Chapter Seven
CHAPTER SEVEN
PUMASOK kami sa isang Korean restaurant ni Liza. Nakasunod ako sa kanya ng umupo kami sa bakanteng lamesa. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. There's a lot of grill and tables. Siguro nasa anim ang table dito na may kanya-kanyang smoke extractor sa itaas.
Maganda ang interior ng lugar. Feels like you're really in Korea. I went there before with my family but we're not able to tour because Father has a lot of meetings that day. Me and my brother just stay on our suite and wait for them.
May nakadikit na mga signs sa pader, yung iba nagpapakita ng prices ng pork and yung iba naman ay safety guides kung sakaling lumakas ang apoy. I like it here. Mabango rin ang aroma. I can smell barbeque and other spices. Hinanap ng mata ko si Liza, she went to the counter to buy our food. Libre na raw niya.
Nakakahiya na nga na puro niya libre, but I promise na babawi ko sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa 'kin.
"Unli rito. Unli sawa tayo!!!!" nakangiting anito ng makabalik.
Maliit akong ngumiti sa kanya. "Salamat. Unang beses kong makakatikim nito," pagpapahayag ko.
"Edi ngayon sulitin mo na kasi matagal na ulit bago tayo makakain sa ganito. Hihintayin na natin ang sweldo nating pareho," nakangising anito.
Tumango ako sa kanya. May nakita akong binuksan nitong drawer sa gilid, meron doong disposable chopstick, she take four and give me two pair. I frowned.
"Why two?"
"Kasi baka mabali, kaya extra. Yaan mo na."
"Ahh." Tiningnan ko ang kahoy na chopstick bago inalis 'yon sa lalagyan saka pinatong sa gilid. We waited for almost fifteen minutes before her order came. Ngumiti kami at nagpasalamat sa waiter bago binuksan yung grill. Dahil wala naman akong alam sa ganito, hinayaan ko ng si Liza ang gumawa at nanuod na lang ako sa kanya.
Nang ma-ready na lahat, nilagay nito lahat ng mean sa grill at nagpakuha pa ulit ng isang order.
"Ganito kumain niyan. Syempre, wi hab tu cook the pork first and then grill-grill it and then kuha mo this." Kinuha nito ang lettuce at gamit ang chopstick, she took a cooked pork and dip it in a cheese. After that she put the pork inside the lettuce and then eat it. "Gano'n!"
"Okay." Ginaya ko ang ginawa nito. I took a piece of pork, dip it in a cheese and place it in the lettuce before eating. I nod. "Hmm!!" I savour the taste of pork and the cheese in my mouth. Napapikit pa ako at hindi napigilang mapasayaw ng bahagya. Nakangiti akong tumingin kay Liza.
"It's yummy!"
"Knows ko! Try mo 'yung side dishes, lalo na yung kimchi, goods yarn!" anito. And Like an obedient kid. Sinunod ko siya.
And just like that I didn't notice that we're been here for almost two hours. The food is great, I like it. Salitan kami sa pagluluto ni Liza para both kami makakain. She paid our food, then nag-ice cream pa kami habang naglalakad pauwi.
"Curious talaga ako sa 'yo, Malaya. Kasi hindi ka talaga mukhang mahirap. Tumakas ka sa inyo hano?" tanong ni Liza.
Tiningnan ko siya saka nagbuntonghininga. Maybe I should trust her about my identity. Natulungan na nga niya ako, eh.
"Oo," tipid kong sagot saka dinilaan ang ice cream dahil palusaw na 'to sa cone. "My family wants to control my life kaya tinakasan ko sila. I came here para hindi nila ako makita." Sumakit ang dibdib ko ng maalala ang panahong nakakulong ako sa mansion.
Namilog ang mga mata nito. "Seryoso?! Eh, di anak mayaman ka talaga?!"
"Hindi naman kami gano'ng mayaman. Sapat lang para mabuhay kami ng maayos. Ayoko lang talaga ng ginagawa nila sa 'kin. Nakakasakal kaya ako umalis." Malungkot akong ngumiti. "Parang wala silang bilib sa 'kin."
