Chapter Forty-Four


CHAPTER FORTY-FOUR

"WHAT'S your name? Ngayon lang kita nakita rito," ani Jared.

I accepted his hand para hindi nakakahiya. Baka sabihin kung sino na akong umasta. I remember his name. Nabanggit siya ng kambal noong nakaraan.

"I-I'm Malaya Jane Vallero, Mr. Vasiliev's secretary—one of them," I said. Ngumiwi ako ng bawiin ko ang kamay kong ilang minuto ng hawak ni Mr. Delos Santos.

When he realize na matagal ang pagkakahawak niya sa 'kin ay apologetic siyang ngumiti kasabay ng pagkamot sa kaniyang batok.

"Sorry! Na-carried away! Pero matagal ka na bang nagtra-trabaho dito?" pag-uumpisa niya ng topic. Dahil nangangawit na ko, umupo ako sa katapat niyang upuan. "I like your name. It's kinda familiar with me pero hindi ko maalala kung saan ko narinig."

"Medyo, sir, isang taon na rin po. Siguro po kasi tagalog word lang siya kaya familiar." Tiningnan ko kung may dala ba siyang laptop or papeles.

"May hinahanap ka?"

Bumalik ang tingin ko sa mukha ng lalaki. Ngumiwi ako.

"Sorry. Tinitingnan ko lang if may dala kang papeles para sana ilalagay ko sa lamesa ni Kazi," ani ko.

Nagsalubong ang kilay niya. "Kazi?"

Natigilan ako. Nagtatakang tumingin sa kanya. Tumaas ang isang kilay nito, nanunuri ang mga tinging ibinibigay niya sa 'kin.

"You called him Kazi. You have a nickname with your boss?" nginisihan niya ako pagkatapos no'n.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Ahh, sorry about that. Ganoon talaga minsan kasi ka-close naming mga employee si Mr. Vasiliev."

"Wow. He is closed with his employees?"

Para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Well, hindi sa lahat ng employee siya close. Sa 'kin lang. Gusto ko sanang sabihin 'yon, pero syempre hindi ko ginawa kasi hindi pa naman kami legal ni Kazi sa pamilya niya.

But I couldn't help to remember what Kazi said about this man. Habang nakatingin ako sa kanya ay naiisip ko ang mga sakit na pinagdaanan ni Kazi. And, sorry na, pero if I'm going to compare the two . . . mas lamang ng ilang paligo ang boyfriend ko.

Jared here has brown eyes, medyo singkit ang mga mata niya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at medyo thin lips. Kung titingnang mabuti medyo kahawig niya yung isang sikat na artistang gumanap sa isang classic series na sikat ngayon.

"Wow. Ang dami ko pa lang hindi alam sa kanya. And looks like you know a lot sa kanya. Pwede bang tulungan mo kong makilala siya? I want to be close to him."

"Bakit naman? Hindi ba dapat nga kayo ang mas close kasi magpinsan kayo? Besides, ayokong pangunahan si Mr. Vasiliev." Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at seryosong tumingin sa kanya. "I can't keep on chitchatting with you, Sir. Hintayin niyo na lang po si Mr. Vasiliev," pagkasabi ko no'n ay mabilis akong tumalikod palabas ng opisina.

Umupo ako sa may table ko at ginawa ang aking trabaho. Habang busy sa pagta-type ay napansin kong lumabas ng opisina ang pinsan ni Kazi. Umupo ito sa may visitors chair sa harapan ko.

Tumigil ako sa pagta-type.

"Sir, anong ginagawa mo rito sa labas?" nagtatakang tanong ko.

Matamis siyang ngumiti sa 'kin at hinila ang upuan niya sa tabi ng table ko. Mariin siyang nakatingin sa mukha ko. Kumunot ang noo ko. Nakaka-ilang ang paraan niya ng pagtingin sa 'kin.

"I want to talk to you more. I actually like to know you better. Hanggang anong oras ang trabaho mo? We can go to the café sa ibaba para magkape," aya niya.

Is he asking me for a date?

Hindi naman ako assuming pero parang ganoon na nga dahil sa ipinapakita nito ngayon. Kapag nalaman pa ni Kazi na inaaya niya akong magkape, malilintikan talaga siya.

Tipid akong umiling. "I'm sorry, sir, pero hindi po pwede. Wala namang dahilan para magkape tayo." Mahinahon na ako at magalang sa pagtanggi para hindi sumama ang loob nito.

Naging seryoso ang mukha nito.

"I want to know you, Malaya. I think I like you," seryosong pag-amin nito.

Tumaas ang kilay ko. "L-like that? Kakakilala lang natin and—"

"And I will smack your face for liking my girl."

Napatayo ako ng marinig ang malamig na boses na 'yon sa 'ming likuran. My eyes widened when I saw Kazimir standing near the elevator door.

Madilim ang mukha nitong nakatingin sa 'ming dalawa ng pinsan nito. Tinambol ng malakas ang dibdib ko kahit wala naman akong ginagawang masama.

Lumakad ako papunta sa kanya.

"I didn't know babalik kayo agad. Do you want coffee, sir?" kinakabahan kong ani.

