Chapter Forty-Seven
CHAPTER FORTY-SEVEN
"ARE you going home already?" malambing na tanong ni Kazi na nakayakap sa likuran ko. Naka-ready na ito sa pagpasok sa trabaho.
I look at him through the mirror. He looks so dashing in his black suit. I touched his arm that circling in my waist.
"Yes, baka nag-aalala na si Liza sa 'kin. Itatanong ko rin sa kanya yung sagot niya," ani ko.
Humalik siya sa pisnge ko at lumayo. "Okay. Ipapahatid kita sa driver ko. Ako na lang ang magdra-drive ng isa pang kotse."
"Hindi ko na tatangihan 'yan, Kazi," natatawang ani ko.
After kong mag-ayos ay sabay kaming lumabas ng penthouse ni Kazi. He's holding my shoulder bag in his left hand while his right hand is holding mine. Sa basement kami bumaba ng elevator.
Huminto kami sa itim na SUV ni Kazi. Nakatayo na sa tabi ng pinto ng backseat ang driver nito. Pinagbuksan niya ako ng pinto. I went inside and make myself comfortable. Nakatayo sa may pinto ang binata at nakatingin sa 'kin. Ang kanya niya ay nakahawak sa headrest.
"Are you okay there?" he asked.
I nod. "Yes. Thanks." Inayos ko ang kwelyo ng suot niyang polo pagkatapos hinimas ko ang balikat niya para maalis ang ilang lukot. "Mag-ingat ka sa pagdra-drive, ha? Text me when you're already there. Wag ka ring magpapagutom, kapag hindi ako masyadong na-busy papasok ako mamayang hapon."
Kazimir leaned in to kiss my lips.
"I will. Take care and message me as well when you are home. Tell me what Liza's answer, okay?"
"Okay." I hugged him for the last time. Ito na ang nagsarado ng pinto bago sumakay sa sports car nito sa tabi. Ngumiti ako. Tatlong beses bumusina si Kazi bago tuluyang nag-drive palabas ng basement. Binalingan ko ang driver ng umandar na rin ang sasakyan.
******
"SALAMAT po, Kuya," pahingi ko ng salamat sa driver pagkababa ko ng sasakyan. I waved my hand to him. Tumalikod ako at naglakad sa may maliit na eskinita papunta sa bahay namin.
Maingay ang paligid at mainit pa kaya binilisan ko ang paglalakad. Ilang dipa pa lang ang layo ko sa bahay ay napatigil ako ng mapansing nakabukas ang pintuan namin.
Gising ba si Liza? Alam ko sa ganitong oras tulog pa 'yon o kaya naman pauwi pa lang. Dahil sa pag-aalala, mabilis akong naglakad papunta sa bahay.
Huminto ako sa may pinto at kinuha ang dos por dos na nakatayo sa may gilid. Mariin ko 'yong hinawakan at marahang pumasok sa loob. My eyebrow creased when I enter the house. It's clean and feels like there's nothing unusual. Dahan-dahan kong binaba ang bag ko sa set at naglakad papuntang banyo. Tinulak ko pabukas ang pinto at sumilip sa loob.
Niluwagan ko ang hawak kong kahoy ng makitang wala namang tao. Pero, nag-iingat pa rin akong lumakad palapit sa kwarto ko. I open the door, and look around pero walang tao. Kumalma na ako ng bahagya dahil may mahinang musikang nanggagaling sa loob ng kwarto ni Liza. Siguro nakalimutan niya lang isarado ang pinto bago nagkulong sa sariling silid.
Binitawana ko na ang kahoy sa tabi. Nakalabi kong pinagpagan ang kamay ko dahil sa alikabok.
Tatlong beses akong kumatok sa pinto nito. Medyo malakas dahil nakikinig sa music ang dalaga at 'di ako mapansin.
Sumandal ako sa may pader saka naghintay. Five minutes passed and no one is answering kaya akma akong kakatok muli ng biglang bumukas ang pinto. Sumilip si Liza na puno ng pawis at hinihingal pa.
Mas lalong nagdikit ang kilay ko sa hitsura nito.
Pasimple akong sumilip sa loob ng kwarto nito. Isa pang nakakapagtaka dahil saradong-sarado ang kwarto nito, halos ayaw ngang buksan ang pinto—nakaharang pa siya.
