Chapter Twelve

CHAPTER TWELVE

MASAMA ang mood ko pagdating ko sa bahay. Deretso agad ako sa banyo para mag-shower at maalis na rin ang sama ng loob ko. Nakakainis ang babaeng dinala ni Sir kanina sa office! Sa susunod na magpunta siya sa office talagang uuwi ako ng maaga, tss.

"Oh, anyare sa 'yo?" tanong ni Liza paglabas ko ng banyo.

Humalukipkip ako. "Paano ba naman kasi may nagpuntang babae sa office tapos ang sama rin ng ugali. Muntikan na akong sampalin tapos sinabihan pa akong hinding-hindi raw ako magugustuhan ni Mr. Vasiliev dahil ang plain ko!" paghihimutok ko.

Kung alam lang ng babaeng 'yon ang sinasabi niya.

"Nako. May ganyan talagang mga tao na porke mayaman grabe nang mang-mata ng kapwa. Sa susunod kapag inaway ka ulit sampalin mo na para tumahimik," payo nito.

Napanguso ako. Sasampalin? I'm not into cat fights. Masyadong mababaw ang pagpatol sa pisikal. Masasaktan lang ako ngunit hindi pa rin no'n napatunayan na tama ako.

"Hindi ako marunong makipagpisikalan, Liza. Mas mabuti pang daanin na lang sa maayos na usapan," mahinahon ko ng ani. Lumapit ako sa lamesa at tiningnan kung may makakain ba kami, at meron naman. "Kain na tayo, Liza. Sobra akong napagod ngayong araw."

Lumapit sa mesa si Liza at umupo sa tabi ko. Tiningnan niya ako.

"Oo, kaylangan ko ng lakas para sa trabaho dahil Friday ngayon. Maraming parokyano," nakangiting anito.

"Wag ka lang magpaka-pagod sa trabaho."

"Kung pwede lang pero hindi," anito saka inabot ang ulam. "Bukas baka tanghaliin na ako ng uwi. I-lock mo na lang yung pinto pag-alis mo, ha."

Tumango ako saka naglagay ng pagkain sa plato ko. Gutom na gutom din ako dahil sa pagod sa pag-uwi. Wala pa namang masayang jeep kanina kaya ang tagal kong nakapila at naghihintay.

Ang ulam namin ay itlog at hotdog. Sinabay lang sa pagluto sa kanin dahil may stain pa ng red ang kinakain namin comes to the hotdog. Prinisinta kong ako na ang maghuhugas ng plato namin ngayong gabi para hindi na rin ma-late sa trabaho.

After all of the things na ginawa ko sa labas ay pumasok na ko sa kwarto. Binuhay ko ang electricfan at humiga sa kama. Tumitig ako sa kisame. Am I really plain? Hindi ba ko ka-gusto-gusto? Ngumuso ako.

Maganda naman ako kahit plain lang, ah. I mean . . . I don't dressed like how I do before pero wala naman masyadong nagbago. Right?

HINDI ako nakatulog ng maayos sa kakaisip sa sinabi sa 'kin ng babaeng 'yon. Panay tuloy higab ko habang nag-aayos. Ngumuso ako habang nag-iintay ng jeep. Sinilip ko ang pila. Sobrang haba pa niya.

Kinamot ko ang noo ko saka tumingala sa langit. Sa sobrang aga kong umalis, hindi pa tuluyang nagliliwanag ang kalangitan. Makikita mo pa ang buwan at iilang mga bitwin. Nanankit na ang mga binti ko.

Lumipas ang oras ng paghihintay ay may dumating na ring isa pang jeep kung saan ako nasakay. Mabilis akong nagbayad ng pamasahe at pumuwesto sa malapit sa hulihan para madali lang ding makababa mamaya.

Malamig ang simoy ng hanging tumatama sa katawan ko habang umaandar ng jeep. Ilang beses akong naghigab dahil nadadala ako ng antok. Sa sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko ay 'di ko na napigilang mapapikit ng tuluyan.

