Chapter Thirty-Six
CHAPTER THIRTY-SIX
DAKILA'S P.O.V.
I'M WHISTLING while cleaning my sister's room. Kanina pa siya nakaalis kaya habang nagpapalipas ng oras bago ako umuwi nagpasya akong linisan ang kwarto ni Malaya. Well, I'm not used to do this pero napansin ko kasing parang wala na siyang oras para maglinis. Maagang aalis tapos late ng uuwi.
Una kong ginawa ay pinagsama-sama ko ang maruruming damit at nilagay sa may basket. I frowned when I noticed some of her clothes are old and parang nagamit na ng sobra. Nang buksan ko ang drawer niya ay ganoon din ang mga damit.
Sinunod kong ayusin ang mga make ups niya. Tumaas ang kilay ko. These are not branded. Halos yung iba kita na yung bakal na pinaglalagyan ng make up. Yung iba naman ay halos wala ng laman.
Biglang bumigat ang loob ko dahil do'n. She's treated like a princess in our house. She never do household chores. Her make ups and clothes are always brand new and sealed but . . . now? Malungkot kong tiningnan ang kabuan ng silid ni Malaya.
She's living in this tiny house with no air conditioner and a good mattress. There's also a lot of mosquito and cockroaches. Add the fact that the surroundings of this house smells awful.
What really happened to you, Malaya? What happened to you last year?
Umupo ako sa gilid ng kama.
Nakaya niyang tumira dito sa loob ng isang taon? Like . . . I can't believe it. I thought she have a good life. I mean, she have a lot of cards to use para mabuhay ng maayos but this is not maayos for me.
Napatingin ako sa may pinto ng bumukas ito. Sumilip si Liza na nakasuot ng pantulog nito. She told me earlier na she work at night—grave night shift that's why sa umaga siya tulog. Nagtataka man ay pumasok sa loob ng silid si Liza.
"Oh, akala ko umalis ka na. Anong ginagawa mo?" marahan niyang tanong at tumayo sa may gilid ng pinto.
Tipid ko siyang nginitian.
"Later siguro ako aalis after kong maglinis." Tinuro ko ang paligid. "It's kinda messy," natatawa kong sabi.
Nakaka-relate ding tumango si Liza at ngumiti. "Hindi maiiwasan lalo na't busy siya sa trabaho kasi."
"Hmm . . . I noticed." Tumikhim ako sabay kamot sa braso ko. "M-may itatanong ako sa 'yo pero wag mo sanang masamain."
"Gows lang."
"Ano . . . Malaya . . . n-nahirapan ba siya noong nakatira siya dito?" mahina kong tanong.
Natigilan bigla si Liza at ilang sandaling habang nakatingin sa 'kin. Dahan-dahan itong tumango.
"Naalala ko pa no'ng unang beses ko siyang makita. Pababa siya ng barko at nanakawan siya tapos parang litong-lito sa paligid niya. Halatang hindi taga rito kaya tinulungan ko. Wala pa siyang kinakain no'n kaya inaya ko. Hindi ko naman siya makayang iwan no'n kasi kawawa; baguhan sa Maynila. Maganda rin kaya kung iniwan ko siya baka may masama pang nangyari sa kanya. So, sinama ko siya dito." Ngumiti si Liza. "Kaya . . . ang sagot ay nahirapan talaga siya. Sobrang adjustment yung ginawa ni Malaya lalo na't halatang anak mayaman siya—kayo."
Natigilan ako.
"N-nadukutan?"
"Oo, like snatch—take the money gano'n," anito.
Nanlaki ang mga mata ko. "Is she hurt?"
"Hindi naman pero . . . alam kong na-trauma siya no'n. Hays." Tumayo si Liza at malungkot na tumingin sa 'kin. "Wala ako sa posisyon para sabihin 'yan pero nakwento ko lang naman sa 'yo. Pero matutulog na ako kasi kaylangan ko pang gumising ng maaga mamaya. Kapag umalis ka isarado mo ng mabuti ang pinto, ha. Paki-lock dito sa loob," ani niya bago tumalikod palabas ng kwarto.
