Chapter Thirty-One
CHAPTER THIRTY-ONE
PLEASE sana panaginip na lang 'to! Piping dalangin ko. Natatakot akong humarap at makita siya. Hindi pa ako handa.
Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. No. No. No. Hindi pwede!! Pinagpapawisan ako ng malamig at nananakit na ang dibdib ko sa lakas ng kabog niyon.
"Adelfí!"
Napapikit ako ng mariin. If I turn around, they will find me. Ibabalik nila ako sa Greece at mawawalan na naman ako ng kalayaan. I will not let that happen! Mabilis akong nagbayad sa counter at tumakbo palabas ng pharmacy.
"Skatá! Adelfí!! Fuck! Wait for me!!" I heard him shout pero mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko.
Kinagat ko ang labi ko. Shit naman, Dakila!!
"Wait!! Sister!!! Adelfí!!" I can sense that he is already breathless dahil malayo-layo na rin kami.
Nang makakita ako ng kumpol ng mga tao ay sumiksik ako sa kanila para mailigaw ang kapatid ko. Papatawid ng kalasada ang mga sinamahan ko kaya naman nakatawid na rin ako. Lumingon ako sa likod para tingnan kung naroroon ba si Dakila, and I saw him looking around na parang nawawalang bata.
"Fuck! Malaya!! Adelfí!!"
Hinahanap ako.
Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko habang nakatingin dito. He looks wasted na. Basang-basa ng pawis ang lalaki at magulo ang damit. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I can't be soft right now! Pinilit kong ialis ang mata sa kanya. Ligtas naman kaming nakatawid kaya naghanap ako ng pader na pwedeng pagtaguan.
Damn, Malaya! Pwede kang mahuli nito! sigaw ng isang bahagi ng utak ko nang magtago ako.
I know. But I cannot let him go around here. Sure namang hindi sanay sa ganitong lugar ang kapatid ko. Baka may masamang mangyari sa kanya. Titingnan ko lang siya hanggang sa umalis siya, masigurado ko lang na ligtas siya.
Parang sinasaksak ang dibdib ko habang pinapanood itong maghanap sa 'kin. Napigil ko ang hininga ko nang tumingin ng deretso ang kapatid ko sa side kung nasaan ako. Mas lalo lamang akong sumiksik sa gilid.
"Don't . . ."
Akala ko'y nakita na niya ako pero mukhang hindi naman dahil nagtitingin pa rin ito. Nagulat ako nang mag-umpisa itong tumawid kahit na naka-green na ang light sa street light.
He walked like a king!
Umalingawngaw ang malakas na busina at galit na boses ng mga taong nasa kalsada at kotse dahil sa pinaggagawa ni Dakila. He's walking papunta sa kabilang side.
Napatili ako nang kamuntikan na itong masagasaan ng isang truck! Nanlaki ang mga mata ko ng mag-umpisang magkumpulan ang mga tao sa paligid nito.
Nanghina ako.
B-baka may nangyari sa kanya!
Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at lumapit sa kumpol ng mga tao. Namamawis ang mga kamay ko't nanghihina ang mga tuhod ko. Kinagat ko ang labi ko nang makita kong naka-upo sa kalsada ang kapatid ko habang katabi ang driver ng truck.
"Hoy! Ayos ka lang ba?! Tangina naman! Kung hindi ka ba naman kasi tanga bakit ka tumawid!" galit na ani ng Driver.
Namumula ang mga mata ni Dakila-ng tumingila sa driver.
"S-sorry . . . h-hinahabol ko kapatid ko," aniya bago tinaas ang kamay.
Napatakip ako sa bibig ko ng makitang puno ng galos ang kamay niya. Oh. God! Nabundol ba siya? Saan pa siya may sugat?
"Did you s-see my sister? I-I want my Adelfí!" He started crying loud.
"Tumawag kayo ng ambulansiya!"
"Pulis muna!"
"Sino kaya yung kapatid niyan? Kawawa naman," turan ng babae sa harapan ko.
"Kaya nga! Walang awa! Mukhang baguhan lang din dito sa Manila. Baka niligaw talaga!" gatong pa nung isa.
"Tss! Mga walang kwentang pamilya! Sana man lang iniwan sa ampunan kesa pinabayaan sa kalsada!"
"Kaya nga! Tssk!"
Sari-sari pang komento ang narinig ko galing sa mga taong nakapaligid. Galit sila dahil pinabayaan si Dakila na mag-isa.
Kumirot naman ang dibdib ko dahil do'n.
