Chapter Fourteen
hi, this is the longest chapter I have written for SOL. Almost 4K yata 'to kaya enjoy kayo!
-------
CHAPTER FOURTEEN
"I DIDN'T know you can read Italian," he stated.
Nanlaki ang mga mata ko. "N-No . . ." tanggi ko. Naging malikot ang mga mata ko.
He didn't said anything. Bagkus, tumaas ang kilay niya. Tumango ito at tinuro ang menu na kinuha ng waiter sa 'min.
"The menu is written in Italian. I was about to ask you what you want but I was shock to hear you speak for yourself. I'm impressed with your accent, too. You're very good at it." Pinatong nito ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa at matiim na tumingin sa 'kin. "Tell me, Miss Vallero, have you studied it or it's your first language?"
Nanigas ang katawan ko sa huling sinabi niya. Shit! Is the menu is written in Italian? Paano ako naging careless na gano'n?! Namasa ang mga palad ko.
What should I answer? How can I explain those things?! He will suspect me!!
My breathing is starting
Sa sobrang excitement, hindi ko na siguro namalayan 'yon. Ang hirap naman kasing magpanggap lalo na't Italian is my first language. Iyon ang madalas naming ginagamit for communication.
"Ahm . . ." Think, Malaya. Shit. Think!
I cannot tell him the truth! Pero anong isasagot ko?! It will lead to many more questions if ever!
Tipid siyang ngumiti sa 'kin bago dumeretso ng upo. "Well, you can tell me the truth or just shake your head if you don't want to answer."
Hindi ko magawang sumagot. Parang may nakabara sa lalamunan kong malaking bagay. Nanginginig ang mga kamay kong bumaba sa ilalim ng lamesa. Kumuyom ang kamao ko sa ibabaw ng hita ko.
Lumunok ako. "H-hindi, sir," mahina kong sagot. "A-alphabet naman po siya k-kaya binaybay ko na lang," pagdadahilan ko.
Mr. Vasiliev didn't answer, instead, he shake his shoulders. Nakatuon pa rin sa 'kin ang mga mata niya pero wala na akong mabasang emosyon doon. Napakagaling niyang magtago ng emosyon. Mas nakakatakot pang tahimik ito kesa sa nagtatanong.
Naniwala ba siya sa sagot ko?
Iniyuko ko ang ulo ko. Ayokong salubungin ang mga mata niya. After a few minutes no one say a word hanggang sa tumikhim si Mr. Vasiliev.
"Malaya, remember that I don't want to work with liars. I will understand if you couldn't answer me right now, but I'm expecting you to tell me the truth soon," he said in final tone.
I couldn't find my courage to talk back to him. I should do make him believe that I'm a normal person here. Maalis ko dapat ang pag-iisip niyang ganuon sa 'kin.
When they serve our food, it's still hot. Pinanood kong ibaba sa lamesa ang mga pagkain. Hindi ko magawang hawakan ang kubyertos sa tabi ng plato ko.
"What? You're not eating?" he asked while looking at me.
I quietly pick up the fork to eat my appetizer. Naging tahimik ang pagkain namin. Nawalan na ng lasa ang bawat pagkain sinusubo ko. My favorites but seems nothing now.
"Don't you like the food?"
I was taken back, pinunasan ko ang labi ko. "No, sir. I like the food," mahina kong sagot.
"Then eat. You're too thin."
Marahas akong napalingon sa tinawag niya sa 'kin. I glare at him.
"I'm not thin! I'm sexy! My body is just okay!!" I insist.
He smirked. "Well, I don't believe until I see it." Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Mabilis kong itinakip ang dalawang braso ko sa tapat ng aking dibdib dahil parang hinuhubaran na niya ko gamit ang mga mata niya.
My cheeks heated sa isiping ini-imagine niya ang katawan ko. Damn! Male imagination is kinda wild.
But I feel glad if he does. Imagine Mr. Vasiliev is thinking what my body looks like and—I mentally slap myself. Gosh, Malaya!!!
"Finish your food, Malaya. We're going to buy you a phone and laptop."
******
LIKE what he said, we went to a known tech-shop. Nakasunod lamang ako kay Mr. Vasiliev habang ina-assist ito ng isang crew sa shop. Pinag-uusapan nila kung anong magandang brand ng phone and laptop.
