Kapitulo VII - Trust

"As we all know, Sanctum Academy is a school built in Camp Sunne for people or students with special abilities. It is the home of the protectors or guardians of Kingdom Galaxias," ani Mrs. Dela Vega, ang aming propesor sa History class.

Ilang linggo na ang nakalipas simula noong nangyari ang kaguluhan dito sa Sanctum Academy at nakapagtatakang naging tahimik ang mga nakatataas ukol sa nangyari. Wala rin akong narinig na salita mula kay Tita Carol na nagsabing kakausapin niya ang prinsipe tungkol doon. Hindi ko na rin mahagilap si Princess Aliscel at Prince Neraios dahil wala sila sa kanilang tahanan.

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong huli naming pagtatalo ni Santhe. He became quieter than usual... and less nosy, I guess? He's been on top of his game every time we'e training our abilities and defenses. Tuwing umaga ay madalas ko rin siyang nakikitang nag-eensayong mag-isa sa Battle field. Sa tuwing nagtatama ang aming tingin ay siya palagi ang unang umiiwas pati na rin kapag nagkakasalubong kami sa hallways.

"Ms. Miranda!" Mabilis akong nabalik sa reyalidad nang dumagundong sa buong silid ang galit na boses ng aming propesor. "Would you like to share your thoughts with us? Mukhang ang lalim yata masyado kaya mukhang nalulunod ka na riyan?"

"I... I'm sorry, Ma'am." Bumagsak tingin ko sa aking mga kamay nang biglang bumaling sa direksyon ko ang paningin ni Santhe. Pakiramdam ko ay ang dami kong nagawang mali para tingnan niya ako ng gan'yan.

"Amaia..." Napabuntong-hininga ako nang marinig ang pabulong na tawag sa akin ni Louisse. "Is there anything wrong?" Ipinatong niya ang kanyang kamay sa mga kamay kong nanginginig at sinubukang pakalmahin ito.

"I-I'm fine, Louisse. I just need some space..." Mabilis akong tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng classroom. Pagkalabas pa lang ng silid ay napasandal agad ako sa pader sa aking gilid at huminga nang malalim.

Nang kumalma ay nagsimula na akong maglakad patungo sa North wing. Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay at hinawakan ang malamig na rehas ng gate ng restricted area. Pinadausdos ko ang aking palad pababa sa rehas at sinundan ito ng tingin. Bumuntong-hininga muna ako bago itulak ang gate at pumasok sa loob.

Sa tuwing mabigat ang aking mga iniisip ay madalas ko itong puntahan upang magpalamig. Dito sa restricted area matatagpuan ang Labyrinth ng Sanctum Academy. Hindi pinapayagang makapasok dito ang mga estudyanteng hindi bahagi ng Class A. Lately, nailagay na rin bilang bagong patakaran ng paaralan na ipagbawal na rin ang mga Class A at kahit sinong walang sapat na kakayahan but I earned myself a limited ticket to this restricted area for the sake of having my not-so-useful-in-battle Solar magic. Dito kasi sa Labyrinth nagsisimula ang enerhiya ng araw na siya nagpapatakbo at nagpapanatili sa kapayapaan ng aming paaralan.

Habang naglalakad papasok sa maze ay napatingala ako sa mataas na sikat ng Haring Araw. Itinaas ko ang aking kamay at itinapat sa kalangitan. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang enerhiyang dumadaloy mula sa aking katawan patungo sa araw. Nang maramdaman ang pag-iisa namin ng Haring Araw ay iminulat kong muli ang aking mga mata at ngumiti.

"Please give me more strength to protect my beloved sanctuary... I need you," pabulong na sabi ko bago huminga nang malalim at naglakad na palabas ng maze.

Nang makalabas sa Labyrinth ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa classroom ng History class ngunit bago pa man ako makarating sa Right wing kung saan nakatayo ang building ng mga classrooms ay napatigil ako nang makita ang isang babaeng nakahalukipkip habang nakatingin nang diretso sa akin.

Napairap ako at napabuntong-hininga. Wala ako sa mood makipag-away ngayon kaso mukhang swerte yata talaga ako at nakasalubong ko pa ang babaeng ito.