He is not looking at me. Deretso ang tingin nito kay Jared. Nilingon ko si Alexis. Nakangiwi rin siya kaya dahan-dahan akong pumuwesto sa tabi nito.

"Di mo ko ni-message!" mapang-akusa kong bulong.

"Biglaan din! Sinabi ko lang kay sir na andito yung pinsan niya tapos nagmadali ng bumalik," ganting bulong nito.

Tumango ako.

"I didn't know she's your girl, Azi. You never mentioned her to me," malamig na ani Jared.

"There's no reason for you to know her. What are you doing here really?"

Seryoso palagi si Kazi pero mas seryoso siya ngayon. Kinakabahan ako habang nakatingin sa kaniya. Feeling ko kasi, isang maling salita lang ng kausap niya ay mananapak na agad siya.

"I will propose something—"

"Then you can already leave. I will not accept any proposal that came from you. Ask for my parents help. They might," mapang-asar na putol ni Kazi sa sinasabi ng kaniyang pinsan bago lumingon sa 'kin. Malamig pa rin ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. "And you. We will talk," he said before pulling me to the elevator.

Pumasok kami sa loob. Gulat akong nakatingin sa kasamahan naming naiwan sa labas at bago pa man magsara ng tuluyan ang pinto, hindi naka-iwas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao ni Jared. Samantalang nakangiting nag-wave si Alexis sa 'min.

Nang makita ko ang sariling reflection sa harapan ay doon lang ako napabalik sa reyalidad. Mabilis kong nilingon si Kazi na pinindot ang down button.

"Where are we going, Kazi?!" nag-aalala kong tanong.

"Somewhere he can never follow," inis na turan ng lalaki habang hindi tumitingin sa 'kin.

Napalabi ako. Bakit pakiramdam ko talaga napakalaki ng pagkakasala ko sa kanya? Eh, wala naman akong ginagawang masama.

Pinagkrus ko ang dalawa kong braso sa harapan ng aking dibdib. Humarap ako sa kanya.

"Are you mad at me?" I don't want this guilty feeling!

"No."

"Then why are you not looking at me?!" I cannot help but to throw a tantrums. Nagpapadyak ako at masamang tumingin sa kanya. "I feel like I did something you didn't like!"

Kazimir sigh.

"Yes, you did, dove. You did," tipid nitong sagot. Saglit na bumaba ang tingin niya sa 'kin. "We're going to talk, but not here. I cannot punish you inside an elevator." He whispered it but nakarating pa rin iyon sa pandinig ko.

PUNISH ME?!

Mas lalo lamang tumambol ng malakas ang dibdib ko. Nang magbukas ang lift ay hinila niya ako palabas papuntang parking lot. I saw his car na nag-iisang nakaparada sa gilid.

He opened the passenger seat, pumasok ako sa loob. He closed the door before he runs toward the driver seat. Mabilis itong sumakay sa loob, kaagad na pinaandar ng sasakyan paalis sa VGC. Napalunok ako. I saw how diin he's holding the manibela. Lumalabas na yung mga ugat sa kamay at braso niya.

He looks hot when he is mad.

I mentally slap myself. Galit na yung tao pagkatapos naiisipan mo pa ng ganiyan?!

Tinuon ko na lang ang mata ko sa labas ng bintana. Wala kang maririnig sa buong byhae kundi tunog ng aircon. I watch the cars passed by us. Our byahe is mas naging mahaba pa ang feeling, hindi naman kasi ako kinakausap ni Kazi.

I was about to open the door in my side when I heard the lock clicked. Nagtatanong akong lumingon.

"Do you really think I will allow you to open your own door? What do you think of me?" maanghang na tanong niya.

Kumurap-kurap ako. "There's nothing wrong naman. I can do it."

"Yes. You can but you shouldn't. Kaya nga ako nandito," aniya bago lumabas ng sasakyan. I rolled my eyes ng tumapat ito sa 'kin, pinindot nito ang key to unlock the door. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Lumabas ako. He closed the door and wrap his strong arm around my waist. Nagpatangay ako ng lumakad siya papuntang elevator. When the lift open, we went inside. Nagkusa na kong pindutin ang penthouse button.

My heart keeps beating so fast.

Kinakabahan ako sa maaring mangyari kapag nakarating kami sa penthouse niya. Napalunok ako.

"Kazi . . ." I started to explain na wala pa man din. But he is not looking at me. Deretso itong nakatingin sa kawalan.

Less than five minutes ay nakarating kami sa unit. Humiwalay ako kay Kazi para maunang magtungo sa living area. Sumunod naman ito sa 'kin.

I sat down to the couch, while Kazi stand straight in front of me. Para tuloy akong batang pinapagalitan ng magulang. Lumabi ako ng mamewang na ito sa harapan ko.

"W-what?" medyo kabado kong tanong. "I didn't do anything wrong."

Damn. I can feel his glazing stare at me.

"What did he say? What did you said to him? Tell me?" may pagkataranta nitong tanong.

Kinamot ko ang ulo ko. I sigh, naguguluhan ako sa mga tinatanong ni Kazi pero para hindi na lang lumala ang away namin ay sasagutin ko 'yon.