"Awww . . ." Humaba ang nguso ni Liza bago pinalibot ang braso sa bewang ko. "Kahit pala mayaman ka hindi ka rin masaya sa buhay. Huwag kang mag-alala. Simula ngayon hindi ka na masasakal. Magagawa mo na ang gusto mo."
Napangiti ako dahil do'n. "Yes. Kaya thankful ako sa pagtulong mo sa 'kin. Salamat talaga ng marami, ha."
Kinindatan niya ako. "Walang anuman. Basta yung usapan natin ha. Tutulong ka sa bahay pagkatapos share ng bills."
Mabilis akong tumango. Iyon ang hindi ko makakalimutan. Sa dami ng naitulong niya sa 'kin ay sa gano'ng bagay na lang ako makakatulong sa kanya.
"Buti hindi ka hinahanap sa inyo. Kasi ilang araw ka ng nawawala," ani Liza.
Napangiwi ako saka deretsong tumingin sa daan. Hindi mo lang alam pero sigurado akong nagpapakalat na ng tao si Papa para lang mahanap ako. I'm sure with that kaya kaylangang magtago ako ng mabuti. Baka ibalik nila ako sa bahay.
"Ahm . . . siguro hindi pa lang nila n-napapansin."
"Hah!" She cough mockingly. "Ano ba 'yan, may ganyan pala talagang magulang, hindi napapansin ang pag-alis ng mga anak nila."
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Mas mabuting huwag muna niyang malaman ang tungkol do'n. Ayoko siyang madamay kapag nagkataon.
"Ikaw, nasaan ang mga magulang mo?" balik tanong ko saka tumingin sa kanya. I saw how her smile vanished that make her face cold.
"Nilayasan ko rin sila. Tutal wala naman silang pake sa 'kin," mapait niyang ani. Kumunot ang noo ko, nagtatanong na nakatingin sa kanya. Nilingon niya ako at saka nagpatuloy sa kwento. "Anak kasi ako sa pagkadalaga at binata ng parents ko. Tapos ayon, hindi nag-work 'yung relasyon nila kaya naghiwalay sila. Noong una, pinag-aagawan pa nila kung kanino ako mapupunta pero noong magka-anak sila at mabuo yung kanya-kanya nilang pamilya wala ng gustong kumuha sa 'kin. Kaya lumayas ako. Naghanap ako ng trabaho saka nag-aral hanggang high school. Di na kinaya college, eh, hanggang second year lang ako." Parang wala lang na sabi ni Liza.
Her voice maybe cold, and her face maybe emotionless, but her eyes cannot lie. I can see pain while she's telling me that.
Oh, God. How awful is that?
To be a product of broken family. That is tough.
Hinila ko siya palapit sa 'kin na kinatigil niya sa pagalalakad. Nagtataka siyang tumingin sa 'kin hanggang sa niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman kong nanigas ang katawan niya. I tap her back like what I'm doing with my brothers when they feel sad.
"I'm sorry about that, Liza. No one should experience that. I'm sorry," mahinahong kong ani.
Lumipas ang ilang minuto at naramdaman kong nabasa ang balikat ko. I tight the hug.
"You are so strong and brave. I'm so proud of you na kinaya mo 'yon," mahina kong paalam sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat. I can't imagine her pain.
Nang kalmado na siya ay humiwalay siya sa 'kin. Namumula ang kanyang mga mata tanda ng pag-iyak. Tipid siyang ngumiti sa 'kin sabay singhot.
"Salamat, ah. Buti ka pa nag-sorry. Di tulad nila sa 'kin pa sinisi," anito.
Malungkot akong tumingin sa kanya. Hindi ko siya pwedeng pagsabihan tungkol sa ganoon dahil hindi naman ako ang nakaranas . . . ano bang alam ko sa mundo nila.
Instead na sumagot at inakay ko na lang siya pauwi at muling nag-kwento.
******
NAKANGITI kong sinalubong si Liza na kakapasok lang galing sa labas. Napa-atras pa 'to ng makita ako. Umikot ako para ipakita sa kanya ang suot na damit. Ngumiti ito habang naglakad papunta sa may kahoy na upuan.
"Naks. Bagay na bagay sa 'yo, teh. Anong oras pasok mo?" tanong nito habang nakatingin sa 'kin.
