Chapter Ten

CHAPTER TEN

"PUYAT na puyat, girl?" natatawang tanong ni Liza habang nag-aalmusal kami. Walang buhay ko siyang tiningnan bago kinuha ang mug ng kape. Uminom ako.

"Para lang akong pumikit tapos umaga na ulit," saad ko. Kulang talaga ang tulog ko. Hindi ako sanay sa ganitong pagod, kapag palaging nale-late ako ng tulog noon ay walang gumigising sa 'kin upang makabawi ang katawan ko. Unlike ngayon na kaylangan kong gumising ng maaga para hindi ma-late sa pasok.

"Ganyan talaga. Masasanay ka rin."

Ngumuso ako, "kaylan kung ganoon? Tapos gusto ko na lang magbaon ng lunch para may kainin ako do'n. Ang mamahal ng pagkain, hindi kakasya ang baon kong pera."

Tinaasan ako ng kilay ni Liza, "mas tipid nga 'yan. Meron yatang baunan doon sa taas ng cabinet. Kunin mo tapos doon mo ilagay ang babaunin mo. I-doble mo ng plastic para hindi tumapon sa bag mo," anito.

"Okay. Anong iluluto?"

Ikinibit nito ang balikat. "Hindi ko alam. Ikaw kung gusto mo mag-saing ka tapos bumili ka ng hotdog sa tindahan. Oh, eto." Naglabas ng five hundred pesos si Liza. "Sana mapagkasya mo ng isang linggo, matagal pa rin kasi ang sweldo ko, baka ma-short tayo kapag nagkataon," paliwanag niya.

Nahihiya akong tumingin sa pera nitong nakalahad sa 'kin bago ibinalik ang tingin sa mukha nito.

"Pasensya ka na, Liza, kung pabigat ako sa 'yo ngayon. Huwag kang mag-alala. Magtitipid ako," mahina kong pangako.

Hindi na ito kumibo at basta na lang inabot ang kamay ko. Tipid niya akong nginitian bago tumalikod at pumasok sa sariling silid. Naiwan akong mag-isa sa kusina. Tiningnan ko ang perang nasa kamay ko. Mariin kong pinagsaklop ang mga palad ko't pumikit.

Ganito pala yung pakiramdam na nanghihingi ka ng pera sa hindi mo naman kaano-ano, masakit dahil hindi mo pa maibalik. Yung alam mo yung kapos kayo pero wala ka pang magawa. Ganito pala 'yon.

******

MAKISIG'S P.O.V.

"HAVE you already find your sister, Makisig?" father asked in cold voice, but his eyes can't hide the worries he's feeling.

"Not yet but my people are doing their best to find her. I just can't believe that she able to escape Santorini," hindi makapaniwalang ani ko.

My father smirk and shake his head. "Do not underestimate your sister, Makisig. She is already desperate to run that's why." Sumandal sa upuan niya si Papa at tumingin sa labas ng office nito. "Find her immediately. Do everything, add more people to help the search. Visit all the countries to check if she's there."

I nod, "I will, Papa. Don't worry. Mahahanap ko rin si Malaya. And after that, she'll be guarded twenty-four seven."

Pinapasakit talaga ni Malaya ang ulo ko! Hindi ko akalaing magagawa niyang takasan ang dose-dosenang tauhan ni Papa sa Santorini. Kung hindi ba naman kasi mga tanga ang tauhan namin, they never check the area?! Ni hindi nila alam na may lagusan palabas doon si Malaya.

Hinilot ko ang ulo ko.

"When she came back, her husband will look for her. I already to the man. He said he's doing his job, too, to look for her," Papa said.

I rolled my eyes, "I hope that's true because if not. I will fucking find another deserving man for her. She doesn't need to have a loser husband," I added.

My father laugh and gives me a drink.

"Chill, Makisig. I know what I'm doing. I know the man. He is self-made. Hindi masasaktan si Malaya," pangungumbinsi ni Papa sa 'kin.

Hindi na ako sumagot dahil wala akong pagkakatiwalaan para sa nag-iisa kong kapatid na babae. Hinding-hindi ko siya ipagpapakiwala.

