Chapter One
MY dream is to live my life outside this house. Outside their mansion. But I can't. I can't because I'm a prisoner in my own house.
I let a loud sigh while watching our maids to clean the house. I'm bored in my room that's why I go here but naabutan ko silang naglilinis. They asked if I wanted them to stop, I said no. Gusto kong kausapin sila but no one will answer me. Gano'n naman palagi. We are not allowed to talk to them unless they are our personal maid.
It's summer in Santorini, dapat ay nasa beach ako. Nage-enjoy, nagpapa-tan ng balat lalo pero nasaan ako? Narito sa loob ng bahay namin! Ni hindi ako makalabas dahil sa dami ng bantay ko. Isang kilos ko lang nakasunod agad sila sa'kin.
Umirap ako.
You want to know why?
Because my father is one of the wealthy man in Greece, our family name is known here. Vasillios.
Vasilios Shipping Line.
Vasilios Cruiser.
Vasilios Yachts and many more.
And because of that we are always in danger. Palaging kaylangang may bodyguard na kasama kapag aalis, dapat palaging may bantay para daw sa proteksiyon namin. But I don't need protection! I can protect myself! I was trained by a master of Martial Arts, I'm good at Pankration. But since my father is a hard headed man, he did not listen to me.
I don't like to sound ungrateful but this is how I feel. If I'm a 13 years old girl I can understand their reasoning but for God's sake I'm already 25 and yet wala pa kong na-a-achieve sa buhay ko. Yes, graduate ako ng college pero 'yon lang.
Nakakapagod na rin. Nasasakal na ako sa ginagawa nila sa'kin. I'm not even the youngest child. I'm the second child and look at me now. I'm a prisoner.
Umiling ako.
Malaya Kallos Vasilios, the prisoner.
I wish I can also say na malaya na ako from this house dahil gusto ko talagang i-explore ang mundo. I want to travel around the world. I let a loud sigh.
"Why my sweetheart is sighing like she have the earth's problem?"
Nilingon ko ang nagsalita. My mother, standing in our staircase—sophisticatedly look ing down at me. Tipid ko siyang nginitian.
"Mama, I'm just thinking can I go to the nearest beach? It's hot and—"
"Oh, sweetheart..." Bumaba ng hagdan si Mama, tinabihan niya ako ng upo. Nilingon ko siya.
"Sweetheart, may malaking swimming pool tayo sa labas you can use it para hindi ka na mapagod," she said in light tone.
"But Mama...water in the beach is more relaxing and cold," I reasoned out. Malay niyo gumana.
She shake her head. "I will send our men to put large ice block in the pool if you want cold water, Aya."
I lost all hope I got. I knew it she'll never let me.
Malungkot akong nag-iwas ng tingin at hindi na nag-apila pa. Mamaya na lamang ako magbabakasakali kay Papa. Baka hayaan niya ako katulad noong nakaraang birthday ko.
"Sweetheart, intindihin mo naman. Ang gusto lang namin ay ang kaligtasan mo." Hinaplos niya ang buhok ko.
Marahas akong lumingon sa kanya. "Pero si Ares ay hinayaan ninyo!" angal ko.
Sumeryoso ang mukha nito. "Malaya Kallos, Ares is a man! He can handle himself. Besides nagtra-trabaho siya—"
"Mama, I can work, too!" putol ko sa sinasabi nito. "I can help him kayo lamang itong ayaw!"
She crossed her arms. "Delikado—"
"But you let Achiless and Helios to go fool around!"
"Because they—"
"Mama, don't be like that! Hindi porke babae ako'y hindi ko na kayang protektahan ang sarili ko. Ano pang silbi ng self-defense na itinuro sa'kin kung 'di ko gagamitin!"
No! Ilalaban ko talaga 'to! I badly want to go in beach!
"Basta you cannot leave. Magagalit ang Papa mo!"
Ayon. Lumabas na ang totoo. Si Papa ang ayaw akong palabasin. Gusto kong magdabog dahil sa inis na nararamdaman. Since I was a kid ganito na kami palagi! Gusto kong umiyak dahil sa galit!
