Kapitulo II - Transferee

"Ms. Michelli." Napatigil kami sa pagk-kwentuhan ng aking kaibigan na si Angelina nang may tumawag sa kanya mula sa pintuan ng classroom. Gulat kaming nagkatinginan muli ng aking kaibigan nang makitang si Ms. Jezreel Avila iyon– ang propesor namin sa Chemistry class. Agad siyang tumayo at lumapit sa aming guro dahil mukhang may mahalaga itong sasabihin sa kanya.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng silid-aralan para sa Technology class. Kataka-takang wala pa rin ang aming propesor na si Sir Coronado dahil madalas siyang pumapasok nang maaga bago ang oras ng klase. Ngayon ay lagpas sampung minuto na ang nakalipas kaya naman naghihinala na kami na baka nga absent siya.

"Oh, anong sinabi ni Ma'am Avila sa'yo? Hindi raw siya magkaklase mamaya sa Chemistry?" pabirong tanong ko kay Angelina nang makabalik siya sa aking tabi.

Napanguso at napairap siya agad dahil sa sinabi ko kaya naman napahalakhak ako. Nanatili siyang nakatayo sa aking tabi bago tumikhim nang malakas na siyang nakakuha ng atensyon sa lahat ng nasa loob ng silid. "Guys, hindi raw muna makakapasok ngayon si Sir Coronado dahil mayroon daw silang importanteng meeting sa opisina. Bukas na lang daw siya magdi-discuss kaya puwede na raw tayong umalis," anunsyo niya sa buong klase.

Hindi pa man natatapos magsalita ang aming presidente na si Angelina, naghiyawan na ang karamihan sa tuwa at nag-uunahan pang makalabas ng silid ang iba. Napapalakpak naman ako sa tuwa dahil mahaba ang magiging vacant time namin kaya naman hinila ko na agad ang aking kaibigan palabas ng silid.

"Nasaan ba si Louisse?" tanong ni Angelina sa akin habang naglalakad kami sa hallway.

"Hindi raw muna siya makakapasok ngayon. Naaksidente raw kasi 'yong papa niya sa pagpalaot sa dagat kahapon," malungkot na sabi ko habang tinatanggal ang dark green coat kong suot na tanda ng pagiging bahagi ko ng Class A. Isinabit ko ito sa aking kanang braso. Itinupi ko ang parehong manggas ng suot kong white long sleeves hanggang siko. Gano'n din naman ang ginawa ni Angelina dahil alam kong parehas kaming naiinitan dulot ng tirik na tirik na Haring Araw ngayong hapon.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa aming dalawa dahil sa aking sinabi tungkol kay Louisse ngunit bago pa kami makarating sa Lower wing ay binasag na muli ni Angelina ang katahimikan. "Teka nga lang! Bakit ba tayo papunta sa Lower wing?"

Napataas ang isang kilay ko dahil sa tanong niya. "Nagugutom ako, bakit?" mataray na sagot ko sa kanya.

Humalukipkip siya at napapailing na tumitig sa akin. "Kakakain lang natin bago pumunta sa classroom, tapos sasabihin mo sa aking nagugutom ka na naman?!" histerikal na sabi niya kaya napairap ako.

Pagkabukas ko ng pinto ng Cafeteria ay napalingon sa amin ang ilang mga lower classes at napatigil sa pagkain. Hindi ko sila dinapuan ng tingin at dire-diretsong naglakad papunta sa counter ngunit bago pa ako makalapit doon ay bigla akong natalisod sa isang paa at napabagsak sa sahig. Mabuti na lang at mabilis kong naitungkod ang aking kamay kaya hindi ako tuluyang napasubsob sa sahig.

Nakarinig ako ng malalakas na hagikgikan sa aking tagiliran kaya inangat ko ang aking tingin sa kanila at isa-isa silang sinamaan ng tingin. Napatigil sila agad at napaiwas ng tingin sa akin. Napadpad naman ang tingin ko sa babaeng nakahalukipkip habang nakatingin pababa sa akin at sa tingin ko ay siya ang tumalisod sa akin gamit ang kanyang paa kanina.

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Unti-unting pumalibot sa amin ang mga estudyanteng chismoso kaya naman naging big deal na ang eksenang ginawa ng eskandalosang babaeng ito. Tinapunan ko ng malamig na tingin ang babaeng nasa harap ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lamang nakita ang kanyang mukha dito sa campus at pati na rin sa buong rehiyon kaya sa tingin ko ay bagong lipat lamang siya dito sa Camp Sunne at pati na rin dito sa Sanctum Academy. Napansin ko rin ang suot niyang blue green coat na simbolo ng pagiging bahagi niya sa Class B.

"Oh, bakit ang sama mo makatingin?" mataray na tanong niya sa akin bago ngumisi nang nakakaloko. "I am Elise Athena Klein from Class B. Lower your eyes, bitch. You should know your place."

Pinanatili kong kalmado ang sarili habang nakatingin nang blangko sa kausap kong mukhang baguhan. "Bakit mo ako tinalisod? May problema ka ba sa akin?" malamig na tanong ko sa kanya.

'Huwag mo akong pairalan ng ka-'atichoda'-han mo dahil mas ma-attitude ako sa'yo,' sabi ko sa aking isip ngunit pinanatili ko lamang ang kalmadong ekspresyon ng aking mukha.

