SAANL 4-2: Past vs. Present
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Saikha's POV"
Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko kaya.
.
"Siya na ba ang bago mo?" nagtanong uli si Wesley.
.
Hindi ko makuha kung bagong boyfriend o bagong mahal. Kasi kung bagong boyfriend oo, pero kung bagong mahal hindi. Nagkakamali siya ng iniisip. Mahal ko parin siya at hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako.
.
Nanatili parin akong walang imik dahil baka kapag nagsalita ako, di ko na mapigilang maiyak.
.
"Wesley!" narinig kong sigaw ng bago niyang gf.
.
Tumingin ito sa kinaroroonan namin. Lumapit din ito at tumingin sa akin saglit. "Kaninina pa kita hinahanap." binalingan nya agad si Wesley. "Bakit ka ba nandito ha?" tanong nito sa kanya.
.
"Nakita ko kasi itong kaibigan kong nag-iisa." mahinang sagot ni Wesley pero sapat para marinig ko.
.
.
Parang sinagasaan ng pison ang puso ko. Durog na durog. Wala na talaga, kaibigan na lang ang turing niya sa akin.? Gusto ko nang mapaluha.
.
"Pwede na kayong umalis." narinig ko bigla si Zenon. Umakbay ito sa akin matapos maglatag ng bagong pagkain sa table. "Nandito na ako. Salamat sa pagbabantay!"
..
Grabe totoo ba to? Si Zenon, para talaga siyang isang over protective na boyfriend kung umasta.
.
"Ano mo ba siya?" biglang tanong nung bagong gf ni Wesley. .
.
"Siya?" sabay turo ni Zenon sa akin. "Girlfriend ko!" tapos bigla ay hinalikan ako asa pisngi. Nakakadalawa ka na saken.!
.
"So siya nga.." mahinang sabi ni Wesley.
.
.
"Talaga?" sabi nung girl. "Bagay kayo, diba babe?" sabi nito kay Wesley.
.
.
Alam kong sa mga oras na ito ay asar na itong si Wesley at ako naman sobrang nasasaktan. Ewan ko ba sa dalawang ito kung makapag-usap eh parang wala lang. Naiintindihan ko si Zenon dahil di niya alam na si Wesley ang ex ko. Pero itong isang girl na ito eh parang nananadya.
.
"By the way I'm Monique and this is my boyfriend Wesley." at nilahad nito ang palad kay Zenon.
.
"Zenon, nice to meet you.!" sagot ni Zenon at nakipag shakehands kay Monique. "Wow! nice ring!" dagdag niya.
.
"Ito ba?" sabi ni Monique at pinakita ang silver ring na may maliit na bato sa kanyang daliri. "Bigay to ni Wesley on our aniversary.!"
.
.
What? Aniversary? Eh ilang buwan pa lang naman kaming wala ni Wesley ah. Tapos anniv na agad sila? Ano to? Di ko naiwasan ang tumingin ng diretso kay Wesley.
.
.
May contest ba sa pagalingan magtago ng feelings at magpigil ng luha? Kasi kung meron, eh tiyak ako na ang mananalo!
.
Tapos itong babaeng ito ewan ko kung nananadya o ano. Kasi alam kong nakita at namukhaan niya ako nung nagpunta ako kina Wesley kaya there's no point na hindi niya ako kilala.
.
O baka naman feeling niya na nakikipag gaguhan lang si Zenon sa kanila at sumasakay lang siya sa trip nito.
.
"Gaano na kayo katagal?" humirit na naman siya ng tanong..
Pag ito di tumigil baka masaksak ko to nitong tinidor sa platong bagong dala ni Zenon.
.
"Mga ilang araw pa lang." honest naman kung makasagot si Zenon.
.
.
"Ah." tipid ang sagot niya..
.
.
Nagulat na lang kami nang biglang napatayo si Wesley.
Nagsalita ito. "Tara na."
.
We all know na hindi iyon patungkol sa amin. Para yun sa kasama niya.
.
"Ha? bakit?" nagtanong si Monique.
.
Tinignan niya ang gf sa mata at muling nagsalita. "Basta, let's go!" sabi nito na pagalit at biglang napatingin sa malayo.
.
"Ok, fine!" sabi ni Monique at tumayo na. "See you later guys!" at umalis na agad sila.
.
"Busog ka na ba? Akin na lang itong turon ah." sabi ni Zenon at kumuha ng makakain. "Grabe, akala ko tayong dalawa lang ang magboyfriend sa klase, sila din pala?
.
"Oo, magboyfriend sila. At alam mo? dati ko pa ngang boyfriend yun eh!" sagot ko sa kanya.
.
.
Kamuntik na niyang maibuga sa mukha ko ang kinakain niya sa sobrang gulat. Mabuti na lang at maagap niyang napigilan ang sarili. Pinilit niyang lunukin ang kinakain bago nagsalita. "Talaga?" tanong niya.
.
"Oo." at pagkatapos nun ay di ko na napigilang umiyak. Wala akong pakialam kung makita ng iba ang pag-iyak ko. Bakit sila di ba umiiyak? Normal lang to.
.
.
.
.
"Hey tama na iyang iyak. Sorry na at naging engot ako." pagpapatahan niya sa akin. Niyakap niya ako at sinuklay ang buhok ng kamay niya.
.
"Hindi mo naman alam eh." sabi ko.
"Tahan na, please!" sabi niya.
.
Ang sakit talaga. Lalo na nang malaman kong mas matagal na palang sila. Nakakailang buwan pa lang kami tapos sila naka anniv na. Lintek naman oh! Pinagsabay niya kami at ang masakit pa nun mas pinili niya ang matagal niyang nakasama.
.
Yun pa lang talong talo na ako.. Walang hiyang Wesley yun.!..
.
"Oy, tama na iyan. Nandito lang ako." somehow ay napatahan naman ako ni Zenon.
.
"So, siya pala. In fareness, gwapo at yummy! Kaso lamang ako dun ano!" nakangiti nitong sabi.
.
"Hoy! Kung ano man yan Zenon, don't you dare!" sabi ko. Mukha kasing type niya si Wesley ko eh.
.
"Hoy ka rin! Masyado kang dirty minded! Marunong lang akong umapreciate ng lalaki." sagot niya.
.
Napakunot lang ang noo ko.
.
"Hindi ako bakla Saikha. Yung mga nakakarelasyon ko dati, sila ang nagbibigay motibo sa akin at hindi ako." dipensa niya.
.
"Ok."
.
And then suddenly ay hinawakan niya ako sa baba gamit ng mga palad niya upang iharap sa kanya. Malapad ang kanyang mga ngiti ngayon. At parang nakakarelax sa pakiramdam. "Ayos ka na ba?"
.
At wala ako sa sariling napatango.
"Buti naman!" tsaka bumitiw siya sa pagkakahawak sa baba ko at kumuha ng panyo at pinahid ang mga luha ko. Napakamot siya ng ulo after that...
..
Parang may gustong sabihin.
"Hmm... Saikha?" sabi niya.
.
"Yes?" tanong ko.
.
"Wala ka bang ibang gagawin bukas bukod sa pumasok sa school?" tanong nito.
.
"Wala, bakit pala?"
.
"Ano kasi, ... punta tayong mall." he said. Pero napatingin ako sa ibang direksyon.
.
"Bakit naman?" muli akong nagtanong.
.
Sa mga sumunod nitong sinabi ay napalingon ako sa gulat. Hindi ko kasi inaasahan ang sinabi niya.
.
mag date tayo!.....
.
.
End of Chapter....
Vote and Comment if you like the chapter...
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top