Pagpasok pa lang namin kanina ay sinalubong na agad kami ng mga babae. Every women is ogling at him. Nagpapa-cute ang mga sales lady sa loob. Lalo naman na ang uma-assist dito. I rolled my eyes.
Nilingon ko sila, they are busy so I will look to other phone myself. Nabo-bored na ako. Hindi man lang niya ako tinatanong kung anong gusto ko.
"Give me your latest laptop and phone. I want the best for my employee."
I didn't bother to look back at them. Lumapit ako sa isang phone at tiningnan 'yon. Inabot ko at chineck ito. I tap the camera icon and smile. Kapag maganda ang camera niya at malaki ang GB kukuhanin ko na. Wow, ikaw ang magbabayad? The camera is good. Maganda ito pang-selfie. I tried the back cam and it was also good.
I checked the setting. Malaki ang internal space niya. Maganda rin siyang gamitin for taking notes sa office. Maraming mada-download na apps for work. Kahit wala na sigurong laptop, pwede na. Tinalikod ko 'to, kulay silver ang back ng phone. I like it, simple lang but it looks elegant.
Tiningnan ko pa ang ibang cellphone para dumami ang pagpipilian ko. May tablets akong nakita na nagustuhan ko rin pero mas kaylangan ko ng phone ngayon dahil may sim sila. I can use it to communicate sa ibang tao.
Napa-igtad ako ng maramdaman ang mainit na palad sa 'king bewang. Patagilid kong nilingon si Mr. Vasiliev. His face is near my ear. I can feel his hot breath.
"You like that?"
Binitawan ko ang hawak kong ipad. "No. I just need a laptop and a phone." Humarap ako sa kanya. "Nakapili ka na?"
"Yeah. I asked them for their latest one. Let's go." Inalalayan niya akong maglakad papunta sa counter. Nakangiti kaming sinalubong ng babaeng may hawak ng phone at laptop. Huminto kami. They unboxed it in front of us.
Ipinakita nito sa 'min ang phone. The back is made of glass, gray ang kulay nito. She open it for us. It has 64 GB. The laptop has 128 GB RAM.
"I'll take it. Give us all the necessary things for them. All of them," madiin nitong saad bago lumingon sa 'kin. "You like it?"
Lihim akong napa-irap. Nasabi na niyang kukuhanin niya tapos saka pa lang niya itatanong sa 'kin. Kung sabihin kong ayaw ko mabababawi pa ba niya 'yon? Oo naman, sa yaman niyang amo mo baka bilhin niyang pareho. Pinilit kong ngumiti.
"O-oo. Okay na 'yan," mahina kong sagot. Naglibot-libot ako ng tingin habang inaayos nila ang binili ni Sir.
"Do you want anything else?" he asked.
Nilingon ko siya. Our eyes met. Napalunok ako ng makita ang kulang ng mga mata niya. At first, it looks like black but the truth is its gray!
His gray eyes are attractive.
And my heart started to beat erratically
"Take a photo, instead, it will last long," nanunukso nitong sabi bago bumitaw sa 'kin. Umawang ang labi ko.
"Conceited!" madiin kong bulong. Inirapan ko siya. Akala mo naman kung sinong gwapo! Ano, porke maganda ang katawan niya gaganoo'n siya? Damn him!
Dahil sa inis ay nagtuturo ako ng mga gamit na hindi ko naman kaylangan para lang bwisitin siya. Instead na makarinig ng pagtutol, tumawa lang ang lalake na mas kina-inis ko.
Nang mabalot na nila ang pinamili namin ay lumapit si Mr. Vasiliev. Inilabas nito ang isang black card at inabot sa babaeng nasa counter. Tiningnan ko fron the receipt kung nakamagkano siya.
It's only a hundred thousand pesos.
Wow, ang cheap lang pala ng mga gadgets dito sa Philippines. If sa Italy ka bibili it will cost a lot na rin.
Ibinalik na nila kay Mr. Vasiliev ang card nito, Mister put it back to his wallet before taking the paper bags. He is holding the papers bag in his right hand. Kinuha nito ang kamay ko at pinagsaklop niya ang palad namin.
Bumaba ang mata ko doon. Why he hold my hand?
Napansin ko na lang na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Nag-init ang pisnge ko. What if there's a paparazzi here waiting for us to make a move and then take a photo of us tapos i-publish nila? Mabilis kong binawi ang kamay ko't lumayo sa kanya.
