Chapter Twenty-Five
I'm baccccck!
------------
CHAPTER TWENTY-FIVE
ILANG minuto rin kaming nakatayo sa veranda bago pumasok sa loob ng silid. Umupo ako sa gilid ng kama. Pinanood kong maghubad ng pang-itaas si Kazimir, pumasok ito sa isang pinto na sa tingin ko ay walking closet at ang katabing pinto ay sa tingin ko'y ang banyo.
Humiga ako sa kama at nanlaki ang mga mata. Maka-ilang ulit kong hinaplos ang kama. Gosh! The mattress is so soft and comfortable. Dala na rin na walang tulog nang nakaraang gabi ay mabilis akong tinangay ng antok. Bago ako tuluyang lamunin ng dilim ay naramdaman kong umangat ang katawan ko.
"Sleep tight, dove."
Nang magising ako ay madilim na sa labas. The blinds are down and air conditioner is still running. Kaya pala ako giniginaw. Agad kong hinanap si Kazi ngunit wala siya sa loob.
I turn off the AC before I went to the bathroom. I checked myself in the mirror first then I stopped when I saw something on my neck. Itinagilid ko ang leeg ko para makita 'yong mabuti. My eyes widened when I realized it's a hickey!
Inilapit ko pa ang leeg ko sa salamin. Pulang-pula ang maliit na 'yon. Meirda! Nakakahiyang makita nina Aling Lupe na may ganito ako sa leeg at baka kung anong isipin nilang pinaggagawa namin ni Kazi.
Pagkatapos kong tingnan 'yon ay pumasok ako sa shower para maligo, after that ay lumabas akong nakatapis lamang ng tuwalya sa katawan at may isang towel na pinamumunas sa buhok ko. Habang nasusuklay ako ay biglang bumukas ang pinto, there I saw Kazi wearing a khaki shorts and white tee with sunglasses on. Napatigil ako sa angking kakisigan ng binata.
He pull down his sunglasses, sapat lang para magtama ang mga mata namin. His eyes look in my body and then my face.
"Sakto, dove. I was about to wake you up," he said.
Ibinaba ko ang suklay at nakalabing humarap dito. Ipinakita ko sa kanya ang leeg ko.
"Sira ka! You put a hickey on me!"
Tumatawang lumapit siya sa 'kin. Ipinalibot ni Kazi ang matigas niyang braso sa bewang ko para hapitin ako.
"Why, that's bagay naman ah."
Pinandilatan ko siya ng mata. Akala mo kung sinong inosente, ah.
"Anong bagay? Aling Lupe and other people will see this! Ano na lang ang sasabihin nila, 'di ba?" nag-aalalang turan ko pero mukhang kay Kazi ay walang kaso iyon.
Lumapit siya sa 'kin at hinapit ako sa bewang. He kissed my head before smiling widely at me.
Napanguso ako. Naiisip ko pa lang na makikita 'to ng mga kasama namin sa bahay iisipin nilang gumagawa kami ng kalokohan ni Kazimir.
"Don't pout your luscious lips, my dove. Besides, my mark looks good on you," he said with confidence.
Inirapan ko siya. "Anong maganda dito, Kazi? Nakakahiya!!" Binitawan ko ang hawak kong suklay at pinakita sa kanya ang leeg ko. "Tingnan mo nga!! Kitang-kita!" asik ko.
Muli kong inayos ang buhok ko para matakpan iyon pero para kay Kazimir ay wala lang. Sinubukan kong kumawala sa matigas niyang braso ngunit nabigo lang ako. Mas lalo niya kasi akong hinapit dahilan para mapasandal ako sa katawan niya. I can smell his mabangong amoy.
He smells so manly.
Tiningala ko siya. His jaw and pointed nose, damn! Ang swerte ng makakakuha ng genes niya. Gusto mo ba ikaw?
Nag-init ang pisnge ko sa naisip kong iyon. Ano ba 'yan, Malaya!
"Care to share what's running with that pretty head of yours?" bulong ni Kazi na nagpabalik sa 'kin sa reyalidad. Magkapantay ang mukha naming dalawa kaya madali lang nagtama ang mga mata namin.
Nanlambot ang mga tuhod ko ng masalubong ang abo nitong mga mata. God, this man really have an exquisite fair of eyes.
