Chapter Thirteen


CHAPTER THIRTEEN

"MR. VASILIEV!!" Hindi ko na paigilan ang sarili ko't mabilis siyang nilapitan. Humawak ako sa braso niya na parang isang batang nawawala na nakahanap ng kakilala. "Sorry, Sir. Hindi ko alam kung nasaan ako. The driver—"

I didn't finish my sentence when he pull me close to him. Mahigpit niya akong niyakap. At first I was stunned. Hindi ko alam ang gagawin ko. But the way his hands touch my back, bumagsak nang muli ang mga luha ko.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko at gumanti ng yakap sa kanya. Biglang naningig ang mga binti ko.

"M-Mister V-Vasiliev . . . I-I don't know the w-way back to V-VGC. The t-taxi driver brought me here! H-he shouted at me . . . t-the people here are mean!" I don't know what happened to me at nagsusumbong na ako sa kanya. But I feel safe in his arms.

"Damn them! Don't worry everyone who wronged you will be punished," he whispered near my ear bago ako nilayo sa kanya. Nagtataas baba ang dibdib nito tanda ng pagpipigil ng galit.

Nagtaas ako ng tingin, sakto namang pagbaba ng tingin niya sa 'kin kaya nagtama ang mga mata namin. His face is emotionless, but his eyes are looking at me with so much c-care and t-tender ngunit hindi naroroon pa rin ang galit.

Tumaas ang kamay nito at dumampi sa pisnge ko na kinapikit ko. Pinalis niya mga luha sa pisnge ko. Minulat ko ang mga mata ko.

"Let's go back to the office." Malamig ang boses niya pero may kakaibang warm doon. He put his big hands behind my back. He pull me closer to his body. Tumama ang katawan ko sa matigas niyang katawan. Inalalayan niya akong maglakad papunta sa kotse nito sa tabi.

He opened the door for me. Nauna akong pumasok sa kanya. Umusog ako sa gilid para makasakay si Mr. Vasiliev, pero laking gulat ko ng isarado nito ang pinto sa gawi ko. Pinanood ko itong umikot papunta sa kabilang side kung saan ako ngayon naka-upo.

Akma akong uusad ng buksan nito ang pintuan pero bago ko pa man magawa 'yon ay naka-upo na siya sa tabi ko. Malakas nitong sinarado ang pinto ng kotse saka malamig na tumingin sa driver na nasa harap.

"Drive us back to VGC," malamig nitong utos bago tumingin sa 'kin. "You will tell me everything later. For now, rest." After niyang sabihin 'yon ay tumingin na ito sa labas ng bintana.

Nakanguso akong nagpunas ng pisnge ko. I never thought na iiyak ako sa harapan ni Mr. Vasiliev. Nakakahiya! Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pwede ba akong magpalamon sa lupa? Baka akalain niyang nagpapa-importante ako. Ang tanga-tanga naman kasi.

Dikit na dikit ang katawan ko sa katawan ni Mr. Vasiliev. Ang laki naman ng backseat pero parang sobrang liit nito ngayon. Sinubukan kong umusad ng bahagya dahil baka nasisikipan na si Sir, siksik na kasi siya sa gilid at baka malaglag ito.

Pero kada-usad ko ay umuusad din si Mr. Vasiliev. Kunot noo ko siyang tiningnan bago muling umusad pero nagbaba ng tingin sa 'kin si Mr. Vasiliev. Masama niya akong tiningnan kaya naman huminto na ako. Nasa gitna na kami ng upuan. Tumingin ako sa harapan.

Nakatingin siya sa 'min tapos nakangiti pa na parang may iniisip na kung ano. Mabilis naman itong nag-iwas ng tingin ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Kinalma ko ang sarili ko.

*****

NANG makarating kami sa VGC ay nauna akong bumaba. Akma akong iikot sa kabilang side para pagbuksan ng pinto si Mr. Vasiliev ng bumaba na ito sa nilabasan kong pinto. Inayos nito ang suot na coat saka naunang maglakad.