"Wala lang, naalala ko lang na ikaw 'yong babaeng kumausap kay Santhe kanina sa may Battle field," aniya bago tumawa kasama ang mga alipores niyang nakasuot ng makakapal na make-up. "Pathetic. You think he'll like you dahil lang sa paghahamon mo ng gulo sa kanya?"

I scoffed. "You like that jerk?" I looked at her with disbelief. Bakit nga ba may nagkakagusto sa hambog na iyon? Ang daming mas deserving sa spotlight!

Sumeryoso muna ang kanyang mukha bago pinagtaasan ako ng isang kilay. "Oo, bakit? Ano namang pakielam mo?" pagtataray niya.

"And you think he'll like you dahil lang sa pambubully mo sa mga taong kumakausap o lumalapit sa kanya?" Humalakhak ako nang malakas bilang panunuya sa kanya. "Hell no," mariing dagdag ko.

Kitang-kita ko ang umuusbong na galit sa kanyang mga mata at ang bilis ng kanyang paghinga. Tinago ko ang coat ko sa likod ng aking palda. Kapag nalaman ng batang 'to na Class A ang kinalaban niya, iiyak 'to sa 'kin. Kawawa naman.

"Amaia, tama na... Umalis na tayo," pabulong na pigil sa akin ni Angelina.

"And who do you think you are to say that?! Ang ayoko sa lahat ay 'yong feeling entitled at feeling maganda!" Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago ibinalik ang mapanlait niyang tingin sa akin.

Napangisi ako sa sinabi niya. "You mean... 'you'?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

She gritted her teeth as she looked at me. Mukha siyang tigreng nagwawala sa galit dahil lang ipinagpalit sa mas magandang tigre ng kanyang amo. Kayo na ang bahalang magdecide kung sino 'yong mas maganda.

"How dare you—" Mabilis kong sinalo ang kanyang kamay na balak niyang isampal sa mukha ko. Kalmado pa rin ang ekspresyon ng aking mukha ngunit mariin ang aking pagkakahawak sa kanyang pala-pulsuhan. I smirked.

"No, Ms. Class B student... How dare you," mariin kong sabi sa kanya bago marahas na binitiwan ang kanyang pala-pulsuhan pababa. "Transferee ka lang 'no? Bagong lipat ka lang dito sa Camp Sunne?"

Bakas ang bahagyang pagkabigla sa kanyang mukha. "H-How did you know that?!"

"Anong akala mo sa akin, tanga?" Napangisi ako nang nakakaloko nang may mapagtanto. "Hmm, teka! Ikaw ba 'yong lumipat mula sa Camp Lunaticus? 'Yong transferee mula sa Dauntless Academy?" kunwaring namamanghang sabi ko.

Bakas ang pagkalito at gulat sa kanyang mukha. "S-Sino ka ba?! Bakit ang dami mong alam tungkol sa akin?"

"Aw, no wonder. Kaya ka siguro pinalipat dito kasi sawang-sawa na sila sa ugali mo 'no?" pang-aasar ko pa sa kanya. "Huwag mong dalhin ang ugali mo dito. Hindi 'yan uubra sa amin."

Kitang-kita ang pagpupuyos ng kanyang dibdib dahil sa galit. "Shut the fuck up!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin.

I smirked. "No, you should be the one to shut the fuck up. Ano nga ulit 'yong sinabi mo kanina? Ayaw mo sa lahat ay 'yong feeling entitled at feeling maganda? Ako naman, ang ayoko sa lahat..." Lumapit ako sa kanya at inilapit ang aking bibig sa kanyang tainga. "...ay 'yong mga hindi muna inaalam kung sino ang binabangga nila."

Napaatras siya nang ilang hakbang palayo sa akin. Nginitian ko siya nang matamis bago binuklat ang aking coat at pinagpag sa harapan niya. Nakasunod ang lahat ng tingin ng mga nakikiusyoso sa amin sa dark green kong coat habang isinusuot ko ito. Dahan-dahan ko pa itong inayos bago pinasadahan ng daliri ang aking buhok upang mas lalo pa silang asarin. Sa loob-loob ko'y gustong-gusto ko nang humagalpak ng tawa dahil sa mga hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mga mukha nila.

"I am Amaia Maxine Miranda from Class A. Lower your eyes, bitch. YOU should be the one to know your place," panggagaya ko sa sinabi niya kanina habang nakatingin nang diretso sa mga mata niyang tila gusto nang umiyak. Kinindatan ko siya sa huling pagkakataon bago ako pumihit paalis.

Sakto namang pagkaharap ko ay nakita kong kakapasok lang ni Santhe sa Cafeteria. Napaismid agad ako at hindi na napigilan ang pag-irap sa kanya. Bago ko pa siya malagpasan ay hinawakan niya agad ang aking braso at pinigilan. "What happened?" seryosong tanong niya sa akin.

I mentally rolled my eyes at his question. "Try to discipline your fangirls and tell them to stop annoying me like I am your girlfriend. It's not funny anymore, Chrysanthe," mariing sabi ko.

Mabilis kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking braso at naglakad na palabas ng Cafeteria. Nawala na tuloy ang gutom ko, kainis!

"Out of all his fangirls, she is the most daring and definitely the most annoying of them all!" iritadong reklamo ko kay Angelina. Humagalpak lamang siya ng tawa dahil sa sinabi ko at ikinwento niya sa akin kung gaano niya kagustong tumawa habang pinapanood kami kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top