"Mama! Please! Ako nang bahala magpaalam sa Papa!" pamimilit ko pa.
Ngunit tumayo na't umalis si Mama ng living area na walang sagot sa'kin. Nagbuntonghininga ako. I just wanted na mag-beach. Umaasa na lang talaga akong sana'y payagan ako ni Papa—pero alam mo ang totoo Aya. He will not let you.
Matamlay akong pumanik ng kwarto ko. Nagmukmuk sa kama't naghintay umuwi ang Ama. He is a busy man. Kahit na hawak na ng kapatid ko ang karamihan sa businesses namin ay tumutulong pa rin si Papa.
Kung hinahayaan lang kasi nila ako, edi, sana nag-e-enjoy na lang sila ni Mama sa bakasyon around the world pero wala.
******
LUMIPAS ang mahabang oras ay nag-alas sais na. Sakto sa oras ng uwi ni Papa. Lumabas ako ng kwarto at pumuwesto sa may hagdan. Doon ako nag-antabay sa kanya. Kabisado ko ang oras ng uwi nito dahil iyon lang naman ang pwede kong pagka-abalahan sa bahay na 'to.
Miski pagluluto'y hindi nila ako hinahayaan na sobra kong kinaka-inis! Palaging may nakaalalay sa'kin.
Nang makarinig ng makinang huminto sa labas ay napangiti ako. Dumeretso ako ng tayo, ngumiti ng bumukas ang pintuan. Pumasok roon si Papa kasunod ang dalawang katulong na dala ang mga gamit nito. Sinalubong ko siya ng yakap ngunit umiwas siya.
Umawang ang labi ko at napapahiyang lumayo.
Seryoso siyang tumingin sa'kin.
"What is it, Malaya?" he asked coldly.
Kinagat ko ang labi ko.
"Ahm...Papa, I want to go—"
"Not now. We'll talk later in dinner," he dismissed me. Pagkatapos ay naglakad ito papasok sa opisina niya.
Bumagsak ang mga balikat ko. Hindi na bago sa'kin na gano'n ang pakikitungo ni Papa pero nasasaktan pa rin ako. He is a cold man. I remember him as a kid as a sweet father. He always give what I want, he spends time with me. Ngunit may kulang sa'kin na hindi ko na maalala. One day I just wake up that he is like that...
I tried to have his attention. Naging masunurin akong anak. Kumuha ako ng Business course para makitang maasahan niya rin ako but I think he is blind. Hindi niya nakikita ang mga ginagawa ko.
I go back to my room with a heavy heart. Humiga ako sa kama, tumitig sa malamig na kisame. I wish I can go back time...kung saan ako nagkamali noon ng hindi ganito ang dinadanas ko ngayon.
I didn't notice na nakatulog ako. Nagising na laman ako sa marahang katok sa pintuan ng silid ko.
"Who's that?"
"Lady Aya, your father is calling you in the dining area. You can go there and wear a proper dress. He wants to talk to you."
Napapikit ako bago dumilat muli para tingnan ang orasan sa gilid ko. Oras na pala ng hapunan. Hindi ko man lang napansing mahaba ang tinulog ko. Bumangon ako.
"Okay." Inayos ko sandali ang buhok ko bago bumaba ng kama. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. Okay na sa'kin ang suot kong white dress. Simple lamang 'yon ngunit presko sa katawan.
Lumabas ako ng kwarto't bumaba sa kusina katulad ng nais ng Papa. Naabutan ko sa lamesa ang mga kapatid kong lalaki. Ang Papa'y naka-upo sa gitna, si Mama nasa kanan katabi ang kambal kong nakababatang kapatid na lalaki. Nasa kaliwa naman si Ares at katabi nito ang upuan ko.
Huminto sila sa ingay ng mapansin ang presensya ko. Like a Queen I walk to my seat. Gracefully ay ngumiti ako sa kanila.