*****

"MISS. Miss. Miss. Saan ka ba bababa? Gumising ka na."

Kinunot ko ang noo ko ng maramdamang parang may yumuyugyug sa balikat ko. Mariin kong kinunot ang mata ko bago dumilat. Lumibot ang paningin ko sa paligid. Wala nang sakay ang jeep. Hinanap ng mata ko kung sino ang taong 'yon. Saka lang pumasok sa isip kong papasok ako sa trabaho ngayon.

Gulantang akong tumingin sa relos ko. Alas onse na ng umaga! Tumingin ako sa labas. Muntikan na yatang lumabas ang mata ko sa mata ng makitang na papaligiran kami ng mga jeep at wala sa tamang destinasyon ko. Mabilis akong bumaba at shock na tumingin sa driver.

"Hala! Nasaan na po tayo?" natataranta kong tanong habang nililibot ang tingin sa paligid. Wala na akong makitang isang pasahero.

Nagkamot ng ulo ang lalake, "ineng nasa paradahan ka na! Hindi ko naman napansing nakatulog ka sa likod ko! Anong oras na kasi, tanghalian na. Saan ba bababa mo?!"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Paniguaradong yari talaga ako sa Boss ko nito! Tanghali na at wala pa ako sa office.

"A-ano . . . sorry po! P-pero alam niyo ba kung saan ako makakasakay ng jeep papuntang VGC?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Diyan sa labasan. Maglakad ka lang makikita mo 'yung highway. Nagsasakay yung ibang jeep papuntang BGC," anito.

Tumango ako at mabilis na tumalikod. Halos takbuhin ko na ang labasan sa pagmamadali. Kung bakit ba kasi sa jeep ko pa naisipang mag-nap! Ayan! Nang marating ko ang labasan ay halos malula ako. Nagbibilisang sasakyan kasi ang naabutan ako.

Hihintuan kaya nila ako para ihatid sa VGC?

Tumingin ako sa kanan at kaliwa para humanap kung may kasabay ba kong tatawid pero wala. Naghanap na lang ako ng bridge pero nasa malayo. Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang pagkawala ng inis na impit.

Nag-umpisa na akong maglakad papunta sa kanang direction, lalakarin ko na lang hanggang sa makakita ako ng masasakyan ko. Mahapdi ang balat ko dahil sa pagtama ng mainit na sinag ng araw. Inis kong hinalungkat ang bag ko at hinanap ang payong, pero wala ito doon!

Gusto ko ng sabunutan ang sarili ko dahil sa inis! Sobrang kamalasan naman ang meron sa 'kin ngayon!

I'm also looking for a signage para malaman ko kung nasaan na ako pero wala naman akong makita. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Dapat masabihan ko ang boss ko na male-late ako pero paano?! I don't have a phone. But I don't have his number either. Kahit makahanap ako ng telepono ay hindi ko rin siya mako-contact.

Muntikan na akong mapatalon ng biglang may bumusina sa likuran ko. Huminto ako at lumingon. Huminto ang taxi sa tapat ko.

"Miss, sasakay ka?" tanong nito mula sa nakababang bintana.

Tumingin ako sa paligid kung may iba pa ba siyang kinaka-usap pero ako na lang naman. Bahagya akong lumapit sa kotse.

"Yes po. Sa VGC po," sagot ko.

"Osige. Sakay na."

Napangiti ako at sumakay na. Pagpasok ko sa loob, nakita ko pang binuksan ni Manong driver yung parang metro. Tumingin ako sa labas ng bintana. Sana lang pagdating ko sa opisina ay hindi ako tanggalin ni Sir.

Lumipas ang oras. Mahabang daan ang dinaanan namin na hindi pamilyar sa 'kin. Hindi ko naman yata 'to nadadaanan sa tuwing pumapasok ako sa trabaho. Siguro dahil napadpad ako sa malayo. Umupo ako ng maayos at kumalma na. Ihahatid naman ako ni manong sa VGC.

*******

"HALA?! KUYA NASAAN TAYO?!" gulantang kong tanong ng makababa sa kotse. Tumingin ako sa paligid ko. Nagtatayuyan ang mga building, mukhang high end city ang lugar na 'to.