"Look who's here..." panimula niya bago umayos ng pagkakatayo. "Hello there, my friend!"

Ngumisi ako sa kanya. "Hi, BFF! Long time no see!" sarkastikong bati ko sa kanya pabalik bago nilagpasan siya ngunit hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang nakakainis niyang boses mula sa aking gilid.

Hinarangan niya ako at bahagyang tinulak kaya napaatras ako. Napasinghap ako at pinigilan ang sariling manakit. "How's my gift? Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong niya sa akin.

Saglit na napakunot ang noo ko ngunit nang may mapagtanto ay tinitigan ko siya nang masama. Mabilis kong hinablot ang kwelyo niya at marahas siyang hinila papalapit sa akin. "So you're the one who gave me that box?! Ano bang problema mo sa akin, Elise? I told you to back the fuck off!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya.

Humagikgik siya dahil sa naging reaksyon ko. "Woah! Chill, my friend!"

"Stop playing games with me! Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo, Elise, kaya kung ano man ang intensyon mo ay wala akong pakielam—"

"I'm just concerned with you, Amaia—"

"Well, thank you but I don't fucking need your concern," mariing sabi ko bago marahas na binitiwan ang kanyang kwelyo at huminga nang malalim.

Nanginig ang aking mga labi dahil sa galit nang bigla siyang humalakhak nang malakas. "Why are you pouring it out on me when you should be pouring it all out on someone else whom you trusted but chose to betray you?"

"W-What the hell are you talking about?" iritadong tanong ko sa kanya.

She smirked. "You're so oblivious, Amaia. You seem to trust everything you see without knowing the story behind it. Nakakaawa ka naman."

Awtomatikong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?

"Or maybe you're just too dumb dahil masyado mong inuuna ang pakikipaglandian kay Chrysanthe?"

"You don't know anything," I hissed. Nilagpasan ko na siya at nagsimulang maglakad papalayo. As expected, wala talagang kwentang kausap ang isang 'to!

"Well, unfortunately, I know EVERY damn thing you've been dying to know, Miranda. You should be thanking me for offering you a small bite of the truth," aniya bago humalakhak. "Kaso mukhang ayaw mong malaman kung ano ang lahat ng baon ko so I guess I should just keep all of these shits to myself, then?"

Muli ko siyang hinarap at tinitigan nang diretso ang kanyang mga mata. Walang bahid ng pagbibiro ang ekspresyon na nakabalatay sa kanyang mukha habang nakatingin din sa akin.

"Why do you even care about me now? It's not like I would help you out para mapalapit kay Santhe." Napahalakhak siya dahil sa sinabi ko.

"Well, good for you because I don't need your help to get him. I have my own ways..." nakangiting sabi niya sa akin kaya napairap ako. "Besides, I'm here to help you find out about what happened," seryosong dagdag niya na siyang nakakuha sa atensyon ko.

Napabuntong-hininga ako. "Anong alam mo?" seryosong tanong ko sa kanya na siyang nagpaangat sa isang gilid ng kanyang labi.

"I told you to be careful of who you trust, Amaia. Hindi mo alam baka isang araw, mawala na lang sa'yo lahat ng pinakainiingatan mo."

"And you expect me to believe you easily? I can't trust you either!" iritadong sabi ko sa kanya.

"I don't need your trust either. Look, I'm just warning you—"

"Then, go straight to the point, Elise! Hindi ko kailangan ng kahit anong paliwanag mo at ng concern mo! Ang katotohanan ang kailangan ko!"

"Easy..." natatawang sabi niya ngunit agad ding sumeryoso. "Hindi propesiya ang nagdulot ng kaguluhang iyon. It was all planned! Mayroong nagplano nitong lahat at mayroon siyang kanang kamay sa paaralang ito."

Kanang kamay? Ibig sabihin ay may nakapasok na espiya sa paaralang ito? Sino? At sino ang nag-utos sa kanya?

"And you wanna know who the accomplice is?"

"Sino?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Her sister is a traitor of Dauntless Academy. No wonder she's a spitting image of her sister." Nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin at mang makalapit ay ipinatong niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking balikat. "It's for me to know and for you to find out, Amaia... You've been warned," pabulong na sabi niya sa aking tainga bago ako nilagpasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top