Napahawak ako sa ulo ko.
"Shit."
Is that what happened to her when she came in this country? K-kaya ba . . . dito siya nakatira? Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto.
"She stayed in this house because she has no money and doesn't want us to learn where she is?" mahina kong tanong sa sarili.
Hindi ko na nagawa pang ipagpatuloy ang paglilinis ko dahil sa nalaman ko. I quickly get my money and my other things then leave. Habang papalabas sa labasang iyon ay panay linga ko sa paligid. People with loud voices are here, nakapalibot sa paligid. Some of them are drinking on the side na para bang tubig lang ang iniinom.
And Malaya lived here peacefully?
I want to scoff with that. Ginawa ko lang ang mga ginawa ko para makapunta dito. Sumakay ako ng jeep papunta sa hospital na pinagdalhan sa 'kin ni Malaya and I brought one of our cars. Naka-park sa parking lot. Iyon ang ginamit ko para maka-uwi sa mansion.
********
"AND WHERE have you been?"
Nilingon ko si Bayani na naka-upo sa gitna ng kama ko. Kinunutan ko siya ng noo at tumingin sa paligid.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong bago sinarado ang pinto. Ibinaba ko ang bag ko at lumapit sa computer ko.
Sumimangot si Bayani. "Don't answer me with question, Dakila. Tinatanong ko kung saan ka nanggaling. Sinong kasama mo? Makisig is asking for you, kagabi ka pa niya hinahanap."
Napapikit ako. Mabuti na lang at mabilis akong nakatalikod sa kanya kaya hindi niya nakita ang expression ko. Fuck! Makisig is looking for me? For what?
"Bakit daw?"
"I don't know. Just asked him—"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang nagkaroon ng malakas na ingay sa baba. Nagkatinginan kaming dalawa. Mabilis ang kilos na tinakbo namin palabas ang kwarto ko at bumaba sa hagdan. We're in the middle of the stairs when we stopped.
My mouth parted when I saw my father walking mighty inside our house. I heard Bayani's voice na nagpabalik sa reality.
"Papa!"
My mother hugged Papa and kissed him like what they used to do in Santorini. Then Makisig tapped my father's shoulder. Nakita kong tumakbo pababa ng hagdan si Bayani palapit kay Papa at yumakap dito. Napalunok ako.
Shit.
Papa is here!
Nanlaki ang mga mata ko ng magtama ang mga mata namin. Tipid itong ngumiti.
"What are you doing there, Dakila? Won't you hug me?" makangiti niyang tanong.
Nagpapalit-palit ang tingin ko kina Mama, Makisig at Bayani na may pagtataka sa mga mukha nila. Napalunok ako at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa kaniya. Binilisan ko ang paglakad at yumakap sa kaniya.
"Papa . . . h-how . . . why are you here?" mahina kong tanong ng lumayo ako sa kaniya.
Natawa sila sa sinabi ko. "Why are you asking me that, Dakila? Are you not happy that I'm with you now, guys? We can do island hopping or visit your mom's province." He suggested.
Hindi ako makapagsalita.
I can't . . . shit!
Nandito si Papa. It means magkakaroon ng kakampi si Makisig to find Malaya. And . . . good God. They will eventually found her dahil malapit lang kami sa isa't isa. Nasa iisang bansa na kami ngayon.
"Are you okay, Dakila? Bakit malalim ang iniisip mo, anak?" malambing na tanong ni Mama sa 'kin.
Maraming beses akong kumurap at tumingin sa kanya. Umiling ako.
"H-hindi lang po ako makapaniwala na nandito na si Papa . . . I thought matagal pa siyang dadating," mahina kong sagot.
Inakbayan ako ni Bayani.
"Be happy na nandito na si Papa, Dakila! Wag ka na mag-ask!" aniya sa 'kin. "Pwede tayong magpunta sa province. Makikilala na natin yung ibang kamag-anak ni Mama."
