SAANL: Falling Apart (Final Chapter)

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Zenon's POV"

"What's with the smile?" tanong ni Mama nung makita ako pag pasok ko sa kusina. Nag luluto siya ng agahan habang si Stefany, umiinom ng gatas sa may lamesa.

"Nung nakaraang araw lang nag mumukmok ka sa kwarto mo ah."

"Nung nakaraan pa yun, Ma," sagot ko. Lumapit ako kay Stefany at ginulo ang magulo na niyang buhok. Mukhang nakalimutan na niya ang pagtatalo namin sa doll niya.

"Good morning, Stef," bati ko.

"Good morning, Kuya," tugon niya.

Pag tapos kay Stefany ay lumapit ako kay Mama. Niyakap siya at hinalikan sa pisngi na sinuklian naman niya ng naguguluhang tingin.

Pinatay niya ang kalan, nilapag ang hawak na spatula at tumingin sa akin.

"Ano talagang meron? Sabihin mo na, Zenon."

Tumalon ako patalikod para makaupo sa lababo.

"Masaya lang ako, sobrang saya!" sagot ko. Binigyan niya ako ng huling tingin bago tinuon ulit ang atensyon sa niluluto niya.

Kumuha siya ng lalagyan at nilagay dun ang scrambled egg na may kasamang kamatis.

"Oo nga pala, may pinapasabi sayo ang Papa mo," sabi niya habang inaayos ang kakainin ni Stefany.

"Ano po yun?"

"Malapit nang mag umpisa ang school year sa kanila, kung gusto mo daw dun na mag-aral," sabi ni Mama.

"Nag-seselos na daw siya at nalulungkot kasi mag-isa lang daw siya dun at nandito tayo."

Bumaba ako sa lababo at tumabi kay Stefany para makikain sa scrambled eggs niya.

"Bakit kasi hindi na lang siya ang pumunta dito, dito na lang tayo lahat."

"Sa tingin ko mahihirapan kasi siya kung dito siya titira at nasa ibang bansa ang trabaho niya," sarkastikong sagot ni Mama.

"Hay nako, trabaho."

"Zenon! Kung hindi magta-trabaho ang Papa mo, wala tayong kakainin."

"Ma, isa siya sa may pinakamalaking share," tugon ko. "Pwede nga syang ma-late sa trabaho niya eh."

"Pero hindi siya pwedeng mawala," sagot niya. "Kaya ano, gusto mo ba dun mag aral?" tanong niya ulit.

"Hindi," sagot ko kaagad, walang pag dadalawang isip. Marami akong dahilan pero ang may pinakamalaking parte sa desisyon ko na yun ay si Saikha. Kung aalis ako, magiging LDR ang relasyon namin. Ngayon pa't unti-unti na niya akong minamahal, unti-unti nang nawawala ang nararamdaman niya kay Wesley. Baka pag umalis ako, maagaw siya sa akin.

"Ayaw ko na dun, Ma. Dito lang ako."

"Okay, okay," pag kakalma ni Mama sa biglaan kong reaksyon. "Wala namang pumipilit sayo eh, tinatanong ka lang naman kung gusto mo."

Tumayo ako at kumuha ng inumin.

"Alis na ako, Ma," paalam ko pagkatapos kong uminom.

"Sige, ingat ka ha."

"Oo nga pala, Ma," pahabol ko. "Gagabihin ako ng uwi, may pupuntahan ako eh---kami."

"Sige, basta dapat pagbalik mo kumpleto ka pa ha," sagot niya.

"Mama naman!"

Masaya na ako dito, pero kahit papano nami-miss ko parin si Papa. Kaya kami tumira dito ay dahil kay Lola. Nung malaman niyang babae ang sumunod sakin---si Stefany, gusto niya siya ang mag-alaga. Pinag bigyan siya ni Mama at Papa dahil nag kakaedad na siya. Umuwi kaming tatlo ni Mama at Stefany at nagpaiwan si Papa para sa trabaho niya.

