Kapitulo XXI - Lost
"Amaia, hija... ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo?" Nanatili ang aking paningin sa malaking cauldron sa aking harapan. Nandito kami ngayon ng aking lola sa dormitory dahil hindi muna kami umuwi sa aming tahanan sa Sunne. Kailangan ko muna kasing unahing gawin ang aking proyekto na ipapasa na agad sa Lunes.
"Project ko po ito kay Ms. Avila... pinapagawa po kami ng kahit anong gusto naming potion," seryosong sagot ko sa aking lola habang nananatili ang mga mata sa kumukulong tubig. "Ang gagawin ko po ay potion para makapagpalaki ng kahit anong tao, hayop, o kahit bagay."
"Sa Chemistry class ba iyan?" pang-uusisa niya bago lumapit at masuring pinagmasdan ang mga ingredients sa ibabaw ng lamesa.
Ngumiti ako at tumango. Nilapitan ko rin ang mga tinitingnan niya at napatawa ako nang makita ang pandidiri niya habang isa-isa itong tinitingnan. I opened the vial containing a very deep, blood-red liquid and carefully poured five drops of it in the cauldron.
Napaatras ako nang biglang umusok ng kulay pula ang cauldron at pagkatapos ay maingat ko itong hinalo. Dumapo ang tingin ko kay Inang na tahimik na nagmamasid sa akin at nakitaan ko ng pagtatanong ang kanyang mga mata. "Dugo po ng paniki 'yong nilagay ko..." natatawang paliwanag ko habang pinapanood ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha.
"Kanina mo pa ginagawa 'yan, apo. Nakailang ulit ka na ba?" tanong niya.
My lips protruded at her straightforward question. Napakamot ako sa aking ulo at napabuntong-hininga. "I already lost count, Inang. Pero hindi naman po puwedeng sukuan ko na lang ito agad, hindi ba?" nakangiting sabi ko.
Dahan-dahan ding sumilay sa kanyang mga labi ang isang matamis na ngiti. "Tama, apo... Ang tunay na sikreto ng tagumpay ay tiyaga at ang patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali. Huwag mong hahayaang sumabay ka lang sa pag-agos ng dagat, ikaw dapat mismo ang magkontrol ng direksyon nito."
Napatango ako dahil sa kanyang sinabi at muling nilapitan ang malaking cauldron. Sunod kong inilagay ang mata ng butiki at ang mga salagubang. Kumuha ako ng kaunting apoy at hinubog ito upang maging isang maliit na bola bago inihalo sa aking niluluto. Pagkatapos umusok dahil sa inilagay ay hinalo ko ito ng tatlong beses bago tinakpan.
Habang naghihintay sa pagkulo nito ay nagkwentuhan muna kami ni Inang. Madilim na ngayon sa labas dahil mahigit alas siete y media na ng gabi.
Kakabalik niya lang kanina dito dahil naglinis muna siya ng paaralan kahit na day-off niya. Ang katuwiran niya'y wala raw siyang magawa at nakasanayan niya nang maglinis sa paaralan tuwing nandito kami sa dormitoryo ko.
"Inang, noong kabataan mo po... ano po ang ginawa mong potion bilang proyekto?" kuryosong tanong ko sa nakangiting lola.
Dahan-dahang napawi ang kanyang ngiti bago inilagay sa ilalim ng kanyang baba ang kanyang kamay na tila ba nag-iisip. "Sa pagkakatanda ko... ang ginawa ko noon ay isang remembrall potion."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Remembrall? Ano po iyon?"
"Isa siyang uri ng potion na ginagamit upang alamin kung mayroon bang nakakalimutan ang taong humahawak nito."
Namamangha kong tiningnan si Inang. Mayroon palang gano'n? Kung alam ko lang e'di sana ay iyon ang ginawa ko! Baka mas mataas pa ang maging grade ko kay Ma'am Avila!