Sa unang tingin, nakakatakot talaga si Mr. Vasiliev dahil malamig palagi ang mga mata nito at walang expression ang mukha. Para siyang mangangain ng mga empleyado niya.

Late na late na ako tapos ngayon lang ako pumasok! Sobrang nakakahiya. Ano kaya ang nangyari sa mga meetings at appointment ngayon ni Mr. Vasiliev, sa pagkakatanda ko'y mayroon siyang importanteng meeting ngayong araw. Tapos wala siyang secretary para magpaalala at sumama sa kanya.

Ini-imagine na ng utak ko ang mangyayari mamaya sa office ni Sir.

Kasunod ako ni Mr. Vasiliev na naglakad papasok sa loob. Karamihan sa mga empleyadong nakikita si Sir ay bumabati dito but my Boss did not give a damn. Mukhang sanay naman na sila kasi parang wala naman sa kanilang hindi sila pinansin.

Dumako ang tingin ko sa may elevator ng marinig ang 'ting', nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa loob na si Mr. Vasiliev. Tinakbo ko ang elevator at nagmamadaling pumasok sa loob.

Malamig ang mata nitong nakatingin sa 'kin. Tipid akong ngumiti sa kanya saka naglakad papunta sa tabi niya. The lift closed, and I was about to push the floor button when Mr. Vasiliev push it first. Gulat akong napatingin sa kanya but he didn't say anything.

Tumayo lang ito na parang walang nangyari.

Nagkibit balikat ako. Medyo kinakabahan ako sa kung anong sasabihin niya sa 'kin. Ayokong mawalan ng trabaho dahil dito. Wala pa akong na-ibabalik kay Liza. Baka ma-disappoint siya sa 'kin kapag nangyari 'yon.

Lumabas kami ng elevator ng makarating na kami sa top floor. Naunang naglakad si Mr. Vasiliev papunta sa office niya. Dumako ang tingin ko sa table ko dahil ibababa ko ang gamit ko pero napatigil ako sa paghinga ng makitang wala na doon ang lamesa. Nanlaki ang mga mata ko ng tumingin ako sa likod ni Mr. Vasiliev.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Gosh! Tatanggalin na baa ko ni Mr. Vasiliev? Mawawala na baa ko ng trabaho? Should I find new one?

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

Nang makapasok kami sa loob ng office, ako na ang nagsarado ng pinto. Mr. Vasiliev is now walking toward his table. Hinubad nito ang suot na coat at sinabit sa likuran ng kaniyang upuan. He sat down and point the seat in front of him.

Walang salitang naglakad ako palapit sa table niya. Pinagsaklop ko ang dalawa kong kamay saka matapang na tumingin sa kanya.

"So, Miss Vallero, I want to hear your explanation why you didn't come this morning," pag-uumpisa niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago huminga ng malalim. Umupo na ako sa one sitter dahil parang babagsak ako sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin.

Parang ibang kain ang gusto niyang gawin. Biro lang.

Saan ba ko mag-uumpisa? Sa part na hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ng babae niya sa 'kin kahapon? O kaya naman sa part kung saan nakatulog ako sa jeep o sa pagpapalayas sa 'kin sa mga establishment?

Namalayan ko na lang na malalim na pala ang pag-iisip ko ng tumikhim si Mr. Vasiliev, maraming beses akong kumurap. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin. Naghihintay sa kung anong isasagot ko.

"When will you start, Malaya?" malamig niyang tanong.

Napalunok ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Why does it sounds something I can't name it! Argh!

"Ahm . . ." Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "H-hindi po kasi agad ako nakatulog . . . k-kaya inaantok akong pumasok k-kanina. Hindi ko na na-r-realize na nakatulog pala ako sa j-jeep. N-nagising na lang akong nasa p-paradahan na ako. The driver said I can go to VGC, m-may masasakyan daw ako sa labas pero walang j-jeep na humihinto and I don't know where am I." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

Tama bang sinabi kong hindi ko alam kung nasaan ako? He may think na hindi ako taga-rito at baka mamaya magtaka siya. Hindi naman siguro.

