Kapitulo X - Recurrence
"Why don't you tell her the truth, Rhein Louisse?" pang-uuyam ni Elise.
Tinitigan siya nang masama ni Louisse bago ibinalik ang tingin sa akin. "Seriously, Amaia? Naniniwala ka talaga sa lahat ng sinasabi niyang katarantaduhan sa'yo?" Bakas ang disappointment sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
I scoffed. "Why don't you give me a reason not to believe her instead?" seryoso at mariing sabi ko sa kanya.
"I don't even need to give you a hundred reasons to believe me, Amaia! Ang tagal na nating magkaibigan! Hindi pa ba sapat na rason 'yon para ako ang paniwalaan mo?"
Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya. There's something inside me na gustong maniwala sa mga sinasabi niya pero dahil sa unexpected na nangyari sa Sanctum Academy ay hindi ko na maiwasang magduda kung mayroon nga ba o walang accomplice ang tunay na may kagagawan nito.
Napahilamos siya sa kanyang mukha at muling tiningnan nang matalim si Elise. "What the fuck is your problem with me, Elise?! Wala ka bang mapagbuntunan ng galit mo kaya ako ang nakita mo?"
Sarkastikong humalakhak si Elise. "Wow! Ang galing naman talaga gumanap nitong kaibigan mo 'no, Amaia? Hindi ka ba namamangha sa kanya? Kayang kaya ka niyang bilugin dahil sa talento niyang ito, oh!" natatawang sabi niya sa akin.
Mabilis siyang sinugod ni Louisse ngunit nahawakan ko agad ang magkabilang braso niya kaya napatigil siya. Patuloy pa rin siyang nagpupumiglas sa hawak ko habang dinuduro si Elise. "Walanghiya ka talaga! Dinala mo pa dito sa Sunne ang ugali mo! Kaya ka itinapon ng Dauntless Academy dahil sa bulok mong pag-uugali—"
"Kaya ka rin itinapon dito ng Dauntless Academy, hindi ba?" Napatigil sa pagpupumiglas si Louisse dahil sa sinabi niya.
"A-Anong—"
"You were not a real citizen of Sunne, Ms. Coste. You were a former student of Dauntless Academy at itinapon ka lang din dito ng Lunaticus dahil pamilya kayo ng mga taksil—" Marahas na pumiglas sa hawak ko si Louisse at sinampal siya nang malakas. Napabagsak ako sa damuhan dahil sa lakas ng pagkakapiglas niya sa akin.
"Hindi totoo iyan! Hindi kailanman nagtaksil ang mga magulang ko sa kaharian ng Galaxias! Hindi ako—"
Ngumisi nang nakakaloko si Elise. "Hindi nga ba? Wala ka rin namang pinagkaiba sa Ate mo, Rhein Louisse Coste..." seryosong sabi niya.
Napatingin sa akin si Louisse. Bakas sa kanyang mata ang takot at pagod. "Amaia, 'wag kang maniwala sa kanya—"
"Hindi ko na alam kung ano at sino ang papaniwalaan ko, Louisse... Pagod na pagod na akong mag-isip. Pagod na akong magtiwala sa kahit sino," naiiyak na sabi ko. "Kaya please lang, tumigil na kayo."
Lumapit sa akin si Louisse at lumuhod sa tabi ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inangat ang aking tingin sa kanya. Bakas ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata. "Amaia, we've been best friends for years! Maniwala ka naman sa akin! Hindi ako katulad ni Ate Reina! Hindi ko gustong pagtaksilan ang Sunne! Wala rin akong balak sirain ang Sanctum Academy! Wala akong balak pabagsakin ang buong kaharian!"
Ngumiti ako nang malungkot at umiling. Dahan-dahan kong kinalas ang pagkakahawak niya sa akin kaya sinundan niya ito ng tingin. "Kung sino man sa inyong dalawa ni Elise ang nagsasabi ng totoo ay hindi ko na ito balak alamin pa. Nirerespeto kita, Louisse. Nirerespeto ko kung mayroon kang mga bagay na ayaw mong sabihin sa akin lalo na kung may kinalaman ito sa mapait mong nakaraan. Pagod na rin akong mag-overthink sa lahat ng bagay at pagod na rin akong magduda kung totoo rin ba sa akin ang mga taong pinagkatiwalaan ko."
