ang kanyang kapangyarihan at dinaluhan ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at bahagyang inalog.

"We have to chase them, Amaia. We need to get out of here," mahinahong sabi niya na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Marahan akong tumango bago nagsimulang maglakad. Nagulat ako nang paglabas namin ay may sumugod sa aming mga kawal kaya napaatras kami. Nang tumalikod kami ay napatigil muli kami nang makitang mayroon din pala roong nakaabang.

Nagtipon kaming apat at naghintay ng atake ngunit natigilan kami nang biglang pumwesto sa aming harapan si Tita Carol. She stomped her foot on the floor and we immediately felt its intense vibration. Napakapit ako kay Kuya Asher nang biglang lumakas lalo ang pag-alog ng lupa at ang pagbuka nito. Tuluyang lumubog doon ang mga susugod sana sa aming kawal.

Nagtama ang tingin namin ni Tita Carol. Ngumiti siya sa akin at ipinatong ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking pisngi. "I'm on your side, Amaia. No matter what happens..." pabulong na aniya bago muling humarap. Sinenyasan niya kaming magpatuloy ngunit nagpaiwan si Kuya Asher upang tulungan ang kanyang ina.

"Linus, ikaw na ang bahala kay Eshtelle at sa pinsan ko," aniya bago niyakap ako nang mahigpit.

"Magpapaiwan din ako, Asher," mariing sabi ni Eshtelle ngunit umiling sa kanya ang pinsan ko. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinagkan sa noo.

Labag man sa kalooban ay nagpatianod na si Eshtelle sa paghila ko sa kanyang kamay at nagpatuloy na kami sa paglabas ni Linus. Napabitiw ako sa pagkakahawak kay Eshtelle nang biglang umalog ang hagdang inaakyatan namin.

"Amaia!"

Unti-unting gumuho ang pader na nasa magkabilang gilid ko kaya sinubukan ko itong kontrolin. Sinubukan akong tulungan ni Linus ngunit mas malakas ang puwersa ng lupa kaysa sa amin. Tuluyang naharangan ang aking dadaanan kaya nagkahiwalay kaming lahat.

"Linus? Eshtelle?" pagsubok kong tumawag sa dalawa gamit ang aking earpiece ngunit nawalan na yata ito ng signal.

Nahampas ko ang malalaking batong nakaharang sa akin dahil sa iritasyon. Ilang beses kong sinubukang alisin at kontrolin iyon ngunit patuloy lang yata itong nadadagdagan. Sinubukan kong bumalik sa dinaanan namin kanina ngunit natabunan na rin ito ng mga bato.

Napaupo ako sa sahig at napaluha dahil sa iritasyon. Sinubukan kong humanap ng maaaring pagkunan ng apoy upang magsilbing liwanag sa akin ngunit wala akong mapagkunan nito.

Sigurado akong magtatanghaling tapat pa lang kaya maliwanag sa labas at mataas ang sikat ng Haring Araw pero paano ko iyon magagamit kung wala akong maaaring labasan at pagkunan ng kapangyarihan?

Nangaligkig ako dahil sa lamig habang nasa gitna ng kadiliman. Siguro ay nasa kalahating oras na akong nag-iisa dito at natatabunan. Kung matatagpuan man ako ay paniguradong huli na ang lahat at natakasan na ako ni Elise at ni Princess Aliscel. Nasapo ko ang aking noo dahil sa labis na frustration at pagkainis sa sarili. 

Naiinis ako sa sarili ko dahil imbis na gumawa ako ng kahit anong paraan ay nandito ako sa dilim at walang ibang ginagawa kun'di ang umiyak. Ang lakas ng loob kong magsimula ng isang malaking plano kahit wala naman akong sapat na kakayahan para mapagtagumpayan ito! Dinamay ko pa talaga ang pinsan ko at ang mga kaibigan niya sa kahibangan ko! Damn!

