Chapter Forty-Five


CHAPTER FORTY-FIVE

I WAKE up feeling sore all over my body. Napangiti ako habang kinakapa ang space sa tabi ko. Dumilat ako ng walang maramdaman. Hinanap ng mga mata ko si Kazi sa loob ng silid ngunit wala ito roon. Mataas na ang sikat ng araw sa labas ng bintana.

Bumangon ako.

Tiningnan ko ang sarili ko at napangiti. I'm already wearing a shirt—big one. Sa tingin ko'y damit ito ni Kazi. I have my underwear with me, wala nga lang bra.

Kaagad namula ang pisnge ko dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin siya sa loob ko. I bit my lower lip.

Bumaba ako ng kama at nagtungo sa banyo. Ginawa ko ang morning routine ko saka lumabas ng kwarto. Nasa gitna pa lang ako ng hagdan ay naamoy ko na ang mabangong aroma galing sa kusina. Gosh. Is he cooking?

Binilisan ko ang pagbaba at agad nagtungo sa kusina.

Huminto ako sa may pinto. Sumalubong sa 'kin ang maskuladong likuran ni Kazi. Kitang-kita ko tuloy ang tribal tattoo nito sa kaniyang braso. Sa gitna ng likuran niya'y mayroong isang malaking bungo na may nakasaksak na espada. Sa ibabang parte naman ay mayroong parang ahas.

Napalunok ako.

His tattoo is hot pala kapag nakita mo ang buo. Ngayon ko lamang nagawang titigan ng matagal ang tattoo nito sa katawan. He is so damn fine with it! Mas lalo lamang lumalakas ang epekto nito sa 'kin.

Nagfle-flex pa ang muscle sa likod nito sa tuwing gumagalaw siya.

Hindi lang masarap magluto, masarap din siya.

Sumandal ako sa may hamba ng pinto para maging komportable sa panunuod sa kaniya. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng bumaba ang tingin ko sa braso nitong lumalabas ang mga ugat.

"Dove, I know I'm good looking but I also feel shy."

Nagulat ako ng biglang lumingon ang binata sa 'kin. He has this cocky smile. Lumakad siya palapit sa 'kin, dala-dala ang dalawang plato na may lamang almusal.

Yumakap ako sa kaniyang bewang ng makalapit ako sa kanya. Gusto kong mapapikit ng maamoy si Kazi. He smells so good. Aftershave. Ibinaba muna ni Kazi ang mga plato sa mesa bago gumanti ng yakap sa 'kin. He kiss my lips.

Napalabi ako.

"Hmmm . . . how you feeling, dove?" he asked. Naghila siya ng upuan at umupo doon bago ako hinila paupo sa kaniyang kandungan.

Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Nakapatong ang aking kamay sa kaniyang dibdib.

"I feel sore . . . lalo na sa private area ko," pag-amin ko. Napanguso ako. "I can still feel you as well," pabulong kong sabi. Mas isiniksik ko ang mukha ko sa kahihiyan.

I can imagine Kazi smirking. Ba't feeling ko sayang-saya siya.

Pumisil-pisil siya sa 'king bewang. Inilayo ko ang mukha ko sa kanyang leeg at tiningnan siya. May kislap ng kaharutan sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa 'kin.

"I'm glad that you can still feel me inside you, dove. I fucking love it," he said before claiming my lips in a passionate kiss. I smile and gladly return his kisses.

Nang malalagutan na ako ng hininga pinakawalan niya ang mga labi ko.

Pinangkitan ko siya ng mata ng magtama ang mga mata namin. Siya ay nakangisi pa rin na para bang tuwang-tuwa talaga.

"Kiss ka nang kiss sa 'kin. Palagi akong parang malalagutan ng hininga," reklamo ko. Akma akong tatayo sa kanyang kandungan nang mas idiin pa niya ako doon. Masama ko siyang tiningnan.

"What? I love kissing you. Your lips is so sweet . . ."

Nangamatis yata ang mukha ko sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin. Tiningnan ko ang mga hinanda nito. There's a bacon, sausages, pancake and eggs. Kinuha ko ang sausage. Nagsalin ako sa plato sa 'king harapan. Humiwa ako at tinusok iyon. Inuma ko sa kaniya ang tinidor.