Hindi ko naman siya gustong masaktan. I was just trying to get away. Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi ko na napansing may nakatingin na pala sa 'kin. Nang muli kong tingnan si Dakila ay nagtama ang mga mata namin.
His swollen eyes widened like mine. Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo. Tama na 'to! They can handle him, I hope.
"Megáli aderfí! W-wait! Ouch!!"
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig na umaray ang kapatid ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Kapag hinarap ko siya ngayon ay malaki ang posibilidad na sabihin niya sa mga magulang ko. Mahahanap nila ako!
Huminga ako ng malalim. WALK!
"A-ouch! S-stop! P-please! Megáli aderfí, perímene me, den boró na perpatíso sostá," he groan.
Motherfucker!
Dahan-dahan akong lumingon. Sobrang sakit ng dibdib ko sa pagkabog ng malakas ng puso ko. My eyes are blurred by the tears.
Umawang ang labi ko ng makita ang hitsura ni Dakila. Paika-ika itong naglalakad palapit sa 'kin. His knee are bleeding as well as his palm and arm.
Huminto ito isang dipa ang layo sa 'kin. Sapat na para makita namin ang isa't isa. Pulang-pula na ang mukha nito sa kakaiyak. There's a longing in his eyes.
I tried to speak pero walang lumabas sa bibig ko. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.
"I-It's really you . . ."
I nod silently.
"I'm not dreaming, r-right?"
"I wish this is just a dream, D-Dakila, but it doesn't," mahina kong sabi bago lumapit sa kanya. Ginulo ko ang buhok niya, inaantay kong tabigin niya ang kamay ko palayo pero nagulat ako ng pumikit siya at dinama ang hawak ko. Mas nalaglag ang panga ko ng bigla niya akong dambahin ng yakap.
Naparalisa ang katawan ko.
"I-I miss you, aderfí! I thought I will never see you again!" he cried like a baby habang yakap ko.
Dahan-dahang gumalaw ang mga braso ko para gumanti ng yakap sa kanya. We started to cry harder. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon ng inilayo ko ang katawan ko sa kanya. Tiningnan ko siya sa mga mata.
"S-sinong kasama mo?" Tumingin ako sa paligid para tingnan kung kasama niya ba si Bayani o Makisig.
"No one . . . I go out by myself kasi . . . I don't want to burden Makisig kaya ako na lang lumabas to buy on my own," he explained.
"Are you okay? May iba bang masakit sa 'yo?" nag-aalala kong tanong habang sinusuri ang katawan niya. Hinawakan ko ang braso niya at tiningnang mabuti ang mga gasgas.
"N-nothing . . . just my body and this scratches."
"Are you sure?"
"Yeah . . ."
Napahinga ako ng malalim. Tiningnan ko ang kabubuan nito. Hindi ko naman pwedeng pauwiin 'to ng ganito. Mag-aalala sa kaniya ang mga kapatid namin. Baka ma-infect din ang sugat niya if hindi lilinisin agad.
"D-do you have a car?" maybe he has one, para makapag-drive siya pauwi pagkatapos kong linisan ang sugat niya.
Malamlam ang matang umiling siya sa 'kin.
"I told you, tumakas ako sa bahay. Kasi naman nakaka-bored din. Wala akong alam kung nasaan ako. I just go to a taxi and dito ko nibaba."
Ay tanga! Mabuti't napigilan ko ang bibig kong sabihin 'yon.
Delikadong sumakay sa hindi naman niya kilala, lalo na't wala itong alam dito.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Malapit na ako sa bahay namin. Isang sakay na lang ng trike ay nandoon na ko. Nagtatalo ang isip ko kung isasama ko ba si Dakila pauwi. May tendency kasing bumalik ulit ito kung saan ako nakatira. Malalaman na niya.
Pero kaya ba ng konsensya mong iwanang mag-isa dito ang kapatid mo? You heard him, basta sumakay lang siya sa taxi, eh what if yung sunod niyang masakyan ay gawan siya ng masama? You know how hard to commute, lalo na sa mga baguhan.
Mariin akong napapikit bago seryosong tumingin kay Dakila.
"You will go home with me," I said with finality.
Dakila's face lighten and nod continuously.
*******
"WOW!! You lived here?!" manghang pabulong na tanong ni Dakila habang naglalakad kami papasok sa loobaan. He is looking around with amusement.
I sigh. Napansin ko kasing nakatingin na naman sa 'kin ang mga mosa. Ano ba 'yan, dalawang chismis sa isang araw, Malay. Wag ka na magulat kung ikaw na ang hot topic bukas.