"First, he said na he wants to talk to you kasi may pag-uusapan kayo tungkol sa trabaho then he asked my name, and I said it. Inaaya pa lang niya akong magkape para siguro mas makilala ka kasi sabi niya gusto niyang maging close kayo. But kahit hindi ka dumating ay hindi naman talaga ako sasama sa kanya because I know your history with him," I explain carefully.

I don't want to put more fuel to the fire.

He squatted in front of me.

I held his hand.

"C-can you tell me why you're mad, Kazi? What did I do?"

Ang malamig niyang mga mata ay napuno ng pait at galit. Humigpit ang hawak niya sa 'king kamay.

"He keeps on getting everything that I have. Palagi niyang kinukuha ang lahat sa 'kin, Malaya," mariin nitong ani. "I-I saw in his eyes . . . he likes you."

I cannot argue with him because he already said he likes to know me better. And . . . to think na nagkaroon na ng issues si Kazi dahil sa past traumas niya. His cousin always got anything he likes kahit na pag-aari ni Kazi. His parents like his cousin more than him.

Kaya siguro siya nagalit.

Binawi ko ang isa kong kamay at hinawak iyon sa kaniyang pisnge. Nagtama ang mga mata namin.

"I'm scared, Dove. So scared that you will choose him—"

"Kazi, of course not! You're my boyfriend! And I love you, hindi kita ipagpapalit sa pinsan mo!" pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"H-huh?"

"W-what?" Bahagya ko siyang tinulak. I gulped. Nag-iwas ako ng tingin. "I don't want you to feel jealous for nothing, Kazi, because all I want is you. Hindi kita ipagpapalit sa kaniya."

Lumambot ang mukha niya.

Kinuha niyang muli ang kamay ako at dinala ang likod no'n sa kaniyang labi upang halikan. Ilang beses niya 'yong pinag-uulit-ulit. Nang magtamang muli ang mga mata namin ay namumula 'yon.

"I'm scared . . . really."

Oh, my sweet baby. Hinaplos ko ang buhok niya at hinahayaan siyang ilabas ang nararamdaman niya.

"H-he always get everything I cherish. He can get anything I have except you. Ayokong pati ikaw makuha niya sa 'kin. If I have to be fucking villain to keep you to myself I will. I fucking will. Again and again," he murmured.

I can sense the pain in his voice. He is not faking it. Parang may kung anong pumiga sa puso ko.

Ganoon na lang ba ang trauma-ng nadulot kay Kazi ng kaniyang mga magulang para matakot siya ng ganito na maagawan? I want to be mad sa mga magulang niya. Hindi dapat nila pinaramdam iyon sa kanya.

They turn him into a cold person he is.

Before I could even said anything. Naramdaman ko na lang na nakalapat na ang malambot na labi ni Kazi sa 'kin. He kissed me like there's no tomorrow.

Pumikit ako at tinugon ang mainit niyang halik. Ilang beses niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko, hinila iyon kasabay ng pagpasok ng kaniyang dila sa 'king bibig.

Our lips makes a rhythm na kami lang ang nakakaalam.

And after that, he owned me like he never did before. A bit rough and harder. Because like what he said . . . he punished me.

*********

KAZIMIR'S P.O.V.

MARAHAN kong hinaplos ang buhok ni Malaya na malalim ang tulog dahil sa pagod. Naka-unan siya sa 'king dibdib kaya hindi ko masyadong nakikita ang kaniyang mukha. Nakapatong ang isa kong braso sa kaniyang bewang. I want her close to me.

Kahit halos wala ng hanging dumaan sa pagitan namin ay kulang pa. Kung pwede ko lang siyang ibulsa.

Kumukulo ang dugo ko sas tuwing naalala ang mukha niya habang nakatingin kay Malaya. I can still remember his face—the admiration. Fuck him! Sinabi pa niyang gusto niya ang babaeng nasa bisig ko ngayon. And fuck it.

I will not let him take her away from me.

Kahit sino sa kanila. Walang makakapagpahiwalay sa 'min.

I genuinely felt scared when I heard from Alexis that Jared is in the office. Natatakot akong magkita sila ni Malaya dahil nakagawian na ng hayop na 'yong kuhanin ang mga bagay na hindi sa kanya. Lahat ng magustuhan ko . . . kinukuha niya.

At hindi ako papayag na makuha niya si Malaya sa 'kin. Hindi. Hindi ako nagpakahirap na itago ang dalaga para lang mahanap nila.

Hindi ako papayag na mawala siya sa 'kin.

She's mine already. Mine. Just mine.

"Kazi . . ."

Ilang beses akong kumurap ng marinig na nagsalita si Malaya. Sinilip ko ang mukha niya. She's still sleeping.

I cannot help to smile.

"Are you dreaming of me, dove?" I whispered in her ears. She smiled a bit na para bang narinig ang sinabi ko.

Lumawak ang ngiti ko ng magsumiksik ito sa 'king dibdib.

I kissed her forehead and sigh. Niyakap ko siya ng mahigpit.

I will not let you go. Not ever.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top