SAANL 6-1: Nag Effort na, wala parin!

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Zenon's POV"

"Teka, ang gulo-guli na naman!" nainis ko nang sabi.

        Inaayos ko ang buhok ko sa salamin. Magulo kasi.. Nakakainis talaga. Sya nga pala nasan na ba yung pabango ko? Hindi ko dapat makalimutan yung isang iyon. Hinanap ko sa mga lalagyan ko. 

.

"Nasan ka na ba kasi?" sabi ko. Kung may buhay lang yun malamang sinagot na ako.

At kung sumagot man, malamang itatapon ko rin siya.

"Yun!" sabi ko nung makita ko. Isa ito sa pinaka mabangong pabango na nabili ko. 


Nag lagay ako nito at tumingin ulit sa salamin. Civilian pa kasi sa first week so, ok lang ang nakaporma.


"Yun oh! Ayos na." sabi ko bago umalis ng bahay.

**********

      Papasok pa lang ako ng klase at may nakatinginan akong isang kaklase ko. Nasa harapan kasi ito ng pinto.

"Bango natin ngayon ah." tanong nito sa akin.


"Hehe, salamat." sagot ko. Walang hindi nakakaamoy ng pabango ko ngayon. Yung mga babae at kahit lalaki nga ay napapalingon kahit malayo pa lang ako.

Nilahad niya ang kanyang kanyang kamay. "Michael, Mikoy for short." pakilala niya.

Tinanggap ko ang kamay niya. "Zenon."

"Gandang pangalan ah?" sabi ni Mikoy. Tumugon ako ng ngiti. "Ano mo ba si Saikha?" bigla ay tanong niya.

"Girlfriend." honest kong sagot.


"Oh... Tama pala ang hinala ko." sabi niya. "Nagulat lang kasi ako dahil si Wesley yung boyfriend niya nung fourth year kami." dugtong niya.

"Ah... Same school lang pala kayo ni Saikha." sabi ko.

"Oo, naku swerte mo Zenon. Na kay Saikha na halos lahat ng mga katangian na hinahanap nating mga lalaki sa isang babae." mahaba niyang sabi.

 

.

Oo, nga. Pero sa kabila nun iniwan parin siya ng lokong Wesley na iyon!

"Pero di ko naman nabalitaan na nagkahiwalay sila eh. Ang bilis magpalit ah." sabi nito.

"Wala na sila ni Wesley. Bago lang, basta dude ako na ang bagong boyfriend ni Saikha. Basta parang magic na lang eh."  sinabi ko na lang ang salitang magic. Kahit di ko naman iyon talaga naramdaman. Hindi nga ba?....

Para lang makaiwas sa mahabang usapan. "Sige dude. Pasok na ako." at agad kong tinungo ang upuan namin at umupo.

Ilang saglit at dumating din si Saikha. Nakangiti ko siyang tinitigan habang papasok sa silid.

Bigla ay nabaling ang paningin nito sa dalawang bakanteng upuan sa likod ko. "Wala pa sila?" aba at iyon agad ang binungad sa akin. Bigla tuloy nag-init ang mga tenga ko. Talagang ang lokong Wesley pa talaga ang hinanap?

Kaya naman ay sinagot ko siyan nang sarkastiko. "Good Morning din."

Bigla ay nagbago ang expresyon ng mukha niya na tila napahiya.

"Ay, sorry, Good Morning!" sabi niya. "Wala pa sila?" at pinilit talaga niyang itanong. :(


"Wala pa."  alangan naman naging invisible?

"Kanina pa ako nakaupo dito." dagdag ko.

"Ah.." at naupo na ito sa tabi ko.

Hinintay ko ang muli niyang sasabihin. 'Siyempre mabango!.' pero dumaam ang mga anim na minuto ay nanatili lang itong tahimik. Hindi ba niya naaamoy. Hay nako. Pinabayaan ko na lang. Baka isipin niyang nagpabango ako para lang sa kanya.

"Wala ka bang naaamoy?" shet.. di ko napigilang itanong.

"Ha? Ang alin. Wala naman eh" at suminghot singhot pa.

Sira yata ilong nito eh. Nakakadismaya naman to eh.

******

"Alright, that's all for today." sabi ng tracher namin at mabilis pa sa tren na umalis.

Kaya naman nagsi sunuran ang ibang mga kaklase namin sa paglabas. Break time na kasi. Karamihan ay pumuntang garden, garden, garden at sa cafeteria. Madaming garden dito eh, may simple, may medyo mapuno at mabulaklak.

"Tara na!" sabi ko sa kanya.

Di niya ako sinagot kaya napatingin ako sa direksiyon kung saan nakapako ang mata niya. Nakita kong kakalabas lang nila Wesley at Monique at magka holding hands sila.


Pansin kong nalungkot na naman tong katabi ko. "Tara na!" sabi ni Saikha at naunang naglakad palabas.

Niligpit ko ang mga gamit ko at sinukbit ang aking bag sa likod. Hinabol ko siya dahil malapit na siyang makalabas.

"Oy," ito ang nasabi niya nang maramdaman niyang hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngumiti ako sa kanya at nagsabing...

Mas sweet kaya tayo kaysa sa kanila.

Ngumiti naman siya, at ganung ayos kaming lumabas at naglakad sa hallway.


"Nga pala, may kakilala ka bang Mikoy?" tanong ko na nakatingin ng diretso sa kanya.

"Hmmm, his name sounds familliar." sabi niya. "Bakit pala?"

"Nagtanong kasi siya kung ano ba kita." sagot ko.


"Then, anong sagot mo?" muling napako ang tingin niya sa akin. Grabe para talaga kaming totoong magboyfriend. Boyfriend naman talaga niya ako kaso sa salita lang. Pero kahit na... Pinangangatawanan ko ito.

"Eh ano pa ba dapat sagot ko?"


Tinaasan niya ako ng kilay. "Talaga?" sabi nito.

"Oo naman. Sabi ko na girlfriend kita, yun naman ang totoo eh."  sagot ko at ngumiti naman siya.

Saan man kami dalhin ng mga paa namin eh wala akong pakialam. Basta nakangiti na siya ay ayos na.

.

End of Chapter....

abangan ang karugtong... Saan kaya sila mapunta?

Nasaan sila Wesley?

Sira ba ang ilong ni Saikha?
Bakit di niya naamoy si Zenon?

Naubos naba ang bango ng pabango nito kaka singhot ng mga kaklaseng nakasalubong niya kanina?

Vote and comments if nagustuhan ninyo...

Mamaya ulit sa next ud ko.

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top