I mentally slap myself for being too obvious I'm into him, but I can't help it. Parang nakikita niya ang buong katauhan at kaluluwa ko sa paraan niya ng pagtingin. Napalunok ako.
"N-nothing."
Then he smile a bit, kaya ngumiti rin ang mga mata niya na mas lalong nagpaganda dito. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Then, let's go outside to eat. Aling Lupe grilled seafood for us." He pulls me outside the room, and I go without a fight. Na-realize ko na lang ang nangyayari ng makalabas kami sa bakuran nito kung saan kitang-kita ang malawak na karagatan, at nagkikilapang langit at matayog na buwan.
The cold breeze hugs my body, I hugged myself.
Huminto kami sa tapat ng isang kahoy na lamesa kung saan nakalagay ang mga inihaw na pagkain. There are prawns, fish and crabs. Mayroon ding corns and a yellowish orange na side sauce.
Tumaas ang kilay ko ng mapansing nakapatong lamang ang mga iyon sa dahon ng saging. Napakamot ako sa noo ko.
"Bakit walang plato?" tanong ko.
Inlalayan niya kong maka-upo. Umuusok pa ang kaning nakahain.
"This is a boodle fight, dove. Everyone will eat in the banana leaves and share the food with other people," he explained.
"Ahhh!" I nod. "Naiintindihan ko na. Sinong kasabay natin ngayon?" Tumingin ako sa paligid pero no one else is here naman. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Dove, think of this as a romantic candlelight dinner. Well, remove the fancy restaurant theme," pabiro nitong sabi.
Awwwww, Kazi is starting to become a sweet man! Gusto ko siyang panggigilan pero dahil pakiramdam ko'y ayaw niyang madalas siyang hinahawakan ay nagpigil ako.
"You're so sweet, Kazi! Thank you so much!"
"Welcome, dove. Dig in!"
Without a second thought ay kumuha ako ng isang hipon at kumain. Our dinner is not inside of the fancy restaurant; or cooked by the best chef in the world but it with him everything feels so perfect.
This is so perfect.
*****
THE dinner went well. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya akong maglakad-lakad sa dalampasigan. We're walking side by side habang nababasa ng malamig na alon ng tubig ang paa naming dalawa. While we hold our slippers. Tahimik lang kami.
Tumikhim ako.
"Matagala na ba sa 'yo itong isla?" tanong ko.
"Yeah. I got this when I was twenty-three or four years old."
Nanlaki ang mga mata ko, then ang tagal na nga sa kanya dahil nasa thirties na siya ngayon.
"Wow. Mabuti naman at naalagaan nila itong mabuti. As far as I can see hindi open ang isla sa mga turista," puna ko.
Tumango ito.
"Yeah. We want to keep it private for personal use only; pang mga kakilala lang. Our friends can invite their friends and bring them here, as long as mapapanatiling malinis ang isla," aniya.
I can understand kung bakit nila gugustuhing maging private na lang ito or semi-private island, kapag kasi na-open sa public ay pwedeng masira lang 'to.
"Other than that we want this privacy to do anything we want," aniya at kumindat. Nagulat ako ng agawin niya sa 'kin ang hawak kong sinelas para ihagis 'yon sa buhanginang malayo sa 'min.
"Puro ka talaga kalokohan!" natatawang ani ko ng humarap siya sa 'kin. Pero ang loko ay nginisihan lang ako pagkatapos lumagpas sa balikat ko ang tingin niya. Agad akong napalingon at nakita ko ang malamig na dagat. Pinandilatan ko siya ng mata dahil alam ko ang ngising iyon.
"No! Don't you ever—AHHHHHH!" I wasn't able to finish nang buhatin niya ako parang isang sako ng bigas.
"NOO! IT'S COLD! KAZIII!" hindi ko na napigilang magsisigaw at magkakawag ng mag-umpisang maglakad sa dagat.
Tinawanan niya lang ako at sabay niyang ihinagis ang mga katawan namin sa malalim na parte. In that moment, I was able to get away from his grasp. I swim up para makakuha ng hangin. Napatingin ako sa malayong dalampasigan at sa malawak na karagatan.
Napangiti ako at dinama ang malamig na tubig. I let my body float and I looked in the sky. Nagniningning iyon dahil sa mga bitwin. Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang tubig. Napakakalmado.