"What are you talking about? Let me hear it," ani ko habang kumukuha ng pagkaing nakahanda sa mesa.
Ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsalita. I frowned. Something is definitely wrong, I can feel it. Tiningnan ko si Mama pero nag-iwas siya ng tingin—parang maiiyak. Hinarap ko si Papa. Seryoso ang mukha habang kumakain.
"Papa...I was saying a while ago if I can go to the beach—no I actually wants to travel LA. I hope you agree," I said sweetly but I stopped from smiling when I heard what he said.
"Malaya, I want you to meet and marry this person. He is a nice guy. I know you will get along," aniya na parang naghahabilin lang ng bibilhin.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Papa. Tama ba ko ng narinig? He wants me to meet someone and marry him?! Umawang ang labi ko...
"Papa...I only want vacation...not a marriage," mahinang ani ko.
"But I want you to marry him. He is a nice guy—"
"I heard you the first time, Papa. But I'm saying that I will not marry someone! If this is your way of saying you are not letting me go to LA. Okay. I understand. I'm not allowed to leave this freaking house!" nagmamadali kong sabi.
But his reaction never change. He still serious. Nilingon ko si Ares, tahimik lang siya't seryoso rin. Then I looked at my mother. Hindi pa rin siya makatingin sa'kin, same with my younger brothers. That's when I realize they are not joking around.
"NO!!!" malakas kong tutol.
Suminghap ako. Hindi ko matanggap ang ginagawang ito ni Papa. Anong tubig ang pumasok sa isip ng Papa na ipakasal ako sa taong hindi ko naman kilala. Worst is nice ito for him! One thing for sure, hindi ko magugustuhan 'yon!
"Yes, Malaya Kallos. You will."
"B-but Papa! I don't want to be married! I DON'T WANT TO BE MARRIED AT ALL!!" I cried in pain I cannot believe it my parents are trying me with someone I haven't met yet!!
Nilingon ko ang mga kasama namin sa lamesa upang humingi ng tulong pero para silang pipi't bingi. Nanlalabo na ang mga mata ko sa luha.
My father's face remains stoic.
"My decision is final. You are going to marry him!" he said like a King, no one dares to oppose.
Napatayo ako. Lumuluhang tinitingan ko siya. "This is my life! I should pick someone I will be with—"
"You too stopped!" my mother interfere. Sa wakas! "Zeus, talk your daughter in a nice way. And Malaya, don't talk like that to your father!"
Nilingon ko siya. "Mama! You heard Papa! He wants to arrange me with someone I haven't met yet!"
"I know but hear his reasons!"
"I don't care about his reasons! I'm his daughter too!" sigaw ko. Pagalit akong lumingon kay Papa. "I'm your daughter, too pero bakit ginagawa mo sa'kin 'to?!"
"You're my daughter that's why I'm doing this, Malaya Kallos. You will marry him!"
I see...the king already gave his order. No one can break that. Wala na akong magagawa. Tumigas ang mukha ko. The tears stopped from falling and I looked at my father coldly.
"I WON'T!" I shouted. He raised his brows from me. "Take all of my money or stuff, I don't care! I will not marry someone I don't love!!"
Padabog akong umali sa meeting hall at pumasok sa kwarto ko. I cried when I got in. Sumandal ako sa likod ng pinto.
********
DAYS already passed since my father and I have a fight. Since that day parang nagkaroon ng civil war sa bahay. Hindi ako sumasabay sa kanila sa pagkain at palaging nakakulong ako sa kwarto—pagpapakita ng pagrerebelde ko.
Rebelde is not suited for me. Siguro pagdi-disagree lang sa gusto nilang gawin. Umiiwas rin muna ako dahil baka ma-iyak na lang ako kapag nagkataon. They are still my parents, hindi ko sila magagawang sagot-sagutin at saktan kasi doble ang sakit sa'kin no'n.
"Hanggang kaylan mo hindi kakausapin sina Mama?" my brother, Achilles asked.
Bored ko siyang tiningnan. Naka-suot pa ng pang-aral ang bata. He is just 16 years old ngunit mapapagkamalam mo nang nasa 18s-20s.