Gulat na tumingin si Mr. Vasiliev sa 'kin.
Nag-iwas ako ng tingin bago pumuwesto sa likuran niya. Dito ako nararapat. Sa likod niya. Hindi sa kanyang tabi. We are not the same. He is my boss and I'm his employer. Hindi tamang hinahawakan niya ako ng basta-basta na lang.
"Mr. Vasiliev, I think it's inappropriate for you to hold my hand. I'm just your employee. People may speculate things," mahina kong pangaral sa kanya.
I didn't see his reaction to what I said. Nang tingnan ko kasi siya ay lumalakad na siya. Para na tuloy siyang napapalibutan ng dark aura ngayon. I bit my lips.
Kinurot ko ang sarili. After ng ginawa niya sa 'yong tulong ay pagsasabihan mo siya ng gano'n, Malaya! He may think na wala akong utang na loob because of my attitude. Pero, right naman kasi talaga ang sinabi ko.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. I should not be guilty. What I said is right. It. Is. Right. I'm professional. Tinuro na sa 'min na wala dapat relasyon ang employee sa employer dahil pwede 'tong mag-cause ng biased treatment and scandal sa company. I should know better.
Hinawi ko ang buhok ko saka mabilis na sumunod kay Mr. Vasiliev, I don't want him to think I'm incompetent.
Sa parking lot kami nagpunta. Mr. Vasiliev didn't speak when he went inside the car. When I saw his side profile I already knew he is mad. His driver is frowning, looking at me like asking what I did. I didn't answer him. Pwede ko bang sabihin sa kanyang pinagsabihan ko lang naman ang Boss niya na huwag akong paghahawakan.
Instead na tumabi kay Mr. Vasiliev, umikot ako papunta sa passenger seat. Unlike the other day, he didn't complain about it. His eyes are cold when I met it from the rear-view mirror. Nag-iwas ako ng tingin. Tinuon ko ang atensyon sa labas ng bintana kaysa makipagtitigan sa Boss ko.
Napatingin ako kay Mr. Vasiliev, when I heard that he is talking to someone.
"Yes. Go right to my office. I bought a phone. I want it to be postpaid. Put the bill in mine. Yes. Yes. I will see you." He look so strict like talking to that person. Ano kayang hitsura nito kapag nasa loob na ng meeting.
I never saw him inside the meeting room. Mas madalas pang nasa loob lang siya ng office.
Nanlaki ang mga mata ko ng dumako ang tingin nito sa salamin kaya nagtama ang mga mata namin. Mabilis akong tumingin sa labas ng bintana na parang walang nangyari. Nagsumsiksik ako sa gilid upang hindi niya makita.
"Yeah." I think Mr. Vasiliev just ended the call.
Tiningnan ko ang driver nito na busy sa pagmamaneho. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya siya lumingon. Pinagtaasan niya ako ng kilay bago mataray na bumalik ang tingin sa kaslada.
Napa-irap ako.
Manang-mana siya sa Boss niyang palaging nakasimangot. Nagpakawala ako ng buntonghininga. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse. Kahit yata ang makina ng sasakyan ay takot gumawa ng ingay.
Naman oh!
*****
PAGDATING namin sa office ay sinalubong kami ng isang babae. Nakipag-shake hands ito kay Mr. Vasiliev, at tipid namang ngumiti sa 'kin.
"Ms. Vallero, give Ms. Lajada a drink. What do you want? Coffee, juice or tea?"
I helped Sir to sit in his chair before looking at Ms. Lajada, waiting for her response. But I saw the girl, smiling provocatively with Mr. Vasiliev. I'm astounded to see my boss' reaction. He is smiling back! With the same intensity with this girl!
Hindi ako makapaniwalang umiling. Masama ang loob kong kinagat ang pisnge ko upang pigilin ang inis.
"I want a sticky milk, Mister Vasiliev . . . will you able to get me that?" she said in seductive tone.
Hindi sumagot si Mr. Vasiliev, tumingin lang ito sa 'kin. "Miss Vallero, stay outside for the mean time. I will call you when I'm done," he ordered.
Walang emosyon ko siyang tiningnan bago nakangusong sumunod. Mukhang alam ko na ang gusto nilang gawin. Masama kong tiningnan ang babae bago lumabas ng office.
