Chapter Forty-Six

CHAPTER FORTY-SIX

DAKILA'S P.O.V.

MAKISIG lips parted.

Doon ko lamang napagtanto kung anong nasabi ko. Ilang beses akong kumurap. Lumagpas ang tingin ko sa balikat ni Makisig ng makarinig ng mga sigaw. I saw Bayani, nanlalaki ang matang nakatingin sa 'kin.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Pinilit kong kumalma kahit na kabang-kaba ako. I want to fucking smack myself. Napakagago ko! Kaya ayokong magsalita, eh!

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Tumalikod ako at akmang papasok sa kwarto ko ng muli na naman akong hawakan ni Makisig.

Salubong ang makapal nitong kilay na nakatingin sa 'kin.

"What do you mean?! Did you know where she is?!" malakas nitong tanong.

Mariin kong itinikom ang bibig ko. Hindi ko sasabihin sa kanya kung nasaan si Malaya! Never! They will make her to do things she doesn't want to!

"Where is she, Dakila?! Did you help her?!" marami pa siyang naging tanong na hindi ko na pa sinagot.

Tumakbo ako sa kwarto ko. Kaagad kong sinarado ang pinto at ni-lock iyon. Sumandal ako sa may pinto.

There's a loud bang in my door after. Malakas na kumatok si Makisig.

"What did you know?!"

I gulped. I'm so damn stupid to let that slip out of my mouth! Kapag nalaman ni Malaya ito ay magagalit siya sa 'kin! Mas malalang mangyari ay tumakbo na naman siya paalis at magtago sa 'ming lahat.

Dumausdos ako pababa sa lapag.

Fuck.

Yari talaga ako!

Hanggang hindi ko namalayang dinala na pala ako ng dilim sa alapaap. Nang muli akong nagmulat ng mga mata ay madilim na sa labas. Mabilis akong bumangon para lang muling mapa-upo. Napa-igik ako ng bumalatay ang sa 'kin doon.

Namamanhid ang mga binti ko!

Sa tagal kong naka-upo ay namanhid na ko. Huminga ako ng malalim at sinubukang igalaw-galaw ang mga binti ko. Sumandal ako sa nakasaradong pinto.

Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nagkukulong sa kwarto ko. I have this feeling na hindi maalis sa dibdib ko. Makisig will not let it slide. Kung hindi ako ay si Bayani! Dapat pala binalaan ko siyang huwag magsasalita.

I sigh.

Gumapang ako papunta sa kama at umupo sa gilid no'n. My tummy grumble. Gutom na ako. Siguro naman wala na sa labas si Makisig. I was about to stand up para lumabas ng may kumatok sa pintuan ko. Mabilis akong napatayo. Lumakad ako papunta sa may pinto at hinarang ang katawan ko do'n.

Dinikit ko ang tenga ko sa pinto at hinintay magsalita ang nasa likod.

"Dakila, it's me!" pabulong na ani Bayani.

Mabilis akong lumayo at binuksan iyon. Tumambad sa 'kin si Bayani na may dalang tray ng pagkain. Umatras ako para bigyan siya ng space makapasok.

"Lagot ka talaga kay Makisig!" ani Bayani ng maisarado ko ang pintuan.

"I already know! Hindi mo na kaylangang ipagdiinan!" asik ko. Sumunod ako kay Bayani. Ibinaba nito ang tray sa ibabaw ng kama ko na agad kong dinaluhan. Nag-umpisa akong kumain.

Pumuwesto si Bayani sa may gilid.

"Kanina pa nagtatanong sa 'kin si Makisig. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya," anito.

Masama ko siyang tiningnan. "You will say nothing! Nadulas lang ako. Hindi niya dapat malaman na alam natin kung nasaan si Malaya! She'll skin us alive!"

Bayani sigh like problematic man.

"Dude! Malilintikan tayo! Makisig will fucking burn us! Isama mo pa sina Papa at Mama kapag nalaman nila 'yon!" mahinang asik nito.

Tinigil ko ang pagsubo at mariing napapikit.

"I know it already! But we will protect her! Baka pagtaguan na naman niya tayo kapag nahanap siya nina Papa." Dumilat ako. "Basta, kapag tinanong ka ni Makisig o kahit sino sa kanila. Wala kang alam, okay? Wala! Hindi na muna tayo makakadalaw sa kanya dahil siguradong papasundan tayo ni Makisig."