May mga bagay talaga na mahirap balansehin, may mga bagay na kailangan talaga ng sakripisyo para maging maayos ang lahat.

**********

"Zenom!" pamilyar na sigaw sa likuran ko. Pag lingon ko, nakita ko si Aiden na naglalakad habang nakalingkis ang kamay kay Saikha na namumula nanaman ang mukha.

        Naramdaman ko rin ang kakaibang init sa mukha ko nung makita ko siya, hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. Parang na-inlove na naman ako. Tama nga, kapag tunay na nagmamahal ka ulit, nawawalan ng saysay ang mga naramdaman mo nung nakaraan kumpara sa kasalukuyan. Mas matindi ang kilig kumpara dati, lalo pa't kung si Saikha ang taong yun. Kung ang taong yun ay ang taong pinaglaban mo.

"Good morning," bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning din," tugon ni Aiden.

"Morning," bati ni Saikha. Sabay sabay na kaming nag lakad papunta sa unang subject namin. Walang masyadong tao sa hall, napaaga kami pare-pareho. Binigyan kami ng Aiden ng kakaibang tingin bago siya humiwalay kay Saikha.

"Ahm... May pupuntahan ako," sabi niya habang inaayos ang gamit at buhok nang sabay. "Mauna na ko, lovebirds!"

At tumakbo na siya palayo. Sinundan namin si Aiden ng tingin hanggang sa lumiko papunta sa mga room.

"San pupunta yun?" tanong sa akin ni Saikha.

"Ahh, hindi ba dapat ikaw ang nakakaalam niyan, ikaw ang kapatid  eh," sagot ko.

Naglakad na ulit kami papunta sa room. May ilan-ilan nang dumadating na ibang estudyante na nag lalakad na din sa hall di kalayuan sa unahan at likuran namin.

"Yun nga ang nakakaasar na parte," panimula ni Saikha.

"Nababasa niya ako na parang libro, samantalang siya hindi ko malaman ang takbo ng isip."

"Bakla kasi sya," kumento ko.

Hinawakan ko ang kamay niya, hinayaan lang naman niya ako at tinugon ang higpit ng pag kakahawak ko. Sana ganito na lang kami araw-araw, tuwing umaga, hanggang sa magka-trabaho kami at tumanda.

Umaasa ka na naman Zenon!

Nakakainis tonh konsensya ko ah.

"Oo nga pala." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya at diretso ang tingin sa dinadaanan. "San mo gustong pumunta mamaya? Sagot ko na ang pagkain."

Matagal ko na tong napag-isipan, mga ilang oras simula pag uwi ko hanggang sa makatulog ako at magising, maligo at habang nasa byahe papunta dito sa school. Isang lugar lang naman ang gusto kong puntahan namin ngayong mag uumpisa ulit kami. Pero sumugal narin ako. Pag ito epic fail parin titigil na ako. Bibitawan ko na siya.

"Sa park."Tumingin na din siya sa akin, patuloy sa mabagal na pag lalakad.

"Park?"

"Oo, yung park na pinagdalhan ko sayo nung unang beses tayong nagkita," sagot ko.

"Ako naman ang ilibre mo ng pizza."

     Mas lumapad ang ngiti niya, kitang kita ko ang saya sa mga magaganda niyang mata.

"Paramihan tayo ng makakain na pizza!"

"Sige ba," pag tanggap ko sa hamon niya. "Basta ikaw ang taya."

Tumigil siya sa pag lalakad at excited na sinabing, "Eh pag natalo ka?"

"Bibilhan pa kita ng mas maraming pizza," nakangiti kong sagot.

Napasinghal siya at inikutan ako ng mata. "Papatayin mo ko sa kabusugan?" sarkastiko niyang tanong. "Ano na lang," napatingin siya sa taas dahil sa pag iisip,

"kukuhaan kita ng isang matinding wacky picture. Ayos ba?"