"And?" he impatiently asked.

Nagmamadali akong tumango. "T-tapos may taxi na nagtanong sa 'kin kung saan ako pupunta I told him VGC and he bring me to where you found me. Hindi ko alam kung mali ba ako ng pagkakasabi because hindi naman niya ako dinala dito sa building. That's all, sir. I'm really sorry if hindi ako nakapasok. Hindi ko alam ang pasikot-sikot sa lugar na 'to."

Gusto kong maiyak sa kahihiyan. Nakakahiya kasi. Ako yata ang nagkamali. Dapat hindi na lang ako pumasok ng maaga. Hindi dapat ako nagpadala sa sinabi ng babaeng 'yon sa 'kin. I know myself. I shouldn't be doubting.

Sumandal sa upuan si Sir saka pinagdikit ang dalawang kamay. Pinatong nito ang baba sa taas ng pointing finger niya.

"Why you didn't call to inform me? You know we have important things to do dapat nagsabi ka. I've lost millions today, Miss Vallero, because you didn't come," he said strictly.

Kinurot ko ang sarili ko. Nag-iinit ang mga mata ko dahil sa katotohanang naging pabaya ako. I'm not good enough. Really not enough.

Maybe this is a reason why my father didn't want me to work.

"Malaya Vallero? Why did you not call?"

"I don't have a phone, Sir," nahihiya kong pag-amin. He frowned.

"I think I didn't hear you enough. What is it again?"

Palihim akong pumalatak. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. He may look at me na parang taga-bundok nito, eh!

"I don't have a phone, Sir. I don't have access to internet that's why I couldn't message or call to inform you about my situation. And I don't know your number or the office's number. Don't be mad. Wala po kasi akong pera pambili ng ganoon and I thought hindi ko siya kakaylanganin dahil isang route lang naman ang dinadaanan ko everytime." Hinihingal ako ng matapos akong magpaliwanag sa kanya.

Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa 'kin. Hindi ba kapani-paniwalang wala ang phone? Oo, lalo na't sa technology umiikot ang mundo natin ngayon.

Hinilot ni Mr. Vasiliev ang noo niya bago pumikit. Napangiwi ako dahil do'n. He lost millions today dahil sa kagagahan ko. I should have known better.

"Since when did you have a phone? Don't you have a laptop, too? How can you do your work efficiently if you don't have those things?"

"Dito ko na po tinatapos lahat ng trabaho."

"Damn. I didn't think that," he whispered. Dumilat siya sa 'kin at sinenyasan akong tumayo. Nakakunot noo akong tumayo. Kinuha nito ang coat at sinuot 'yon. Nauna siyang maglakad at ako naman ay ang naguguluhang sumunod.

Where the hell are we going?!

******

"M-MR. VASILIEV, w-what are we doing here?" naguguluhang tanong ko ng bumaba kami ng kotse sa tapat ng isang kilalang mall.

Isinuksok ni Mr. Vasiliev ang kamay nito sa loob ng pant na suot saka ako nilingon.

"You said you don't have a phone and a laptop. I'm going to bought you one so you will be able to contact me anytime." Gamit ang isang kamay at kinuha niya ang kamay ko at hinawakan 'yon. Tipid siyang ngumiti sa 'kin na ikinatigil ko. "But first we're going to eat. I know you're hungry."

Namilog ang mga mata ko. Tatanggi sana ako sa huling sinabi niya ng biglang kumulo ang tiyan ko.

Napayuko ako sa kahihiyan.

"Hmm . . . no need to be shy. Where do you want to eat?" he asked when we started walking. Sumimoy ang malamig na hangin ng makapasok kami sa loob ng mall.

