SAANL: Epilogue
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
Una sa lahat! Salamat sa pagbabasa mo! Oo ikaw. Salamat talaga ha. Ikaw ang inspiration ko eh! ;)
Before proceeding bellow patugtugin niyo muna ang music na ito.
"The One That Got Away" yung Boyce Avenue version. Oo na big fan ako ng Boyce Ave. haha...
oh, eto na.......
"Zenon's Last POV"
"Oh, pre," sabi niya paglapit sa akin. "Alas-otso na, anong pumasok sa isip mo at ngayon mo pa naisipang makipag kita?"
"Gusto ko lang ng kausap," sabi ko. Diretso ang tingin ko, sa itim niyang kotse na nakaparada sa kalye, sa mga poste ng nag bibigay ng ilaw sa paligid, sa basurahan kung saan nakausli parin ang kalahati ng kahon ng pizza. Hindi ko rin naman siya magawang tignan, baka mapansin ang kanina ko pang pinipigilan sa mga mata ko.
Umupo siya sa tabi ko at ginaya ang upo ko; nakapatong ang dalawang siko samagkabilang tuhod at magkahawak ang dalawang kamay.
"Mag gagabi na ah. Tungkol saan ba yan?" tanong niya.
Gusto kong mag sorry sa kanya. Lumayo ako para sa taong hindi ko kilala. Hindi ako nagparamdam dahil abala ako sa bagay na wala naman palang pag-asa simula pa lang. Nasayang ang mga sakripisyo ko. Pinagsisisihan ko ang lahat.
"Some paths are destined to cross... Hindi mo alam kung saan o kailan magko-cross ang landas nyo. At minsan, mula pa sa hindi mo inaasahang tao," sabi ko na lang sa kanya.
Buti na lang at kahit papano napipigilan ko ang pag-ngatog ng boses ko at ang tuluyang pagluha ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.
Dumiretso siya ng upo sa upuan. "Ang weird mo na naman."
"Weird ba ako pag nasasaktan?" tanong ko. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.
Kumpara sa naramdaman ko nung mga nakaraang araw, sobra-sobra talaga ang sakit nito. Buo na talaga kasi ang akala ko na eto na, na okay na, na masaya na at lahat mawawala, ipapamukha lang pala sa akin ulit ang lahat.
Hindi siya sumagot at hindi ko rin naramdaman na kumilos pa siya. Kinuha ko ang bag ko, dinukot ang papel na sinulatan ko kanina.
"Oh," inabot ko sa kanya ang nakatuping papel. Kinuha niya ito at tinignan.
"Para saan to?" naguguluhan niyang tanong. Inayos ko ang bag ko at isinukbit sa likod ko.
"Ibigay mo sa taong maghihintay din dito," sabi ko at umayos na rin ng upo.
Pinunasan ko ang luha ko at humarap sa kanya.
"Teka, bakit ako? Ba't hindi na lang ikaw?"
Ang hirap pigilan ng mga nararamdaman ko. Alam kong sobrang galit ako sa kanya, pero hindi dapat. Sobra-sobra din ang pag mamahal ko sa kanya at lalo ring hindi dapat.
Ang lahat nga ng sobra masama. Pilit akong ngumiti at tumayo na.
"Aalis na ako eh."Natigilan siya, blanko ang ekspresyon ng mukha.
"Teka, teka," pag pigil niya, tumayo na rin siya, hawak parin ang nakatuping papel sa kamay niya.
"Saan ka naman pupunta at pinapunta mo pa talaga ako dito para mag bigay ng sulat? Bakit ka naiiyak?"
Agad niya akong pinigilan sa pagsagot. "Wag mong i-deny,kilala kita. Tsaka sino naman yung taong yun? Hindi ko siya kilala, wala akong ideya."
"Napakahabang kwento," sagot ko kasabay ng malalim na pag hinga. "Babae, medyo maliit sa akin, mahaba at shiny ang buhok, maganda, sexy, matangos ang ilong, maganda ang korte ng labi at chinita, basta maganda. Ito ang picture oh." pinakita ko sa kanya yung picture namin.
"Basta, nakuha mo na ang punto ko."
Hinawakan ko ang kamay niya na may hawak sa papel at inangat yun sa pagitan ng mata namin.
"Makikilala mo siya, sigurado ako diyan. Ibigay mo to sa kanya, huling pabor ko na . . . Babalik na kasi ako kay Papa eh sa Europe. Pakisabi na lang sa kanila ha, at sorry din na lumayo ako sa inyo, akala ko rin kasi magiging masaya ako."
Nakapag desisyon na ako. Aalis na talaga ako. Lalayo na ako, hindi na ako magpapakatanga. Akala ko manhid na ako, akala ko sanay na ako, akala ko sasaya ako. Lahat . . . mali.