"Paano po malalaman na may nakalimutan ang taong humahawak no'n, Inang?" pang-uusisa ko.
Napangiti siya sa katanungan ko. "Kapag naging kulay pula ang likidong nasa loob ng bote, ibig sabihin ay mayroon kang nakalimutan," aniya na siyang nagpamangha sa akin lalo. "Gusto mo bang turuan kita kung paano gawin iyon, apo?"
Napatayo ako dahil sa excitement bago tumango. Napatawa siya sa aking reaksyon at sinenyasan na tingnan ko muna ang niluluto kong potion. Nang iangat ko ang takip ng malaking cauldron ay pinagmasdan ko ang kulay ng likido. The color is still red but it is darker than usual. Ibang-iba sa kulay ng mga finish product ko kanina kaya malakas ang pakiramdam ko na mas malapit na ito sa katotohanan ngayon.
Pinatay ko ang apoy at inihanda sa gripo ng cauldron ang isang maliit na vial. Nang mapuno ang lalagyanan ay tinakpan ko na ito at tahimik na inobserbahan. Huminga muna ako nang malalim bago ibinalik ang tingin kay Inang. Ngumiti siya sa akin at sinenyasan ako na subukan ko ito kaya gumaan ang aking kalooban.
Lumabas ako sa backdoor ng kusina at pumunta sa aming bakuran kung saan may iba't ibang paso na naglalaman ng iba't ibang halaman. Halos lahat ng mga halaman doon ay napatay ko na dahil sa mga kapalpakan ko kanina kaya naman bahagya akong nakaramdam ng kaba.
Naramdaman ko ang mainit na palad ng aking butihing lola na siyang nakapagwaksi sa mga negatibong naiisip. Dahan-dahan akong lumuhod sa lupa at binuksan ang vial. Dalawang patak lamang ang inilagay ko sa may halaman bago tinakpan ang vial at tumayo.
Napaatras ako dahil sa magkahalong gulat at pagkamangha nang dahan-dahang tumubo at lumaki ang halaman nang higit pa sa laki ng puno ng niyog sa aming bakuran. Nangilid ang aking mga luha at napayakap sa aking lola dahil sa labis na tuwa. Maya maya ay niyaya niya na akong pumasok sa loob dahil aniya'y tuturuan niya na akong gumawa ng remembrall potion.
Dahan-dahan kong pinalis ang mga luha sa aking pisngi bago iminulat ang aking mga mata. Napatingin ako sa labas ng bintana ng tren na aking sinasakyan patungo sa aking tahanan at nasaksihan ang paghahalo ng kahel at itim sa kalangitan na hudyat ng paglubog ng Haring Araw.
Napagtanto kong kailanman ay hindi ko pala hinangaan ang paglubog ng araw at ang unti-unting pagpapalit ng araw at gabi. Noon ay akala ko dahil lang iyon sa obsession ko sa pagiging anak namin ng Haring Araw dahil kami ay mamamayan ng rehiyon ng Sunne... pero nagkamali ako. I do not really hate the darkness of the cold nights. I just hated the feeling of being alone and abandoned in the dark. Mas gusto ko ang araw kasi kahit papaano ay alam kong hindi ako nag-iisa dahil kapag sumapit na ang gabi, all I have is myself and there's no one else to save me from the dark.
Hinawakan ko ang kuwintas na nakasabit sa aking leeg at pinagmasdan ang boteng mayroong kulay pulang likido. Kinalas ko ito mula sa aking leeg at pinagmasdan itong mabuti sa ibabaw ng aking palad. Dahan-dahan ko itong ipinatong sa ibabaw ng lamesa sa aking harapan at pinanood ang unti-unti nitong pagbalik sa dati nitong kulay.
I've always thought that this is the only remembrance that my family from Earth gave me before they left me alone kaya hindi ko kailanman tinanggal ito sa aking leeg. Hindi ko lubos naisip na ito pala ay ibinigay sa akin ng nag-iisang pamilya ko ngayon sa Sunne. Ito ang Remembrall potion na itinuro at ibinigay sa akin ni Inang!