"Kahit saan na lang," mahina kong ani. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. This mall for rich, that's a fact.

Puro kilalang brand ang nandito sa loob. Gosh! I kinda miss my clothes and things back home. Nakalimutan ko na halos ang pagkaka-iba ng branded na damit sa hindi. Siguro kapag naka-ipon ako I can buy a small purse or clothes.

Dinala ako ni Mr. Vasiliev sa isang Italian Restaurant. Gusto magtatalo sa tuwa! It's been a while since the last time I eat Italian. Naglalaway na ako pagkapasok pa lang namin sa loob. Mabangong aroma ng mga Italian food ang naamoy ko.

I looked around, walang masyadong tao. Maybe because it's already afternoon. The place is solemn. The color palette of everything is good. There's wood, green, and gray, the light is giving more emphasis to the color.

Ibang-ibang ang hitsura ng restaurant dito sa Philippines sa restaurant sa Italy. Sa Italy kasi, madalas ay maraming bintana at maliwanag ang ginagamit na palette sa interior. So kapag nakita nila yung place, maaliwalas. Magaan lang ang feeling. Feeling refresh gano'n, hindi yung tulad nito. So serious ang place.

Tama lang sa mga private meetings or serious occasions where you have to have class.

Lumapit sa 'min ang waiter. "Table for two, sir?"

"Yes."

"This way, please." We followed him. Hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko. And sa higpit ng kapit niya I think hindi ko basta-basta mababawi ang palad ko.

Binitawan ni Mr. Vasiliev ang kamay ko upang ipaghila ako ng upuan. I sat down.

"Thank you," pasasalamat ko. He sit down in front of me. Inabutan kami ng waiter ng tig-isang menu. Sa isiping makakakain akong muli ng Italian food ay hindi ko maiwasang hindi ma-excite.

Mabilis kong binuksan ang menu to see their foods here. And damn! Damn. Damn. Damn. Nakalimutan ko ng nagpapanggap ako dahil sa nababasa ko ngayon. Mabilis hinanap ng mga mata ko ang paborito kong pasta. When I was a kid, Mother will always make my father angry by breaking pasta. After niyang gawin 'yon ay iluluto niya 'yon at ihahanda kay Papa.

I smile bitterly while remembering those sweet moments in my life. I guess those will remain memories because I have no plans to return to Sicily. I mentally shake my head—no need to think of them, Malaya. Think about the future.

Yeah, I should do that. Muli kong binalik ang tingin ko sa menu para pumili bago tumingin sa waiter.

"For an appetizer, I want Fritto Mismo alla Piemontese, for the main course I want Spaghetti al Nero di Seppie and gelato for dessert," nakangiting sabi ko dito.

I look back to Mr. Vasiliev, he is smirking at me. I glare at him.

The waiter looks to Mr. Vasiliev after listing my orders.

"For you, Sir?"

"Arancini for an appetizer. Pasta con le sarde for main course. No dessert. Just give us a bottle of red wine and Fiorentina."

Hmmm! Fiorentina! It's a steak, made of a young steer. The best part of it is grilling until rare. It's a famous dish in Tuscany.

The waiter nods and takes the menus back before leaving us. I'm excited to eat na!

This place smells like Italy. I never thought this would bring me back some memories of my past life. Nakaka-miss din pala ang Italy, especially Sicily.

Habang naghihintay ay nakaramdam ako ng mainit na tingin sa 'kin. Bigla akong nabalisa at tumingin sa paligid. Ang mga taong naroroon ay busy sa pagkain nila. Wala namang hina-hinalang tao akong manapansin.

Muntik na akong malaglag sa kina-upuan ng mapatingin ako kay Mr. Vasiliev. He is intently looking at me.

Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagkabuhay ng kung anong kiliti sa sikmura ko. Lumunok ako.

His eyes are full of...  desire.

"W-why are you looking at me . . . M-mister V-Vasiliev?" kinakabahan kong tanong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top