Kapitulo XIX - Sanctuary
Napaawang ang aking bibig dahil sa gulat nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at binalot ng kanyang mga bisig. Nakapatong ang aking ulo sa ibabaw ng kanyang dibdib kaya naramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng puso niya.
"I was damn worried when you did not come back immediately. I blamed myself for allowing you to go and I might also blame myself if something bad happened to you," napapaos na aniya.
Nangilid muli ang aking mga luha dahil sa sinabi niya. The warmth of his hug made me even more emotional. Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan ang mga hinaing niya sa akin.
"The moment your hand slowly slipped away from my hold made me overthink a lot. Naniniwala naman akong babalik ka pero... hindi ko pa rin maiwasang maisip na baka may mangyaring masama sa iyo sa daan pabalik sa akin."
"How did you end up at the building?" kuryosong tanong ko.
Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin at tiningnan ako nang mabuti. "Noong napansin kong masyado ka nang nagtatagal doon ay naghinala agad ako kaya sumunod agad ako. Nakita ko 'yong abandonadong building at naisipan kong umakyat doon upang makakuha ng magandang view sa buong siyudad mula sa rooftop... nagbabaka-sakaling makita ka. The moment I saw you running away from the policemen, muntik na akong tumalon mula sa rooftop pero mabuti na lang at nakita kitang tumakbo papasok doon kaya napigilan ko ang sarili ko."
Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "You're crazy," hindi-makapaniwalang sabi ko habang naglalakad patungo sa isang nakahigang puno at naisipang umupo roon.
Umangat ang isang gilid ng kanyang labi dahil sa aking sinabi. Nag-ayos siya ng ilang kahoy sa harapan namin at gumawa ng apoy. Pagkatapos ay umupo rin siya sa tabi ko at tahimik na pinanood ang naglalagablab na apoy sa aming harapan. The silence made my heart feel at ease but I realized I needed to voice out my thoughts so that it won't consume me.
"You're right, Santhe. Hindi talaga tayo nararapat na magtagal dito," seryosong sabi ko.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. I saw a bit of hesitation in his eyes which confused me. "Maybe..." pabulong na aniya.
My brow shot up as I stared at the confused and a bit sad expression on his face. "You still think that we should go back to Galaxias... right?" naguguluhang tanong ko sa kanya nang maramdaman ang pag-aalinlangan niya sa sagot kanina.
He cannot change his mind! We've gone this far and now is not the time to back out!
Naramdaman ko ang kanyang titig sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nahalatang may pinipigilan siyang sabihin sa akin. "Wanted ka dito," seryosong aniya na tila ba iyon ang sagot sa aking tanong.
"I'm not talking about that," I hissed, slowly losing my very little patience.
Bumuntong-hininga siya at pagkalipas ng ilang sandali ay muli siyang nagsalita. "You know that I can protect you here, Amaia..." Ramdam ko ang lungkot sa tono ng kanyang pananalita na siyang nagpakunot sa aking noo.
Agad napabalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi. "Sinasabi mo ba sa aking manatili na lang tayo dito?" mariing tanong ko sa kanya. "Why are you suddenly chickening out, huh?"
Bumaba ang tingin niya sa aking labi ngunit agad din niyang ibinalik sa aking mga mata. "Naisip ko lang na pwede naman sigurong dito na lang muna tayo habang—"
Napatayo ako dahil sa gulat. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Chrysanthe?" I scoffed. "You really think that we could stay here? Hindi tayo nababagay dito! Hindi ligtas ang mga normal na tao habang nananatili tayo sa mundong ito! Nakita mo naman ang nangyari sa akin, hindi ba?"
Inabot niya ang aking kamay at sinubukan akong hilahin pabalik. "I know... I'm sorry..." mahinahong aniya. "Naisip ko lang na baka pwedeng manatili na lang muna tayo dito dahil mas delikado ngayon sa Galaxias dahil sa mga nangyayari—"
Iniwas ko ang kamay sa kanya at tinitigan siya nang matalim. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sinubukan akong pakalmahin.
"That's not the point here! May pamilya tayong kailangang balikan sa Galaxias! Kailangan kong balikan si Inang, Santhe! May mga alaala akong nawawala at gusto kong balikan! We need to go back to Galaxias and protect our home! It is our duty to protect our sanctuary—"
"You are my sanctuary, Amaia! You are my home! I cannot afford to lose you, either... I cannot lose you again," napapaos niyang sinabi.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Abot-abot ang pagtahip ng aking dibdib at ramdam ko ang panlalambot ng aking tuhod dahil sa lalim ng kanyang mga matang nakatitig sa akin.
Sinubukan niyang abutin ang aking pisngi ngunit agad ko itong iniwas sa kanya at pumikit nang mariin. "I didn't know you were selfish, Chrysanthe..." malamig na sabi ko habang umiiling sa kanya. "Choosing me over everything, huh?" I laughed mockingly.