Tumamlay ang mata ni Bayani.

Alam kong labag sa loob nitong hindi namin mabibisita si Malaya lalo na ngayon pa lang sila nagkita ulit.

Bumuntonghininga ako.

"I'm sad, too na madalang natin siyang makikita pero sandali lang 'yon hanggang sa mapilit natin silang itigil ang kasal." Uminom ako ng tubig. "This is all my fault. Hindi ako nakapagpigil kanina."

Humaba ang nguso ni Bayani, "I understand. You are mad. But let me remind you that you should say sorry to Mama. She was hurt. And I want to fucking smack you for that."

"I know. I will say sorry tomorrow. Pagkaalis nina Papa at Makisig." Nag-aalala akong tumingin sa kanya. "Sinabi ba ni Makisig yung nasabi ko kanina?"

"I don't think so. Walang nagbanggit noong nangyari ng dumating si Papa galing sa business meeting niya kaya feeling ko walang sinabi si Makisig."

Medyo nakahinga ako ng maluwag do'n.

Ako na ang nagbaba ng pinagkainan ko ng matapos ako. Patay na ang ilaw sa buong kabahayan, hindi na rin ako nag-abalang magbukas ng ilaw, sapat na ang liwanag na binibigay ng buwan. Nilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko.

Kakaunti lang naman ito kaya hinugasan ko na. Abala ako sa pagbabanlaw ng biglang lumiwanag ang kusina. Napalingon ako.

Nalaglag sa kamay ko ang hawak kong baso ng makita si Makisig na nakatayo sa pinto ng kusina. Puno ng pagtataka ang mata niyang nagpapalit-palit ang tingin niya sa hawak ko at sa mukha.

"Anong ginagawa mo?" puno ng pagtataka niyang tanong.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Binanlawan ko ang mga plato bago naghugas ng kamay. Nang matapos ako ay kinuha ko ang hand towel at nagpunas ng kamay. Napalunok ako.

"Wh-what are you doing here?" Nag-iwas ako ng tingin bago naglakad paalis ng kusina. Ngunit bago pa man ako makadaan sa pinto hinarangan na niya ako agad.

"Are you washing the dishes? Paano ka natutong maghugas ng plato?" Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. "I never thought you knew how to clean plates." Kitang-kita mo ang paghanga sa kaniyang mukha.

If I didn't see Malaya hindi naman ako matututong maghugas ng plato. She teaches me something I will never know in this lifetime.

Kung hindi niya ko tinuruang maghugas ng plato baka pinabayaan ko lang na nakaiwan sa sink yung pinagkainan ko.

"Of course! I'm a grown man na kaya dapat matuto akong maghugas ng plato. Pagdating ko ng eighteen bubukod na ako!" pagdadahilan ko. Umatras ako. "Can I leave now? I'm already sleepy—"

Pinag-krus niya ang braso niya sa tapat ng dibdib niya.

"You can't sleep yet. Mag-uusap tayo," seryoso niyang ani.

Mariin akong napapikit, nang muli akong magmulat ay magkasalubong ang tingin namin.

"What do you want to know?"

"Where is she? Did you help her hide?"

I rolled my eyes. Pinilit kong tumawa ng mahina.

"Are you crazy? One year na natin siyang hindi nakikita and I didn't even know she have a secret door to go out. Don't overthink, Makisig, nasabi ko lang 'yon dahil ano pa bang gagawin ni Malaya? She will not live a princess anymore. She needs to work her ass off as a maid or something else para mabuhay. It's the only choice I'm seeing na gagawin niya."

Bite my alibi!

"Okay . . . I understand now." He sigh. "I'm sorry if I shouted at you. I-I was just stress about finding her, isama pang nakita kong sinigawan mo si mama. Kaya naman ako nagalit." Mas malalim ang pinakawalan nitong hininga. "I'm just stress . . . about finding Malaya, father's pressure. The businesses I have to take care of. I'm just too tired . . ."

Napalunok ako habang nakikinig sa kanya.

Lumakad ako palapit sa kanya at tinapik siya sa balikat. Binigyan ko siya ng matipid na ngiti.