"He is right!"
"Oh, bago pa humaba ang usapan ay pumunta na tayo ng kusina para makakain. Sakto nagpahanda na ako ng lunch kanina," ani Mama.
Umakbay si Papa kay Mama at naunang naglakad papunta sa kusina. I saw some maids pulling my father's bags. I shrugged my shoulder at sumunod sa kanila. Dapat pala kinuha ko ang number ni Malaya. I should tell her that father is already here.
We sat on the table and eat our lunch with laughter. Actually, sila lang ang masayang nag-uusap dahil nag-alala ako para kay Malaya. I can't help it but to be scared.
"Dakila, are you really okay?"
Nag-angat ako ng tingin at tumingin kay Papa. Nagtatanong ang mga mata nito habang nakatingin sa 'kin. Bumaling ako kina Bayani, Mama and Makisig. Nakatigil din sila sa pagkain habang nakatingin sa 'kin.
Pinilit kong ngumiti saka umiling. Kinuha ko ang table napkin at nagpunas ng bibig bago mabilis na tumayo.
"Syngnómi. My head is h-hurting." Tumalikod ako sa kanila at patakbong bumalik ng kwarto ko. I locked my door and sat down in my bed.
I gulped.
What should I do now? Humiga ako sa kama. I think mahihirapan akong makalabas ng bahay dahil nandito na si Papa.
I should think a way to help her na hindi malalaman nila Papa. I don't want her to live like that. She's Malaya Vasilios. The princess. She shouldn't working in the first place.
After what I've heard when she came in this country, nagbago lahat ng pananaw ko tungkol sa kanya. Her life is never been easy. Kaya dapat tulungan ko siya. I'm such a bad brother for not helping her before. I will not do it again this time.
Napabalik ako sa reyalidad ng may kumatok sa pinto. Tinatamad akong tumayo at binuksan ang pinto.
"What was that, Dakila?! You're acting weird!" ani Bayani pagkalapit niya sa 'kin.
Lumakad ako pabalik sa kama at pabagsak na humiga. Umupo si Bayani sa gaming chair at seryosong tumingin sa 'kin. Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko malalaman niyang may secret ako.
Napanguso ako.
"I know you, Dakila. Why don't you tell me what's running in your mind and then I'll help you," aniya.
"You can't help kasi wala namang problema. Why don't you go back to your room and leave me alone," masungit kong sabi bago siya tinalikuran.
"Dakila, I'm your twin. I know something is bothering you. Tell me!" pangungulit nito.
Naramdaman ko ang paglundo ng kama. He keeps tugging my shirt para paharapin ako sa kanya. Bumuntonghininga ako at walang nagawa kundi tumihaya ng higa.
"Where have you been last night? Kaninang morning din hindi kita nakita. Saan ka nagpunta at dinala mo pa ang kotse?" parang imbetigador nitong tanong.
As if I will tell him where I have been. Edi nagalit sa 'kin si Malaya.
Tiningnan ko siya ng deretso sa mata.
"Drop it, Bayani. Wala kang mapapala sa 'kin," malamig kong sagot bago ako tumalikod. Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa mukha ko.
I heard him sigh before going out of the bed. Next thing I knew, the door opened and closed. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumihaya ulit.
Hmm . . . kung problema nila Malaya ang pera, we have a lot of them. Mabilis akong bumangon at saka lumapit sa lalagyan ko ng mga relo. Hmm. Kumuha ako ng ilang piraso. This worth more than a million. I'm sure magkakatulong ito sa kanila kapag sinanla ko ito.
Kumuha ako ng bag at nilagay doon ang mga alahas at relo. Pwedeng iregalo ko kay Malaya yung iba kaya dinala ko pa rin. Itinago ko sa ilalim ng kama ang bag para hindi nila makita. I think hindi ako pwedeng magpunta sa kanya mamaya kasi baka makita nina Mama at Papa. Sa susunod na ako dadalaw sa kaniya ulit.