"Ayos lang," tugon ko.

"Ayos lang? Ha! Ipo-post ko sa facebook," pagbabanta niya.

"Ayos lang, kahit naman anong wackyko, gwapo parin ako," sagot ko. Nakatanggap ako ng mahinang suntok sa balikat.

"Yabang mo."

Maglalakad na ulit siya pero hinila ko ang balikat niya para mapaharap ulit sya sa akin.

"Eh pag ako ang nanalo?"

"Anong pag ikaw ang nanalo?" balik niya ng tanong.

"Syempre dapat may prize din ako." Siningkitan ko ang mata ko at tinignan siya ng mabuti.

"Tigilan mo yan, Zenon," sabi niya kaagad. "Hindi pwede ang kiss."

"Syempre hindi," sagot ko kaagad.

"Ang gusto ko pag nanalo ako . . . ipakilala mo na ako sa Mama mo bilang boyfriend mo."

Halata ang matinding pag-iisip niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalangan at malalim na pag-iisip. Napakagat pa siya sa labi at kung saan-saan napatingin hanggang sa makasagot.

"Sige," sagot niyang talaga namang halos nagpalipad na sa akin. Gusto ko nanghilahin ang oras para dumating na ang hapon.

"Deal?" tanong ko.

"Deal." sagot niya.

Pag dating namin sa room wala pa si Aiden, wala rin si Monique at Wesley. Natuwa naman ako at hindi na siya hinanap ni Saikha, kahit pasimpleng paghagod ng mata sa mga kaklase namin. Diretso lang kami sa dalawang bakanteng upuan.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinunta sa music.

"May ipaparinig nga pala ako sayo." Hinanap ko ang kanta at pinatugtog bago binigay sa kanya.

"Ano to?" tanong nya."A Sky Full of Stars, narecord yan ni mikoy nung nagperform kami." sagot ko at sinabayan ang kanta.

"Coz your sky, coz your sky

Full of stars,

I wanna die in your arms. "Nakikinig lang siya habang hawak-hawak ang cellphone ko.

"I don't--" biglang natigil sa pag tugtog ang cellphone ko at napalitan ng ringtone kapag may tumatawag.

Tinignan ni Saikha ang screen bago inabot sa akin.

"Sino si Greg?" tanong niya.

Kinuha ko ang cellphone ko.

"Kaibigan ko yan, hindi mo sila naabutan nung... birthday ko." Pinindot ko ang answer button bago tinapat ang phone sa tenga ko.

"Hello," bungad ko.

"Hello," sabi din niya,

"Zenon?"

"Oh, bakit?"

"Sa wakas sinagot mo rin," sabi niya na may kasamang mabigat na pag hinga.

"Kanina ka pa ba tumatawag?" tanong ko. "Wala naman eh."

"Hindi," sagot niya. "Nung sabado pa," asar niyang sabi. "At Linggo, at kahapon. Kamusta ka na?"

Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit naman magaspang ang ugali ng isang to, may pag papahalaga talaga siya sa mga kaibigan niya.

"Okay lang ako," sagot ko. Nakatingin lang sa akin si Saikha, alam ko namang rinig niya ang mga sinasabi ni Greg kahit hindi naka-loudspeaker ang phone ko.

"Pakausap ako," narinig kong sabi ni Francis.

"Pumunta ka kaya dito kahit minsan lang. Jamming tayo nila Francis at Kier. Mamaya?" aya ni Greg. Napatingin ako kay Saikha at tinaasan siya ng kilay.

"Busy ako," sagot ko. "May napakaimportante akong gagawin mamaya eh."

"Sa ibang araw?" tanong niya.

"Geh, sa ibang araw."

"Sige," sagot niya. "Ba---"

Nagkaroon ng ilang kalabog at kaluskos bago may nagsalita ulit sa kabilang linya.

"Miss ka na namin!" narinig kong sigaw ni Francis.