"Amaia, maniwala ka naman sa akin, oh? Kahit ngayon lang! Huwag mo naman akong husgahan dahil lang sa nakaraan ko! Amaia, please..." humihikbing sabi niya sa akin. "I'm really sorry! I'm sorry if I did not say anything about my past before but I am not planning to hide it from you—"
Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili. Pinilit kong ngumiti sa kanya bago dahan-dahan siyang tinalikuran. "Just give me some time to contemplate everything, Louisse..." napapaos na sabi ko bago nagsimulang maglakad palayo.
Tumigil ako sa paglalakad nang makarating sa bleachers. Agad akong sinalubong ng isang matinding ihip ng hangin kaya sinikop ko ang buhok kong nagulo at itinali ito nang mataas upang hindi na maging sagabal sa akin ang mahaba kong buhok.
Tumingala ako sa mapayapang langit at napapikit dahil sa mataas na sikat ng araw. Ang mataas at maliwanag na Haring Araw na lamang ang nagpapaniwala sa akin na wala nang masamang mangyayari pa at mananatili na ang kapayapaang ito sa buong Galaxias. Sa ngayon ay iisa lamang ang nasa isip ko at iyon ay ang protektahan ang mga taong mahalaga sa akin kahit ano pang mangyari.
Agad kong naimulat ang aking mga mata nang maramdaman ang biglaang pagdidilim ng paligid. Dahan-dahang natakluban ng makakapal at maiitim na ulap ang maliwanag na sikat ng araw kanina. Umalingawngaw sa buong paaralan ang sunud-sunod na pagkulog at umihip nang malakas ang hangin.
Bumaba ang tingin ko sa mga estudyanteng napatigil sa pag-eensayo at paglalaban dito sa Battle field. Lahat sila ay nakatigil na rin at tila naging mga estatwa. Bumaba agad ang tingin ko sa lupang biglang gumalaw kaya mabilis akong napababa mula sa bleachers. Napatingin ako sa buong Battle field at napansin ang unti-unti ngunit mabilis na pagbibitak nito.
Nagsitayuan ang balahibo ko nang maalala ang nakita ko sa aking masamang pangitain noon. Posible bang nauulit ito ngayon? Nangyayari nga ba muli ang lahat dahil sa pagtangka kong kontrolin ang mga nakatakdang mangyari?
Napaupo muli ako sa bleachers at napakapit dahil sa biglaang paglakas ng lindol. Inangat ko ang aking kamay at sinubukang kontrolin ang lupa ngunit mas malakas ang puwersa nito kaysa aking kapangyarihan. Habol-habol ko ang aking paghinga habang pilit na pinapakalma ang lupa.
"Shit," nahihirapang sabi ko. "Hindi 'to p'wedeng mangyari..."
Kitang kita ng dalawang mata ko ang tuluyang paglubog ng mga estudyante sa lupa habang nananatiling mga walang kibo at walang kalaban-laban. Pinalis ko ang mga namuong butil ng pawis sa aking noo at agad sinubukang tumakbo paalis ng Battle field.
"Amaia!" Awtomatiko akong napalingon nang marinig ang isang pamilyar na boses.
"Inang!" gulat na sigaw ko nang makita siya sa gitna ng Battle field. Nakahiwalay na ang lupa sa kanyang paligid at patuloy na umaalog ang lupang kinatatayuan niya. Nakaupo na rin siya sa lupa at nakakapit nang mahigpit doon. Sunud-sunod akong napamura nang malulutong dahil sa labis na takot at kabang nadarama.
Walang pag-aalinlangan akong pumihit at mabilis na tumungo sa direksyon patungo sa kanya habang iniiwasan ang pagbuka ng lupa ngunit agad akong napapreno nang biglang lumubog ang lupang muntik ko nang tapakan. Napasinghap ako habang nakatitig sa ibaba na muntik ko nang bagsakan kung sakaling hindi ako huminto kanina. Mabilis akong napalingon sa likuran nang marinig ang malakas na sigawan sa labas ng Battle field.