Napatigil ako sa paghikbi nang makarinig ng mahihinang yabag ng paa. Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin at bahagyang napapikit dahil sa nakakasilaw na apoy na hawak niya. Nang makita kung sino iyon ay napaawang ang bibig ko sa gulat. "C-Chrysanthe?"

Unti-unting sumilay sa kanyang labi ang isang ngiti bago inilahad ang kanyang kamay sa akin. "Amaia..." mahinahong sambit niya.

Naramdaman ko ang biglang pagkabog ng aking dibdib dahil sa hindi malamang nadarama kaya napasinghap ako. Dahan-dahan kong ipinatong ang aking kamay sa ibabaw ng kanya at hinayaan siyang alalayan akong tumayo. Pinulot ko rin ang mga espada kong nasa sahig at ipinasok sa kanilang lalagyanan.

Ibinalik ko ang tingin sa kanyang mga mata. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat detalye ng kanyang mukha at napansin ang maliit na pagbabago nito. 

I've always known that he is attractive from the depth of his cold eyes to the gentle, but deep expressions of his voice. People often speak of the color of eyes as if they were important, yet his would be beautiful in any shade because from them... comes an intensity, integrity, and a hint of gentleness.

"Did you come here to... save me?" napapaos kong sinabi.

My heart skipped a beat as I saw how the darkness in his eyes shifted into a gentle gaze. "Yeah..." mahinahon niyang sinabi.

Nangilid muli ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. I've never imagined in my whole life that I will feel this happy just by seeing someone's face and by feeling his presence, lalo na't hindi mabuti ang aming sitwasyong kinalalagyan ngayon.

Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng sinabi ko noon sa kanya ngunit walang lumalabas na salita mula sa aking bibig. Gusto ko siyang hawakan, lapitan, at yakapin ngunit tila nakapako lang ako sa aking kinatatayuan. I've never thought that you can feel both pleasure and guilt at the same time... and to think that it can be this intense.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang kamay at nagpatianod sa marahang paghila niya sa akin papalapit sa kanya. Binalot niya ako sa mga kanyang bisig at wala na akong ibang hihilingin pa. Ramdam ko ang paggalaw ng mga bato sa aming paligid at ang pagpalibot nito sa amin ngunit wala na akong pakielam pa. All I care about was the warmth and gentleness of his hug amidst the chaos.

Naimulat ko na lang ang aking mga mata nang maramdaman ang init ng sikat ng Haring Araw sa aking balat. Dahan-dahan ko itong inangat sa kanya. Ang kawalan ng ekspresyon ng kanyang mga mata ay siyang nagpakunot sa aking noo ngunit agad din itong napawi nang bigla siyang ngumiti.

"Thank you for saving me..." pabulong na sabi ko bago napapagod na ngumiti sa kanya.

Hindi siya sumagot at inilihis lang ang kanyang tingin sa aking likuran. Dahan-dahan akong bumitiw sa kanyang yakap at lumingon sa kanyang tinitingnan. Nanginig ang aking mga labi nang magtama ang tingin namin ni Elise Athena.

Nakahalukipkip siya ngayon at nakangisi sa akin. Sa kanyang tabi ay si Princess Aliscel na ngayon ay nakangisi rin nang mala-demonya sa akin. Dahan-dahan kong nilingon si Santhe at napaatras ako sa gulat nang makita ang kadiliman ng kanyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa kanyang pala-pulsuhan nang makitang umiilaw ang maliit na simbolo ng araw roon.

Sunud-sunod akong napailing habang hinahabol ang aking paghinga. Galit kong ibinalik ang tingin kay Elise at Princess Aliscel. Pinagmasdan ko ang mga taong nakapalibot sa amin at nakitang mga mamamayan iyon ng Sunne at ang karamihan sa kanila ay mga mag-aaral ng Sanctum Academy. Pare-parehong umiilaw ang mga tattoo sa kanilang pala-pulsuhan habang nakatingin sa akin na tila isang pain.

"W-What's happening?" pabulong na tanong ko.

"No one can save you now, Amaia..." kunwaring malungkot na sabi ni Elise bago humalakhak.

