Chapter Sixteen
CHAPTER SIXTEEN
"H-HUH?"
He growled in another line. "I don't want to repeat myself, dove."
I gasped. He calls me Dove?! Lahat yata ng energy bumalik sa katawan ko dahil do'n. Tumayo ako.
Nakakaloka naman si Sir. Bakit niya ako tinawag na dove? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I should not assume things. Baka . . . ganyan lang talaga siya sa mga e-empleyado niya.
He cough kaya napabalik ako sa reyalidad. Kinagat ko ang kuko ko.
"I-I do my l-laundry, Sir . . . kaya hindi ko nagawang s-sagutin yung tawag mo," kinakabahan kong sagot. Inisip ko kung may nagawa ba akong mali, hindi ba tama yung ginawa kong report? "Ahm. May mali po ba akong nagawa?"
Ano ba 'yan. Ang tagal ng sagot ni Sir. Baka mamaya kung ano na 'to.
"Nothing. I just want to check on you," Mr. Vasiliev sigh. "I thought something bad happen after you send the email 'cause you haven't responding yet."
Aww . . . gano'n naman pala. He is worried lang sa 'kin. May kung anong kumiliti sa sikmura ko sa isiping nag-aalala sa 'kin si Mr. Vasiliev. He is nice naman pala kahit nakakatakot siya kung minsan.
"Sorry. Hindi ko kasi alam na tumatawag ka," paghingi ko ng paumanhin. Muli akong umupo sa gilid ng kama. "May mali ba sa report ko? Should I—"
"No. No," mabilis nitong tutol. "Walang mali sa report mo."
Hmm? Kumunot ang noo ko. "Then, why are you calling me, Sir? May iba pa po ba kayong kaylangan?" naguguluhan kong tanong.
Ano kayang dahilan ni Sir para tumawag sa 'kin kung walang mali sa report ko? May ipag-uutos pa ba siya?
Baka may report uling ipapagawa o kaya ipapa-schedule na meeting. Ani ng isang bahagi ng utak ko.
Napabuntonghininga ako do'n. Grabe naman si Sir kung gano'n. Ano 'yon wala siyang pahinga?
I waited for his answer pero hindi na siya nagsalita sa kabilang linya. Napatingin tuloy ako sa phone ko kung nandoon pa ba 'yon and the line is still there. Bakit hindi niya ko sinasagot? Huminga ako ng malalim.
"Sir, with all due respect po. I will end the call na. I'm tired and . . . I want to rest po," magalang kong paalam bago pinatay ang tawag ng hindi hinihintay ang sagot niya. Nakatulog na siguro kaya gano'n.
I was about to put my phone to the side table ng mag-vibrate ito. Binuksan ko ang message at binasa.
From. Mr. Vasiliev:
Sleep tight and take a good rest, dove.
Hindi ko napigilang mapangiti sa nabasa. Napahawak ako sa puso ko. Bakit ka tumitibok ng mabilis?! Anong meron?!
I typed a reply.
To Mr. Vasiliev:
Thank you, Sir. Ikaw din po. Pahinga well.
After that I put my phone back to side table, and then tiningnan ko ang kamay ko. Napanguso ako. It's dry.
Gusto kong iyakan ang pagkasira ng akmay ko but I can't. mas masakit kasi ang mga namumulang parts at gasgas sa fingers ko lalo na kapag nahahawakan. Napanguso ako.
"This is ouchy, ah. If Mama is here, she will get mad," bulong ko sa sarili. Nagpakawala ako ng hininga.
Nong nabasa 'to ng water kanina humapdi siya, kaya si Liza na ang nagbanlaw at ako sa sampay. I bit my lower lip. Siguro ilang days pa 'to bago gumaling. Tatanungin ko na lang si Liza tomorrow kung anong cream ang pwedeng ipahid para mabilis gumaling.
Sa kisame ako nakatutok ang mata ko ng mahiga ako. Iniisip ko ang mga pinagagawa ko ngayon at noong nakaraang araw.