"H-huh . . . b-bakit?" hinihingal nitong tanong.
Napakamot ako sa batok ko. Tinuro ko ang pinto na naiwang nakabukas nito.
"Okay ka lang ba? Kasi nakalimutan mong isarado yung pintuan kaya nag-alala ako. Akala ko may nangyari na sa 'yo," paliwanag ko.
Nginiwian niya ako. "Ay! Shets! Sorry! Nakalimutan ko pa lang isarado. Nagmamadali kasi ako kaninang umuwi sa pagod. Hindi ko namalayan."
Kahit parang hindi kapani-paniwala ang dahilan niya ay sumang-ayon na alang ako. Ang hirap naman kasing paniwalaang nakalimutan niya sa pagod, eh madalas siyang pagod.
Pinilit kong ngumiti.
"Okay. May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ko ng mapansing namumula ang mukha ni Liza. I extend my hand para sana salatin ang leeg niya pero agad niya kong hinawakan at tipid na nginitian.
"O-okay lang ako . . ." Nag-iwas siya ng tingin bago pinakawalan ang kamay ko. "S-sige. M-magpapahinga na ako," aniya bago mabilis na sinarado ang pinto.
Naiwan tuloy akong tigagal.
Anong meron at nagkagano'n siya?
Kinamot ang ulo ko bago tumalikod. Sinarado ko ang pintuan bago kinuha ang bag ko at pumasok sa sariling kwarto. Binuhay ko ang electric fan bago pabagsak na humiga sa kama ko.
Inilabas ko ang phone ko at nag-send ng message kay Kazi na naka-uwi na ako sa bahay. Pagkatapos, hinagis ko na lang sa side table.
Tumagilid ako ng higa sa kanan at sinubukang ipikit ang mga mata ko. Ilang beses pa akong bumaling ng higa hanggang sa mag-stay akong nakatiyaha. Marahas akong dumilat.
Bakit ganito ang pakiramdam ko?
I touched the empty side of the bed. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin sa kabuan ng silid. Everything feels like . . . cold.
I sighed.
There's something missing. May kulang na hindi ko magawang pangalanan. Parang may nawawala.
Tiningnan kong mabuti ang mga gamit ko. Bumaba ako sa kama, lumapit sa plastic kong cabinet. Kinuha ko ang maliit kong wallet na may lamang pera—ipon galing sa pagtratrabaho ko. Hindi naman ako nabigo dahil nandoon iyon.
Nagdikit ang kilay ko.
Eh, ano yung nawawala?
Ano yung kulang?
Napapikit ako at inamoy ang kwarto ko. Tipid akong napangiti. Mukhang alam ko na ang kulang.
Huminga ako ng malalim. Nagmulat ako ng mata saka lumapit sa kama. Humiga ako.
The empty feeling is not for things, it's a person.
I smiled.
Gosh! Bakit ganito? It was only two nights that I sleep in his bed and now I feel like something is missing in my life.
This room is bearable but cold.
He became the sunshine of my life.
*********
TINAMAD na akong pumasok sa trabaho nang lumabas ako ng kwarto. Bigla na lang kasing bumuhos ang malakas na ulan. Bumuntonghininga ako habang pinapanood ang pagpatak ng ulan sa labas.
Niyakap ko ang sarili ko.
Ano ba naman 'yan. Kanina lang ang init-init pagkatapos ngayon ang lakas ng ulan. Putik na tuloy ang daanan palabas.
Napalingon ako ng lumabas si Liza ng kwarto niya. Nakangiti siya sa 'kin. Iba na rin ang suot niyang damit sa kanina.
"Oh, ba't ganyan naman 'yang mukha mo?"
Umalis ako sa harapan ng bintana, sumunod ako sa kanya sa kusina kung saan ito nagtitingin ng cabinet.
"Ang lakas kasi ng ulan. Balak ko pa namang mag-half day ngayon." Napanguso ako. "Kasi naman! Kanina sobrang init tapos biglang bubuhos ang ulan, sinong hindi magkakasakit sa ganyan?"
"Sabi nga sa napapanood ko sa internet. Climate change ang tawag diyan." Lumingon sa 'kin si Liza at pinakita ang hawak na macaroni at pasta.