Inalis ko mula sa lalagyanan ang aking mga espada kaya naging alerto ang lahat at kabilang na doon si Santhe. Itinutok niya rin sa akin ang kanyang espada kaya napaatras ako. 

The darkness of his eyes grew even darker which made me gasp for more air. Noon ay natatakot ako sa tuwing tinitingnan niya ako nang ganito pero ngayon... namamanhid na lang ako.

"Amaia!" tawag sa akin ni Louisse mula sa malayo. 

Hinahawakan siya ngayon ng mga kawal at pinipigilang makalapit sa amin. Nakita ko rin si Inang na hinahawakan at pinipigilan ng mga tauhan ni Elise galing Asteres. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha kaya ngumiti ako sa kanya upang hindi na niya ako alalahanin.

Bumalik ang tingin ko kay Elise nang humalakhak siya. "Nandito pala ang kapatid ng nagmamay-ari ng kapangyarihan ko," aniya bago hinarap si Louisse. "Tutal ay patay na ang kapatid mo... sa'yo ko na lang ito ipagpapasalamat. I've never felt so strong in my entire life!"

Napasinghap ako at mas lalong umahon sa aking dibdib ang galit. "Walang hiya ka talaga, Elise!" nanggagalaiting sigaw ni Louisse habang umiiyak. "Papatayin kita! Kapag nakawala ako rito ay papatayin talaga kita!"

Lumihis ang tingin ko kay Princess Aliscel nang makita siyang mapaatras at mapahawak sa kanyang dibdib. Naningkit ang mga mata ko nang makitang nangingitim ang sugat na dulot ng pagkakahiwa ko sa leeg niya kanina. Unti-unti na rin itong kumakalat sa buong leeg niya.

Nanlilisik ang kanyang mga mata nang makitang pinapanood ko ito. Alam kong nasa ilalim din siya ng manipulasyon pero sa tingin ko ay may iba akong nakita sa kanyang mga mata. Her eyes seems a bit different... something's definitely off.

Dinakot niya ang pisngi ko at napapikit ako nang mariin dahil sa sakit nang maramdamang lumubog ang mga kuko niya. "Anong tinitingin-tingin mo ha?!" nanggigigil na tanong niya sa akin bago marahas akong binitiwan.

Nang makabawi ako ay pinukulan ko siya ng isang tingin na alam kong pamilyar na pamilyar sa kanya dahil nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha.

"Nasaan si Sherbet, Betana?" walang emosyon kong tinanong sa kanya habang inaalala si Inang.

Napaatras siya sa gulat at nakitaan ko ng magkahalong takot at galit ang kanyang mga mata. "A-Anong kailangan mo sa asawa ko, Amanda?!"

Umangat ang isang gilid ng aking labi nang matagumpay na napalabas ang katotohanan. I knew it! Something was definitely off with her! Nang makita ko ang pamilyar na titig niya ay saglit kong nakita ang mga mata ni Betana noong nakita ko ang galit niya sa aking lola.

Queen Betana must have used and invaded Princess Aliscel's body just to escape the Labyrinth and continue her cruel plans. Maaaring dahil nasugatan ko siya kanina kaya unti-unti siya ngayong nanghihina at nawawalan ng kontrol sa katawang sinakop niya.

"Betana, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Makasarili ka pa rin at hindi marunong makuntento. Tinalikuran mo ako... Tinalikuran mo ako para lang kay Sherbet at maging reyna ng kahariang ito," malamig na sinabi ko.

I smiled inwardly. This must be the reason why I saw all of these in the basin of truth. To use it at the right moment and finally... that moment arrived.

"Betana, huwag kang magpapalinlang diyan sa batang iyan!" galit na sigaw ni Elise. Ngumiti ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa naaapektuhang reyna. 

Namungay ang aking mga mata at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. "Aliscel, balang araw ay mapapansin ka rin ni Neraios. May iba nang nagmamay-ari sa puso ko, hindi ba? Si Maximo ang mahal ko..." mahinahong sabi ko sa kanya.