Lumakad ako palapit sa may salamin at tiningnan ang sarili ko. I'm wearing the office uniform we bought last time and a black shoes with two inches heels. Naladlad ang buhok ko but may nakatali pa rin just to be presentable.
"Mga eight, I will leave maya-maya." Lumingon ako sa kanya. "Okay na ba yung suot ko? Yung hitsura ko?"
Nag-thumps up siya sa 'kin. "Pwedeng-pwede na. Bagay na bagay nga sa 'yo, eh. Kaya lang may isang kulang," nakangising aniya.
Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin ng tumayo. Hinalungkat nito ang bag na palaging dala na para bang may hinahanap. Lumakad ako palapit sa kanya at nakisilip na rin sa bag.
"Ano ba yung hinahanap mo?" nagtatakang tanong ko.
Nakangiti siyang lumingon sa 'kin at saka ipinakita ang hawak. "You're going to put a make up on me?"
Hinawakan niya ko sa kamay at hinila sa may set. Nakaharap kami sa isa't isang umupo.
"Oo kasi bagay sa 'yo yung may light make up, teh. Para rin kabog ka do'n!" aniya habang binubuksan ang palette. Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin.
"Liza, thank you pero hindi kakayanin ngayon. Bukas na lang ako maglalagay ng make-up. Bya-byahe pa ako at baka ma-late ako sa first day ko," paliwanag ko.
Nginusuan niya ako. "Duh, syempre kaylangan 'yan pero may point ka naman kaya dalhin mo na lang 'tong mga 'to." Pinaglalagay niya sa bag ko ang mga make-up. "Doon ka na lang mag-ayos kapag dumating ka. Maganda ka naman kahit walang make-up pero syempre, wag papakabog kaylangan meron para fresh!"
Sumang-ayon ako sa gusto niya.
"Sige mag-ingat ka, ha. Wag kang sasama kung kani-kanino."
Ngumiti ako sa bilin niya sa 'kin. "Opo, Mom! Don't worry. Makaka-uwi ako ng ligtas."
Ako lang ang mag-isang bumiyahe ngayon dahil kaylangang magpahinga ni Liza, binigyan niya naman ako ng direction list kung saan sasakay, bababa at hihinto para makapasok at maka-uwi.
Saktong seven am ng dumatinga ko sa office. Binati ako ng guard at sinabihang magpunta sa HR kaya naman doon ako dumeretso. Kumatok ako sa office ni Sir.
"Come in!"
I opened the door and went inside. I smile at him.
"Good morning, Sir. Sabi mo raw po ay dito ako dumeretso."
Tumango ito at inangat ang kamay. Lumakad ako palapit sa table niya.
"Here is your identification card, Miss Vallero. You always have to wear that para makapasok sa building. I will let Jane to bring you to Mr. Vasiliev office. She will explain everything you have to know."
I nod, "thank you, Sir. " Kinuha ko ang ID ko at tumalikod na sa kanya. Lumabas ako ng office, and there is where I saw Jane. "Tara?"
Walang salita na nauna siyang naglakad sa 'kin. Sumakay kami ng elevator, she push the top floor. I stand straight while waiting. Ang lamig ng hangin, kumakabog pa ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba.
"Is Mr. Vasiliev is already there?" Trying to make a conversation with her but she's ignoring me until makarating kami sa office of the CEO.
Seryoso siyang tumingin sa 'kin, tinuro niya ang table sa may gilid.
"That is your table. Doon ka magi-stay, may intercom diyan na naka-connect sa office ni Sir para mabilis ka niyang matawag. Don't be late. Mr Vasiliev doesn't like that. Kapag kaylangan mo ng tulong, press number six on the phone and it will connect to mine. I'm going to answer your questions if needed. For now, you have to put those documents in order, and put it in Sir's office."
Tiningnan ko ang mga nakapatong na dokumento sa lamesa. Napalunok ako, ang dami naman niyon.
"When Mr. Vasiliev will come here? Makikilala ko na ba siya?"