"Oo, wag ka ngang magtitingin ng ganyan baka akalain nilang abno ka," pigil ko sa kanya bago siya hinawakan sa kamay ay hinila para mapabilis ang paglalakad namin. Halos kalankarin ko na nga si Dakila ng makita ko na ang bahay.
I was about to knock since Liza is there but nauna nang magbukas ang pinto. Bumungad sa 'kin si Liza na nakasuot ng isang manipis na spaghetti strap sando at short shorts. Magulo ang buhok nito.
"Beh! Putcha! Sobrang sakit na ng puson ko why naman so tagal?!" reklamo nito sa 'kin sabay kuha ng dala kong plastic. Inilabas nito ang hot compress saka ngumiti sa 'kin. "Hala! Thank you—"
"Aderfí, who is she?"
Sabay kaming napalingon ni Liza sa kapatid ko. Nabitawan ni Liza ang hawak na hot compress na ikinangiwi ko. Kunot noong nakatingin sa 'min si Dakila bago kusang kinuha ang nahulog at inabot sa kaybigan kong hanggang ngayon ay nakatulala sa kapatid ko.
Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon ni Liza.
"Ah . . . Liza, siya ang kapatid ko si Dakila." Nilingon ko si Dakila, "siya naman si Liza. Call her Ate too."
"Hmm. You look familiar," anito habang matiim na tumingin sa kaybigan ko.
Tumaas naman ang kilay ni Liza. "Sorry pero never pa kitang nakita sa tanang buhay ko," maarteng anito.
"Ah . . . well." Malawak na nginitian ni Dakila si Liza. "Hi, I'm Dakila! His younger brother!" Naglahad ng palad si Dakila na agad namang kinuha nila.
"Hi! S-shala!" Gulat na nagpalit-palit ng tingin sa 'min si Liza bago napatakip ng bibig. "Grabe, hindi mapapagkailang magkapatid kayo! Magkamukha kayong dalawa!!"
"Syempre, mag-siblings kami," ani Dakila.
Pinandilatan ko 'to ng mata bago tumingin kay Liza na nakangisi. Niluwagan nito ang bukas ng pinto kaya pumasok na kami sa loob. Ako ang nagsara ng pinto, lumapit sa 'kin si Liza at bumulong.
"Beks, matalas ang dila ng kapatid mo, ha! May pinagmanahan!" natatawa niyang puna.
Ngumisi ako at umiling. "Pagpasensyahan mo na," ani ko habang pinapanood si Dakila na ilibot ang tingin sa bahay namin. Nakatayo ito sa gitna ng sala habang nakahawak pa ang dalawang kamay sa magkabilang bewang.
"Paano kayo nagkita?"
Napabuntonghininga ako at binaba ang bag ko. Tiningnan ko ang babae at pasimpleng sumagot para hindi marinig ni Dakila. Matalas pa naman ang pandinig nito.
"Nakita niya ko no'ng bumibili ako ng gamot mo. Tapos hinabol niya ko at ayan nasagasaan pa nga ng sasakyan."
"Hala! Eh, kumusta? Nadala mo ba sa hospital?"
Umiling ako. "Wala naman daw masakit sa kanya bukod sa mga gasgas na nakuha niya. Hays . . . pero bukas baka dalhin ko sa hospital para maka-sure," dagdag ko.
Nginitian ako ni Liza at tinapik ang balikat ko.
"Sige. Pano, ikaw na bahala sa kapatid mo, ha? Kasi ako? Borlogs na ulit ako." Kinuha ni Liza ang gamot at hot compress bago pumasok sa loob ng kwarto nito.
Napakamot naman ako sa ulo ko bago tiningnan si Dakila, naka-upo na ito, pero amuse pa ring nakatingin sa bahay namin.
Lumapit ako sa kanya. "Dakila."
"Hmm?"
"Dito ka muna, ihahanap kita ng damit, okay? Ta's lilinisin natin ang sugat mo," ani ko. Nilingon niya ako at nag-okay sign.
Tumango ako bago naglakad papunta sa kwarto ko. Pumasok ako sa loob. Una kong ginawa ay hanapan ng maisusuot na damit ang kapatid ko. Mabuti na lang at may nasama sa gamit kong damit ni Kazi noong nagpunta kami ng isla. Nilabas ko 'yon kasama ng bagong towel. Inilagay ko na rin sa ibabaw ng kama ang first aid kit.
"Ito ang damit, Dakila." Inabot ko sa kanya ang damit at towel pagkalabas ko ng kwarto.
Tumayo si Dakila at nagtatakang tumingin sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Why?"