Pumatak ang mga luha sa kanyang mata at napaluhod sa sahig. Napaatras ako sa gulat nang bigla siyang humiyaw na tila nasasaktan sa kung anong bagay. Napahiga siya sa sahig at pagkalipas ng ilang sandali ay nawalan ng malay. Ang itim na usok na lumabas mula sa kanyang katawan ay unti-unting naglaho sa hangin.

"Chrysanthe, patayin mo na 'yang babaeng 'yan!" mariing utos ni Elise.

Hinarap ko si Santhe at tiningnan gamit ang pagod na mga mata. Nakatingin siya sa akin na tila ba isa akong banta sa seguridad ng buong Galaxias. Tipid akong ngumiti sa kanya at marahang tumango. Ibinagsak ko sa lupa ang hawak na espadang ibinigay niya noon sa akin.

Sinundan niya ito ng tingin at saglit na napatitig. Kinuha ko ang oportunidad na iyon para ilabas ang natitirang memory potion na aking dinala. Mabilis ko itong ininom ngunit pinanatili ko lang ito sa aking bibig.

Walang pag-aalinlangan ko siyang nilapitan at hinalikan sa labi. Napaawang ang kanyang labi dahil sa gulat kaya nagkaroon ako ng tiyansang ilipat ang likidong ininom sa kanyang bibig. Nang bumitiw ako sa halik ay umatras ako at ngumiti sa kanya. 

Dahan-dahan niyang ibinalik sa aking mga mata ang kanyang tingin at itinutok muli sa aking leeg ang espada gamit ang nanginginig na mga kamay. Hinawakan ko ang patalim na nakatutok sa aking leeg at pinilit tiisin ang sakit na nararamdaman nang bahagyang bumaon ang talim nito sa aking kamay at leeg. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinanda na ang sarili sa kamatayan.

"Chrysanthe, huwag!" rinig kong sigaw ni Angelina.

"Hindi natin kayang protektahan ang isang rehiyon kung hindi tayo magiging malakas. We are the protectors of our own sanctuary. This is our home... HIndi dapat natin iyo hahayaang makuha ng iba sa atin."

Umalingawngaw sa aking pandinig ang mga katagang sinabi noon ni Santhe sa akin kaya mapait akong napangiti ngunit agad akong natigilan nang mapagtanto ang kanyang sinabi. 

I am a protector of my own sanctuary. If I can't even protect our home, how can I protect its people?

I am the protagonist of my own story, the creator of my own destiny, and the heart of my own labyrinth. I am in charge of choosing my fate. I am the ruler of my own sea.

Naramdaman ko ang naglalagablab na enerhiya mula sa loob ng aking katawan na gustong kumawala. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nagtama ang tingin namin ni Santhe. Naramdaman ko ang matinding sikat ng araw sa gitna ng kalangitan at ang unti-unting pagdaloy ng enerhiya nito sa aking katawan.

All my inhibitions suddenly disappeared and all I can think about is my burning desire to protect my sanctuary and its people. Unti-unting kumalat sa buong paligid ang liwanag at ang enerhiyang nagmumula sa akin.

Dahan-dahan akong tumingala at hinayaan ang sariling mawala sa kapangyarihan ng araw ngunit agad akong natigilan nang maramdaman ang isang malamig na yakap sa aking harapan.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang dibdib na nakaharang sa aking paningin. Naramdaman ko ang pagpatak ng malalamig niyang luha sa aking naglalagablab na katawan at sa pagkakataong iyon... nakaramdam ako ng panghihina ng puso.

"Tell me lies, tell me painted truths, anything at all to keep me close to you..." pabulong na awit niya.

Dahan-dahang kumalma ang aking sistema at unti-unti na ring bumabalik ang aking katinuan. Nangilid ang aking mga luha habang pinapakinggan ang kanyang malamig na boses.

"Pull me under, the way you do. Tonight, I wanna drown in an ocean of you..." napapaos niyang sinabi. "Anything at all to keep me close to you."