"Make sure that media will not know about your sister's disappearance. I don't want my enemies to use it as an advantage to us," Papa reminded me.

Kinuyom ko ang kamao ko. For now, hindi ko muna gagamitin ang media upang ma-protektahan si Malaya. Pero kapag wala na talaga akong choice ay ipapa-alam ko na ito na may kasama pang reward sa kung sinong makakapagturo sa kapatid ko.

Tumayo na ako at nagpaalam kay Papa na pupuntahan si Mama. Lumabas ako ng office at pumanik sa second floor. It's been a month since my sister escape and hide. Simula no'n ay palaging umiiyak si Mama dahil sa sama ng loob. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng silid ni Malaya. Kumantok ako ng ilang beses bago binuksan ang pinto.

Pumasok ako sa loob ng silid. Nilapitan ko si Mama na nakahiga sa kama habang umiiyak. Lumakad ako palapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Niyakap ko siya mula sa likuran.

"I missed your sister, Makisig. I missed her so much," tumatangis niya ani.

Hinalikan ko ang ulo ni Mama, saka hinigpitan ang yakap sa kanya. "I will bring her back, ma. Don't worry."

Mother hug my sister's pillow like it's her.

"Am I a bad mother? Didn't I give the life she deserve?"

"No, Ma. You're a great mother. Maybe, Malaya just feel suffocated that's why she left. She's confused, hindi niya alam ang gagawin niya kaya siya umalis," pagpapakalma ko dito.

Mabilis siyang lumingon sa 'kin. Her eyes are swollen same as her nose. Halatang matagal nang umiiyak.

"Then I'm not a good mother! Kasi kung hindi k-ko siya tinutulan at s-sinuportahan ko na lang sana siya ay hindi siya aalis."

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko kayang makitang umiiyak si mama. Kinabig ko siya payakap.

"No, ma. We make our choices now despite of your guidance. Iyon ang ginawa ni Malaya, she choose and leave. But I will bring her back."

My mom clutch to my shoulder. "B-bring M-Malaya back, Makisig! Sh-she will not be safe out there . . . my innocent baby will be taken advantage by those monsters o-outside . . ."

"I will, ma. I will," madiin kong sagot.

*******

MALAYA'S P.O.V.

"MUNTIK ka ng ma-late," Alexis mention after I sat down to my table.

Hinihingal ko siyang tiningnan bago binuksan ang computer. Paano ba naman ay nasiraan pa ang jeep na sinakyan ko. Akala ni Manong maayos pa niya pero hindi na kaya matagal pa akong naghintay.

"S-sorry. Nasiraan kami sa daan," pagpapaalam ko. Inilabas ko ang baon kong tubig at uminom do'n.

"Okay. Buti na lang wala pa si Sir, pero maya-maya nandito na rin 'yon. Be ready kasi papapirmahin ka na ng contract."

Nanlaki ang mga mat ako. Ay oo nga pala! Today 'yong contract signing ko! Mabuti na lang at hindi ako na-late kundi yari na!

"OO NGA!" Dismayado akong napasandal sa upuan. "Kung kaylan pa talaga nandito si Sir saka ako muntik ma-late!" Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil do'n. Grabeng pagod naman 'yon para makalimutan ko.

Mahinang tumawa si Alexis, "nako. Sige na nga. Diyan ka na at ako'y pupunta pa sa ibang branch ng Vasiliev Hotel. Ikaw na mag-remind kay sir ng appointments niya today, ha. Nasa notes ko 'yon tapos make him a black coffee. No sugar and cream, just black and bring it to his office," paalala nito habang nag-aayos.

Nakanguso akong tumango. "Okay, noted."

Kinuha ko ang notepad nito sa may gilid saka nilagay sa tabi ko para hindi ko na siya hahanapin mamaya. Nang magbukas ang computer, ginawa ko na ang mga dapat kong tapusin.

Bandang alas-nueve ay tumayo na si Alexis.

"Oh, aalis ka na?" tanong ko.

"Oo, baka ma-traffic ako sa daan, eh. Ikaw na bahala diyan, ha. Yung bilin ko."