Nagpapadyak ako sa inis.
Nakaka-bwisit!
I should have known better! A man like him is like the other man out there who's hungry for sex!
Padabog akong naglakd sa dating pwesto ng table ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Wala nama akong pwedeng upuan dito dahil inalisan niya na ako ng table. Anong gagawin ko ngayon? Tatayo hanggang sa matapos sila ng babae niya? I crossed my arms before sumalampak. Damn this life talaga!
Sumandal ako sa pader at tumingin sa elevator at pinto ng office ni Sir. Naghigab ako sa pagka-bored. Hindi ko na namalayang tinangay na ako ng antok.
******
"IT'S a pleasure having business with you, Mr. Vasiliev . . ."
Marahang nagbukas ang mga mata ko ng makarinig ng boses na nag-uusap. At first it was blurred but when my eyes adjusted to the light I saw my boss with his co-worker talking near the elevator.
"The feeling is mutual, Miss Lajada. Thanks," anang ng lalaki. The lift open and Miss Lajada went in. She blew a kiss to Mr. Vasiliev before the door closed.
"What can you say, Miss Vallero. Do you enjoy watching us?" my Boss voice bombarded the whole floor.
Napatayo ako ng wala sa panahon. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling bago inayos ang sarili ko. I make myself presentable before ako naglakad palapit sa lalaki. Hindi ko alam kung anong oras na but base on the darkness outside the building, it looks like gabi na. And tapos na ang shift ko sa ganitong oras.
Lumakad palapit sa 'kin si Mr. Vasiliev. "Come to my office immediately, Malaya. Gusto kitang kausapin."
Namilog ang mga mata ko ng magsalita ito ng tagalog. May accent katulad ng sa 'kin ngunit mas mainam iyon. Akala ko'y hindi siya nakakapagtagalog.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Malakong nakatingin sa 'kin ang malamig na kulay-abo niyang mga mata.
"Why? Can't believe na nakakapag-Tagalog ako?" nang-aasar niyang tanong.
Nahihiya man pero tumango ako. He chuckled. "Well, honey, I can speak Tagalog, so feel free to ask me if gusto mong tagalog na lang ang gamitin nating lengguwahe sa pag-uusap."
"N-nako, Mr. Vasiliev, k-kahit ano naman pong lengguwahe ay maiintindihan ko. Kung saan kayo komportable."
Tumaas ang isang kilay nito bago tumango. "Okay then. Follow me." Pinanood kong siyang maglakad ng palayo sa 'kin. Hindi pa man ako nagtatagal sa trabaho ko'y nagiging interesante na para sa 'kin ang Boss ko. Parang may kakaibang misteryong nagtatago dito.
Pinagkibit balikat ko 'yon at sumunod na dito. He is sitting in a one sitter couch, kaya umupo ako sa mahabang upuan. Nasa ibabaw ng center table ang dalawang paper bag na naglalaman ng mga gadgets na binili namin kanina.
Mahabang katahimik ang umalingawngaw sa buong silid bago ako tumikhim at alanganing ngumiti.
"Mr. Vasiliev, n-nasaan nga po pala ang lamesa ko?" mahinahon kong tanong. Sumakit kaya ang bewang ko sa pag-upo kanina sa lapag lalo na't sa pader pa ako nakasandal.
"In your office," tipid nitong sagot.
Nagdikit ang kilay ko. "S-sorry, Sir. Hindi ko kaya kayo—"
Deretso niya kong tiningnan sa mga mata. May kislap ng kung ano sa mga mata niya na hindio ko naman magawang pangalanan.
"The office next door will be yours. Para hindi ka mahirapan sa pagtratrabaho. You also have your privacy."
"Huh?" Kinamot ko ang batok ko. "Eh, hindi po ba mas lalo lang akong nahirapan no'n dahil malayo ako sa tao? Dapat nasa labas ng office mo ang table ko para ma-accommodate o makita ko kung sinong pumapasok o gustong pumasok dito. In my opinion hindi tama 'yon and hindi practical," mahaba kong lintanya.
Ngumiti si Mr. Vasiliev. Hindi naman siya mukhang pagod . . . mas mukha pa siyang proud.