"Ano 'yan?"
"Anong gusto mong gamitin sa sopas? Macaroni o pasta?" tanong niya. Nagtataas-baba pa ang kilay.
I pick the first one. Then, Liza proceed on making our soup. Like soup-as, hehehe corny.
Tumulong ako sa paghihiwa ng mga rekados na gagamitin niya. Nag-enjoy naman ako dahil natututo akong magluto.
Abala ako sa paghihiwa ng bigla kong maalala ang pinag-usapan namin noong nakaraan. Nagtaas ako ng mukha. Nakita ko ang nakalikod na dalaga sa 'kin.
"Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan! Anong sagot mo sa pinag-usapan natin noong nakaraan? Payag ka bang lumipat?"
I hopefully she does.
Nakangiti siyang lumingon sa 'kin. Kinindatan pa ako ng loka.
"Ano sa palagay mo?" nakangisi niyang tanong.
Tumaas ang isang sulok ang labi ko. Nanantiyang tumingin sa kaybigang may kakaibang kislap sa mga mata.
Nagtatanong akong tumingin sa kanya, at nanlaki ang mga mata ko. Lumuwag ang hawak ko sa kutsilyo para mabitawan iyon. I scream in joy.
Saka lamang tumawa ng malakas si Liza. Dinalawang hakbang ko ang pagitan namin at niyakap siya ng mahigpit. Gumanti naman ito.
"Hahaha, hindi naman halatang tuwang-tuwa ka?" anito.
Lumayo ako sa kanya. I look at her directly in the eyes. Actually, she is correct. Tuwang-tuwa talaga ako sa naging pasya nito. Ibig sabihin lang makakasama ko na siya sa trabaho, tapos titira pa kami sa isang building. Magkakaroon na ng magandang buhay si Liza!
"Totoo! Like, Liz! You're going to have a better life! Hindi ka na masasaktan ng kung sino! Hindi mo na kaylangang magpuyat pa!" excited kong ani.
Ngumiti si Liza at sunod-sunod na tumango.
Kaya lang ay bumagsak ang ngiti sa 'king labi ng makitang nangingintab ang mga mata nito. Napalunok ako.
"A-are you okay?" nag-aalala kong tanong.
Ayoko namang mapilitan si Liz.
"Oo naman. Masaya lang ako kasi hindi ko inakalang magkakaroon ako ng pagkakataon para makaalis sa trabaho ko at sa buhay na 'to." Humawak siya sa pisnge ko. "Thank you, ha. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi mangyayari 'to."
Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko.
All I know is she deserves it. She deserve to have a better life.
Hinawakan ko ang kamay niya. Pinisil ko 'yon. We give each other a warm smile before continuing to cook.
After we finish cooking ay nagsalin kami sa mangkok at dinala 'yon sa sala. I open the television to watch some movies while my laptop is connected to it. Si Liza naman ang kumuha ng kumot namin.
We watch a horror movie. Tagalog one. Kasi sabi ni Liza it's not that scary pero dude! The 'Cinco' is different! Nakakatakot siya lalo na yung huling movie! Everything connects with each other.
Madilim na sa labas ng magpasya kaming tumayo sa pagkaka-upo ni Liza. Pinapakidala ko sa kanya ang pinagkainan ko sa kusina habang nililigpit ko ang ginamit namin. Tiniklop ko ang mga kumot at pinatay na rin ang laptop ko. Nang matapos deretso akong tumayo at dala-dala ang laptop na naglakad papunta sa kwarto ko.
Bago tuluyang pumasok sa loob silid, huminto ako sa may pinto. Sakto namang lumingon si Liza. Nagtama ang mga mata namin.
Tipid akong ngumiti sa kanya. She smiled back kahit na nagtatakang tumingin sa 'kin.
"I want to say thank you again, Liza . . ."
"Walang anuman, Malaya. Salamat sa pagligtas sa 'kin."
***********
NANG tumila ang ulan, nagpasya akong lumabas para bumili ng grocery namin. Sabi sa balita, ilang araw ang itatagal ng ulan at baka lumakas pa 'yon kaya naman ngayon ako mamimili.