Nakangiti akong tumango. "Ako na bahala do'n." Kumpiyansang-kumpiyansa ako na magagawa ko ngayon ng maayos ang trabaho ko. Madali lang 'to. Madali lang.

After umalis ni Alexis ay nagpasya akong magpunta sa pantry para gumawa ng sariling kape. In fairness naman sa VGC, hindi nila tinitipid ang mga empleyado. May sariling mga stock ng kape at biscuits dito. Nito ko lang nalaman, napansin ko kasing may dala-dala palagi si Alexis ng pagkain sa table niya tapos ayon.

Naglagay ako ng ilang pirasong cookies sa platito. Kinuha ko 'yon at naglakad na pabalik ng table ko with my coffee. I smile when I smell the delicious aroma of coffee.

And when I thought everything is okay, I shouted in fear when I saw a man standing in front of me. Kamuntikan ko pa kaming mabanlian ang umuusok na kape kung hindi ako nakahinto. Nanlalaki ang matang tumingin ako kay Sir Vasiliev.

"S-Sir . . ."

"Damn, Malaya! Hindi ka nag-iingat. What if you get hurt?!" galit nitong sigaw pagkatapos kuhanin sa 'kin ang mug at saucer sa kamay ko.

Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko dahil do'n. Napatingin ako sa kamay kong nanginginig. Hindi ko naman alam kung bakit! Maybe . . . because this is the first time na may nagsigaw sa 'king ibang tao.

Suminghap ako para pigilin ang luha ko.

Marahas na lumingon si Mr. Vasiliev, salubong ang kilay na nakatingin sa 'kin na mas lalong nagpabigat ng nararamdaman ko.

"Why are you looking at me like that?! Next time don't walk with hot coffee when your head is in space! You might get hurt yourself!" pangaral nito.

Nag-iwas ako ng tingin. "I-I'm sorry! I didn't know your already here kaya h-hindi ko napansin . . . sir."

Mariing pumikit si Mr. Vasiliev, pinisil nito ang nose bridge saka nagpakawala ng isang napakalalim na hininga. Na para bang kino-kontrol niya ang sarili niyang emosyon. Napalunok ako. His nose is point . . . ang tangos.

Kinurot ko ang sarili ko. Ano ka ba naman, Malaya! Nagagalit na sa 'yo tapos ang tinitingnan mo, eh, ilong?!

"Malaya, come to my office immediately!" utos nito saka tumalikod sa 'kin. Nakanguso akong sumunod sa kanya sa office nito pero bago 'yon ay kinuha ko muna ang notepad sa table.. Naunang pumasok si Sir sa 'kin kaya ako ang nagsarado ng pinto.

Nang lumingon ako ay naka-upo na ang lalake sa likod ng lamesa nito habang magkasaklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Kumakabog ang dibdib na lumapit ako sa lamesa niya at saka huminto ng ilang dipa ang layo.

Pilit kong pinalabas ang isang ngiti saka tumingin sa notepad. Binasa ko ang schedule niya ngayon.

"Sir, you have a ten o'clock appointment with Mr. Nakamoto in Reverie Hotel. At twelve you have a meeting with the hotel managers. At one thirty o'clock, the Salazar's Cruise want to set an appointment with you. If you agree with that, I can set it now and from three o'clock your schedule is free," salaysay ko.

"Okay. Set an appointment with them," anito. Ako naman ay sinulat 'yon sa papel para i-confirm. Mamaya ko na lang sila tatawagan.

"Here's your contract for VGC for the next six months. Sign it and then leave. I will personally give it to HR."

Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa narinig. Marahan akong nag-angat ng tingin. Kinunutan ko siya ng noo.

"P-po?" Tama ba ko ng narinig? Siya na magdadala no'n. Tumikhim ako ng makitang nakatingin lang siya sa 'kin. "Kayo na po magdadala? Ako na lang, Sir," presinta ko.

Umiling siya. "Ako na. Besides, I need to say something to them, too." Iminuwestra nito ang kamay paupo sa may visitors chair. Dahan-dahan akong umupo at kinuha ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa.

