Chapter Five

CHAPTER FIVE

NAGISING na lang akong tumulong pawis sa katawan ko. I'm freaking showering to my sweats ng bumangon ako. I frowned and tried to find the aircon's remote control but I didn't find it, soon, I realized that I'm not at home. Biglang bumigat ang dibdib ko.

I look out the window. The sun is smiling at me. Grabe, it's really hot pala dito sa Pilipinas. They are not kidding. The electric fan is running but I can't feel the wind.

Nakangiwi akong bumangon. Napahawak ako sa bewang ko. My waist is aching. Hindi naman ganito noong last day.

Kagat-labi akong bumaba ng kama and lumabas. Wala akong naabutan sa living area. Maybe Liza is asleep or still at work. I do my morning routine before I check the kitchen. Kumukulo na ang tiyan ko pero walang food. I sigh. Siguro mamaya na ako kakain kapag meron na.

I still don't have money. Nagbuntonghininga ako. Kung naging maingat lang sana ako, hindi ako mananakawan. I sigh. Walang mapupuntahan ang pagse-self-pity and self-blaming ko. Instead, I should do better. Uminom na lang muna ako ng water para maalis ang gutom.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yon. Liza. She's smiling kahit na halata ang pagod sa face niya. Lumapit ako sa kanya. Inabot ko ang dala niyang plastic, dahil it's so madami.

"Uy, morning! Gising ka na pala. Nag-grocery ako ng mga pagkain natin para makakapagluto kahit nasa work aketch," ani Liza ng maka-upo siya sa may set. Nginitian ko siya.

"Salamat dito. Kumusta nga pala ang trabaho mo? Nagugutom ka ba?" Ibinaba ko ang mga dala sa mesa at binalikan siya sa sala.

"Ayorn andaming parokyano kagabi. Halos walang pahinga kaya sobrang pagod at antok na ako. Need ko pang mag-beauty rest dahil baka mamaya ganoon din," anito.

Tumango ako. "Okay . . . I will try to cook sa mga binili mo para kapag gumising ka kakain na lang."

"Ay naks! Napaka-sipag! Pero kahit wag na. Yung sa 'yo na lang o kaya mag-bisquit ka na lang muna. Ako na magluluto mamaya," anito na para bang walang tiwala sa luto ko pero kahit ganoon tumango pa rin ako.

Pero what is bisquit? Is that food?

Nasa malalim akong pag-iisip ng makarinig ng kaluskos. I saw Liza standing up and removing her shoes. Inilapit ko na ang sleepers niya.

"Thank you."

"Nga pala, eto." Inabot niya sa 'kin ang brown folder. Kinuha ko 'yon at tiningnan ang laman. These are my paper. New identity. "Saka mo na lang bayaran, pero forda sleep muna aketch dahil hindi na keribells ng aking body ang pagod."

I nod and smiled at her. I watched her go inside her room. Naiwan na akong mag-isa sa living area. I didn't bother to make my food because what I'm holding is more important than anything else right now. My stomach can wait.

I hurriedly went inside my room. I sat down to the bed. Slowly, I put out the paper.

My new birth certificate.

Malaya Jane Vallero.

I like my new name.

Napangiti ako. Ang name ng parents na nakalagay ay hindi ko kilala, miski ang ibang detalye dito ay hindi pamilyar sa 'kin pero napakagaan niya sa pakiramdam. Para akong nakawala sa kadenang nagtatali sa 'kin sa kulungan ko.

Nagbuntonghininga ako. Ang swerte ko dahil si Liza ang nasamahan ko. Tinulungan niya na ko't binigyan pa ng ganito—panibagong buhay.

The old me is already gone. Hindi na siguro nila ako mahahanap. At sana huwag hanggang hindi ko pa nakakamit ang gusto ko. I want to go back kapag may maipagmamalaki na ako sa sarili ko at sa kanila. Na hindi lang ako anak ng isang mayamang tao. Napangiti ako sa mga planong nabubuo sa isip ko.