Sa pag mamahal, kasabay lagi na masasaktan ka. Kaya kung mag mamahal ka, mag hanap ng taong karapat-dapat sa mga sakit na mararamdaman mo. Sa taong hindi sasayangin ang mga paghihirap mo. Sa taong handa ring masaktan para sayo. At totoo nga, mahirap hanapin ang taong yun. Bago pa siya makapag salita ulit, binitawan ko na ang kamay niya at naglakad palayo.
"Bye, Greg!"
At nalglakad na ako palayo. Kinuha ko ang phone ko at earphone at nakinig ng music. Gusto kong mag emo eh.
Now playing The One That Got Away by boyce avenue....
"In another life you would be my girl,
We'd keep all our promises,
Be us against the world.
In another life I would make you stay,
So I don't have to say you are
The one that got away!
The one that got away!...
Habang naririnig ko iyon sa tenga ko hindi ko napigilang mapaluha. Wala akong pakialam sa mga nakakakita. Wala silang alam sa nararamdan ko.
Bakit ba ang damot-damot ng tadhana sa akin? Bakit sa dinami-dami ng tao ako pa ang minalas ng ganito sa pag-ibig. Tatahakin ko na naman madilim na daan ng kabiguan. Sabi ko dati kay Saikha na sa susunod na sasalampak ako ay hindi na ako masasaktan. Yun pala kakainin ko lang pala ang mga sinabi ko. Mas masakit pa kasi itong nararamdaman ko ngayon kesa nung huli akong nasaktan. Sampung beses ang sakit eh.
Tama nga siguro na lumayo na ako dahil sa tingin ko hindi ko kakayaning makita si Saikha araw-araw. Tama na ang sakit na naramdaman ko kaya lalayo na ako habang kaya pa ng puso ko. Hanggang hindi pa ito tuluyang nadudurog.
************
Umuwi ako sa bahay at nag-empake ng gamit ko. Ikinagulat nga iyon ni Mama kaya naman pinaliwanag ko. Natawagan ko narin si Papa at nakabook na ako ng flight dahil sa tulong niya. Bukas agad ng umaga ang flight ko. Maaga akong umalis baka kasi pumunta pa dito si Saikha at madatnan ako. Baka di ko makayanang umalis.
Sa hotel na lang ako magpapalipas ng gabi. Mas mabuti na ito para sa akin at sa lahat.
Niyakap ko si Mama at si Stefany bago ako umalis. Mangiyak-ngiyak pa si Stefany nung lumabas ako ng gate..
"Saikha's Last POV"
Pasado alas nwebe na ng makapunta ako sa park kung saan sabi ni Zenon na maghihintay siya. Yun yung huling text niya. Hindi ko kasi matanggihan ang hiling ni Monique eh. Si Wesley kasi....
Naglakad-lakad ako sa may mga upuan. Marami ng tao at mga naglalako ng kung anu-ano. Napahinto ako sa isang basurahan, napansin ko kasi na may nakausling box ng pizza dun. At mukhang di pa nabubuksan. Wala si Zenon, hindi ko rin siya makontak. Hindi na nagre-ring eh. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.
Parang anumang oras ay magbe-breakdown ako. Nang biglang may lumapit sa aking lalaki. May hawak-hawak itong nakatuping papel.
"Ito oh. Pinapabigay ni Zenon sayo." inabot niya yung papel sa akin.
"T-teka, n-nasaan ba siya? Bakit wala siya d-dito?" sunod-sunod kong tanong at nangatal na ang boses ko. Di ko napigilang maiyak na. Pumatak na lang ang mga luhang namuo sa mga mata ko.
Humugot ng mahabang buntong-hininga ang lalaki bago nagsalita.
"Ako nga pala si Greg, kaibiganni Zenon. Pinapasabi niya nga pala na.. aalis na siya papuntang Europe dun sa Papa niya."
Dun sa part pa lang na aalis ay mas lalong nanikip ang dibdib ko. Hindi pwede, hindi maaari... Ngayon pang-ngayon pa na narealize ko na kung sino talaga ang nilalaman ng puso ko. Ngayon pang handa na akong suklian ang pagmamahal niya sa akin!
"NO! Hinde!...." napahagulgol na ako sa sobrang sakit na naramdaman ko.
Tama nga talaga si Earl na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na ito sayo.
"Ito oh." inabutan ako ng panyo ni Greg at pinatahan ako sa pag-iyak. Pero hindi eh, hindi ko kayang pigilan ang sakit.
Mas masakit pa sa naramdaman kong sakit noong nakita ko si Wesley at Monique. Hindi pwede Zenon! Sorry! Sorry at nahuli ako ng dating!....
"Greg! Samahan mo ko sa bahay nila!" pakiusap ko sa kanya.
"Ha, p-pero..."
"Sige na parang awa mo na!" sabi ko.
"Sige. May kotse ako." sabi niya at tinuro ang itim na kotse na nakaparada sa kalye.
"Tara na....."