"Rest, Makisig. Someday makakasama ulit natin siya. I just hope sa panahong 'yon mayroon na siyang kalayaan. Unlike now, she's bound to marry someone she didn't know. Kaya siya umalis." Nilagpasan ko siya pagkasabi ko no'n.

MALAYA'S P.O.V.

SA SOBRANG excitement sa pagtatayo ng sarili kong business ay agad-agad akong nag-isip ng magiging business ko na gusto ko. Habang nagluluto ng hapunan ay pinag-iisapan ko talaga 'yong mabuti.

Ang pinaka-gusto ko talaga ay magtayo ng sarili kong resort. I wanted to live in a beach kasi. Lalo na dito sa Pilipinas, ang dami-daming magagandang isla na may magagandang beaches. Like the sanctuary of love. That place is so beautiful and romantic.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Maybe, maghahanap muna ako ng resort kung saan ako pwedeng mag-invest bago mag-umpisa ng sarili kong resort lalo na't maghahanap pa ako ng lugar kung saan magandang pagtayuan.

Nilagay ko sa isang mangkok ang adobong niluluto ko ng matapos ito. Medyo inanghangan ko kasi gusto ni Kazi.

Pinatong ko sa lamesa ang ulam. Lumabas ako ng kusina at nagpunta sa sala kung saan nanunuod ang boyfriend ko ng TV. Marahan akong lumapit sa kanya. Pumuwesto ako sa likod niya at pa-sorpresa siyang niyakap mula sa likuran. Humawak sa braso ko si Kazi.

Nilingon niya ako.

"You done cooking, dove?" malambing niyang tanong.

"Yess! Saan mo gustong kumain, Kazi? I can bring our foods here," tanong ko. Hinalikan ko siya sa pisnge.

Napatili ako ng biglang umangat ang katawan ko sa ere. Na-realize ko na lang na nasa harapan ko na ito at naka-upo na ko sa kandungan niya. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Anong ginagawa mo?" natatawa kong tanong.

Pumisil-pisil ang magkabila niyang kamay sa 'king bewang. Pina-ikot ko ang braso ko sa batok niya.

Bumaba ang mata niya sa 'king labi pagkatapos ay bumalik sa 'king mata. Paulit-ulit 'yon hanggang sa mag-stay na lang sa labi ko.

I unconsciously lick my bottom lip. I noticed that his adam's apple move.

"I think I have a different taste for tonight, dove," malandi nitong bulong.

Shivers ran down my spine. Suddenly, it feels hot in here added the fact that my hearts beats faster. Napalunok ako at mabilis nag-iwas ng tingin sa gwapo niyang mukha.

"I-I will bring here our food—" before ko pa matapos ang sasabihin ko'y marahas nang inangkin ni Kazimir ang labi ko.

He kissed me like a deprive monster.

Our kiss deepened. Tinugon ko ang mga halik niya. I felt his hand move on my body. It went to my sensitive places.

I tap his shoulders to let go when I'm started to lose air. Binitawan niya ang labi ko. Pinagdikit niya ang aming mga noo. Pakiramdam ko'y nangangapal ang labi ko sa paraan ng paghalik nito. Namaga.

Hinaplos ko ang maskulado niyang braso bago lumayo.

Malalim akong huminga.

"You always makes me lose my breath, Kazi," may halong reklamo kong ani. Dumilat ako at sinalubong ang mata niya.

There's a smug smile in his face.

"And I want it to stay that way, my dove. To be the only person who can make you lose your breathe," bulong niya.

Napangiti ako't hindi na sumagot. I rested my face in his shoulders. Ipinatong naman ni Kazi ang kamay niya sa likuran ko. Humaplos siya roon. Drawing undermined lines and shapes.

Unti-unting bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.

"Malamig na yung ulam natin niyan." I felt his lips touch my head. "Kazi, gutom na ako," reklamo ko.

Mahinang tumawa ang lalaki bago muling humalik sa 'king noo. Binaba niya ako sa couch. Humiwalay ako sa kanya. Tiningnan ko siya.

"I will bring our food here, dove. Rest." He kissed my forehead again, then he went to the kitchen. Nakasunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa maglaho siya sa 'king paningin. Huminga ako ng malalim.

Bumaling ako sa telebisyon, nanunuod ng spongebob si Kazi. Hmm . . . I didn't realize na nanunuod siya ng ganitong palabas. Nai-imagine ko siyang pinapanood ang mga seryosong bagay katulad ng news.