Tumikhim ako bago umayos. "I'm sorry--"
"Don't say sorry for saying what on your mind, Malaya. I'm not mad." Sumandal ito sa upuan, "it's not about being practical or not, Malaya. I want you to have privacy and place where you can rest lalo na kapag ka hectic ang schedule. Matagal ng office 'yon ng dati kong secretary and doon na kita inilipat."
Tiningnan kong mabuti si Mr. Vasiliev para suriin ko talaga bang nagsasabi siya ng totoo. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Wala naman akong napansing kaka-iba dito. Kahit na may kakaibang sinisigaw ang isang bahagi ng utak ko ay pinagwalang bahala ko 'yon.
Dapat nga sigurong maging grateful pa ako dahil inisip nito ang kapakanan ko. Magkakaroon ako ng sariling opisina. Mean privacy is just around the corner. Hindi ko na kaylangang mahiyang kumain kapag ang ulam ko'y isda.
"Then, thank you for your consideration, Mr. Vasiliev. I appreciate it," nakangiti kong pasasalamat.
He didn't answer me nor smile. Napa-iling ako sa isipan. Talaga nga namang kakaiba ang takbo ng isip ng lalaking ito.
"Here is your phone and your laptop. Naka-postpaid iyan. It means you can call me anything without worrying about the load. You can send me messages, too. I already saved my number. Ikaw ng bahala kung magse-save ka pa ng number ng ibang tao." Inabot niya sa 'kin ang dalawang paper bag. Inilabas ko ang telepono doon.
I cannot stop myself from smiling while looking the phone. Tiningnan ko ang lalaki.
"Thank you very much, Sir." Parang may ningning sa mga mata ko ng ibaba ko ang tingin ko sa telepono. I can call them na if there's an emergency.
"Welcome. And the laptop, too. Just tell me if you also need an internet access para mapalagyan ang wifi ng bahay niyo," alok nito.
Mabilis akong umiling. "Hindi na po, Sir." Hindi naman akin ang bahay na 'yon. Baka magalit si Liza kapag pumayag ako ng walang pahintulot niya.
Tumango ito. "If you said so. Kung may kaylangan ka pa pwede mong i-message sa 'kin para mabili ko at ipapadala ko agad sa 'yo kung hindi ko maibibigay dito sa office."
"Ay, hala, sir. Okay na po 'to. Sobrang laking tulong na po nito. Maraming salamat po."
"Okay, then. Let's go. We're going to eat dinner before I take you home."
"Y-you will take me home?"
"Yeah. Bawal ba? Kung mayroong magagalit, I'm sorry agad. I will talk to my—"
Isinenyas kong wala. "No, sir. I don't have a partner. I'm living with my friend. She's a girl and working at night kaya wala pong magagalit." I mentally slap myself! Damn me! Why do I have to explain to him?!
Hindi niya kaylangang malaman kung sinong kasama ko sa bahay! Damn!
He smile smugly. Tumayo ito at inilahad ang palad niya sa harapan ko. Dumako ang tingin ko doon. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi. But I choose the latter. Tinanggap ko ang kamay nito at tumayo na rin. He put his hand sa bewang ko at inalalayan ako. Hawak ko sa kanang kamay ko ang mga paper bag.
Nang makababa kami sa first floor ay pinagtitinginan kami ng mga empleyado but he didn't care less. Sumakay kami sa kotse nito at nagpahatid siya sa isang mamahaling Japanese restauran. After we ate dinner he insisted to bring me home para na rin makita niya kung saan ako nakatira.
TINURO ko ang gilid ng kalsada ng makarating kami sa bahay.
"Diyan na lang po," ani ko bago nilingon si Mr. Vasiliev. "Maraming salamat po sa araw na 'to, Sir. Sorry din po ulit dahil na-late ako. Promise magsisikap na ako sa pagtratrabaho ko. Hindi po kayo madi-disappoint sa 'kin."
"I will hold into that," anito habang nakatingin sa labas ng bintana. "Is this a safe place?" I can hear the protectiveness in his voice na hindi ko alam kung para saan.
"Yes, Sir. Mukha lang hindi pero safe talaga." Inipon ko lahat ng gamit ko. Binuksan ko ng kaunti ang pinto. "Mauuna na po ako, Sir. Salamat po sa pagbili sa 'kin ng gamit."
Nilingon ko ang driver ni Sir at ngumiti dito bago nilingon ang Boss namin. Deretso ang tingin nito sa harapan kaya 'di ko sure kung nakita ba niya akong nakangiti sa kanya. Bumaba ako ng sasakyan, sinarado ko ang pinto at lumakad papunta sa bahay ni Liza.