"Until they stop insisting that marriage thing!" mahinahon kong sabi. Ibinalik ko ang tingin ko sa binabasang libro.
"That will not happen. Bakit kasi ayaw mo pang pumayag? It's a good—"
"Don't tell me what to do Dakila Achilles! You are not in my shoes kaya mo nasasabi 'yan! I will wait kapag ka pinaki-alaman rin nila Papa ang buhay mo! Palibhasa'y wala ka sa ganitong sitwasyon kaya andaling sabihin ng mga 'yan!" Nakaka-inis!
Anong akala nila? Nag-iinarte lamang ako?! NO! I don't like this idea! Hindi naman kasi nakakatuwa ang ginagawa nila sa'kin!
"They are meddling in my life! Paano ko malalamang magiging mabuti't maayos siya sa'kin gayong wala naman akong karanasan sa lalaki—ay oo nga pala. Hindi talaga ako magkakaroon dahil nakakulong ako sa bahay na 'to!" may galit ko pang sabi.
Itinaas ng gulantang na binata ang kamay niya sa ere.
"Easy—"
"Alam mo mang-iinis ka lang pala sana hindi ka na pumasok dito! Leave my room now!!" madiin kong utos.
Pero mukhang sadyang nasa dugo namin ang makukulit dahil inilingan lang ako ni Achilles. Pumasok pa nga si Helios dala ang isang bag ng junk foods. Wala sa oras akong napabangon.
"You can not eat here!!" tinuro ko ang pintuan. "LUMABAS NA KAYONG DALAWA!!"
They laughed hard na mas nagpa-inis sa'kin. Kumukulo ang dugo ko sa paraan nila ng pagtawa—mga nang-aasar.
"Make me!" mayabang na utos ni Helios.
"Owww...she cannot because she has no power. Galit nga pala siya kina Mama kaya—" before he could even finish his sentence. I already in their side. I hold their ears at hinila palabas ng silid. They are whining in pain.
Humawak sa kamay ko ang kamay nila para alisin ang pagkakahawak ko pero mas piningot ko lang sila. Nang nasa labas na kami ay patulak kong binitawan ang mga 'yon. Pinangdilatan ko sila ng mga mata bago umirap at bumalik sa kwarto.
"YOU ARE SELFISH!!" sigaw nila sa'kin nang sabay.
Inirapan ko sila't malakas na sinarado ang pinto. Ni-lock ko na rin ito.
Ayokong makapasok na naman ang mga iyon dito. Bumalik na muli ako sa kama ko't tinuloy ang pagbabasa ngunit naagaw na naman ang atensyon ko nang mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ang tumatawag, it's Ares. Pinatay ko ito.
Isa pa siya. Hindi man lang niya ko tinulungan noon. I know he also agreed on that stupid idea.
Dahil hawak ko na rin naman ang phone ko ay naisipan kong mag-online. I only have IG account. Walang masyadong laman 'yon. Ginagamit ko lang talaga pang-stalk ng mga personalidad na nakakalibot sa mundo. Pinapanood ko ngayon si Lei Wonders, she's traveling the world. Now nasa Pilipinas siya. Enjoying the beaches there. Suddenly, I feel sad.
Nakakulong na nga ako sa bahay na 'to, ipapakasal pa ko sa hindi ko kilala. I cannot believe it. Akala ko precious daughter ako kasi nag-iisang anak na babae, precious lang pala ako kasi may pakinabang sa kanila tulad ngayon.
What if sa matandang pandak na panot pa ko ni Papa pinagkasundo.
Tss. Para sa pera't negosyo...hahayaan niyang mawala ako.
Pumasok sa isip ko ang sinabi nila sa'kin kanina. Selfish ako? Ako pa?! Okay fine. Ipapakita ko kung gaano ako ka-selfish!
Tiningnan kong muli ang screen ng phone ko. I'm imagining myself with Lei. Enjoying the sea in the Philippines.
I'm selfish.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top