"Kain ka na. I know napagod ka sa pagluluto."

Hindi naman ako nagdalawang salita dahil kinain ni Kazi ang binibigay ko sa kanya. Pero nagulat ako ng bigla niyang kunin sa kamay ko ang kubyertos. Naghiwa ito ng pancake at inuma rin sa 'kin.

"You should eat as well. Mas napagod ka," maharot nitong bulong.

Masama ko siyang tiningnan at kinurot sa tagiliran pero imbis na magalit ay hinuli lamang niya ang mga kamay ko at kiniliti ako.

Our breakfast was filled with love and laughter.

********

MAGKATULONG naming niligpit ni Kazi ang pinagkainan namin. Pagkatapos ay nagtungo kami sa sala para manuod ng movie. Sinabi ng binata na hindi raw muna kami papasok sa trabaho upang makapagpahinga.

Nakaunan ako sa matigas at malapad na dibdib ni Kazi habang nakapatong naman sa 'king binti ang kaniyang hita, isama pang nakapaikot sa bewang ko ang braso nito. Animo ako isang presong ayaw niyang pakawalan.

Pinapanood namin ay isang action series called NCIS. Inuumpisahan pa lang namin. Kalmado kaming nanunuod pero kabaliktaran no'n ang tibok ng puso niya. Napakabilis. Katulad ng sa 'kin.

Alam kaya ni Kazi na pinapabilis niya rin ang tibok ng puso ko?

"Gusto kong ganito tayo palagi," bulong ni Kazi.

"Me too." Gusto ko yung peacefulness ng relasyon namin. Masarap din sa pakiramdam na kasama ko siya araw man o gabi.

"Naka-usap mo na ba ang kaybigan mo? Did she agree?"

Umiling ako, "hindi pa siya pumapayag pero nagka-usap na kami. Pag-uwi ko mamaya kakausapin ko ulit siya."

Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Isiniksik niya ang mukha niya sa 'king leeg.

"Ayaw ba niyang mag-trabaho sa kumpanya?"

"Nag-aalangan lang kasi hindi nakatapos ng college si Liza." Nilingon ko siya. "Huwag ka mag-alala, baka kapag naka-usap ko ulit siya ay mapapayag ko na."

He smile a bit, "Sana. Pero kapag kaylangang ako ang kumausap at magsabi sa kanyang may trabaho siya sa VCG ay sabihin mo sa 'kin. I'm willing to talk to her para mapalipat na kayo dito," aniya.

"Ikaw, ha. Mukhang atat na atat ka yatang maiuwi ako rito!" pilyang ani ko.

"Of course. Gustong-gusto kita dito sa bahay ko, dove. Gustong-gusto kong nakikitang nakahiga ka sa kama ko. Naghihintay sa pag-uwi ko galing trabaho," bulong niya.

Umakyat ang eletresidad sa katawan ko ng marahan niyang kagatin ang tenga ko. Napalunok ako.

"W-what do you mean? T-tanggal na ako sa trabaho kapag ka nagsama tayo?" Pilit kong pinapatatag ang boses ko ngunit kusa itong bumibigay sa kanya.

"If you want to stop working, then it's okay, dove. Kung gusto mong mag-umpisa ng sarili mong business ay tutulungan kita. Kahit anong gusto mo, gagawin ko," aniya sa tonong nangangako.

Tinitigan ko siya ng matagal.

"Y-you trust me to open my own b-business?" pabulong kong tanong.

Nakangiti siyang tumango. Deretso akong nakatingin sa mga mata niya. Hinahanap ko kung niloloko ba niya ako, pero there's only truth there.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbigat nito. Bumangon ako.

"What if I failed?"

"Then you're trying, dove." Inabot niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. "If you failed, learn from the mistake, then try again. I will support you until you succeed, dove, so, no need to worry."

Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko sa past life ko para bigyan ako ng boyfriend na napaka-supportive.

Dinamba ko siya at binigyan ng mahigpit na yakap. I didn't notice na nag-uunahan na pa lang tumulo ang mga luha ko.

"Thank you for t-trusting me . . ." bulong ko.

Mabuti pa si Kazimir, nagawa akong pagkatiwalaan. He is supporting me sa pagtayo sa sarili kong mga paa. Unlike my family. They only want to control me . . . their puppet in the string.