"The sky is beautiful, isn't?" nakangiting tanong ko before ako dumeretso.
"Yeah . . ." paos na sagot ni Kazi, at nang lumingon ako sa kanya ay napansin kong nasa akin nakatuon ang mga mata niya.
Natigilan ako, lalo ng hawakan niya ako sa bewang at hapitin palapit sa kanya. Kahit na napapalibutan kami ng malamig na tubig ay ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng katawan ni Kazimir. Hinawakan ko siya sa braso.
"You are so beautiful," bulong niya.
"And you are so beautiful, too, Kazi . . . inside and out," ganti kong ani habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. He smiled without humor na para bang isang kasinungalingan ang binitawan ko.
"Hindi mo pa ko ganoong kakilala, Malaya . . . nagkakamali ka sa sinabi mong inside," seryosong aniya.
Lumambot ang tingin ko sa kanya. Inangat ko ang kamay ko para haplusin ang pisnge niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Tipid ko siyang nginitian.
"Then, make me know you more. Be open more, Kazi. I wanted to know you."
He started to carries my face. Like he is memorizing it.
"If I do that, will I get to know you, too?" aniya na nagpatigil sa 'kin. Tipid niya akong nginitian. "Dove, I'm born yesterday, I know that you're keeping a secret from me. Ayoko lang pangunahan ka dahil gusto kong maging open ka sa 'kin."
Humiwalay ako sa kanya. napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Oo nga naman. Makakapagtayo ba siya ng isang malaking kompanya kung hindi siya matalino.
"I know you don't came from a poor family. Accent mo pa lang, Malaya, you sound like Greek."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"You can trust me, Malaya. That's where relationship starts."
Para akong sinuntok sa sikmura dahil do'n. Oo nga naman. Paano kami makakapag-start ng relasyon kung walang trust sa pagitan namin.
I let a sigh.
"All I can say is everything is real. I'm keeping a secret for everyone's safety. Please, trust me." Kinuha ko ang kamay niya. "Ayoko lang kayong mapahamak." Lalo na kapag nalaman ni Papa at Makisig ito. Pwede nila kayong saktan just to make me follow them.
"Please, just once be open with me. Does your name is real? Or just fake?" Kinuha ni Kazimir ang kamay ko at hinawakan iyon.
"Y-yes . . . my name is really Malaya. My mom is a Filipina, she love the Philippine so much that she named me after a beautiful word. Freedom."
Hinila niya ko palapit sa kanya para ikulong sa isang mahigpit na yakap. Gumanti ako ng yakap sa kanya.
I feel so safe with him.
"Open up when you can, dove. I'm ready to listen." He kissed my head.
******
NANG magising ako ay mag-isa na lang ako sa kwarto. Mataas na rin ang sikat ng araw kaya alam kong magtatanghali na. Bumuntonghininga ako at bumangon.
Hindi mawaglit sa isip ko ang nangyari kagabi sa dagat. Lahat ng pinag-usapan namin ay tumatakbo pa rin sa isip ko. Tama rin kasi ito. Matalino si Kazimir, mapera pa. Kung gugustuhin niya'y mapapa-imbestigahan niya ako at madali niyang malaman kung sino ako. Pero until now ay hinahayaan pa rin niya ako.
What if I tell him the truth? What if I asked help?
Will he help me?
But what if ibalik niya lang ako sa mga magulang ko? Then the marriage will still go on. Sa isiping iyon ay mabilis akong napaliing. No, I can't be married in this age! Napakabata ko pa! And baka nga isang matandang kasosyo ni Papa ang ipakasal sa 'kin, 'di bale na lang.
I can lie to everyone hanggang sa ma-sure kong wala nang threat.
Inihanda ko ang sarili ko. I decided to stick with my story. Bahala na kung magtatanong siya o sila. Basta I will keep discreet.
Ngumiti ako sa repleksiyon ko sa salamin.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina. I can already smell the mabangong food. Sino kayang nagluluto? Agad akong pumasok sa loob ng kusina. I saw Aling Lupe cooking. Nang mapansin niya ang presensya ko ay agad siyang lumingon at malawak na ngumiti.
"Ay! Gudmorneng, Malaya!" masiglang bati nito.