Hindi natapos ang araw na hindi ako pinatawag ni Makisig sa office niya. Kinakabahan ako ng pumasok ako sa loob.
"You may sit down, Dakila. I will ask some questions," parang imbestigador nitong ani habang hindi inaalis ang tingin sa binabasang documents.
"Ahm . . ." Umupo ako sa upuan sa harapan ng table nito. "What's up?"
Doon pa lang nag-angat ng tingin sa 'kin si Makisig. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Napalunok ako.
"Where have you been last night? You're nowhere to found."
Naglikot ang mata ko sa buong silid. "Diyan lang. somewhere," tamad kong sagot.
"I want a proper answer, Dakila. Where are you? Pinahanap kita sa mga katulong sa buong bahay pero hindi ka nila nakita. So, there's a two explanation behind that. First, you're not here in our house or second, you just good at hiding." Sumandal sa upuan niya si Makisig.
Pinilit kong ngumiti. "What can you say I'm good at everything lalo na sa pagtatago. Those maids don't know that I have my bat cave at hindi nila malalaman unless sabihin ko kaya hindi nila ako nahanap," may pagkamayabang kong sabi.
That's actually true. May nahanap ako daan sa likod ng closet ko papunta sa likod ng basement kung saan merong isang maliit na office like doon. Nang tingnan ko ang entrance no'n sa basement ay may nakaharang na malaking cabinet na nagtatago sa pinto kaya hindi talaga nila makikita.
"Alam mo na may klase kayo ni Bayani kagabi pero hindi ka lumabas? Nakakahiya sa teacher niyo na nag-cancel tayo ng session. Next time you do it I will ground you. Besides, you should think about Mom—kung anong mangyayari sa kaniya kapag nalaman niyang 'di ka makita. Do you want her to suffer more?"
I sigh.
I understand where his anger is coming from. Mother was devastated when Malaya's disappearance. Kung mauulit 'yon, I'm sure double ang sakit no'n sa kanya.
"I'm really sorry for doing that. Hindi na mauulit, but you cannot push me to stay in this house. Kahit naman sa Santorini hindi ako nabuburo sa loob ng bahay lalo naman dito kung saan halos walang nakakakilala sa 'tin," paliwanag ko sa kaniya.
Tinitigan ako ni Makisig ng deretso sa mga mata bago tumango. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Okay. I'm sorry if you feel that way. I only want our family to be safe. Lalo na't wala pang idea tungkol kay Malaya," ani Makisig.
Napa-ubo ako ng sabihin niya 'yon. Nagtataka siyang bumaling sa 'kin.
"Are you okay?" tanong niya.
I nod, "y-yeah . . . do-do you have anything to say?" Umiling si Makisig. Ngumiti ako at mabilis nagpaalam. Lumakad ako palabas ng opisina niya.
Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Habang nakabukas ang ref ay napansin ko ang Chlorotiri. Isang malaking jar iyon ng cheese from goats. Malaya does love this. Tumingin ako sa paligid at ng masiguradong walang tao ay inilabas ko 'yon sa ref.
Kinuha ko ang isang basahan para ibalot ang jar. Inubos ko ang tubig sa baso ko at sinarado ulit ang ref. Patakbo akong pumanik sa hagdan at nagpunta sa kwarto ko. Sumandal ako sa may pinto ng maisarado ko ito.
Shit. This will be the death of me. Para akong ninja.
Napailing ako sa sariling kalokohan at akmang hahakbang ng may magsalita na ikinagulat ko.
"What are you hiding?!"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Bayani na nakaupo sa gitna ng aking kama. Nakatutok ang mata niya sa hawak ko.
"Share that to me!" mabilis na anito at akmang bababa ng kama ng itaas ko ang kanang kamay ko.
"No! This is nothing! Stop!" mariin kong pigil.
"Nothing pero kung makayakap ka parang aagawin sa 'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top