Sobrang hirap ng pinagdaanan ko nitong nagdaang araw pero . . . nalampasan ko 'yon. I tap my shoulder. "Malaya, you are so strong. I'm so proud of you. Nakaya mo ngayon, makakaya mo ulit sa susunod."
Kakayanin ko. Kaya ko.
******
I WAS looking at the pile clothes in top of my bed. I frown. What I supposed to do with this? Nilagay ko ang dalawang kamay sa magkabila kong bewang.
Umupo ako sa tabi ng mga damit. Natuyo na kasi ito at kaylangan ko na ring tiklupin. Ang problema ko lang ay kung paano ko titiklupin. Hindi naman ako marunong.
Common sense lang 'to.
Oo, tama. Gagayahin ko na lang yung naalala ko at kung paano nakatupi ang damit ko. It took me two hours to finish all of my clothes. Proud kong tiningnan ang mga damit ko.
You are so galing, Malaya. Great job, puri ko sa sarili.
I put it in my drawer na after saka ko kinuha ang naka-hanger kong uniform. I'm going to iron this later so tomorrow there's no crease.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I remember my mom while looking at my clothes. If she is here, papagalitan niya ako kasi mukhang magulo ang damit ko kahit hindi naman. Malungkot akong ngumiti. I will never hear her say that to me again. She can't nag me na.
She's not with you.
Nag-init ang mga mata ko. Mabilis kong inalis ang isiping 'yon sa utak ko dahil ayokong maapektuhan ang mood ko today. I choose this. Dapat hindi ako malungkot. This is a consequence of my choices.
Like what I said ni-plantsa ko ang uniform ko para bukas hindi ako nagmamadali. Kumunot ang noo ko ng makita ang faint white sa kulay blue and black ko na skirt and blouse. Tinabi ko sa gilid ang iron tapos tinaas ang skirt ko.
Why?
I scratched it to try if I can remove it but I can't. Hala. Nag-stain na yata siya. Kinuha ko ang blouse to check if gano'n din 'to and I'm right. Katulad noong nauna. Sinabit ko ulit sa hanger ang natapos ko nang plantsahin.
Lumakad ako ng malayo para tingnan kung halata ba sa malayuan, and hindi naman. Hindi na siguro 'yon mapapansin bukas. Ni-shrug off ko na lang 'yon. I just wish hindi siya halata bukas.
******
"OH, anong nangyari sa blouse mo?!" gulat na tanong ni Liza ng maabutan niya ako kinabuksan.
I bit my tongue and pouted my lips. "I don't know, Liza. I just noticed it last night. Sinunod ko naman 'yung sinabi mo," ani ko.
Lumapit siya sa 'kin, hinawakan nito ang damit ko at tiningnan sa malapitan. Seryoso siyang nakatingin doon.
"Hala, nag-mansta na, teh. Nilagyan mo ba 'to ng zonrox?"
Namilog ang mga mata ko't hindi sumagot. Naghihinalang nag-angat ng tingin sa 'kin ang babae. Binitawan niya ako at nag-cross arm sa harap ko. Nakatingin siya sa 'kin na para bang alam niya ang ginawa ko.
"Ginawa mo nga! Hindi mo hiniwalay yung delokor sa puti?"
Pinaglaruan ko ang daliri ko sa kamay saka nahihiyang yumuko. Kalahating bote yata ang nilagay ko kahapon do'n. Napangiwi ako.
"Gagiii." Tanging nasabi ni Liza.
Apologetic akong ngumiti sa kanya. "I'm really sorry. Hindi ko alam na magiging puti pala yung dark colors kapag nalagyan ng zonrox."
Napakamot sa kilay si Liza, inilingan niya ako bago walang nagawa kundi magpakawala ng malalim na hininga. Parang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.
"Siya. Siya. Pero tandaan mo, girl. Kapag ka dekolor at initiman walang zonrox. Jusko ka. mamumuti lahat ng damit mo kung ganyan ka. Tingnan mo nga 'yang suot mo. Parang may design yang suot mo," sermon nito.