*******

DAKILA'S P.O.V.

NAGTATAGO kami ni Bayani sa loob ng aming silid. Iniiwasan naming makasalubong si Makisig o Papa sa labas dahil baka nagkaka-idea na sila sa pinag-uusapan naming magkapatid noong nakaraan.

"Hey. Nakita ko na," ani Bayani na nakakuha ng atensyon ko.

Lumapit ako sa kanya. Nasa gitna ito ng kama ko, nakapatong ang laptop sa mga hita at halatang busy sa pagsi-search. Tinabihan ko siya ng upo.

"What is it?"

"His name is Jared Vasiliev Delos Santos, cousin ng boyfriend ni Malaya. He is working under Kazimir's father. Ang company nila ang nagsu-supply sa mga bote ng alak or wine local and international. Hindi masyadong kilala pero pwede na."

Kinuha ko ang laptop sa kanya para makita ng personal ang binabasa niya. Nagsalubong ang kilay ko.

"Sumubok siyang magtayo ng sariling kompanya pero unti-unti 'yong bumabagsak sa nag-aalisang investors ng company."

"Yes tapos sasabihin nina Papa at Makisig na mabuti siya para kay Malaya? Paano siya magiging mabuti sa kanya kung hindi niya kayang mag-handle ng sarili niyang company?" mapang-akusang ani Bayani.

Tss. Umiling ako.

"I don't like him for Malaya. Tss. He doesn't look nice at all," matabang kong sabi.

Inagaw sa 'kin ang laptop. Mukhang maghahanap pa ng baho ng mapapangasawa ni Malaya. Sumandal ako sa headboard ng kama.

"Do you think pag-iisipan nila tayo ng masama kapag kinausap natin sila about sa marriage ni Malaya?"

"I don't think so . . ." Makahulugan siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. Our eyes locked. "Why don't we try to talk to Mama? Then she can help us to talk to Papa?" nakangising tanong ko.

Humaba ang nguso nito.

"Pwede pero hindi ba makakasama kay Mama kung siya ang kakausapin natin?" ani Bayani.

Napa-isip ako. Maari ngang maka-apekto sa kanya pero pwede rin siyang makatulong sa 'min. Makikinig sa kaniya si Papa at Makisig.

I sigh. "We have to take a risk. If hindi, Malaya will never come back," I said with finality.

He agreed with my plan. Pero habang naghihintay na maka-usap si Mama ay naghanap pa kami ng tungkol sa mapapangasawa ni Malaya. Dapat ay malaman namin kung anong klaseng tao ang ipapakasal nila sa kapatid ko.

When the coast are clear, lumabas na kami ni Bayani. Nagpunta kami sa gazebo kung saan nagi-stay si Mama ng ganitong oras.

There we saw her, reading a book with a tea in her right hand. Lumakad kami palapit sa kanya at tumabi. Nagulat naman itong tumingin sa 'min. Naka upo kami ni Bayani sa magkabilang gilid niya.

"Boys! What are you doing here?!" gulat niyang tanong. Binaba niya ang hawak na libro samantalang kinuha ko ang tasa ng tsaa na iniinom niya.

"We want to bond with you, Mama. How are you? Nasaan si papa?" tanong ni Bayani.

Lumambot ang mukha niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa 'min. Her hand touch my cheeks.

"Oh, my sweet little boys. I'm doing good already. Kayo kumusta? Nasabi ni Makisig na hindi kayo uma-attend sa klase niyo," she said.

Yumakap ako sa kaniyang bewang.

Yes, hindi na kami uma-attend sa klase namin kapag hapon dahil mas pinagtutuunan namin ng pansin kung paano matutulungan si Malaya. Gusto ko ng makabalik siya rito sa bahay. Okay lang kung isama niya yung boyfriend niya pero uuwi siya.

"Ma, kilala mo ba kung sino yung ipapakasal kay Malaya?" biglang tanong ko.

Naramdaman kong nanigas ang katawan ni Mama. Lumayo ako sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Halos maubusan ng kulay ang mukha niya.

"Ma?" tawag ni Bayani sa kanya.

Ilang beses itong kumurap, malungkot na ngumiti sa 'min. Sa palagay ko, nagsisisi rin siya dahil umalis si Malaya sa 'min. Nakita namin kung paano siya halos ma-depress.

