SAANL 4-1: Awkward na ito
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Saikha's POV"
Minalas nga naman oh. Awkward talaga ang sitwasyon ko ngayon. Akala ko pa naman magiging masaya ang college life ko, hindi pala.
.
Alam niyo yung feeling na hinuhubaran ka sa tingin? Yun yung pakiramdam ko ngayon habang magkatabi kaming apat----buti na lang natapos na ang dalawang subjects at vacant time na...
.
Nagpunta kami sa canteen ni Zenon.
.
"Bakit ka lumipat ng school?" tanong ko sa kanya.
.
Ngumiti muna siya bago sumagot.
"Para sa'yo." simpleng sagot niya. Kung totoong boyfriend ko siya at may feelings ako sa kanya malamang nahimatay na ako sa kilig.
.
"Di nga? Seryoso bakit ka nga lumipat.?" ulit ko sa tanong ko.
.
"Para nga sa'yo eh!. Para gampanan yung pangako ko sayo. May isang salita ako." muli ay sagot niya.
.
"Pero bakit ka nga agad nandito? Ang bilis kasi eh." tanong ko ulit.
.
"Saikha dito ka ba talaga nag-aaral?" bigla ay tanong niya. "Pwede pa kayang mag-enroll kahit nagsisimula na ang klase."
.
.
"Alam ko naman yun eh. Kaya lang sa pagkakaalam ko, puno na ang section natin nung isang buwan pa.!?" sabi ko.
.
.
"Merong isang di tumuloy kaya ako ang pumalit sa spot niya. Ganon lang kadali iyon." mabilis niyang sagot.
.
"Pero bakit mo to ginagawa? Di naman kita kaano-ano?" ang dami kong tanong.
.
"Boyfriend mo ako. Nakakailang araw na nga tayo eh." sabi niya na parang simpleng bagay lang yun. Samantalang nung isang araw alangan pa siyang banggitin iyon. Pero ngayon parang tanggap na niya talaga na girlfriend na niya ako.
.
"Seryoso ka talaga diyan?"
.
"Malamang oo. Sabi ko naman sayo na gusto kitang tulungan so nandito ako ngayon as your boyfriend." sagot niya.
.
.
Seryoso nga si Zenon. Sasamahan niya talaga ako hanggang sa makapag move on na ako at di na maisipang magpakamatay. Hanggang kelan naman kaya? Yun ang tanong ko.
.
Kanina nga nung makita ko silang dalawa ng bago niyang girlfriend eh biglang nanariwa lahat ng sakit dito sa dibdib ko. Bigla ko na namang naisipang magpakamatay. Pero this time, kasama nilang dalawa.
.
"Teka lang Saikha ha. Naiihi ako. Cr lang muna ako ok.!" bigla nitong paalam sa akin.
.
"Ok."
Nang makaalis na si Zenon ay nagfocus na ako sa pagkain ko. Sandwhich lang naman at juice. After a while may naramdaman akong umupo sa silyang kaharap ko. Bigla ay nagsalita ito. I thought it was just Zenon pero....
.
"Siya na ba?" tanong nito.
.
Kahit na hindi ako lumingon ay alam ko at kabisado ng tenga ko ang boses niya. It's him. Wesley.... Bakit siya nandito? Kainis... Hindi ko siya masagot. Wala akong lakas ng loob kahit na ang humarap sa titig niya. Hindi ako gumalaw kahit kaunti. Nilalamon ng sakit ang lahat pati ang boses ko.
.
Bakit pa kasi umalis-alis tong si Zenon eh. Wala tuloy sasalo sa akin.
.
"Siya na ba'ng pinalit mo sa akin!?" may gigil niyang tanong. Halata sa boses niya.
.
Galit? Galit ba siya na napalitan siya agad, o galit siya na napalitan siya? Nakakalito naman. .
.
Zenon asan ka na ba?....
.
End of Chapter...
.
Oh my...!.... mukhang nasukol sa isang awkward moment tong si Saikha.
.
Anon nang mangyayari?
.
Ang tagal naman ni Zenon....
Pakitawag niyo nga.....
.
Vote and comment lang...
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top