I mentally take not about what she said. I should not forget it. Next time will be better.
Mahaba ang nguso, napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. She's right. I sigh. Wala naman akong magagawa na. I should go with this.
I bid my goodbye to her dahil late na ako. Habang nasa jeep ay ramdam kong pinagtitinginan ko ang mga tao kaya iniyuko ko na lang ang ulo ko hanggang makarating sa VGC. Nakatayo ako sa labas ng matayog na gusali. Iniisip ko kung papasok pa ba ko. From where I'm standing kasi kitang-kita ko ang tao sa loob ng building.
They look professional with their clothes. Clean and fresh. Samantalang ako mukhang naliligaw lang. I bite my lower lip, and sigh. Wala dapat akong pake sa kung anong sasabihin sa 'kin ng ibang tao.
I walk confidently towards the office. Binati ako ng Guard pagpasok ko sa loob, I smiled at him and greet him, too. Nagtungo ako sa elevator. I push the open to open it and then I went inside. May sumunod sa 'kin ang tatlong babae na pumuwesto sa harapan ko.
"Nakita niyo ba yung suot niya?" bulong ng isang babae.
"Oo. Hindi yata naglalaba," ganting bulong no'ng isa hanggang sa sumagot yung katabi nila.
"Ang tanga kamo maglaba. Wala yatang pampa-laundry."
Kunwari pang nagbubulungan dinig na dinig ko naman. Halata namang ako ang pinag-uusapan nila, eh.
"Turuan mo nga kung pano." Tumawa pa ang isang kasama nito.
"Siya yung secretary ni Sir Vasiliev, 'di ba?"
"Oo."
"Tapos ganyan magdadamit? Hindi ba siya nahihiya na kasama siya ni Sir sa lahat ng lakad sa kilala at mayayamang tao tapos ang cheap-cheap niyang manamit? Bakit kasi tinanggap pa 'yan," may pait sa boses ng babaeng nasa tapat ko.
"Hindi naman maganda. Matangos lang yung ilong, hahaha."
Kinuyom ko ang kamao ko. Don't sabog, Malaya. Don't. Don't. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tumikhim ako. Masama ang tinging lumingon sila sa 'kin. Tinaasan ako ng kilay ng isa at yung isa ay nag-cross arm.
Akma silang lalapit sa 'kin ng tumunog ang elevator. Bumukas ang lift at pumasok ang dalawang lalake from IT Department. Tipid silang ngumiti bago humarap sa pinto. Naaalis sa 'kin ang atensyon ng mga babae.
"Tsk! Sige magmaganda ka. Hindi ka naman magtatagal diyan," pagpaparinig ng isa.
Nang muling bumukas ang lift ay lumabas na lahat ng tao at naiwan na ako mag-isa. Pero nakatatak sa 'kin ang mga pinagsasabi nila. Kung pwede lang akong magpakain ng lupa ay ginawa ko na. Bumaba ang tingin ko sa damit ko.
Tss . . . mukha ba akong cheap? Siguro.
Lumabas na ako ng lift pagkatapos dumeretso sa sariling opisina. Bumagsak ako paupo sa swivel chair ko. Ibinaba ko ang bag sa may gilid saka binuhay ang computer pagkatapos ay tumungo papunta sa whole body mirror.
Tiningnan kong mabuti ang suot ko. Hindi nga magandang tingnan ang damit ko. Nakakahiyang sumama sa mga meeting ng lalake. Di ko yata kayang humarap kay Mr. Vasiliev ng ganito ang hitsura ko. Baka isipin niyang nagpapabaya ako.
Tumingin ako sa calendar na nakapatong sa gilid ng table ko. May malaking bilog ang pinakahuling numero tanda na iyon ang sweldo namin. Ilang araw pa bago ang sweldo. Kinagat ko ang labi ko. Pwede naman siguro akong magpatulong kay Liza para bumili ng bago kahit dalawang pares.
Siguro.
Muntikan na akong mapatalon ng biglang may magsalita. Dinalawang hakbang ko ang table at ni-take ang tawag.