"It's okay if you cannot—"

"I can answer. Your sister's fiancée is Jared Delos Santos. Your father picked him because of his capacity to take care of your sister. Mayroon siyang sariling kompanya. Napalago niyang mag-isa. Mabait at magalang din kaya mas nagustuhan ng papa niyo. I . . . do like him, sa tingin ko kasi aalagaan niya si Malaya ko."

Puno ng pagtataka kaming nagkatinginan ni Bayani. What the hell are they talking about? Naging malago baa ng kumpanya ni Jared? Sa nakalap naming impormasyon sa internet ay bumabagsak na ang kompanya niya. Nagkibit balikat si Bayani.

Napabalik kami sa reyalidad ng marinig ang mahinang hikbi. Nag-uunahan sa pagbagsak ang luha ni Mama ng makita namin.

I gulped.

Hinaplos ko ang likod niya.

"Sorry for asking you that, Mama," I said in sincere voice.

Yumakap si Bayani kay Mama na ginantihan naman nito. Mom cried, and it breaks my heart in a million pieces.

"I-I missed . . . Malaya. So much! Nag-aalala na ako sa kanya! It's almost two year . . ." humagulgul ito ng iyak.

"Ma, what if . . . just what if, you talked to Papa about the arrange marriage. B-baka bumalik siya . . . kasi in the first place kaya siya tumakas ay para hindi maikasal kay Jared. Baka kapag nalaman niyang hindi na niya kaylangang maikasal ay bumalik siya," ani ko.

"Dakila!" angil ni Bayani.

Pinandilatan ko siya ng mata na agad naman nitong ginantihan. Mukhang hindi niya gustong ma-open up 'yon dahil naging emotional na si Mama. Pero this is our chance.

"H-how? Y-your father will not terminate the contract. Gustong-gusto niya ang lalaking 'yon para sa kapatid mo. He wants him to marry her . . ." Umiling si Mama.

Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. Dumiin ang kagat ko sa 'king labi.

"Ma, you are his wife!" mahina ngunit puno ng diin kong sabi sa kanya. "Kung hindi ka maga-agree sa kanya, kapag sinabi mong ayaw mo, lahat ng thoughts mo baka sakaling i-cancel niya ang kasal. Use your position in his life!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Dakila!"

Masama kong tiningnan si Bayani. "Mama has rights to meddle with his choices for this family! We are her children. She's her daughter! May karapatan siya! Kung hindi siya papayag, makikinig si Papa! Be a mother for her even once!"

Hindi ko na napigilang lumakas ang aking boses.

Gusto ko ng makauwi ang kapatid ko! She is not for that place! Hindi siya dapat nagi-stay sa ganoong lugar!

"DAKILA!"

Marahas akong lumingon ng marinig ang galit na pagtawag sa pangalan ko. I saw my brother; angrily looking at me.

Isa pa siya! Kung hindi niya ginatungan sina Papa na ipakasal si Malaya baka kasama pa rin namin siya.

Unti-unting napuno ng panibugho ang puso ko para sa kanila. Para sa sarili ko!

Kami ang may kasalanan kung bakit nararanasan ni Malaya ang mahirap na buhay sa lugar na 'yon. Kaming lahat ang dapat sisihin!

Galit akong tumayo at lumakad palabas ng gazebo. Binangga ko sa balikat si Makisig at dumeretso sa loob ng bahay. Narinig ko ang mabibigat na yapak na sumusunod sa 'kin.

Nang nasa hagdan na ako ay narinig kong tinawag ni Makisig ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. Ayoko na silang maka-usap, baka makapagsabi pa ako ng masamang salita na hindi ko na mababawi.

I was already in the second floor when I felt his strong hand hold my wrist. Hinila niya ako paharap sa kaniya. Galit kong binawi ang kamay ko.

"What the hell is your problem?! Bakit pinaalala mo pa kay Mama ang tungkol kay Malaya! We already talk—"

"STOP!" I shouted at him. Dinuro ko ang mukha niya. "This is our fault! OUR! Kung hindi niyo pinilit na magpakasal si Malaya, maybe she's still here with us! Maybe she's still living like a princess and not a fucking maid!!"

Tumataas-baba ang dibdib ko sa galit. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top