Bago ako tuluyan makalayo ay nilingon ko ang kotse ni Mr. Vasiliev. Heavily tinted ang salamin kaya hindi ko makita ang loob, pero ramdam ko ang matiim nitong tingin sa 'kin. Matipid akong ngumiti bago nagpatuloy.
Late na late na ako ng uwi. Di ko sure kung nandiyan pa ba si Liza pero okay lang dahil may duplicate key naman ako ng bahay. Marami pa namang tao sa labas tapos maliwanag kaya hindi na ako takot umuwi.
Sarado ang lahat ng ilaw sa bahay ni Liza ng dumating ako. Nilabas ko sa bag ko ang susi at binuksan ang pinto. Pagpasok ko, binuhay ko agad ang ilaw saka sinarado ang pinto. Ni-lock ko itong mabuti. Binaba ko ang hawak ko sa may center table at umupo sa pang-isahang upuan.
Sumandal ako.
Ang daming nangyari na araw na 'to. Ubos na ubos ang energy ko. Tamad kong hinubad ang sapatos ko't sinuot ang sinelas. Kumain naman kami kanina bago umuwi kaya hindi ako gutom. Pumikit ako sandali. Lumipas ang sampung minuto, tumayo na ako, inabot ko ang paperbags at dinala sa kwarto ko.
Tinabi ko lang ang mga gadgets bago inabot ang towel para makapag-shower pero bago pa ako makalabas ay nagbago na ang isip ko.
Tinatamad na akong maligo. Siguro mamayang umaga na lang ako maliligo. Sobrang pagod ko talaga ngayon. Nilingon ko ang kama ko. Mukhang nang-aanyaya ang kamang mahiga na ko do'n. Matamlay kong binalik sa pagkakasabit ang towel saka pabagsak na humiga sa kama.
Hindi pa man ako nagtatagal sa pagkakahiga ay tuluyan ng bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa nakangiti akong tangayin ng dilim.
********
"ANG swerte mo naman, girl. Binilhan ka talaga ng Boss mo ng ganito kamahal na cellphone tapos laptop?" hindi makapaniwalang tanong ni Liza nang dumating ito galing trabaho.
Uminom ako ng kape. "Oo nga. Kaya dapat maging hardworking pa ako para hindi nakakahiya sa kanya. Lalo na kahapon, nagkan-ligaw-ligaw pa ako." Nai-kwento ko na kasi dito ang nangyari sa 'kin kahapon.
Nagulat pa nga siya dahil hindi niya raw inakalang ganuon ang mangyayari. Same naman kami ng thoughts.
"I-save mo na'y number ko sa 'yo, ha. Para pwede na tayong mag-usap kahit nasa work. Updated ba kumbaga," anito.
Inabot ko sa kanya ang phone para siya na ang mag-type ng number niya. Kinuha naman nito at nag-umpisang magtipa. Pinanood ko siya hanggang sa ibalik niya sa 'kin iyon.
"Alam mo, ang swerte mo sa boss mo. Pwede bang paampon na lang kamo sa inyo," biro nito.
"Gusto mo ba? Baka pwede kong kasusapin si Sir," tanong ko. Para sabay na rin kaming papasok at uuwi, less mistake na kapag ka gano'n kasi may kasabay ako.
Muntikan nang maibuga ni Liza ang kapeng iniinom habang nakatingin sa 'kin. Mabilis itong nagpunas ng bibig.
"Loka! Ikaw masyado kang paniwalain!" Kinuha nito ang isang monay at kumagat doon. "Shaka, hindi ako pwede do'n! Wala akong diploma, tapos matatanga lang ako!" anito.
"Pero hindi naman diploma ang basahan ng office work. If you can be trained, papasok ka."
Malungkot ang matang tumingin siya sa 'kin. "Girl, sa Pilipinas college diploma ang password para makapasok ka sa trabaho. Kung wala kang gano'n, ipagdasal mo na lang na marami kang work experience para matanggap sa ganyan. Napakababa ng pa-sweldo tapos ang taas ng requirements kahit sa fast food lang." Pinaghalong galit at lungkot ang mukha ni Liza pagkatapos no'n.
This makes me realize how unfair the world is.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top