SAANL 8-1: Nalilito na Ako!
All Rights Reserved ® Kwentongsulat pinoy Stories 2014
"Zenon's POV"
Maaga akong nagising kaya heto ako at nasa hallway na papuntang room namin. Kaya naman naisipan kong hintayin na si Saikha para sabay na kaming pumasok.
"I'm Almost there." yun ang text niya sa akin. Kaya naman ay binulsa ko na ang phone ko at isinalpak sa aking tenga ang earphone at nakinig ng music.
"Mag-isa yata ngayon ah?" mahina man sa pandinig ko pero narinig ko parin na may nagsalita. Kaya naman ay lumingon ako sa kaliwa ko at tinanggal ang earphone. Si Mikoy lang pala.
"Mikoy, ikaw pala." umusog ako ng kaunti para bigyan ito ng space na mauupuan.
.
"May hinihintay ka?" tanong niya.
"Oo eh.." tipid kong sagot.
"Ah, si Saikha. Hehe, tinanong ko pa? Eh halata naman. " natawa ito sa tanong niya sa akin.
"Nga pala Zenon, gaano na ba kayo katagal?" bigla ay banat nito ng tanong.
"Mga isang linggo pa lang." honest kong sagot.
"Mahal mo talaga siya no?" what? grabe naman tong mga tanong na ito oh. Reporter yata ito eh.
Nagpapanggap lang akong mahal si Saikha. Pero girlfriend ko siya, siyempre dapat kong sabihing mahal ko siya , para pangatawanan itong kasunduan namin.
"Ah,..." nagpalingon-lingon ako sa ibat-ibang direksiyon at BOOM! Saktong pagtingin ko sa gate eh nandun na si Saikha. Kaya naman hindi ko na sinagot ang tanong ni Mikoy. "Nadyan na si Saikha." sabi ko. Napatingin din si Mikoy sa kinaroroonan niya.
Masiglang naglalakad si Saikha papunta sa akin ng biglang parang mayroong kakaiba. Anong nangyayari? Bakit parang tumigil ang oras, bumagal, parang slowmo lang. Kakaiba talaga.. tas biglang nasa harap ko na pala siya. Anong nangyari? Kinulang ba ako ng almusal at parang lutang ang isip?
"Hey, tara na." sabi niya sa akin.
"Ha, anong tara na?" bigla ay wala sa isip kong tanong. Tinignan niya ako ng kakaiba. "Ah, oo nga pala. Papasok na tayo." bigla ay nagbalik ako sa normal. Tumayo na ako at tumabi sa kanya.
"Una na kami Mikoy." nagpaalam ako dito.
"Yun pala yung Mikoy? Pamilyar nga ang mukha niya." sabi ni Saikha mg makalayo kami.
"Oo, salamat nga pala at dumating ka!" sabi ko na napailing-iling.
"Ha, bakit?"
"Kasi ba naman eh, si Mikoy. Pinag-almusal ako ng mga tanong. Eh, di ko na kaya." sagot ko.
Napangiti siya dahil dito. "Baliw!" Ngumiti talaga siya. Grabe, alam kong may iniisip siya pero napangiti ko siya. Yung ngiting mas matindi pa sa sikat ng araw! Sobrang lakas ng dating sa akin ng ngiti niya eh. May magic yata to!
Simpleng ngiti lang naman kasi yun pero ewan basta tinamaan ako talaga ng ngiti niya. Parang magic talaga!
"Hoy, Zenon!" sigaw niya. Kaya naman napalingon ako sa likuran. At nakita ko siya sa tapat ng isang pinto.
"High ka na naman eh! Nandito ang classroom natin oh." aray ko! Putek! Nakakahiya...
Sobrang lutang ng isip ko, yan tuloy at nilagpasan ko ang room namin.
"Ah...." sabi ko at napakamot ng ulo. "Hehe.." tinakbo ko ang kinaroroonan niya at pumasok na kami.
Nakakahiya sobraaaa! Hay naku naman o! Umupo na lang ako at inayos ang mga gamit para sa klase. Ganun din naman ang ginawa niya. After a while ay nagsidatingan na ang mga kaklase namin.
At ang highlights na naman ng buhay paaralan namin ay walang iba kundi sila Wesley at Monique na nasa likuran namin. Nakita ko ang sugat sa gilid ng labi ni Wesley. Ako may gawa niyan Nakaka proud ng sobra! Kaya naman di ko naiwasan ang mapangiti.
"Nakangiti ka diyan?" tanong nito ng makita akong nakangiti.
"Wala lang... Bawal na ba ang ngumiti ngayon?" sagot ko. Saglit niya akong tinitigan bago muling tinuon ang sariri sa pakikinig kay prof sa may harapan.
May pinapagawa kasi iyong essay kaya naman ay lumabas ito saglit kaya napatingin ulit ako kay Saikha. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang subsob ito sa ginagawa. At sa tuwing napapatingin ito sa akin ay mabilis akong umiiwas. Parang nangungopya lang ang paraan ko ng pagtingin sa kanya. Grabe ang cute cute niya pala kapag naka side view. At the way she play with her ballpen sa mga daliri niya habang nag-iisip... Sobrang CUTE!
Napatingin ako bigla sa papel niya. "S-A-I-K-H-A kakaiba ang spelling ah." sabi ko.
"Pati ang sa kapatid ko kakaiba di." sagot niya.
"Talaga, may kapatid ka" nagulat ako sa nalaman ko. Marami pa akong mga bagay-bagay na di alam tungkol sa kanya. Naisip kong dapat ay alamin ko itong lahat. Ayokong malamangan ni Wesley sa dami ng alam niya patungkol kay Saikha.
"Oo, lalaki siya. Aiden ang name niya. Kuya kong bading." sagot niya. Gulat na naman ako dun. Really?
"Wow! Sobrang cool ng pangalan niyo!. Parang hapon." sabi ko
Napako ang tingin niya sa akin. "Zenon, half japanese ako." bigla nitong sabi. Ang engot ko lang, kaya pala medyo singkit ang mga mata niya. At nung binasa ko ang apilyedo nito at mas lalo kong nasigurado.
"Ah, hehe.." nahiya na naman ako. Kaya naman ay napalingon ako sa ibang direksiyon. Ngumiti na naman din kasi siya eh. Para itong magnet na hinihila ang eyeballs ko. Kaya tinuon ko na lang ulit ang sarili sa pinagagawa sa amin. Hay naku, ano na ang nangyayari sa akin..?
.
End of Chapter..
Anong nangyayari kay Zenon?
Bakit parang kakaiba?
Napapana ba ito ni kupido?
Wahhhhhh.... Abangan!
Like the chapter? Vote or comment po..
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top