SAANL 3-1: Jarden University

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Saikha's POV"

     *****After two days*****

     "Pasukan na bukas Saikha. Sigurado ka bang ok ka na?" tanong ng kuya Aiden ko.

.

"Oo, ayos lang ako. Wala na namang pinagkaiba yun nung nakaraang dalawang buwan. Naconfirm ko lang nung pumunta ako sa kanila." ito ang sagot ko ng hindi pinapakitang nasasaktan.
.

Pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa mukha ng kapatid ko. Kahit ganyan yan ay alam kong mahal na mahal niya ako at siyempre mahal ko din siya noh. Bading siya oo, pero lalaking lalaki kung manamit at umasta. Aminado siyang bakla siya di tulad ni Zenon na sabi di daw siya bakla.

.

"Totoo ba naman yan?" muli niyang tanong. Inilapit pa niya ang mukha sa monitor ng laptop niya at pinanlakihan ako ng mata.

.

"Oo." tipid kong sagot.
.
.
"Sure ka?" sabi nito.
.

"Hinde" sagot ko.
.

"Ano ba, klaruhin mo nga?" nainis niyang sagot.
.

"Sinagot na kasi kita kanina. May patanong ka pa kasing sure ka ba eh. Eh tama naman yung basa ko sa cript ko. Tignan mo oh." at pinakita ko sa kanya ang papel na hawak ko. .

.

"Aba itong babaeng toh! Baliw ka na talaga!." naiinis na naman niyang sabi.

.

     Si kuya Aiden lang ang may alam na may boyfriend ako. Nilihim namin iyon kina mama at papa. Ayaw kasi ng pamilya ni Wesley sa akin, pero pinaglaban niya parin ako sa kanila. Pero ngayon mukhang ang dali niyang nalimutan ang pinagsamahan namin. Hindi ko na rin sinabi kay kuya ang tungkol kay Zenon. Kasi magagalit lang yun at baka lumipad pabalik dito.

.

Unang dahilan: dahil nagka boyfriend agad ako ilang oras pa lang ng break up namin ni Wesley.

Pangalawang dahilan: Nagtangka akong magpakamatay kaya napilitan si Zenon na gawin iyon.

kaya ang sabi ko na lang....

.

"Ayos lang talaga ako Den. Kaya ko to hindi na ako magpapaka tanga."
.

"Ok, tatandaan ko yan ha. O, siya matulog ka na at tatapusin ko na tong video call. Gagala pa ako bukas.!" masaya nitong sabi.
.

"Pasalubong ko pag nakabalik ka na ha?" sabi ko.
.
.

"Ok, promise. But as for the coming days, mainggit ka sa pictures ko! O sigeh na Love you! bye.."  sabi ni Den.
.

"Love you too! bye!" nagpaalam na ako. 

Haayy... wala na siya. Malungkot na naman ako. Kaya kinuha ko ang paboritong unan ko na lagi kong iniiyakan at niyakap ito ng mahigpit. Humiga ako sa kama pagtapos kong itupi ang laptop ko. Pipikit na sana ako nang tumunog ang cellphone ko.
.

     May nag txt na number lang.

**Hello, Zenon to. Sorry ngayon lang nakatxt. Save mo number ko ah. Nga pala, Good luck sa first day of school bukas! Good night! ;) **

..

Sinave ko muna ang number niya bago nagreply.
.

.
**Ok, salamat :) At good night din!**

At natulog na ako. ..

.

******Kinaumagahan******

.

"Oy, maaga ka yata anak?" tanong ni mama.

Maaga kasi akong nagising at nagkasabay kami ni mama. Maaga din kasi ang pasok niya sa trabaho.

.

"First day po ng pasukan." sagot ko o Sa dahilang baka makita ko siya dun kaso bilang kaibigan na nga lang.

.

Plano pa naman sana namin yun noon na mag-aral sa Jarden University, kumuha ng parehong kurso at schedulle.

.

"Kumain na tayo at nang makapaghanda ka na." sabi ni mama matapos ihanda ang hapag.

.

After eating ay pumanhik ako sa taas upang gawin ang morning rituals ko. It took me like half an hour para matapos iyon. First day pa lang so kahit ano muna ang suot. So nagsuot ako ng dress. Kulay yellow yung na mayroong black stripes at tinernohan ng body belt na with glitters may suot din akong crystal pendant na amethyst. At malaking shoulder  bag and of course branded yun.

And I'm off to go...

.

"Bye ma!" paalam ko kay mama.

Nagtaxi ulit ako kasi hindi ako pwedeng sumabay kay mama. Nasa ibang direction kasi ang office niya.
.

After 20 minutes narating ko na ang Jarden University. Nasa gate na ako nito..

.

Unang gagawin ay hanapin ang classroom. Kaso hindi na naman bago sa akin ang ganito so I decided to just roam around. Lilibutin ko muna ang school campus. Hanggang registrar at administrators building lang ako nung enrollment eh.
.

So, pagkakataon ko na ito na kabisaduhin ang buong campus.
I prepared myself at pumasok. Grand entrance na parang modelo lang. Nakasuot ako ng eye glasses kasi at nakalugay ang medyo blonde kong buhok na may normal curl.
.

.
Wala akong pakialam sa mga napapatingin sa akin. Manigas sika sa ganda ko. Maganda na rin itong simula sa pagmo-move on. To look pretty and available. Narating ko ang engineering building at dumaan ako dito. Katapat nito ang science laboratory at sa di kalayuan ay ang canteen. Maganda ang surroundings, alagang alaga ang mga halaman. May garden din sa unahan and it's so perfect. Naglakad pa ako ng malayo hindi naman ako naka hills kaya ayos lang. Narating ko ang math at IT department nandito ang room ko kaya nilagpasan ko muna at nagtungo sa open field. Ang lawak at sobrang green ng carpet grass dito. Katabi nito ang Gym kung saan din nanduon ang Guidance at clinick room. Pati arts club at music club offices ay nadon din.
.
.

Napatingin ako sa phone ko to check the time. At mga ten minutes pa para sa first period namin. Kaya bumalik na ako sa building namin.

.

Kung nadun man si Wesley dapat hindi ka magpaapekto. Kailangan chill lang girl. Kawalan niya ang pag-iwan niya sa iyo. Ipakita mo sa kanya na matatag ka at hindi mo kawalan ang isang gaya niya.

.

sabi ko sa aking sarili..

.

End of Chapter...

.

.
Hala first day of school na...
Anong naghihintay kay Saikha sa classroom nila...?

Abangan....

.

@TheoMamites
.
.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top