"Ma'am, sabi niyo po BGC. Eto na po kayo. Nasa BGC," sagot ng driver. Naglakad ito ng palad sa harpan ko. "Miss, dalawang libo yung pamasahe," anito.

Nalaglag ang panga ko. "D-dalawang libo?"

"Oho. Magbayad ka na, Miss. Sa layo ba naman ng biniyahe natin hindi mura 'yon."

Malakas na kumabog ang dibdib ko. I don't have two thousand pesos in my hand. Sakto lang ang dala ko para sa pamasahe ngunit hindi ganuong kalaki. Napalunok ako at kinakabahang naglabas ng wallet. I checked it kung may two thousand pesos but I only have one.

Kinakabahan akong nagpakita ng wallet sa driver.

"Kuya, one thousand lang po yung money ko. Can you wait po tatawagan ko lang yung bos—"

Sumimangot naman agad ang lalake. "Miss, lumang style na 'yan! Magbayad ka naman ng maayos! Ka-ganda-ganda mong babae tapos sinungaling ka!" galit nitong turan.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang pagbagsak ng namumuong luha sa mga mata ko. Naghanap pa ako ng pera sa bag ko. I saw a two hundred pesos. Nilabas ko 'yon at sinama pa. Nilahad ko sa harapan niya ang pera ko.

One thousand and two hundred pesos.

"E-eto lang po talaga 'yung m-meron ako. W-wala pa po akong s-sweldo—"

"Putangina naman!" malutong na mura nito saka pahablot na kinuha sa 'kin ang pera. Mura ito nang mura. "Tanga mong babae ka! Sasakay ka na lang, wala pang pera! Bobo!" galit nitong turan sa 'kin hanggang sa makaalis.

Nakasunod ang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko sa papalayong sasakyan. Kasalanan kong hindi muna ako nagtanong kung magkano ang pamasahe. Dapat ay inuna kong magtanong para alam ko na agad.

Tanga mong babae ka!

Tanga mo!

Tanga mo!

Those words are running in my head without stop. Am I really stupid? Ang tanga ko na ba talaga?

Hindi ko na napigilan pang umiyak dahil sa kamalasang natatamasa ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at inilibot ang tingin sa paligid. Halos wala namang tao sa streets ngayon. Naglakad ako palapit sa payphone na nakita ko. Who am I going to call? Ni hindi ko alam kung saan ako magpapasundo.

Lumiko ako at nagpunta sa may staircase na bato. Umupo ako doon at napahilamos sa mukha ko.

Ang tanga-tanga mo talaga, Malaya!!!!

Gusto kong saktan ang sarili ko sa pagka-irita. Marahas akong naglabas ng hininga bago kinalma ang sarili. Huminga ako ng malalim.

I'm so stupid. So stupid!

Anong gagawin ko? I'm not familiar with this place. I don't have a phone to call Liza or my Boss. And I don't have a money para makapag-taxi. Yung kanina galit na galit na. Baka kapag ka sumakay akong walang bayad ay may gawin nang hindi maganda sa 'kin.

Isinandal ko ang ulo ko sa pader. Gusto kong magwala kakaiyak pero hindi ko kaylangan no'n ngayon. I should be strong and radical para makapag-isip ng maayos.

Tumayo ako at naglakad papunta sa establishment na nakita ko. Pumasok ako sa loob at humanap ng tauhan sa loob.

"Hello? Can I use the phone?" tanong ko sa buong lugar.

May narinig naman akong iilang yapak. Napalingon ako sa kaliwa. There, I saw a woman walking towards me. She has this bright smile.

"Yes, ma'am. What can I help you?" she asked ng makalapit sa 'kin.