"Yes, Sir?"
Nagwala ang mga paru-paru ko sa tiyan.
"Come in my office. Bring coffee and tell me my schedule."
Tumango ako. "Noted, Sir." Kinuha ko ang notepad ko at lumabas na ng office. Nagpunta muna ako sa pantry para kumuha ng kape saka ako nagtuloy sa office ni Sir. I put it to his table and then said his schedule for today.
May iba pa siyang inutos sa 'king i-reschedule na meeting at bagong meeting na ipapalit ngayong araw. Madami pa siyang inutos sa 'kin at pinagawa kaya inabot na kami ng isang oras doon.
Nagdikit ang kilay niya.
"What happened?" he asked in sympathetic voice.
Of course he would also notice my clothes. "Nalagyan ng bleach ang damit ko but—"
"No," madiin niyang pagpapatigil bago ako sinenyasang lumapit sa kanya. Without a word, sinunod ko siya. Tumayo ako sa harapan niya at napasinghap nang hawakan niya ang kamay ko.
Itinaas niya 'yon at seryosong tiningnan ang kamay ko. Umawang ang labi ko. I realized that he is looking at my hands. Concerned with my hands and not with my clothing!
"What happened, dove? Why you have so scratches?" malumanay niyang tanong. Hindi ako nakasagot. Pinanood ko kung paano suriin ni Mr. Vasiliev ang kamay ko. Kung paano kagaan ang kamay niyang humahaplos sa sugat ko
Malamlam ang matang tumingin siya sa 'kin. "Dove . . . what happened?" pag-uulit niya.
"I-I wash clothes . . ." Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas humigpit lang ang hawak niya. "Ahm . . . I wash my clothes, t-that's why my uniform is messed."
Napamura ng mahina ang lalake. "Don't you have a washing machine? Why you hurt yourself doing that!" inis nitong sabi.
"Kasi nakakahiya kay Liza, saka damit ko 'to dapat ako naglilinis," ani ko.
Hindi makapaniwalang umiling ang lalake. Gamit ang isang kamay ay may ni-dial itong number sa telepono.
"S-sir, y-you can let go me now—" Itinikom ko ang bibig ko ng tingnan ako ng masama ni Sir. Napanguso ako.
Pinabayaan ko nang nakahawak siya sa 'kin. The butterflies in my stomach start to fly around my tummy. Mr. Vasiliev's finger is drawing circle in my skin. Gosh this man! Why does he have to do that?!
And Malaya, don't be swayed by it! Hindi ka teenager para magpadala sa pagtawag-tawag ng pet name and also ng ganyang gawin!
"DiNozzo, send me creams for scratch. Yes. ASAP. Need it here in my office." He put down the phone and give me his attention.
Tumayo ito at hinila ako papunta sa may sofa. Una niya akong pina-upo at tumabi siya sa 'kin.
"Dove, does it hurt?" malambing nitong tanong. He never let go of my hand.
I sigh, "a bit. But it hurt when it get wet," pag-amin ko. "Kaya kaninang naliligo ako may plastic na nakalagay sa wrist ko para hindi mabasa yung hands ko."
Nagbuntonghininga si Mr. Vasiliev bago niya nilapit ang kamay ko sa mukha niya. Before I could think he already kissed my fist. Maingat ito na para ba akong isang babasagin.
"Next time use automatic washing machine so you don't have to touch it. Maybe your allergic to the soap you're using," marahan nitong paalala.
Grabe naman si sir makapagsabing gumamit ng automatic, eh wala nga akong pambili ng decent skirt tapos ganoon pa. Kung mayaman lang siguro ako why not.
Binitawan ni Sir ang kamay ko pero nakadikit sa tuhod ko ang tuhod niya. If other men do this to me baka maging uncomfortable ako but sa kanya . . . okay lang. I'm comfortable.
But he has a girlfriend. I should not be too comfortable if I want to stay in this company.
---------
Whats your thought about this chapter? Leave a comment na po and if you like it, please tap the star button! thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top