First, gusto kong makabawi kay Liza. I have to work to help her here sa house. That's why I need to find a job. It's easy to find nowadays with the help of internet and gadgets but I don't have any of them. Damn that thief!

Second, mag-iipon ako para may money ako para makagala sa gusto kong puntahan. I will use this chance to explore and learn more.

I'm so excited!!!

******

"PERO bago ka lumabas ng bahay na 'to kaylangan alam mo na kung anong meron sa outside para hindi ka na maloko pa. Alam mo 'yon sobrang innocent mo, lalo na sa lugar na 'to. Baka mamaya magising na lang akong hindi ka lang isang beses manakawan."

Ngumuso ako. We're eating our late lunch and early dinner. Sinabi ko na sa kanya ang plano ko about sa pagwo-work at pinapayuhan niya ko tungkol sa labas.

"Bakit . . . sobrang worst ba dito?" hindi ko napigilang magtanong. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin.

"Ay, the! Sobra! Magulo kasi dito, sa kanto nga lang kapag hindi ka naging maingat mananakawan ka," aniya na may halong pananakot. Kinagat ko ang labi ko.

"O-kay . . ."

"Pero madali lang naman 'yon. Gagawin ko lahat ng pwede kong magawa para ma-train ka! Ay wow! Train!" Tumawa ito ng malakas pagkatapos.

Tumango ako at tinapos na ang pagkain naming late na. Tinanghali kasi ng gising si Liza. At nawala sa isip ko ang pagkain kaya ngayon lang kami nakakain. Huminga ako ng malalim.

"Okay. I'm willing to learn—"

"So first! Huwag kang masyadong mag-english. Hindi sa pang-aano pero kasi naririto ka sa squatters, iisipin nilang nagmamalaki ka kapag ka ganoon. Tapos huwag kang palangiti! Kung pwede kang mag-suplada gawin mo kasi hindi friendly ang mga tao dito. Sinasabi ko sa 'yo."

Tumango ako ulit sa sinabi niya. I'm mentally taking down all of it.

"Second, wag na wag kang magpapagabi o tatanggap ng kahit ano sa kapitbahay nating lasing o kahit matino. Bilang lang sa daliri ko 'yung tunay diyan. Yung iba baka nilalagyan pa ng kung ano yung binibigay, eh," anito na para bang wala lang sa kanya ang mga 'yon.

Gaano na ba katagal nakatira dito si Liza para malaman niya ang lahat ng 'to? I mean . . . it sounds hellish and I can already imagine that lalo na't hindi naman ako pala labas. Simula yata ng dumating ako dito hindi pa ako lumalabas.

"Third, mag-iingat ka palagi. Maging mapagmasid ka kasi hindi mo alam kung sinong sasaksak sa 'yo," huling bilin nito bago sumubo

Lahat ng sinabi niya ay tinandaan ko. So from now own . . . I will speak in Tagalog kapag sila ang kaharap. Maybe in work I can still speak in English because it will be needed.

While eating ay iniisip ko ang mga sinabi niya. I'm not that good in tagalog pa, pero I'm willing to learn.

"Okay. Naiintindihan ko. Maraming salamat sa mga payo mo, ha," pasasalamat ko.

Nakangiti siyang lumingon sa 'kin. Kinuha nito ang isang bagong tubig bago ako sinagot.

"Welcome. Basta ha, lahat ng payo ko."

Tumango ako. Pagkatapos naming kumain ng gabing 'yon ay umalis ulit si Liza para magtrabaho. Naiwan akong mag-isa, nagpra-practice sa pagsasalita. Sa tingin ko ay mas better na ako. Huminga ako ng malalim. Tumayo ako at naglakad palapit sa mirror na nakasabit sa wall. Tiningnan ko ang sarili ko.

This is my new life already. And new life should have new look.

Hinawakan ko ang buhok ko. I love this hair. My long hair . . . my mother says that hair symbolizes social status and wealth. Wealth, I already turn my back on that part of my life. Napansin kong mayroong gunting sa gilid. Mabilis ko 'tong kinuha at muling bumalik sa harapan ng salamin.

