SAANL 8-2: Iba na Talaga To

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Zenon's POV"

     She's not that very tall mas matangkad ako ng mga two inches sa kanya. Maputi at ang kinis ng kanyang balat. Her lips is so perfect na kulay rosas.

No need to wear lipstick kasi natural na mapula yun. Yung ilong niya at mata, napaganda.

      Nasa ganong pagkakatitig ako sa kanya ng bigla ay napalingon ito sa akin. Putek! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Wla namang masamang titigan siya diba? Pero bakit ako parang nahihiya? Haaay! Umiwas ako bigla ng tingin.

      Tae, why did I do that? Di lalong nahalata na may something akong pagtingin sa kanya. Tanga tanga mo talaga, Zenon! What's happening to you?

Wag ka ngang magulo diyan kunsensya lang kita!

E, tanga ka naman kasi eh...

SHUT UP!

"Ayos ka lang ba?" bigla ay natanong ni Saikha kaya naman ay napatingin uli ako sa magandang mata niya.

"I think,.... not." sagot ko.

"If you want, sasamahan kita sa clinic." ang bait naman ni Saikha ko. Este, Saikha lang pala..


"Kaya niyang pumunta mag-isa sa clinic." I heard Wesley said it. Naki join sa usapan namin?  Kaya naman napalingon kami ni Saikha.


"Dude, you know what? May hindi pantay sa mukha mo. Gusto mo pantayin natin?" tanong ko. Nakakainis kasi, moment na namin to ni Saikha tapos sisirain niya?

Moment? No! What I really mean is, nag-uusap lami, kaming dalawa lang, hindi siya kasali.

     Naku, Zenon, natatanga ka na naman. Ako na lang talaga ang matino sa sistema mo.

     Sa pakikipag-usap mo sa akin, eh mas lalo akong nagmumukhang hindi matino. So better shut up!

.

    "Pinagbigyan lang kita nung isang araw. Akala mo naman di kita papatulan." bigla ay sabi niya.

Biglang naalarma si Saikha. "Teka..." Narinig kong sabi nito.

"Gusto mo makita na natin ngayon eh.?" sabi ko at napatayo na sa upuan. Ganon din si Wesley. Tumayo din si Saikha kasabay naming dalawa.


"Teka, tumigil nga kayo!" sabi bigla ni Monique. Hindi ko siya pinansin ganon din si Wesley.

.


     Bigla ay hinawakan ni Saikha ang kamay ko para pigilan ako. Napatingin ako sa kamay naming dalawa, bago kay Wesley. Pabalik balik ang paningin ko at tinitigan ko siya. And for some reason ay kumalma ako at sa kanya na lang napunta ang atensyon ko.

    "Nakakahiya." malumanay niyang sabi. At inikot niya ang mga mata to say na pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.


Tama siya nakakahiya nga lalo na sa akin. Ayokong magkaroon ng bad image dito sa school.


"Sorry!.." sabi ko. 

    At iyon nga at umupo kami ulit. Wala akong pakialam sa iba o kahit kay Wesley. Basta hawak ko ang kamay niya, ayos na ako.

Di ko na nga namalayan kung nakaupo na ba sila. Nawala na naman ako sa sarili eh dahil sa pagkakahawak ng aming mga kamay. And until now hindi pa pala kami bumitaw.

"Ahhhh...Zenon." natauhan lang ako ng magsalita ito.

"Sorry!" at sabay na laming nagbitaw sa pagkakaholding hands.


Ano ba to. Nagholding hands naman kami nung isang araw eh. Pero bakit ang weird ng pakiramdam ko ngayon. Anong meron ngayong araw na ito?

"Tss!" narinig kong nagsalita si Wesley at gumalaw ang silya nito. Bigla itong tumayo. "CR lang ako!" sabi niya kay Monique.

Bigla namang natuon ang mga mata ng mga kaklase namin sa kanya. Lalo na si Saikha, at kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalala. Bakit? Mag c-CR lang naman yung tao hindi maliligaw.



Pero hindi naman ako tanga para itanong pa yun. Kung ano ang dahilan........

Alam niyo na..... :(


.

End of Chapter....

Till next UD mga ka SAANL...

Vote and comment...

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top