Mabilis nakabalik si Kazi dala ang pagkain namin. Ibinaba niya 'yon sa center table. Umayos ako ng upo. Tumabi siya sa 'kin, inabutan niya ako ng plato na tinanggap ko naman. Pinatong ko ang plato sa hita ko after that kinuha ko ang platong may laman na kanin, nilagyan ko si Kazi at pati ulam.

"Thanks, dove."

I smiled as an answer. Saka pa lang ako naglagay sa 'kin. We ate our dinner in silence while watching spongebob. Tiningnan ko si Kazi, he is intently watching the show. Napangiti ako.

I bite my lower lip. I can now imagine him being a father. Watching this kind of shows with his children.

He will be a good father. I'm sure of that

After we ate our dinner. He decided to wash the dishes while I'm taking a shower. Dito pa rin ako matutulog ngayong gabi. Kumuha ako ng boxers at shirt ni Kazi sa closet nito. Ginamit ko rin ang blower para patuyuin ang buhok ko. Humiga ako sa kama ng matapos.

Habang hinihintay ang boyfriend ko, kinuha ko muna ang phone ko. Nagbukas ako ng wifi at nag-scroll sa IG. I saw my favourite content creator and adventurer's post. Lei Wonders.

It's her picture next to the beautiful Mayon Volcano. Smiling widely.

I sigh in happiness.

Someday magagawa ko ring mag-travel around the Philippines and world. To enjoy my youth. Someday.

Pero hanggang hindi pa nangyayari 'yon, I will do my best to make myself proud. To have something I can be proud of. An achievement of my own. With the help of Kazi . . . I'm surely will have it.

I liked her post, the tapped his name to be directed in her main feed. Doon tumambad sa 'kin at iba't ibang post niya. Beaches, forest, mountains and every tourist spot. Napangiti ako.

From the side of my eye, I saw the door open. It's Kazi. Lumakad siya sa pwesto ko at huminto sandali. He kissed my forehead bago nagpunta ng banyo. Ang sunod kong narinig ay lagaslas ng tubig, so I think he take a shower na.

Pinagsawa ko muna ang sarili ko sa pagi-scroll sa 'king account bago pinatay ang phone ko. I put my phone in the side table.

Umayos ako ng higa. Akma kong papatayin ang ilaw sa 'king side table ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo. He went out wrapped only with a white towel on his waist. Tumutulo pa ang butil ng tubig mula sa buhok pababa sa dibdib nito. Gamit pa ang isang towel, pinapatuyo nito ang kanyang buhok.

I gulped.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa makasalanan niyang katawan. Pinatay ko agad ang ilaw at humiga sa kama. Nagtaluktong ako ng kumot hanggang mukha ko.

Nakakahiya! Kapag nalaman ni Kazi na pinagpapantasyahan ko ang katawan niya.

Mariin akong napapikit ng marinig ang mahinang tawa ni Kazi. Parang hinahabol ng isang dosenang kabayo ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito.

Pinagpapawisan din ako ng malamig kahit na nakatodo ang aircon. Pero balot na balot ka!

Huminga ako ng malalim habang pinaglalaruan ang daliri ko sa kaliwang kamay. I should not be nervous. Nothing will happen tonight. Pahinga ngayon. Pahinga.

Pinakiramdaman ko ang kilos ni Kazi. Dumoble ang tibok ng puso ng lumubog ang kabilang side ng kama.

I stopped breathing when I felt hard chest in my back. Pinatong niya ang braso niya sa bewang ko saka ako hinila palapit lalo sa kanya.

"Dove, breathe. I don't want a suffocated girlfriend," pabirong ani Kazi.

Hinabol ko ang aking hininga. Binaba ko ang kumot hanggang bewang ko. Hinarap ko siya at gumanti ng yakap. Tinitigan ko muna ang kanyang mukha, tipid ko siyang nginitian.

Pinaglandas ko ang daliri ko sa kanyang ilong pababa sa labi hanggang makarating sa kanyang panga.

"Goodnight, handsome," I whispered. Kasabay ng pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Bago pa man ako tuluyang lamunin ng dilim, may kung anong malambot na bagay ang dumampi sa 'king noo. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top