"Hello, Zenon," boses ni Kier, siya siguro ang umagaw ngcellphone kay Greg. "Ano na?" tanong niya.

"Ayos lang ako, pre," sagot ko. "Musta banda?"

"Wala pa kaming nahahanap na bokalista at pianista eh," reklamo niya. "Bumalik ka na kasi dito. Teka, 'worth it' baang pag lipat mo dyan?"

Muli akong tumingin kay Saikha at ngitian siya. Gamit ang libre kong kamay hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng armchair niya.

"Oo naman," sagot ko kay Kier. "Sobra."

"Akin na nga yan!" narinig kong sigaw ni Greg at nasundan ulit ng kaluskos. "Sige, Zen, mauubos na load ko eh. Bye"

"Bye!" narinig kong sabi nung dalawapa.

"Bye," sagot ko bago pinutol ni Greg ang tawag. Tumugtog na ulit ang kanta patuloy sa chorus.

"Ganun talaga sila kagulo," sabi ko kay Saikha.

"Mukha nga," pagsang-ayon niya.

"Saikha's POV"

"Uwi muna kami ha," paalam ko kay Zenon. Alam ko na halos hilahin na niya ang oras sa paghihintay, ganun din naman ako. Gustong-gusto ko na na mapunta kami sa park, kumain ng pizza at gawin ang premyo ng kung sino mang manalo. Pero mas nangingibabaw sa akin ang kaba at ang hindi ko maipaliwanag na hiya. Siguro kailangan ko lang ng ilang sandali na malayo muna sa kanya para mawala to.

      Sinukbit niya ang backpack niya sa isa niyang balikat.

"Oh? Bakit?"

"Eh . . . kasi kukuha pa ko ng pera," dahilan ko. "Hindi ko kasi nadala eh." Nauna nang lumabas si Aiden kasama ang iba ko pang kaklase, kami na lang dalawa ni Zenon ang natira sa room.

"Samahan ko na kayo," alok niya. Agad akong umiling.

"Hindi na, sandali lang naman ako. Antayin mo na lang ako sa park."

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Nung hindi parin umaayos ang timpla ng mukha niya, lumapit ako, hinawakan ang dalawa niyang pisngi at bahagyang tumingkayad para mag abot ang mga labi namin. Mas matangkad siya ng konti sa akin at ako pa ang humalik.

Sandaling-sandali lang ang halik pero ang dami nang nagawa nito sa loob ng katawan ko. Bumalik yung pakiramdam na para akong highschool na nakitang dumaan ang ultimate crush. Sobra-sobrang kilig kaya mas lalo akong nahiya.

      Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti.

"Sige, mag hihintay ako," sabi niya."Pero hayaan mo na akong ihatid kayo sa labas ng school."

Hindi na ako tumanggi. Paglabas namin ng room nag iisa na lang si Aiden na nag hihintay. Agad kaming lumabas at nag hiwalay ng sasakyan. Habang nasa jeep biglang lumapad ang ngiti ni Aiden na parang may naisip na hindi magandang plano na ikasasakit ko---baka nga.

"Nakita ko yun," sabi niya.

Dali-dalian namang bumalik sa akin ang sandaling nangyari sa loob ng room. Ang marahang pagdampi ng labi ko sa labi niya. Damang dama ng kamay ko ang paggalaw ng pisngi niya dahil sa kanyang pag ngiti at ang napakaganda niyang mata na nakatingin sa akin.

"Ano?" pag mamaang-maangan ko.

Tinulak niya ako dahilan para magitgit ko ang katabi ko. Binawian ko naman siya ng siko at hindi na pinansin ang katabi kong masama na ang tingin sa akin.

"Ano pa ba?" pagpapatuloy ni Aiden. "Duma-damoves ka ha."

"Paano mo---tsismoso ka talaga," paratang ko---hindi, pag sasabi ko ng totoo.