Inirapan niya ako, "as of now, no. Nasa ibang bansa siya para sa isang conference If I'm not mistaken, next month ang balik niya so you have a month to breathe dahil pagbalik niya ay siguradong tatambakan ka niya ng gawain. Aralin mo rin ang dapat gawin ng isang secretary dahil hindi niya gugustuhin na puro mali ang gagawin mo."
Lahat ng sinasabi niya ay tine-take down note ko sa isip ko. Madali naman 'yon, I still remember my father's executive secretary na palaging nagpupunta sa bahay para ipaalala ang mga dapat nitong gawin at kung sinong mga kikitain.
"Mr Vasiliev like black coffee, no sugar and cream. He doesn't want to be disturb when someone is with him in that room. And always put a headphones when it's a girl," he reminded me.
At first, I don't know what she's saying but damn . . . I realize it na lang ng sabihin niyang girl. Damn . . . okay. I'm surely going to put an earphone.
"N-noted," nakangiting sagot ko.
Malamig niya kong tiningnan bago inirapan. Matulog ang takong nitong naglakad at iniwan ako. Nakangusung sinundan ko siya ng tingin hanggang makasakay siya sa elevator. Nang wala na siya at tiningnan kong muli ang lamesa ko.
Inaalikabok na ito. Matagal na yatang walang gumagamit. Lumapit ako palapit doon at binaba ang bag sa may swivel chair Naglabas ako ng wipes na sinama ni Liza para punasan ang table and upuan. It's dirty like what I expected.
When I finished cleaning my table, I turn on the computer to start my work. They didn't tell me na bawal kong galawin ang computer kaya okay lang 'to. After ko do'n ay pinagtuunan ko naman ng pansin ang mga papeles sa ibabaw ng table ko.
I started to arrange it in order, just like what Jane said. At first mahirap kasi hindi ko alam kung paano pero nag-base na ang ako sa month and year dahil iyon ang nakikita kong patten. Habang inaayos ko ang mga 'to ay tinitingnan ko rin kung may soft copy baa ng mga 'to from the computer.
Saktong lunch ng makaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko ang mga natapos ko. Madami na 'to pero mas madami pa kong gagawin kaya kaylangan kong kumain para magkaroon ng lakas. Medyo nanakit na rin ang bewang ko dahil sa tagal ng pagkaka-upo, pati mga daliri ko namamanhid.
Huminga ako ng malalim. Naglakad ako papunta ng elevator at sumakay sa loob. Pinindot ko ang first floor at saka sumadal sa likod ng elevator. Tiningnan ko ang reflection ko sa bakal ng elevator.
Nang lumabas ako ay naglakad papunta sa may guard. Nagtatanong siyang tumingin sa 'kin.
"Ahm, saan po ang cafeteria?"
Sinundan ko ang tinuturo niya ang isang double door sa gilid. "Ayon, ma'am."
"Okay . . . salamat po!" Nagtungo na ako papunta do'n. Punong-puno ng tao ang buong lugar pagpasok ko. Tinungo ko ang counter kung nasaan ang mga paninda. They have foods for breakfast and lunch. Nginitian ko ang tindera.
"Anong sa 'yo, Ine?" tanong niya sa 'kin.
Nakanguso akong tumingin sa paninda niya. Wala ba silang menu dito para alam ko kung anong bibilhin ko? Kinamot ko ang noo ko at tumingin kay Ate.
"Ahm . . . sorry po. Hindi ko kasi alam kung ano ang tawag sa kanila," pag-amin ko. Okay ng mapahiya ngayon kaysa makakain ng hindi ko pala gusto.
"Adobo, menudo, asado, hotdog, spaghetti, carbonara mayroon po tayong sisig tapos dinuguan. Meron ding chicken fillet."
"Ahm . . . carbonara and chicken fillet po. How much sila?"
"Sixty with rice yung chicken fillet tapos thirty yung carbonara. Ninety lahat," anito. Kinuha ko ang wallet ko at tiningnan ang laman nito. I only have two hundred pesos, Liza said na kung kaya ay pagkasyahin ko raw 'to. Kinagat ko ang labi ko.
"Okay po . . ." Kaya ko naman sigurong maglakad pauwi mamaya kapag malapit na ako. Inilabas ko ang one hundred pesos ko. I really have to magtipid na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top