"Amaia, pumunta ka na rito!" rinig kong sigaw ni Angelina mula sa malayo ngunit hindi ko siya pinansin.
Itinaas ko ang aking dalawang kamay upang muling subukang kontrolin ang lupa at gumawa ng bagong daan. Tumakbo muli ako papunta sa aking lola at nang mahawakan ko ang kanyang kamay ay hinila ko siya agad papalapit sa akin bago pa tuluyang bumigay ang lupang kinatatayuan niya.
"A-Amaia, apo..." umiiyak na sabi niya kaya napatulo rin ang luha ko. Marahan ko siyang inalo at niyakap nang mahigpit.
"Shh... Nandito na ako, Inang. Ilalabas kita rito nang ligtas, ipinapangako ko."
"Dumating na... Dumating na ang araw," pabulong na sabi niya na siyang ikinabigla ko, hindi dahil sa hindi ko maintindihan ang tinutukoy niya, kun'di dahil alam kong tinutukoy niya ang araw na nakasaad sa propesiya.
"A-Ano pong araw?" tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lamang siya nang malungkot sa akin.
Mabilis kong pinasan si Inang sa aking likod at nagsimula na muling tumakbo paalis sa Battle field. Bawat hakbang ko ay gumagawa ako ng lupang maaari kong daanan. Tagaktak na ang aking pawis dahil sa pagtakbo at pagkontrol ng aking kapangyarihan. Ramdam ko ring unti-unti nang nauubos ang aking lakas dahil sa labis kong paggamit ng kapangyarihan ko ngunit ang tanging tumatakbo sa isip ko ngayon ay kailangan kong mai-alis dito ang aking lola.
Dahil sa panghihina ay napatigil ako saglit sa pagtakbo at napahawak sa aking dibdib. Nahihirapan na akong kontrolin ang lupa at nanlalabo na rin aking paningin. Hinigpitan ko ang kapit ko sa aking lola at sinubukang tumakbo muli.
"Amaia! Pumunta na kayo rito ni Inang! Dadalhin namin kayo sa isang ligtas na lugar!" Napaangat ang tingin ko nang marinig ang tinig ni Louisse. Ipinagpaliban ko muna ang sama ng loob ko sa kanya at mas nilakasan ang aking loob upang makapunta sa kanilang kinaroroonan ngayon si Inang. Mas mahalaga para sa akin ngayon ang kaligtasan ng lola ko kaysa nararamdaman ko.
Ilang hakbang na lang ay makakapunta na kami sa kinaroroonan nila Angelina at Louisse kaya naman pilit ko pang pinatatag ang sarili. Itinaas kong muli ang isa kong kamay at sinubukang gumawa ng daan para sa amin. Hinigpitan ko ang kapit kay Inang at nagsimula na muling maglakad ngunit isang hakbang ko pa lamang sa daang nilikha ko ay bumigay na ito agad kaya mabilis kong binitiwan at itinulak si Inang papunta sa kabila. Napakapit agad ako sa lupa at sinubukang kontrolin ito ngunit maliliit na bato na lamang ang aking nagagawa dahil ramdam kong ubos na ang aking lakas.
"Amaia!" rinig kong sigaw nilang tatlo habang nakatingin sa akin.
"Kumapit ka nang mahigpit! Tutulungan ka naming umangat!" nag-aalalang sabi ni Angelina.
"Apo..."
Napatingala ako sa maamong mukha ng aking lola na nailigtas ko mula sa pagkakahulog kasama ko. Ngumiti ako sa kanya nang matamis upang mapawi ang pag-aalala sa kanyang mukha. Naramdaman ko ang unti-unting pagkalas ng aking kamay mula sa pagkakahawak kaya tumingin ako muli sa aking lola. "Patawad, Inang... Paalam."
Ipinikit ko na ang aking mga mata at hinayaan ang sariling mahulog sa malalim at madilim na bangin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top