SAANL 6-2: CONFRONTATION
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Zenon's POV"
Malapit na kami sa CR ng babae nung biglang naisipan ni Saikha na mag CR.
"Sige, hihintayin na lang kita dito sa labas ok." sabi ko.
"Sige." at pumasok na siya agad.
Napasandal ako sa pader katapat ng CR na pambabae upang hintayin ito.
"Mukhang wala namang kakaiba sayo ah." bigla ay sabi ng isang pamilyar na boses.
"Anong atin Wesley?" tanong ko nang lumingon sa kausap.
"Nagtataka lang ako kung bakit naging kayo ni Saikha, eh wala pa naman kaming isang buwang nag break." sabi niya sa akin.
"Wag nga ako ang pagdiskitahan mo, sinasayang mo lang ang kapiraso mong utak sa pag-iisip sa bagay na iyan." sagot ko. "Bakit di mo kaya isipin na kung bakit kayo pa ni Saikha ay nagawa mong magsabay ng isa pa?" tanong ko.
"Wala kang alam!" sagot niya.
"Wala ka ring alam." sagot ko. Wala kang alam sa nangyari kay Saikha nung araw na iyon. Gago to!
Ngumiti siya ng nakakaloko. "Kinulit mo lang siguro siya no? Kaya sinagot ka?"
"What? Are you making me laugh?" balik ko ng tanong. Hindi ko siya pinilit no, nag offer ako, magkaiba yun.
"Sinuhulan mo ng pera?" bigla nitong tanong.
Dahil dito ay napakunot ang noo ko. Takte neto..!. Problema mo?
"Ganon ba kababa ang tingin mo kay Saikha?" tanong ko. Agad siyang parang napahiya at napayuko.
"Hindi sila mahirap para masilaw sa pera. At lalong wala sa ugali niya na ganon siya. Hindi na kayo, kaya wala ka na dun!" sabi ko.
"Nagtataka lang kasi talaga ako kung bakit at paanong naging kayo?." sabi niya ulit. Aba! Bobo pala to eh.
"Pakiramdam ko kasi nagpapanggap lang kayo." sabi niya na parang siguradong sigurado siya sa sinasabi.
Para sa akin, hindi pagpapanggap ang pagiging magkasintahan namin ni Saikha. Yun lang, hindi ko siya mahal. Sadyang gusto ko lang siyang tulungan kasi ayaw kong maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko.
Hindi yun pagpapanggap lang...
"Sa palagay ko may problema ka na nga." mas naging matalim ang titig ni Wesley sa akin. "Nararamdaman ko kasi na parang.... naghahabol ka sa bagay na matagal mo nang binitiwan."
"Hindi ko siya..." natigilan itong bigla. "Hindi ka nararapat sa kanya!" pagpapatuloy niya.
Pagkakataon ko naman na gumanti at ngumiti ng nakakaloko.
"Eh, sino naman? Ikaw?" sabi ko.
"Hindi rin ang gaya mong manloloko ang bagay sa kanya!" dagdag ko pa.
Nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamao. Hindi ako natatakot sa kanya kahit nandito pa kami sa school. Subukan lang niyang gumawa ng maling hakbang. And besides parehas lang laming kumakain ng bigas!
"Ah, so buo talaga ang loob mo na ikaw ang bagay sa kanya." nanggigigil na niyang sabi. "Hindi ka pa sapat. Ni hindi mo nga alam kung paano i-spell ang pangalan niya."
Sa pagkakataong iyon, ako naman ang natigilan.
Hinahamon talaga ako ng mokong na ito? Spell lang nga pangalan eh. Saikha... paano nga kaya? Kakaiba nga naman eh.
"Hindi mo alam no? Ilang araw mo na siyang kasama pero di mo alam. Sinyales yan ng isang pagpapanggap na relasyon." sabi niya.
Putek! Napalunok ako bigla ng laway...
"Siyempre alam ko." sabi ko pero sa totoo lang eh hindi talaga.
Tinignan niya lang ako at parang sinabing i-spell ko.
"S-A-I---" natigil ako sa pag i-spell nung bumukas na ang pinto ng CR at niluwa si Saikha. Ayos! Save by the bell.
"Tara na..." kakalagay pa lang niya ng make up kit niya nung mapatingin siya sa kausap ko.
Nagulat siya at parang nakakita ng multo."Wesley!" sabi niya.
"Tara na, may gagawin pa tayo." kinuha ko na yung kamay ni Saikha at hinila palayo sa lugar na iyon.
Ayoko sa paraan ng pagtitig niya sa lalaking yun, hindi siya makaka move-on kung ganito.
Pero natigil ako sa paghila sa kanya nung parang bumigat siya, may pumigil. Paglingon ko, hawak rin ni Wesley ang isa pa niyang kamay.
"Bitawan mo siya!" utos ko.
"Hinde!" mariin niyang sagot.
"Bitawan mo ang girlfriend ko!" madiin ko ring sagot, I don't care kung madaming makadinig gusto ko lang itatak sa kokoote ng lalaking to na girlfriend ko si Saikha..
"May sasabihin lang ako sa kanya." sabi niya.
Si Saikha naman, hindi ko rin maintindihan. Pero alam kong meron siyang iisang gustong gawin sa pagkakataong ito at hindi ako makakapayag dun. Pero wala akong magagawa kundi iwan sa kanya ang pagpapasya. Kaya tinanong ko siya ng...
"Kanino ka sasama Saikha? Sa kanya, o sa akin?".
End of chapter...
Kanino sasama si Saikha?
Kanino?Abangan!.....
Till next chapter!
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top