SAANL 3-2: Still Hurts
All Rights Reserved Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Saikha's POV"
Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto ng room ko. At nang mabuksan ko ay natuon ang mga mata ng mga kaklase ko sa akin. Pakiramdam ko tuloy para akong isang kriminal. Inilibot ko ang aking paningin sa mga nakaupo ko nang mga kaklase at nakita ko sila.
.
Akala ko hindi ako masasaktan pero mali pala ako. Nagbabadya na naman ang mga luha sa mata ko. Pinipigilan ko lang ang mga ito. Iba na talaga kapag emosyon na ang gumagana. I just froze there na parang tanga na nakatingin sa kanila.
.
Tumingin sila sa akin. Blangko at malalamig ang mata. Di gaya sa akin puno ng sakit. Dapat ako ang katabi niya. Dapat ako ang hahawak sa kamay niya. Dapat ako ang lagi niyang kasama sa pagkain at sa pag-uwi.
.
Pero lahat ay nagbago na. Meron ng iba na tatabi sa kanya, hahawak sa kamay, at palaging makakasama. Ang sakit-sakit... :(
Sobrang sakit!
.
Hindi ko pa rin matanggap ang bagay na iyon. May boyfriend na ako at mukha naman siyang mabait at mukhang pangangatawanan niya ang kanyang mga salita. Bakit naman kasi sa ibang university pa siya nag-aaral eh.
.
Gusto kong bumagsak at mag-iiyak kaso wala akong masandalan. Wala dito si Zenon. Sinoot kong muli ang eye glasses ko nang biglang bumukas uli ang pinto ng room. Hindi ko iyon pinansin hanggang sa may kamay na umakbay sa akin at nagsalita.
"Bakit nakatayo ka pa diyan?" sabi ng pamilyar ni boses.. "Hindi ka pa ba nakakapili ng upuan?"
.
Dahilan para lingunin ko kung sino ang dumating.
.
Kung pwede lang lumuwa ng mata ko sa sobrang gulat ay nangyari na.
.
"Anong---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
.
"Halika, dito nalang tayo." kinabig niya ako papunta sa hilera ng mga upuan. Nung napaharap kami sa bandang pinto binulungan niya ako.
.
"Punasan mo na yang mga luha mo.." sabi nito.
"Alam kong nandito siya. Huwag ka nang mag-alala nandito naman ako eh!" at kumindat siya sa akin. Ang lapad din ng ngiti niya.
.
.
Pero nung mamalayan ko kung saan nuya ako dinala, huli na para magreklamo ako. Kung di nga naman siya magaling eh, sa unahan pa nila Wesley at ng bago niyang GF.
.
Awkward naman kung magrereklamo ako at lumipat. Kailangan ko nalang pakatatag, hindi naman kasalanan ni Zenon to eh. Hindi pa naman niya kilala si Wesley kaya naintindihan ko. Nakaupo si Zenon sa harapan ng GF ni Wesley at si Wesley ay nasa likuran ko. Hindi parin nawawala ang ngiti ni Zenon at iyon ang nagpapatatag sa akin.
.
Hinawakan ko na lang ang kaliwang kamay niya at nag-ayos sa pag-upo.
.
"Grabe ang lamig dito no?" biglang basag ni Zenon sa katahimikan.
.
Tumango lang ako..
"Oo, malamig nga... Sobra..!" sagot ko dito..
.
Kung alam mo lang Zenon....
.
End of Chapter....
Naman oh... nagkatabi-tabi pa silang apat... Paniguradong gulo ito....
.
Ano na? Pano makaka-move on itong si Saikha kung ganitong lagi niyang makikita ang ex. Nasa likod pa niya...
.
Haayy naku.... problema toh...
Vote and comment po.
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top