"Saikha... ang pangalan ko." pakilala ko bago pumasok sa kotse niya.
Habang nasa kotse ay tinawagan ko si Aiden. Hindi ako halos nakapagsalita dahil sa paghikbi ko. Pinapunta ko siya sa bahay nila Zenon.
Doon na kami nagkita-kita.
"Sorry Saikha ha, pero wala na dito si Zenon eh. Mga trenta minuto narin nung umalis siya dito." sabi ng Mama ni Zenon.
"Saan daw po ang punta niya?" tanong ko na umiiyak parin.
"Hindi niya sinabi eh. Basta ang alam ko ay bukas pa ang flight niya. Kinumpirma ko iyon sa Papa niya." medyo malungkot din ang tono ng boses nito.
"Sige po tita, maraming salamat. At sorry sa abala." si Aiden na ang nagsalita dahil hindi ko na kinaya. Biglang naging blangko ang lahat kasabay ng pagdilim ng mundo ko.
*************
Kinabukasan.......
Naramdaman kong parang nakahiga ako sa isang malambot na bagay. Pagdilat ko ay nasa ka na pala ako. Katabi ko si Aiden...
Bigla akong nagbangon ng maalala ko ang mga nangyari...
"Zenon!...." bigla kong nasabi.
Muli na namang pumatak ang aking mga luha. Wala na siya.... hindi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko.
Mahal ko siya! Higit pa sa pagmamahal ko kay Wesley!
Bigla kong nakita ang nalukot na papel na bigay ni Greg. Kay Zenon daw yun galing.
Dahan-dahan kong binuklat ang papel...
Letter's Content.....
Dear Saikha,
Sa malamang ngayon while your reading this ay nakaalis na ako. Papunta na ako ng Paris doon na ako kay Papa.
Wag kang mag-alala. Hindi ako galit sayo. Hindi ko kayang magalit sayo, dahil MAHAL KITA eh. Sorry at dito sa sulat ko nalang sayo nasabi. Alam ko naman kasing di mo yun masasagot. Dahil iba ang nilalaman niyang puso mo.
Siguro ay kailangan ko nang tanggapin ang pagkatalo ko. Kasalanan ko rin naman ito eh. Ginusto ko to, hindi kita pinilit dati. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo ha.
Oo, nasasaktan ako sa nangyari. Sobrang sakit Saikha sobrang sakit nung pakiramdam na nagpakatanga ako sa isang bagay na kahit nung umpisa pa lang ay wala na akong laban.
Pinili kong lumayo na lang para maisalba ko pa ang mga natitirang bahagi ng puso ko. Na alam kong kahit kailan ay di na mabubuo. Nasayo na halos lahat eh. Ganon kita ka MAHAL.
Susubukan kong ibangon ang sarili ko sa kalagayan kong ito. Wag kang mag-alala hindi ako tatalon sa rooftop ng isang gusali promise!
Binibitawan na kita Saikha, sana paglaban mo ang nararamdaman mo! Maging matatag ka at wag mo na ulit gagawin yun! Mataas ang rooftop at masakit kapag bumagsak ka sa lupa mula dun.
Mahal na mahal ka ni Wesley ramdam ko iyon kahit nung umpisa pa lang. Sana lumigaya ka sa piling niya. Wish you both the happiness! Alam mo naman na pag masaya ka, masaya narin ako!
Ganon kita ka MAHAL, hindi maramot kaya nagpaparaya ako ngayon. Pero sorry kung sa ganitong paraan.
Hanggang dito na lang....
Paalam Saikha!
Ang mga magandang alaala ko na kasama ka ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko!
Mananatili iyong dito sa puso ko magpakailanman kasama ng pag-ibig ko sayo...
***Zenon***
Natapos ko nang basahin ang sulat niya na halos mapuno na ng luha ko. Dahil sobrang sakit ng nararamdan ko.
"I-ikaw na ang m-mahal ko Zenon!" mahina kong sabi.
Naramdaman kong niyakap ako ni Aiden na kanina pa pala nakikinasa sa sulat. Umiiyak din ito.
Siguro nga karma ko na ito. Manhid kasi ako eh.
Some people are destined to each other at sa amin ni Zenon hindi umayon ang tadhana....
Huli na para maging kami. Bumitaw na siya at hindi ko na siya mahahabol pa. May point din siya, kailangan kong magpakatatag at ipaglaban ang kung sino man ang nilalaman ng puso ko.
At siya yun, wala na akong duda dun! This is not yet the end! Hindi ako papayag. Ngayon pang natagpuan ko na ang taong magmamahal ng buong-buo sa akin at minahal ko ng higit pa sa iba.
Laging may second chance diba?
.
.
"End Of SAANL Book 1"
You got it all right! There will be a Book 2 po... Kaya abangan niyo parin!
Dun ko na ipapaliwanag sa Author's Note ok!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top