Matamis ko siyang nginitian at lumapit. "Good morning din po! Nasaan nga po pala si Kazimir?" tanong ko ng mapansing wala ang binata sa kabahayan.
"Sumamang pumalaot para manghuli ng pananghalian mamaya. Sandali lang at ihahain ko sa 'yo 'tong almusal mo. Binilin sa 'kin ni Kaz na pakainin ka pagkagising," aniya bago muling hinarap ang niluluto.
Bumaba ang tingin ko doon, pancake.
"Alam mo ba, hija, natutuwa kaming mga taga-Isla na nagdala na si Kaz dito ng nililigawan niyang babae. Paano ba naman kasi bukod sa madalang umuwi ang batang 'yan palagi pang mag-isa kung magbakasyon. Kaya swerte ka rin sa alaga kong 'yon," natutuwang kwento nito.
Eh, paano yung mga babaeng dinadala nito sa office?
"Bakit po? Wala po bang naging girlfriend si Kazi?"
Malungkot siyang umiling. "Wala. Ang batang 'yon kasi walang ginawa kundi magtrabaho. Ang sabi naman ng apo kong babae sa 'kin chick boy daw si Sir. Halata ko naman iyon, sa hitsura pa lang nito alam na agad na maraming babaeng mapapa-iyak. At tunay nga iyan!" anito.
Nag-rewind tuloy sa isip ko yung panahong babaero pa si Kazimir. Hmp! Naalala ko kung gaano katagal sa office niya yung mga babaeng 'yon!
Asar!
Napansin siguro ni Aling Lupe ang expression dahil agad nitong binawi ang sinabi kanina.
"Pero ngayon naman ay nakikita kong nagbago na siya. Sa 'yo na lang nakatutok ang mga mata niya. At saka, tanda na 'tong pagdadala niya sa 'yo dito bilang pagbabago," pagpapagaan nito sa loob ko. "Sig, upo ka na do'n. Ihahain ko na ito."
Lumakad ako palapit sa lamesa at umupo.
"Ibig sabihin po ba ay matagal niyo ng kilala si Kazimir?" tanong ko pagka-upo ko.
"Aba, oo naman! Binatilyo pa lang iyang si Kazi kilala ko na."
"Pero ang sabi niya po ay nasa twenties na siya no'ng binili niya ang isla," nagtatakang ani ko,
"Oo nga, noon kasi dinadayo nila itong isla ng mga kaybigan niya hanggang sa pinagbenta ng unang may-ari at isa siya sa mga nakabili. Alam mo, mabait naman siya naging matigas na lang pagdaan ng panahon," anito sabay buntonghininga.
"Ahm . . . bakit po?" puno ng curiosity kong tanong.
Inilapag niya sa harapan ko ang isang baso ng gatas at pancake. Umupo pa 'to sa katabi kong upuan.
"Kasi, palaging pinapaboran ng magulang niya yung pinsan niya. Aba, mas di hamak na mabait yung si Kazimir. Masungit nga lang. Isama mo pang naghiwalay ang mga magulang niya ng tumuntong siya ng kolehiyo dahilan ng mas lalong paghihigpit sa kanya ng tatay niya. Naalala ko pa noong palaging walang tulog ang batang 'yon para lang makahabol sa pinsan niya."
"Ganoon po?"
"Oo, tapos yung nanay naman niya parang walang pake sa kanya. Sa kagandahan at kayamanan meron. Para ngang dalaga!"
Ako ang nasasaktan para kay Kazi. Hindi niya deserve ang treatment na 'yon galing sa parents niya. Like emotionally absent father and physically absent mother? What a great combination.
"Kaya nga hangga't nandito siya, inaalagaan ko talaga. Kaya sana, hija." Hinawakan ni Aling Lupe ang mga kamay ko. "Alagaan mo si Kazimir. Habaan mo sana ang pasensya mo sa kanya at intindihin siya dahil minsan kahit sobrang talino niya ay tanga pa rin."
Natawa ako sa huling binitawan ng Ginang.
Tumayo ito.
"Oh, siya, siya. Iiwanan na muna kita diyan at titingnan ko lang yung mga sinampay ko. Tawagin mo na lang ako kapag may kaylangan ka, ha?"
"Opo. Salamat po." Pinanood kong umalis ito at naiwan akong mag-isa sa kusina. Napapa-iling.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top