It was a rare moment full of feelings that are very foreign to me. It was like how the sun who rarely meets the moon finally collide and the world stares in awe of their eclipse.

Nanginig ang aking mga labi habang sunud-sunod na pumapatak ang aking mga luha. Nang marinig niya ang mahihina kong hikbi ay marahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at maamong pinagmasdan ang aking mukha.

"S-Santhe..." napapaos kong sinabi.

He licked his lower lip and slowly smiled. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Tuluyan na akong bumalik sa aking katinuan at naramdaman ko ang matinding panghihina ng aking katawan. Kung hindi lang ako hawak ni Santhe ay paniguradong bumagsak na ako sa sahig.

Kahit nahihirapan ay sinubukan kong tingnan ang paligid. Nakita kong nakaupo sa sahig ang mga mamamayan ng Sunne pati na rin ang mga kawal ngunit wala silang natamong sugat. Tila nabuhusan lamang sila ng malamig na tubig at muling nabalik sa reyalidad. 

Bumaba ang tingin ko sa walang malay na si Elise. The memory manipulation of all these people must have taken a huge toll on her body.

Hinuli ni Santhe ang aking tingin at dahan-dahang inihiga ang aking ulo sa ibabaw ng kanyang kandungan. Pinalis niya ang aking mga luha at inilagay sa gilid ng aking tainga ang mga takas na buhok sa aking mukha.

"I'm sorry..." umiiyak na sabi ko.

Ipinatong niya ang kanyang daliri sa ibabaw ng aking labi kaya natahimik ako at natigil sa paghikbi. "No, you don't have to... Thank you for saving me, Amaia," mahinahong aniya.

"Elise, huwag!" Sabay kaming napalingon ni Chrysanthe nang marinig ang sigaw ni Louisse.

Agad akong napabangon at sinubukang pigilan ang gagawin ni Elise ngunit huli na ang lahat. Naitarak na niya ang hawak na punyal sa sikmura ni Inang. 

"Inang!" sigaw ko.

Nakatayo agad ako na tila walang iniindang sakit ngunit agad akong napatigil nang yakapin ako ni Santhe upang pigilan akong lumapit. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niyo ako pinigilan ngunit nang marinig ang pagkasa ng mga baril sa hindi kalayuan ay naintindihan ko na.

"Fire!" Napatingin ako sa nag-command mula sa malayo at nakita si Haring Sherbet sa likod ng mga kawal. Agad siyang sinunod ng mga ito at binaril nang sabay-sabay si Elise Athena.

Napaluhod siya sa sahig at napaubo nang sunud-sunod dahil sa dugo. Bumagsak siya nang tuluyan at wala pang ilang segundo ay tuluyan na nga siyang binawian ng buhay.

Patakbong lumapit si Haring Sherbet sa kinaroroonan ni Inang bago lumuhod at marahang inangat ang kanyang katawan. Ipinatong niya ito sa kanyang kandungan at nag-aalalang pinagmasdan.

Inalalayan din ako ni Santhe upang malapitan ang nag-aagaw buhay kong lola ngunit nang makalapit ay sinenyasan ko siyang hayaan muna ang hari.

"I have always loved you, Amanda..." Hinagkan ni Haring Sherbet ang likod ng kanyang palad at humagulgol. Napapagod na inangat ni Inang ang kanyang tingin sa hari at matamis na ngumiti.

Dinakip na ng mga kawal ang hari at marahang hinila papalayo kay Inang. Nanatili siyang tumatangis ngunit nagpatianod na lang sa paghila sa kanya ng kanyang mga tagapagbantay.

Wala sa sarili akong napaluhod sa lupa at napahagulgol nang makalapit kay Inang. Ipinatong ko ang kanyang katawan sa aking kandungan at niyakap.

"A-Amaia, apo..." napapagod na aniya.

"Shh... huwag mo na pong piliting magsalita. N-Nandito lang ako..." umiiyak na sabi ko bago hinagkan ang kanyang noo. "Mahal na mahal kita, Inang..."