The old Malaya is gone. She's dead.

Malaya . . . is already free. And this will symbolizes it.

I cut my hair in chin length.

Napangiti ako ng makita ang sariling reflection. The hair suits me. Mas na-emphasize lang ang jaw ko. Ngumiti ako at tiningnan ang buhok na nagkalat sa sahig. My head is light. Ang gaan pala ng maikling buhok.

Do I feel any regrets?

Nope. I'm actually happy. Since I was a kid I'm not allowed to cut my hair because of family tradition. But I did now. The first choice I make for myself.

Nilinis ko ang mga kalat ko pagkatapos ay naligo ako para maalis ang kati ng buhok sa katawan ko. After that a bumalik na ako sa room para matulog. I didn't sleep enough dahil sa excitement.

******

"SAAN ulit tayo pupunta?" puno ng pagtatakang tanong ko kay Liza.

Nang umuwi siya kaninang umaga ay inaya niya akong lumabas. May pupuntahan daw kami. Kanina ko pa tinatanong pero hindi naman siya sumasagot. I'm wearing a black t-shirt and pants.

Sumakay kami ng tricycle and jeepney afterwards. Natutuwa ako sa mga nakikita ko sa labas habang bumibiyahe. Ang daming tao and cars, halo-halo and iba-iba ang kulay. Napaka-gulo.

Naka-ilang palit din siguro kami ng sasakyang jeep hanggang sa makarating kami sa place kung saan niya ako dinala. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nasaan tayo?"

Ukay-Ukay Market.

Lumingon ako sa kanya pero nakita ko 'tong nakatingin sa paligid at nag-aayos ng dalang bag. Given na maraming tao kaya magulo, maingay at masikip ang lugar. I'm thinking kung anong smell sa loob dahil sobrang init ng panahon ngayon.

"Nasa ukayan. Bibili tayo ng damit mo," sagot niya saka humawak sa kamay ko't hinila ako papunta sa loob.

"Damit?"

"Oo, pang-work saka pambahay mo. Para meron ka ng sarili mo," she said. Una naming stop ay sa pang-bahay lang. Ang dami niyang pinili for me. Mga shorts, sandos, t-shirt, and even sleeping wears.

"Teh!" tawag ni Liza sa nagtitinda. Lumingon sa 'min ang babae.

"Po?"

"Magkano 'to?" Pinakita ko sa kanya ang damit na napili. "Murahan mo lang, ha. Nakita ko 'yan lahat doon sa mga tig-sasampu saka bente." Hindi ko masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila. Basta I just noticed na hinihila na ako paalis ni Liza.

Habang nililibot ko ang paningin ko napagtanto kong napakadaming nagbebentang damit dito. They have clothes for babies, children and for oldies, too. Pati footwear meron sila. Napatigil ako sa tapat ng isang stall. I saw a corporate attire. Naramdaman ko na lang na huminto na rin si Liza sa paglalakad.

My hands went to touch the fabric. My dream is to work on our company. To let my parents realize that I can manage our businesses, too, like my brother. If I'm going to find a job, I will start to corporate world first kahit na sa office lang, I have my knowledge naman.

"Gusto mo 'yan, teh?"

I nod. "Yeah." The color is gray, it's a pencil cut skirt and a collared blouse and a blazer. Maganda ang tela niya. I think it's cotton.

"Teh, magkano 'to?" Hinawakan din ni Liza ang tela, sinusuri niya yata.

"Three fifty," sagot noong matandang tindera.

"Hala naman, Nay! Three hundred na lang!"

"Last na namin 'yan. Sobrang mura na nga."

"Ih, dalawa bibilhin ko kapag binigay mo sa 'king three hundred!" pilit ni Liza.

Hindi ko maintindihan ang ginagawa ni Liza, kanina pa siya gano'n nang gano'n sa mga nagtitinda. I think pinapababa niya yung price but some owners don't want to agree kaya lilipat kami sa iba to check the repeat hanggang sa mapapayag sa price.