Inilagay ko sa maliit bag ko ang echo bags. Nakapayong akong naglakad paalis. Tricycle ang sinakyan ko papuntang grocery. Halos thirty minutes ang naging byahe dala ng traffic. Nagbayad ako ng pamasahe bago tumuloy sa grocery. Pinagbuksan ako ng guard na naka pwesto sa may pinto.
Iniwan ko ang payong sa gilid dahil tumutulo ang tubig mula doon. Sinukbit ko ng maayos ang bag ko sa 'king katawan bago kumuha ng cart. Nilabas ko ang listahan ng mga grocery na wala kami sa bahay. Inuna kong kunin ang mga nasa harapan ko.
Abala ako sa pamimili ng sanitary napkin ng biglang may tumikhim sa gilid ko.
Lumingon ako, I saw Jared Delos Santos standing there with a basket in his hand. Napa-atras ako sa gulat.
"Hi!" malawak itong nakangiti sa 'kin. "I didn't know you're also here!" Lumapit siya sa 'kin at napatingin sa cart ko. "I think it's faith na magkita tayo rito! Saktong namimili rin ako!"
"H-hi . . ." Tumingin ako sa likod niya. "Wala kang kasama?"
Umiling siya. "Ako lang. Ikaw ba? Gusto mong sabay na tayong mamili? I can help you, too," he suggested.
Before I could even answer he already step in and walk to my side.
"Ano bang bibilhin mo? Napkin?" Tumingin ito sa mga napkin. "What you use? With or without wings?"
Napaawang ako ng labi sas tanong nito. Is he serious?
He is smiling widely at me na para bang hindi weird ang tinanong niya sa 'kin. I mean, I don't think men will ask that to women. Like what my brother used to say, it's embarrassing to buy pads or to see holding one but he looks cool with it.
Tiningnan ko ang lamang ng basket niya. Iilan pa lang na mga can goods.
"Ano . . . hindi na I can already do it myself. Thank you!" Akma kong itutulak ang cart ng hawakan niya ito.
Umangat ang kilay ko kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. Tumikhim siya at pilit na ngumiti.
"I insist!" pilit nito.
Ngumiwi ako, "are you not busy, Sir? I mean, no offense but I can do grocery on my own." Inilagay ko ang kamay ko sa magakabila kong bewang. "Isn't this too far where you live?"
Our eyes locked. His joyful stare becomes cold.
I gulped.
"Okay." He put down his basket and straight up. "Malayo talaga 'to sa bahay namin. But along the way when I'm going home I suddenly saw you. Kaya bumaba ako at nagpunta rito because I mean what I said in Azi's office. I like you and I like to know you better. So, eto ako. Doing grocery kahit hindi ko kaylangan para masamahan ka."
Hah.
What a confession.
If Kazi knows that this man is confessing to me he will be mad again.
Malungkot akong tumingin sa kanya. Nakakaawa man siya pero I have a boyfriend, and kapag pinansin ko pa ang binata it will become cheating.
"Jared, sorry, but I have a boyfriend already. In short, hindi na pwede 'yang nararamdaman mo. Ibaling mo na 'yan sa iba. Please, huwag mo na akong guluhin kasi hindi ko maibabalik ang feelings na 'yan," I said in a calm voice.
I was about to leave when I saw his eyebrow creased. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Clear na ba sa 'yo?" paninigurado ko.
He titled his head while looking intently in my face. In a snap, my heart started to beat fast. Not because of spark but with fear.
"Habang tinitingnan kita, Malaya . . . I'm starting to think that you look familiar but I can't pinpoint where I saw you. First time kitang nakita but you look really familiar to me. Have we met somewhere?"
I was taken aback pero hindi ko pinahalata sa kanya. How can I forgot that this man is rich? Baka nakapunta na siya sa isa sa mga party na in-organize ng pamilya namin.
"N-no!" I mentally slap myself for stuttering. "I never saw you. Baka may kamukha lang ako . . . kasi . . . I have a half foreigner."
Hindi ko na siya hinintay na makasagot, mabilis kong tinulak ang cart ko papunta sa kabilang isle paalis. I walk faster when I heard him calls my name. Binilisan ko ang pagkuha sa ilang mga kaylangan pang gamit bago dumeretso sa counter.
And I didn't knew . . . that he will bring the chaos in my life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top