Tiningnan ko kung saan ako pipirma. Akma kong babasahin ang nakasaad sa dokumento ng magsalita si Mr. Vasiliev na muntikan ko nang ikalaglag sa upuan.

Awang ang labi na tumingin ako sa kaniya. Magsakalubong na naman ang kilay nito.

"Sign it already, Miss Vallero, marami pa akong gagawin at hindi ko mahihintay ang pagpirma mo diyan buong araw," bored nitong utos na kinalaki ng mata ko.

"O-opo!" Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang ballpen at pumirma sa mga papeles na 'yon. Kahit na puno ng babala ang isip ko habang nakatingin sa papel ay nagpatuloy ako. Mas kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig sa 'kin ni Mr. Vasiliev, na para bang kung hindi ako pipirma agad ay kakainin niya ako.

Tatlong papel ang pinirmahan ko na hindi ko man lang binasa ko tiningnang mabuti dahil sa takot. Ibinalik ko ang papel kay Mr. Vasiliev at tumayo na.

May kakaibang kislap sa mga mata ni Mr. Vasiliev ng tanggapin niya ang kontratang pinirmahan ko.

"Thank you, Sir. I will leave now, and bring your coffee—"

"Don't bother, I will asked someone to make me coffee. Just continue what you're doing before I came. We'll leave before ten," nakangiting anito habang nakatingin.

Wow, nakangiti siya. Bilis magbago ng mood, ah. Hindi ko na lang 'yon isinatinig at ngumiti na lang saka naglakad paalis. Nang maisarado ko ang pintuan ay sumandal ako do'n. Hinawakan ko ang dibdib ko na mabilis ang kabog.

May na-develop na ba kong heart problem? Why my heart is always beating this fast?!

Napalunok ako sabay sampal sa magkabila kong pisnge. Don't be like this, Malaya! Go back to yourself. Huminga ako ng malalim at saka bumalik sa table ko para magtrabaho.

WE ARE CURRENTLY inside the elevator going down. I'm holding a tablet and other important papers that we will need to our meeting.

Nang makarating kami sa basement ay bumukas na ang pinto ng lift. Naunang lumabas si Mr. Vasiliev, sumunod naman ako. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Kakaunti lang ang kotseng naririto. Puro branded cars pa. Imposible namang isa sa mga empleyado 'to, kahit na malaki ang sahod nila sa tax pa lang mauubos na.

Huminto kami sa tapat ng isang BMW X5 na kulay gray. May bumabang driver from the driver seat na nagbukas ng backseat for Mr. Vasiliev. Dahil I'm the secretary, sa passenger seat ako uupo. Akma kong bubuksan ang pinto sa harapan ng may malaking kamay ang pumigil doon.

Kumunot ang noo ko at sinundan ang kamay na 'yon. My lips parted when I saw Mr. Vasiliev, napasandal ako sa pinto dahil sa masyadong pagkakalapit ng mga mukha namin. Maraming beses akong napalunok.

"S-sir. . ."

Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata. "What do you think you're doing, Miss Vallero?"

His cold voice send shiver to my spinde. I gulped. Parang may nakabara sa lalamunan ko dahil ayaw lumabas ang mga salita sa bibig ko.

Umangat ang kamay ni Mr. Vasiliev patungo sa baba ko. Itinaas niya ang mukha ko upang hindi mag-iwas ang mga mata namin.

"I'm asking you, Ms. Vallero. What do you think your doing?" he asked in slow but dangerous tone.

"I-I was about to seat to the p-passenger seat, s-sir!" utal kong sagot.

Mahina itong pumalatak bago naglakbay ang daliri niya sa pisnge ko. And boy! His hands are warm! Para bang nagbibigay siya ng kakaibang sensation sa katawan ko!

"No. Seat in the backseat with me," he whispered before letting me go. Nauna itong sumakay sa kotse at naiwan ako kasama ang driver na naka-iwas ng tingin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, isama mo pang pinagpawisan ako ng malala dahil do'n. Sinilip ko sa bintana si Mr. Vasiliev, he is looking straight na para bang walang nangyari sa pagitan namin.

Lumunok ako. This day will be awkward because of this now. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top