I saw the way his jaw clenched and his expressive eyes slowly turned bloodshot. I looked at him with nothing but pure disappointment. "Ipinangako mo sa akin na ibabalik mo ako sa Galaxias kahit anong mangyari pero dahil lang dito... dahil lang d'yan sa pansamantala mong nararamdaman ay nagbago agad ang isip mo? You're unbelievable," mariin kong ibinato sa kanya ang bawat salita upang magising siya sa kanyang kahibangan.
Namataan ko ang sunud-sunod na paggalaw ng kanyang Adam's apple bago siya tumalikod sa akin ngunit nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan.
"If I were you, I will not let those temporary feelings take over me. I am a guardian of peace and a protector of my sanctuary. Falling in love is not my priority..." pinal na sabi ko bago siya tinalikuran. "Let's just pretend that this did not happen, Santhe."
"Yeah, let's do that," malamig na sabi niya. Narinig ko ang mabibigat niyang yabag papalayo sa akin kaya napalingon ako. Bumagsak ang aking tingin sa kanyang kinatatayuan kanina nang makitang wala na siya roon at naglaho na sa kadiliman ng gubat.
Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang mga sinabi kanina. Masyado bang naging masakit ang mga salita ko? Pero hindi ba't iyon naman talaga ang tama? Will the old Amaia be happy because of what I did? I think so.
I just chose what I believe is right and appropriate for the situation. Love is just a temporary feeling, it will fade away in just a matter of time. It's just a sign of weakness... dahil kapag nagmahal ka, masasaktan ka at kapag nasaktan ka, magiging mahina ka.
Sa ngayon, hindi pagmamahal ang kailangan naming dalawa. Kailangan naming makabalik sa Galaxias at makabalik sa aming rehiyon upang magawa ang aming tungkulin. Kailangan naming protektahan ang aming mga pamilya at kailangan naming protektahan ang aming tahanan.
"Inang... ayoko nang mahulog at maglaho sa kawalan. N-Natatakot ako, Inang, please... huwag niyo po akong pakawalan," pagmamakaawa ko sa aking lola na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin habang nakakapit ang aking kamay sa lupa upang hindi mahulog sa bangin. Alam kong kahit anong pagmamakaawa ko ay wala akong magagawa.
"Apo... kung pwede lang sanang ako na lang ang pumalit sa posisyon mo ay gagawin ko na," umiiyak na sabi niya habang hinahaplos ang aking kamay.
"A-Amaia, tutulungan kita! Kumapit ka sa kamay ko!" Umangat ang tingin ko sa babaeng umaalalay sa aking Inang.
"L-Louisse..." napapaos kong sambit. "Tulungan mo ako, please." Nilunok ko ang lahat ng pride na natitira at hinayaan ang sariling humingi ng tulong sa aking dating kaibigan.
Ngumiti siya nang malungkot sa akin at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Bago ko pa ito tanggapin ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Elise mula sa 'di kalayuan. Sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sarili na unti-unting nahuhulog patungo sa malalim na karagatan at unti-unting naglaho sa kadiliman.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakakita muli ng liwanag sa ilalim ng madilim na kawalan. Ang kulay nito ay tila sumasalamin sa kulay ng liwanag na ibinibigay ng Haring Araw. I narrowed my eyes to the thing producing the light and realized it was from a little yellow transparent stone.
Unti-unting nanlabo ang aking paningin at nang muli kong imulat ang mga mata ay natagpuan ko ang sarili sa isang madilim na kweba. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pinagpagan ang basang damit. Tumingala ako at namangha sa mga nakikitang stalactites.
Dumapo ang tingin ko sa kabilang dulo ng kweba kung saan may nakakasilaw na puting liwanag. Nagdadalawang-isip man ay hinayaan ko ang sariling magpadala sa aking mga paa at tumungo papalapit sa liwanag.
Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at iniharang ang isang kamay dahil sa pagkasilaw. Nang mawala ang matinding liwanag ay dahan-dahan ko nang iminulat ang aking mga mata.
Napabalikwas ako mula sa pagkakasandal sa puno at hinabol ang aking paghinga. Alam ko na kung saan ang lagusan papasok sa Galaxias! Makakabalik na kami sa sanktwaryo namin!
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakitang wala pa rin hanggang ngayon si Santhe. Nang tuluyang magising ang diwa ay napagtanto kong habang hinihintay ko ang pagbalik ni Chrysanthe kanina ay ginapangan ako ng antok kaya hinayaan ko na ang sariling makatulog sa ilalim nitong malaking puno.
Bakit hindi pa rin siya nakakabalik? Unti-unti akong ginapangan ng kaba sa dibdib. Did I really hurt him too much? Or... did something happen to him?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top