"Where's the bathroom and my room?" he still looking around.
Muli akong napakamot sa ulo ko. God. 'Di nga pala sanay sa ganito ang kapatid kong 'to. Hays.
Humawak ako sa braso niya at marahan siyang hinila papunta sa banyo. Binitawan ko siya para buksan ang pinto at ilaw. Tinuro ko iyon.
Nanatiling nakatitig doon ang kapatid ko, para bang sinusuri niya kung maayos ang lugar. May bahid ding pandidiri sa kanyang mga tingin.
"Oh, ano pang tinatayo-tayo mo?" puna ko.
"Is that clean?" alanganin niyang tanong.
Seryoso akong tumingin sa kanya. "Oo naman!" Proud ako kasi hello nililinis namin 'yan ni Liza! Salitan, minsan ako, minsan siya pero never napabayaang marumi ang banyo namin.
Tiningnan ko ang banyo. Nakasampay pa doon ang mga damit naming iba at underwears namin na nilalaban.
"Pasok na! Mag-shower ka lang kasi walang mainit na tubig dito," ani ko. Tinulak ko siya papasok sa loob, mabuti na lang at nagpatinag dahil medyo lumalalim na ang gabi.
Nang sarado na ang pinto ay pumasok ulit ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit ko pagkatapos no'n ay nilagay ko sa basket ang maruming damit para magpunta naman ng kusina. Sakto dahil bumukas na rin ang pinto ng banyo at lumabas si Dakila, nakasuot na ng damit at gamit ang towel para tuyuin ang buhok niya.
Tiningnan kong mabuti ito. Ayos na ayos lang sa kanya ang damit ni Kazi. Sabagay, hindi naman nagkakalayo ang mga height nila.
"Kumain ka na ba?"
Inilingan niya ako.
Gusto kong kaltukan ang kapatid kong 'to. Nakakaloka naman. Tumango na lang ako at pinagtimpla siya ng 3-in-1 na chocolate tapos naglabas ako ng ilang pirasong biskwit.
"Sumunod ka sa kwarto ko," utos ko at naunang maglakad.
Sumunod naman siya sa 'kin at si Dakila na rin ang nagsara ng pinto pagkapasok nito. Binaba ko ang tinapay at mug sa side table ko at tinuro sa kanya ang kama. Umupo ito.
"Gusto mo ba munang kumain o lilinisan ko na'y sugat mo?"
"Both?" he smile smugly.
I rolled my eyes and give him the mug and biscuits. He started drinking. Samantalang kinuha ko naman ang panlinis ng sugat para linisan ang sugat niya. Nang matapos ako sa braso at palad niya at tiningnan ko naman ang tuhod niya. May ilan ding gasgas kaya nilinisan ko. Hindi ko nilagyan ng takip para makahinga yung mga sugat niya at hindi mag-moist.
Nagulat pa ako ng makitang matiim ang tingin sa 'kin ni Dakila. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano? Gusto mo alcohol ilagay ko diyan?" kunwari kong pananakot na agad nitong inilingan. Lihim akong napangiti bago tinapos ang ginagawa ko.
Tinabi ko na ang first aid at tiningnang mabuti ang kapatid ko. Parang namayat yata ito . . . o dahil matagal lang akong nawala kaya nag-iba na siya sa paningin ko.
One year.
Isang taon na rin akong nakapagtago tapos makikita lang pala niya ako.
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin hanggang sa matapos itong kumain. Inaya ko siyang lumabas para makapagsipilyo siya at makapapahinga na kami.
"Iisa lang yung kama magtatabi tayo, ha," pagpapaalam ko kay Dakila dahil baka akalain niyang may iba pang hihigaan.
Inilibot nito ang tingin sa buong kwarto ko at marahang tumango. Umupo siya sa gilid ng kama.
"Dito ka nakatira since you left?" tanong nito makaraan ng ilang minuto.
"Oo. Si Liza yung kumopkop sa 'kin noong panahong wala pa ako," ani ko.
"Ah . . ." Humiga si Dakila at tumingin sa 'kin. "M-masaya?"
Ewan ko ba parang may sakit sa tono ng pagtatanong nito. Dahan-dahan akong tumango. Oo, masaya akong nakalaya ako sa kanila. Naging malaya ako at nagkaroon ng sariling buhay.
"Yea. Syempre, I lived independently and like a normal person. I learned a lot," tipid kong sagot bago humiga sa kama. "Matulog ka na kasi bukas pupunta tayo ng hospital. Ipapa-check lang kita para makita natin kung walang masakit sa 'yo. I dismissed him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top