"Para po," sabi ng katabi ko, huminto ang jeep at bumaba na siya.

Lumuwag nang bahagya ang pwesto.

"Syempre naman kailangan updated ako sa lovelife mo, para saan pa at kapatid mo ko?"

"Malas ko," sabi ko.

Huminga siya ng malalim.

"Pero seryoso, masaya ako at . . . nakita mo na siya. Nakita mo na ang taong hindi ka iiwan, ang tunay na magmamahal sayo at walang sagabal. Perfect!"

"Tumigil ka nga," utos ko sa kanya at binulong na,

"Pinagtitinginan ka na nila."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Ano nang status niyo ngayon?"

Ano na nga ba?

"Sa tingin ko balik ulit sa pagde-date," hindi ko siguradong sagot.

"At uumpisahan namin ulit mamaya."

Tumango tango siya. May sasabihin pa sana ulit siya nung biglang nag-ingay ang phone ko.

"Si Papa Zen yan!" sabi niya kaagad, abot tenga ang ngiti. "Sagutin mo na!"

Inikutan ko na lang siya ng mata ko at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Pag tingin ko sa screen, hindi pangalan ni Zenon ang nakalagay, kundi number. Hindi ko na kailangan ng pangalan, nakatatak na sa isip ko ang labing-isa na numero na to.

"Si Wesley," sambit ko.

Agad inagaw ni Aiden ang cellphone ko at dinicline ang tawag. Wala na ang ngiti sa mukha niya at magkasalubong na ang kilay.

"Hindi ka talaga nya titigilan. Hindi niya talaga kayo titigilan," gigil niyang sabi. Ilang segundo lang ang nakalipas ay nag-ring ulit ang cellphone ko. Nung makita niyang parehas na numero, pinutol niya ulit ang tawag at nag kalikot na sa cellphone ko. Makalipas lang ang ilang sandali, naka-block na ang number ni Wesley sa phone ko.

"Dapat matagal mo na tong ginawa, Saikha," madiin niyang sabi. Lalo lang tuloy naguluhan ang mga kasama namin sa jeep chismoso at chismosa kasi, kanina lang ang saya niya ngayon para siyang bulkan na malapit nang sumabog.

Kinuha ko ang cellphone ko at binalik sa bulsa ko.

"Sorry."

Wala nang nagsalita sa amin sa buong byahe pauwi ng bahay.

Pagdating sa bahay namin, agad akong umakyat sa kwarto ko, nagbihis kumuha ng pera at naghanda para umalis. Pag labas ko ng kwarto ko, hindi ko na ulit nakita si Aiden, nagkulong na sa kwarto niya.

Lalabas na sana ako ng bahay nung makarinig ako ng madaliang yabag pababa ng hagdan. Sinilip ko ulit ang loobng sala at nakita ko si Aiden na nakabihis din.

"Sasabay na ako sayo," sabi niya habang inaayos ang buhok niya. Napakunot ang noo ko.

"Saan ka naman pupunta?"

Nagpilantik siya at nilagay ang dalawang kamay sa bewang niya.

"Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng makipag-date? I mean, hindi naman katulad ng date niyo yung akin, friendly date lang."

"Bakit hindi ko alam yan? Sino yang lalaki na yan? Matino ba yan? Mapag kakatiwalaan? Baka naman gahasain ka lang niyan. Naku, kuya-"

"Tama na!" pagpigil niya sa akin. "Para kang si Mama. Kilala mo to, natamaan ka na niya ng bola ng volleyball dati kaya alam kong hindi mo sya makakalimutan."

Nanlaki ang mata ko.

"Siya!?" Tumango siya.

"Oo, mabait siya, promise."

"Maniniwala na sana ako kung hindi lang ako nadisgrasya sa kagagawan niya," sarkastiko kong sagot.

"Wag mo na nga syang isipin," pagtatapos niya sa usapan.

"Nag hihintay sayo si Zenon, tara na."