Itinaas niya ang isa niyang kamay at ipinatong sa aking pisngi. Hinawakan ko ito at hinagkan ang kanyang palad. Nanginig ang aking balikat dahil sa labis na pag-iyak.

"I am so proud of you, apo... You grew up as a strong and independent woman just like your mother. Hinding-hindi ko pinagsisisihang pinalaki kita sa Sunne," napapaos na aniya.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa string bag na nakatali sa aking belt. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin kaya tinulungan ko siya sa pag-alis nito sa pagkakatali. Napaubo siya nang sunud-sunod kaya pinakalma ko muna siya nang ilang sandali.

Nagtagal ang aking tingin sa ilaw na nagmumula sa loob ng string bag. Kinuha iyon ni Inang at inabot sa akin. Napakurap-kurap ako dahil sa magkahalong gulat at kaba. Napapagod siyang ngumiti sa akin.

"Ako ang kumuha ng hiyas ng Sunne, apo... Itinakas ko ito upang hindi matuloy ang plano ng kapatid kong si Betana," nahihirapang aniya

Napatigil siya sa pagsasalita at napahawak sa punyal na nakatarak sa kanyang sikmura. Sinubukan niya itong tanggalin ngunit pinigilan ko siya dahil sigurado akong lalo siyang mauubusan ng dugo kapag itinuloy niya iyon.

Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Itinago ko sa bag na ito ang bato at ipinag-utos na ibigay sa iyo," aniya bago sumulyap kay Santhe. "Ngayon, ikaw lamang ang may kayang magbalik nito sa dapat nitong kalagyan, Amaia."

Nanginig ang aking mga labi habang pinapanood ang paghihirap ng aking lola sa pagsasalita. Binunot niya ang punyal sa kanyang sikmura at inilayo sa kanya. Tumalsik sa aking mukha ang dugo kaya napapikit ako.

"Amaia, dumating na ang oras," napapaos niyang sinabi. "Create your own destiny. I believe in you..." huling sinabi niya bago tuluyang bumitiw sa akin.

"I love you, Lola... Maraming salamat po sa lahat. Wala ako dito ngayon kung hindi dahil sa'yo," nakangiting sabi ko sa kanya bago isinara ang kanyang mga mata.

Niyakap ko siya nang mahigpit at hinayaan ang sariling umiyak at maging mahina sa pagkakataong iyon. My grandmother told me that crying is the only way your eyes speak when your mouth can't explain how your heart feels. It was never a sign of weakness for me, dahil alam kong pagkatapos nito ay papalisin ko ang mga luha ko at muli akong babangon at magpapatuloy sa buhay.

I stood up with a heavy heart. The pain cannot be erased but my mind is clear. My grandmother's unconditional love for me will be the reason why I will still rise up despite of the incomparable pain.

Hindi ko alam kung paano ko nilandas ang daan patungo sa kinatatayuan ng Sanctum Academy. Pumunta ako sa kinatatayuan ng Center wing noon at dumiretso sa gitna ng Battle field na ngayon ay natatabunan na lamang ng alikabok.

Dahan-dahan kong inilubog sa lupa ang kumikinang na hiyas ng Sunne at tinabunan ito. Pagkatapos ay kinuha ko mula sa aking bag ang nag-iisa at natitirang maliit na vial. Walang pag-aalinlangan ko itong binuksan at ipinatak sa lupang pinagtaniman ko ng hiyas.

"Magic is mystery, and mystery is magic... The best and most beautiful paths cannot be discovered without getting lost," pabulong na sinabi ko bago dahan-dahang tumayo at umatras. Pinanood ko ang unti-unting pagliwanag ng lupang pinagtaniman ko ng hiyas.

"May Kingdom Galaxias and Sanctum Academy be in peace..." nakangiting sabi ko habang pinapanood ang unti-unting pagtubo at pag-usbong muli ng aming naglahong santuwaryo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top