Natigilan ako dahil sa naiisip. Am I just being ignorant about the signs before? Ngayon ko nga lang ba talaga napansing may kakaiba sa akin... o nagbulag-bulagan lang ako noon dahil hindi kailanman sumagi sa isip ko na maaaring totoo pala ito?
"The train is now arriving at Camp Sunne. To ensure a timely departure, please note that the train doors may be locked 30 to 40 seconds before departure. Please ensure that you take all of your personal belongings with you. Thank you."
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ang malakas na announcement sa sinasakyang tren. Mabilis akong tumayo at binitbit ang string bag na ibinigay sa akin ni Santhe. Habang naglalakad sa hallway ng tren ay napansin ko ang pagsilip sa akin ng mga pasaherong nadadaanan. Bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha at 'yong iba ay nagbulungan pa.
"Bakit ka bababa sa Sunne?" Napalingon ako sa isang matandang lalaki na naglakas-loob magtanong sa akin.
Nanatiling nakatikom ang aking bibig at nagkibit na lamang ng balikat sa kanya. Isinawalang-bahala ko na lang din ang kanilang mga mapanuring tingin sa akin bago dire-diretsong bumaba mula sa tren.
Pagtapak pa lang ng aking mga paa sa train station ay nagtayuan na agad ang balahibo ko. Kapansin-pansin ang katahimikan sa istasyon kumpara sa may main station ng Galaxias kanina. Bilang lang yata ng aking mga daliri sa kamay ang mga taong naririto at halos lahat sila ay paalis kaysa parating.
Nagugulumihanan man ay pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa tuluyang makalabas ng istasyon. Bumagal ang aking paglalakad habang pinapasadahan ng tingin ang paligid.
Kasabay ng biglang pag-ihip ng hangin ay ang pagsabog ng aking buhok papunta sa aking mukha. Dahan-dahan ko itong inayos at sinikop bago muling pinagmasdan ang paligid.
The wind full of dust violently blew and I can't help but close my eyes to avoid letting some dust inside my eyes. Pagkamulat ng aking mga mata ay nangilid ang mga luha ko at hinayaan ang mga paang dalhin kung saan nito gustong pumunta.
Pagkarating sa tapat ng aming payak na tahanan ay nakaramdam ako ng panlalamig sa sikmura. Dahan-dahan kong itinulak ang kahoy na entrada at pumasok sa aming bahay. "Inang?" napapaos kong sabi pagkabukas ko ng pinto.
Katahimikan at kadiliman ang sumalubong sa akin. Hinalughog ko ang buong bahay ngunit wala roon ang aking lola. Inayos ko ang mga muwebles na nagkalat sa sahig na tila ba dinaan ng bagyo.
Napaupo ako sa sahig at saglit na natulala sa kawalan. What happened while I was gone? Pagkatapos ba ng trahedya ay hindi na bumalik sa ayos ang buong Sunne? Pero akala ko ay sa Sanctum Academy lang nangyari iyon katulad ng nakaraan? Nadamay ba ang buong Sunne?
Napatayo agad ako nang maalala ang aming paaralan. Hindi ko alam kung paano ko natakbo nang ganito kabilis ang daan papunta sa aking paaralan. Itinulak ko ang rehas ng gate papasok sa paaralan at napaluhod sa malawak na lupain na ngayon ay wala nang natitira kun'di lupang natatabunan ng abo.
Pinadausdos ko ang aking palad sa lupa at hinayaang pumatak dito ang mga luhang kanina pa pinipigilan. Anong nangyari sa Sunne noong nawala ako? Anong nangyari sa Sanctum Academy?
Sanctum Academy was turned into dust! The beloved sanctuary that I'm trying to protect is lost and nowhere to be found! What the hell happened while I was gone?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top