Lumabas na ako ng bahay at inantay siya. Nilock niya ang pintuan at naglakad na kami papunta sa gate. Kakabukas pa lang namin ng gate nung mag-ring nanaman ang cellphone ko. Kinuha ko to sa shoulder bag ko at nakalagay sa screen ang hindi pamilyar na number.

"Sino naman yan?" tanong niya.

"Hindi ko alam." Pinutol ko ang tawag dahil baka si Wesley lang yun. Ilang segundo lang nasundan ang tawag sa parehas na number, binaba ko ulit.

"Lagot talaga sa akin ang lalaking yan kapag nakita ko siya," gigil niyang sabi.

Iba-block ko na rin sana ang number na yun, pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng gagawin ko nung makatanggap ako ng text sa parehas na number. Binasa ko muna ang text at talagang natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko na maging ang paglalakad ko ay tinigil ko.

"Saikha," sambit ni Aiden sa pangalan ko.

"Ano yan?"Inabot ko sa kanya ang phone para ipakita ang text na nag lalaman ng;

-Sagutin mo tawag ko, please! Monique to-

"Zenon's POV"

        Maliwanag pa nung makarating ako sa park, pero papalubog na ang araw hindi parin dumadating si Saikha. Nakabili na ako ng isang kahon ng pizza, may ilang couple na rin ang dumating at umalis sa park pero wala parin siya. Nakailang text na ako pero walang reply, nakailang tawagna ako at hindi siya ma-contact.

Dadating pa kaya siya? ang paulit-ulit na tanong na tumatakbo sa isip ko.

Syempre, sabi niya yun eh, ang sagot ko din naman sa sasarili ko.

Sabi ko rin na maghihintay ako. Ilang oras pa ang lumipas, alas-syete na. Madami nang gumugulo sa isip ko pero pilit ko yung tinataboy, binabalewala. Maganda na ang mga nangyayari, bakit kailangan ko pang mag-isip ng hindi maganda? Bakit kailangan ko pang mag-isip ng ikakasira ng lahat, ng lahat ng natitira sa akin? Bumukas na ang mga ilaw sa mga poste sa paligid ng park, meron nang dumating na nag titinda ng tuhog-tuhog at ilan pang mga couple. Ano mang pilit ko, hindi ko maiwasang isip kung nasaan na yung akin?

Nasan na yung akala kong akin. Hindi. Hindi naman ganun si Saikha. Dadating yun. Sabi niya dadating siya at sinabi kong maghihintay ako.

Tapos na kami sa bahaging yun, hindi na yun mauulit. Nagulat ako nung biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad ko yung sinagot, hindi na ako nag abalang tignan kung sino ang tumawag. Malamang si Saikha dahil sa dami na ng text at misscall ko at sigurado naman akong meron siyang magandang dahilan kung bakit hindi pa siya dumarating.

"Hello? Saikha" bungad ko.

"Zenon," natigil ako dahil sa boses ng sumagot sa akin, lalaki.

"Si Aiden to," nangatog ang boses niya at narinig ko ang pagsinghot niya. "Si Aiden to, Zenon. May . .. may dapat kang malaman."

Hindi na ako nakasagot. Sandali siyang tumigil, humingang malalim at nagsalita ulit. At ang mga salita niya ang tuluyang nagpaguho ng mundo ko. Matapos niyang sabihin, alam kong tapos na ang lahat. Sa apat na salita lang bumagsak sakin lahat, gumuho na at alam kong hindi na maibabalik pa.

"... malabo nang dumating siya."

..


End of Chapter..

End of Story!...

Hanggang dito na lang eh...
Sobrang sakit na kasi ng mga moments.

This has to end.!

Anong reason ni Saikha kung bakit siya hindi nakapunta dun?

May Epilogue pa so doon niyo na ibuhos lahat-lahat ok.

Comment, votes,.

lahat na......

Sorry sa ending... Epic Fail!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top