Ngumiti ako. "Can I use the phone and ask you if where I am? I think I'm lost. I was about to get—"

Napalis ang ngiti ng babaeng kaharap ko. Sinimangutan niya ako kasabay ng pag-cross arm. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Nako, miss! Lumang style na 'yan! Wag kang magpaka-sossy! Hindi naman tunay! Mabuti pa, umalis ka na! Imbis na naggagala ka dito sa BGC bakit hindi ka magtrabaho nang kahit papaano may mapangbili ka ng tunay na gamit!" Tinuro nito ang pintuan. "Umalis ka na, Miss, kung hindi magpapatawag ako ng security."

Umawang ang labi ko. Did she think I'm a social climber?!

I shake my hands. "No, Miss. Gusto ko lang maki—"

"Hay na ako! Umalis ka na!!!" giit nito. Hinawakan niya ko sa magkabilang braso saka hinila palabas ng shop. She opened the door and pushed me na dahilan kung bakit ka-muntkikan na akong masubsub kung hindi ko nai-balance ang katawan ko.

Marahas akong lumingon dito. Masama pa rin ang tingin niya sa 'kin na mas lalong nagpasama ng loob ko. Ikinuyom ko ang kamao ko.

"Huwag ka ng babalik dito, miss. Cheap-cheap mo." After she said that at sinaraduhan na ako nito ng pinto saka naglakad papunta sa may counter. But her eyes never left me na para bang hindi niya ako pinagkakatiwalaan at babalik anumang sandali.

Kagat labi akong tumayo.

Tumingin ako sa paligid. There's a couple sa kabilang kalsadang nakatingin sa 'kin. With shock and pity. Napayuko ako sa kahihiyan.

I was never humiliated in my entire life! Not even once sa kahit anong bansang napuntahan ko. Tanging dito lang sa Pilipinas kung saan feeling entitled ang mga tao.

Nanghihina akong lumakad papunta sa isang upuan. Umupo ako do'n. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng palad ko. I was sweating like hell! And my tummy hurts too! Hindi naman kasi ako nag-almusal at pananghalian na. Wala akong pera . . .

Tama pa ba 'tong ginagawa ko?

Kaya ko pa ba? I can't help to asked myself. Pinagmumukha ko lang bang tanga ang sarili ko? I'm trying to live a life without my family's help but look at me . . . I'm a mess. Everything is a mess!

Hindi pa ako nakaka-isang taon nito sa trabaho ko pero mawawalan na yata ako. Ganito pala kahirap ang magtrabaho. Ibig bang sabihin ganito ring hirap ang dinadanas ng mga employees namin?

I thought magiging madali lang ang lahat pero nagkamali ako. Napasinok ako sa pag-iyak.

"Ayoko na! A-ayoko nang sumakay nang jeep araw-araw kung saan kelangan ko pang maghintay ng matagal sa p-pilahan!" mahina kong ani sa sarili ko. Bumabalik sa 'kin ang mga dinanas kong hirap nitong nagdaang araw. "I don't deserve them! Hindi ko naman gustong mapagod ng ganito!" I couldn't stop myself from sobbing. I suddenly miss my family. They never let me experience hardship in life.

Even in my OJT, hindi ako naghirap dahil naka-alalay sa 'kin ang Kuya ko. Hindi nila ako hinahayaang mapawisan, mapagod o kaya makagat ng lamok! But this life, lahat naranasan ko na. Nakakapagod! Sobrang pagod na ako!

I was crying to death when I heard someone calls my name. Tumigil ako sa pag-iyak. Dahan-dahang nagpunas ng pisnge. I think I was hallucinating. Nakakarinig na ako ng boses na tumatawag sa 'kin.

"Malaya!"

Ganito ko na ba gustong mahanap at nagha-hallucinate na ako? Dala ba 'to ng gutom?

"Fuck! Malaya Vallero! What the hell are you not looking at me?!" Someone shouted from behind.

I'm not dreaming!

Mabilis akong lumingon sa pinanggagalingan no'n. Kahit nanlalabo ang mga mata ay naaninaw ko pa rin ang galit na pigurang nakatayo doon. I can still see his eyes that locked in mine.

"What the hell are you doing here?! You should be at office!!" Mr. Vasiliev said.

Mr. Vasiliev is here!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top