"Three twenty-five. Last na tawad na 'yon, neng. Wala na yung puhunan ko," ani ng babae, I saw Liza smile and approve.

"Osige po. Kuhin ko yung dalawa." Nilingon niya ako, "anong kulay ang gusto mo?" tanong niya habang kumukuha ng pambayad.

"I like the gray and black one," I said.

"Yung black saka gray daw po."

After that naglaka-lakad ulit kami. Ang dami naming pinamili, not just for me but for Liza, too. Nang pauwi na nga kami, hindi na namin alam kung paano dadalhin ang mga pinamili namin sa dami. But most of it are my things, clothes, shoes and other important things.

She also bought me a make-up kit noong nag-mall kami para kumain sa fast food. Nakakatuwa na nakakahiya at the same time dahil pinagkagastusan ako ni Liza. Kaya dapat makahanap agad ako ng trabaho para matulungan siya.

Magkatulong kaming inaayos ang damitan ko.

"Ayan. Sa susunod sasamahan kita mag-apply pero ngayon sa online muna tayo ha. Sa kompyuter shop tayo ngayong gabi."

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit sa gilid sa sinabi niya. Napalingon ako sa kanya. Am I hearing it right? Ngayong gabi?

"Hindi ka papasok sa work?"

"Hindi muna. Sasamahan kita para mag-apply, saka wala akong tulog baka magkalat lang ako do'n kapag nagkataon. Bukas na lang. Ngayon mas dapat nating unahin 'yang application mo," sagot nito na parang wala lang.

"Okay. Thank you, Liza," madamdamin kong ani.

Ngumiti siya sa 'kin at nag-wink lang. Tumawa ako after that. When we finished ay lumabas na kami. Nagpunta pa kami sa labas para mapuntahan ang computer shop na sinasabi ni Liza.

Napatigil ako sa pagpasok sa loob ng makita ko kung gaano kadami ang taong nasa loob. Halos siksikan na sa loo bang mga tao. And the smell coming inside is not good. It's like guava with sour something. I wanna puke. Liza stop walking and look at me.

"Baket?"

Umiling ako. Tiningnan ko ang mga taong nasa loob at pigil ang hiningang itinapak ang paa sa loob. Sa gitna kami dumaan kasi doon lang mayroong kaunting space to go at the back. Every move ko tumatama sa 'kin ang madulas at basang braso ng mga nakatayong lalaki. Most of them are male species. Siguro nasa age twelve up to thirty something. Playing games at the computers.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, there's no bintana naman here para lumabas yung masamang hangin sa loob. Tapos yung electric fans iilan lang din kaya mas maalinsangan ang singaw dito sa loob. Para kaming nasa oven!

Gosh! I feel like my stomach turns. My arms are getting wet because of their sweats! Hindi rin ako masyadong maka-usad dahil sa nakaharang sila sa daan. Hindi sila ma-bulge sa kinakatayuan nila. Parang I have to use all of my force pa para maramdaman nilang may dumadaan.

Medyo malapit lang naman yung main entrance sa backroom kung saan kami papunta but it feels like a long one!

I can feel na malapit ng bumigay ang lungs ko sa pagpipigil ng hininga. My oxygen level is already at its limit ng makarating kami sa dulong silid.

Liza knock a few times before it opens. Sumilip doon ang mukha ng isang babaeng nakangiti. She's wearing a thick eye glasses and a large t-shirt. She's chubby, too, but her smile is so refreshing.

"Uy! Long-time no see, Liza! Anong aten?" tanong ng babaeng nakatingin kay Liza saka bumaling sa 'kin. "Naks, ganda ng dala mo ah! Bagong alaga ba 'yan?"

Nagdikit ang kilay ko sa sinabi niya. Bagong alaga? What am I, dog?

"Pasok kayo," anito at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Naunang pumasok si Liza at sumunod ako.

Kaibahan sa labas, ang kwartong 'to may dalawang bintana at fresh ang hangin, may electric fan na nakadikit sa pader. I saw two large monitor in the wall too and one in the table.

"Ano ipapasok mo rin ba siya sa prostitution?" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top